Shuttered Venue Operators Grant Application Checklist (Tagalog)
Summary
Tagalog-language (Tagalog) version of the SBA application checklist for the Shuttered Venue Operators Grant (SVOG), form 150. It explains that the SVOG application (SBA Form 3515) requires applicants to submit supporting documents showing that they meet the grant and eligibility requirements, and that SBA provides the checklist to help applicants gather and prepare those materials. The checklist marks some items as required and gives others as examples of acceptable documents.
Summary drafted by a model from the document's text below and checked by script against that text before publication. It is a navigation aid, not a reading of what the document proves. Where AI is used
Full text
150 - Tagalog - Tagalog
Shuttered Venue Operators Grant
Checklist ng Aplikasyon | Hulyo 28, 2021
Kailangan ng Aplikasyon sa Shuttered Venue Operators Grant (SBA Form 3515) na magsumite ang mga
Aplikante ng mga pangsuportang dokumento para ipakita ang pagsunod sa kaloob (grant) at mga rekisito
sa pagiging karapat-dapat para sa Shuttered Venue Operators Grant (SVOG).
Pata makatulong sa pagtipon at paghanda ng mga kinakailangang materyales sa pag-apply sa SVOG,
ibinibigay ng SBA ang sumusunod na Checklist ng Aplikasyon. Ang ilan sa mga item ay kakailanganin, at
ang ilan ay mga halimbawa ng dokumentasyon na maaaring isumite bilang pangsuportang katibayan ng
pagiging karapat-dapat. Lahat ng dokumento ay kinakailangang nababasa at kailangan na may lagda at
petsa ang mga dokumentong sertipikasyon. May pabatid na * bago ang item, sa mga pagbabago/update sa
checklist na ito mula sa mga naunang bersyon.
Para sa karagdagang impormasyon sa pagiging karapat-dapat para sa programa, mga paglalarawan,
atbp., sumangguni ata repasuhin nang mabuti ang Frequently Asked Questions ng SVOG (SVOG FAQ).
Kinakailangang Dokumentasyon, Impormasyon,
at Teknolohiya
Lahat ng Aplikante
Teknolohiya
* Access sa Internet at akmang browser
o Pinakamahusay na gagana ang application portal ng SVOG sa mga pinakabagong bersiyon ng
Microsoft Edge, Google, Firefox at Safari. Hindi ito gagana sa Internet Explorer.
* Smartphone na may naka-install na authenticator app
o Kailangan ng online application portal ng SVOG ng multi-factor authentication sa pag-login.
Kakailanganin ng mga aplikante ng access sa isang smartphone na mayroong naka-install na
authenticator. Hindi kailangang pag-aari ng mga aplikante ang telepono.
o Mahahanap ang mga authenticator app (Salesforce, Google, Authy, atbp.) sa mga Android
device sa Google Play app at sa mga Apple Devices sa App Store. Para lang ito sa pag-
authenticate ng account mo. Hindi makikipag-ugnayan ang SBA sa iyo sa pamamagitan ng
telepono.
* Isang balidong email address
o Lahat ng komunikasyon mula sa SBA tungkol sa aplikasyon mo ay magiging sa pamamagitan
ng email. Dapat na mayroon kang balidong email address para mag-apply para sa SVOG.
Mga dokumento ng organisasyon at nakatutukoy ng pagkakakilanlan
Naksulat na Sertipikasyon ng Pangangailangan
o Isang sertipikasyon ng mabuting hangarin na dahil sa kawalang-kasiguruhan sa kasalukuyang
kondisyon ng ekonomiya, nagiging kinakailangan ang kaloob para masuportahan ang mga
nagpapatuloy na operasyon ng karapat-dapat na tao o entidad.
1|P a h i n a
o Kung kasalukuyang nag-o-operate ang entidad, dapat ihayag na manatiling nag-o-operate ang
entidad pagkatapos na matanggap ang pondo. Kung kasalukuyang shuttered (nakasara) ang
entidad, kasama dapat sa pahayag ang balak na muling magbukas na may tinatayang petsa ng
muling pagbubukas.
o Lahat ng pahayag ay dapat na may kasamang kasiguruhan na ganap na nag-o-operate ang
entidad noong Pebrero 29, 2020.
o May nilalaman ang SVOG FAQ na wikain na magagamit ng isang Aplikante para sa
Sertipikasyon ng Pangangailangan.
