Pandemic Darlings The pandemic economy, in original documents
Home Source documents Targeted EIDL Advance Overview (Tagalog)

Targeted EIDL Advance Overview (Tagalog)

Summary

Tagalog-language version of the SBA overview of the COVID-19 Targeted EIDL Advance, form 054. It explains that the advance, created by law at the end of 2020, gives businesses in low-income communities additional funds for small business continuity, adaptation and resiliency. It says the advance is available to applicants in low-income communities that previously received an EIDL advance of less than the maximum, or that applied but received no funds because program money ran out, and that applicants need take no action because SBA will contact those who qualify.

Summary drafted by a model from the document's text below and checked by script against that text before publication. It is a navigation aid, not a reading of what the document proves. Where AI is used

Full text

                                                                                054 - Tagalog - Tagalog

                                                  Office of Disaster Assistance
                                                      BUOD ng Targeted EIDL Advance

Isinabatas ang COVID-19 Targeted EIDL Advance noong Disyembre 27, 2020, bilang bahagi ng
Economic Aid to Hard-Hit Small Businesses, Non-Profits, and Venues Act. Nagbibigay ng mga
karagdagang pautang ang Targeted EIDL Advance sa mga negosyong matatagpuan sa mga komunidad
na maliit ang kinikita para matiyak ang pagpapatuloy, pag-akma, at pag-agapay ng maliliit na negosyo.
Makakukuha ng mga pang-advance na pondo na hanggang $10,000 ang mga aplikanteng nasa mga
komunidad na maliit ang kinikita na dati nang nakatanggap ng EIDL Advance na wala pang $10,000, o
ang mga nag-apply pero hindi nakatanggap ng pondo dahil sa kakulangan ng pondo ng programa.

                   Walang kailangang gawin ang mga aplikante sa panahong ito.
                    SBA ang makikipag-ugnay sa iyo kung ikaw ay kwalipikado!

Unang makikipag-ugnay ang SBA sa mga aplikasyon sa EIDL na nakatanggap na noon ng partial na EIDL
Advance (hal. sa pagitan ng $1,000 - $9,000). Direktang kokontakin ng SBA ang mga aplikante sa
pamamagitan ng email sa mga darating na linggo taglay ang mga tagubilin para matukoy ang
pagkakarapat-dapat at pagsumite ng mga dokumento.
Lahat ng komunikasyon mula sa SBA ay ipapadala mula sa isang opisyal na email ng gobyerno na
nagtatapos sa @sba.gov. Huwag magpapadala ng maselang impormasyon sa pamamagitan ng email
sa anumang adres na hindi nagtatapos sa @sba.gov.
Maaaring magkwalipika ang mga aplikante kung sila:
   o   Ay nasa komunidad na maliit ang kinikita. Ang paglalarawan sa isang “komunidad na maliit ang
       kinikita” (low-income community) ay inilarawan sa seksyon 45D(e) ng Internal Revenue Code.
       Tandaan na dapat na matatagpuan ang aplikante sa isang komunidad na maliit ang kinikita para
       magkwalipika. Makukuha sa nalalapit na panahon ang mga karagdagang detalye sa kung paano
       tutukuyin ng SBA ang mga komunidad na maliit ang kinikita sa www.sba.gov/coronavirusrelief; AT
   o   Magagawang ipakita ang higit sa 30% na pagbaba ng kinikita sa loob ng isang 8-linggong haba
       ng panahon simula Marso 2, 2020, o mas huli pa. Kung masapatan ng isang aplikante ang
       panukatan sa pagiging nasa komunidad na maliit ang kinikita, hihilingin sa kanila na magbigay ng
       gross monthly revenue (lahat ng pinagsama-samang buwanang kinikita na natanggap, gaya ng
       mga tinubo o sinahod) para kumpirmahin ang 30% na pagbaba.




       1/25/2021 18:11 PM                                                                1|Pahina
                                                 Office of Disaster Assistance
                                                     BUOD ng Targeted EIDL Advance

Sunod, makikipag-ugnay ang SBA sa mga nag-apply para sa ayudang EIDL sa o bago ang Disyembre 27,
2020, pero hindi nakatanggap ng EIDL Advance dahil sa kawalan ng pondo ng programa. Makatatanggap
ng email ang mga aplikanteng ito mula sa SBA na may kasamang mga tagubilin para matukoy ang
pagiging kakarapat-dapat at ang pagsumite ng mga dokumento. Maaaring magkwalipika ang mga
aplikante para sa isang Targeted EIDL Advance kung masasapatan nila ang panukatang nasa itaas
(matatagpuan sa komunidad na maliit ang kinikita at pagbaba ng kinikita) AT:
   o   Mayroong 300 o mas kaunti pang empleyado. Kwalipikado ang mga entidad sa negosyo na
       karaniwang karapat-dapat para sa programang EIDL, kabilang ang mga sole proprietor,
       independent contractor, at mga pribado, at nonprofit na organisasyon. Hindi kwalipikado ang
       mga negosyong pang-agrikultura.
Maaaring hingin sa lahat na aplikante na magbigay ng IRS Form 4506-T para magbigay-daan sa SBA na
makahiling ng impormasyon sa tax return para sa aplikante.

 Huwag magsusumite ng mga duplicate na aplikasyon sa COVID-19 EIDL. Tanging mga
     dati nang aplikante ang isasaalang-alang para sa Targeted EIDL Advance.

                SBA ang makikipag-ugnay sa iyo kung ikaw ay kwalipikado!




       1/25/2021 18:11 PM                                                              2|Pahina


File and source

File
2021-05_Targeted-EIDL-Advance-Overview_Tagalog.pdf
Size
623,211 bytes
SHA-256
1e8a11c62902012d09ee3620428d7f4de26826b4ffc5990ab503896849ef0034
Our copy
2021-05_Targeted-EIDL-Advance-Overview_Tagalog.pdf
Original
www.sba.gov
Back to top