Photo ID ng may-ari ng negosyo na mula sa gobyerno o awtorisadong kinatawan ng entidad
o Kopya ng harap ng photo ID ng may-ari ng negosyo o awtorisadong kinatawan ng
organisasyon. Ang mga katanggap-tanggap na anyo ng ID ang lisensya sa pagmamaneho ng
estado o identification card, passport book, passport card, US permanent resident card, atbp.
Lisensya ng negosyo, kung naaangkop
o Kung hinihingi ng batas ng lungsod, county, o estado na magkaroon ng lisensya ng negosyo
ang entidad mo, magbigay ng kopya.
* Ang pangalan, EIN, at DUNS number para sa bawat isa sa mga kasosyo ng aplikante, kung
naaangkop
o Kung may mga kasosyo ang entidad mo (mga organisasyon na konektado sa pamamagitan ng
magkasamang pag-aari, pamamahala, o sa pamamagitan ng mga kontrata o iba pang legal na
areglamente), kakailanganin mo ng magbigay ng lista, kabilang ang mga pangalan, EIN, at DUN
number.
o Para sa mas maraming impormasyon tungkol sa mga kasosyo, basahin ang SVOG FAQ.
Mga Dokumento sa Pananalapi
2019 na Tax Return
o Kung nag-o-operate para sa anumang bahagi ng 2019, isang kopya ng 2019 na tax return ng
entidad, kasama ang lahat na schedule.
2020 na Tax Return
o Kung nakapag-file na ang aplikante ng buwis para sa 2020, kakailanganin ng aplikante na
magbigay ng 2020 na tax return, kasama ang lahat na schedule, sa panahon ng pag-apply.
o Kung hindi pa nakapag-file na ang aplikante ng buwis para sa 2020, kakailanganin ng aplikante
na magbigay ng 2020 na tax return, kasama ang lahat na schedule, sa panahon ng pag-apply
kung gagawaran ito ng SVOG.
2018 na Tax Return (hinihingi lang para sa mga non-profit na organisasyon na hindi pa natatapos
ang kanilang 2020 na fiscal year)
o Para sa mga non-profit na organisasyon na hindi pa naaabot ang wakas ng kanilang 2020 na
fiscal year, isang kopya ng 2018 na tax return ngorganisasyon, kasama ang lahat na schedule.
* Mga Dokumento sa Pagkabangkarote (kailangan lang para sa Chapter 11 o Chapter 13
bankruptcy)
o Gaya ng kopya ng petisyon sa pagkabangkarote, kasalukuyang docket sheet ng bankruptcy
proceeding, isang kautusan ng kumpirmasyon ng bankruptcy plan, o isang kautusan ng pag-
dismiss o kautusang nagsasara sa kaso.
Dokumentasyon sa status ng di-pagkakabilang sa binubuwisan (tax exempt status) (sa anyong
501(a) exempt status, government charter), kung naaangkop
o Kung exempt ka sa pag-file ng 2019 at 2020 na pederal na buwis, mag-upload ng dokumentong
nagpapatotoo sa exempt status mo.
o Tandaan na ang pagiging exempt (di-kabilang) sa pag-file ng buwis at pagiging exempt sa
pagbabayad ng buwis ay hiwalay at magkaiba.
2|P a h i n a
Mga Standard na Form
SF-424B – Mga Garantiya para sa Mga Non-Construction na Programa
o Nagpapatunay na susundin ng entidad ang lahat ng umiiral na rekisito ng batas pederal, mga
executive order, mga regulasyon, at mga polisiya na namamahala sa programa sa kaloob.
Bahagi rin ito ng pagrehistro sa SAM.gov.
Sertipikasyon na Drug-free ang Lugar ng Trabaho
SBA Form 1623, Sertipikasyon Kaugnay ng Pagkaka-debar, Suspensyon, at Iba Pang Usaping Pang-
responsibilidad
SBA Form 1711, Sertipikasyon Kaugnay ng Pag-lobby at Pagsiwalat ng Mga Aktibidad na Pag-lobby
– kailangan para sa mga organisasyon na hindi nagsasagawa ng pag-lobby, kung naaangkop
* SF-LLL Pagsiwalat ng mga Aktibidad na Pag-lobby – kailangan para sa mga organisasyon na
nagsasagawa ng mga aktibidad na pag-lobby, kung naaangkop
o Sertipikasyon na nagpapaliwanag sa kalikasan ng anumang aktibidad sa pag-lobby.
* SVOG-specific 4506-T – SVOG Hiling para sa Transcript ng Tax Return – kailangan para sa mga
aplikante na nag-file ng mga tax form na 1040, 1065, 1120, 1120-S, 990, o 990-EZ
Mga Dokumentong Partikular sa Aplikante
Live Venue Operator or Promoter, Theatrical Producer, o Live Performing
Arts Organization Operator
Kung ang aplikante ang operator ng isang venue: Floor Plan (o kahalintulad na dokumento) na
nagpapakita sa tinakdang mga espasyo para sa performance at manonood at plano ng grounds
kung espasyo sa labas ang ginagamit para sa venue ng performance
Operator ng Sinehan
Floor Plan ng pasilidad na tumutukoy sa projection booth o espasyo na naglalaman ng motion
picture projector
Operator ng Museo
Floor Plan (o kahalintulad na dokumento) na nagpapakita sa mga exhibit space at isa man lang na
auditorium, teatro, o performance o lecture hall na may nakapirming upuan
o Isama ang plan ng grounds kung ginagamit ang espasyo sa labas ng gusali para sa auditorium,
teatro, o performance o lecture hall.
Isang dokumeto na may mga link papunta sa mga ordinansang pang-Estado o local na
nagdodokumento sa mga pagbabawal sa paggamit na kaugnay ng pandemya (mga kautusan mula
sa mga opisyal o tanggapan ng gobyerno)
o Mga pang-estado o lokal na ordinansa na nagpapakita sa limitasyon ng paggamit na
nakaapekto sa museo.
o Tatanggapin ang mga link o kopya ng mga dokumento (hal., isang .pdf o .doc ng mga
pagbabawal).
Dokumentasyon ng non-profit o not-for-profit na status (sa anyo ng liham sa status ng pagiging
tax-exempt - kailangan lang para sa mga non-profit na entidad)
3|P a h i n a
Mga halimbawa ng Pangsuportang Dokumento,
Impormasyon, at Teknolohiya
Bilang karagdagan sa mga hinihinging dokumento na tinukoy sa itaas, nagbibigay ang SBA ng mga
sumusunod na lista ng mga uri ng pang-suportang dokumento na magagamit para ipakita ang pagsunod
ng aplikante sa isang partikular na rekisito sa pagkakarapat-dapat. Hindi kumpleto ang mga halimbawang
nasa listang ito at inaanyayahan ang mga aplikante na isumite ang anumang iba pang dokumento na sa
palagay nila’y makasusuporta sa kanilang pagkakarapat-dapat. Kailangang nababasa ang lahat na
dokumento.
Lahat ng Aplikante
Teknolohiya
* Website address ng negosyo, kung naaangkop
o Kung ang Aplikanteng organisasyon ay may website, ibigay ang address.
o Kung walang sariling website address ang aplikante, magagamit ang isang link papunta sa
page ng aplikante sa isang social media platform.
* Presensya sa media presence (sa anyo ng mga link papunta sa mga post sa social media, mga
screenshot ng mga post sa social media, o mga resibong binayaran para sa advertising sa mga
social media platform)
Mga dokumento ng organisasyon at nakatutukoy ng pagkakakilanlan
Mga dokumento sa pagbuo ng negosyo
o Kabilang sa mga halimbawa ang Articles of Incorporation, Certificate of Existence, Certificate of
Organization, State LLC Agreement, Certificate of Formation, Articles of Information, o Mga
Kasunduan sa Sosyohan, Operating Agreement, Doing Business As (DBA) Certificate, Certificate
of Good Standing from State o City Government, atbp.
o Ang mga dokumento ay dapat balido sa oras ng pagsumite at taglay ang lahat na
kinakailangang lagda.
Mga dokumentong sumusuporta sa petsa na nagsimulang mag-operate ang negosyo
o Kabilang sa mga halimbawa ang mga quarterly tax filing, mga financial statement, mga
dokumeto ng payroll, mga dokumeto sa pagbuo ng negosyo na binanggit sa itaas, lisensya ng
negosyo, atbp.
*Mga personnel na dokumento
o Mga dokumentong sumusuporta sa mga tauhang nagtatrabaho para sa entidad. Kabilang sa
mga halimbawa ang lista ng mga empleyado na may kasamang mga titulo at status ng
empleyado (full at part time), mga kontrata, mga tala ng payroll, mga paglalarawan ng
trabaho, atbp.
o Basahin ang SVOG FAQ para sa karagdagang impormasyon.
Mga Dokumento sa Pananalapi
Mga kopya ng isinumiteng tax return na sumasaklaw sa buong 2019 at 2020, kabilang ang anuman
at lahat na Schedules na ginamit, gaya ng:
o IRS Form 1040 Schedule C
o IRS Form 1065 (kasama ang mga K-1)
4|P a h i n a
o Maaaring kailanganin ng mga nag-file ng fiscal year na magsumite ng mga return para sa Tax
Year 2018 para masaklaw ang 2019
Mga nilagdaang financial statement na sumasaklaw sa mga quarter ng 2019, 2020, at 2021, gaya
ng mga Income Statement o Profit and Loss Statement
o Mga Monthly o Quarterly na statement ng kinita o profit & loss statement na nagpapakita sa
lahat ng pinagmumulan ng kinikita at ginagastos.
o Kung hindi nagnenegosyo ang entidad para sa buong 2019, isama ang mga income
statement para sa lahat ng quarter na nag-o-operate ito.
Mga nilagdaang financial audit na binuo ng isang ikatlong partido
o Kopya ng pinakabagong na-audit na financial statement (2019) o Single Audit (kung
naaangkop) o link papunta sa website kung saan matatagpuan ang ulat.
Third-party na ticket system o mga third-party na merchant account
Tinatanggap ang mga CPA comfort letter o CPA firm attestation (pero hindi kinakailangan)
kasama ng isa sa mga nasa itaas
Mga Dokumentong Partikular sa Aplikante
Live Venue Operator or Promoter, Theatrical Producer, o Live Performing
Arts Organization Operator
Mga dokumentong magpapakita na ang venue ay mayroong kagamitan para sa audio mixing, isang
public address system, at lighting rig
o Kabilang sa mga halimbawa ang mga resibo para sa mga binili o pag-install, mga dokumento
nga insurance na sumasaklaw sa mga item, litrato, mga spec sheet ng venue, o iba pang mga
dokumento na nagpapatunay na taglay ng venue ang kagamitang ito.
Kung ang aplikante ay nagpro-promote o nagpro-produce ng mga live na performing arts event sa
mga venue na hindi siya ang nag-o-operate, idokumento ang mga event
o Kabilang sa mga halimbawa ang lista ng mga venue kung saan nag-promote, nag-produce,
nag-manage, o nag-host ang aplikante ng mga live event sa pagitan ng Enero 1, 2019 at
Pebrero 29, 2020; ipakita ang mga listing at contract/memorandum sa mga artist (talent); o
profile sa database o registry ng propesyunal sa industriya.
Mga Materyales na Pang-marketing
o Kabilang sa mga halimbawa ang mga kopya ng print o electronic na advertising, mga
binayarang resibo para sa advertising, mga social media page, atbp. na naglilista sa mga
pamagat ng event, mga oras at petsa ng palabas, at presyo ng ticket o rekisito sa pagpasok.
o Kung nagkaroon ka ng 10 o higit pang mga event sa loob ng 2019, magbigay ng suporta para sa
10 event na sa palagay mo’y pinakamahusay na kumakatawan sa organisasyon mo.
o Kung nagkaroon ka ng mas kaunti sa 10 event, magbigay ng suporta para sa lahat ng event.
Impormasyon ng box office/ticketing para sa mga performance noong Pebrero 2020
o Kabilang sa mga halimbawa ang mga ledger, mga income statement, mga ulat ng box office,
atbp. Dapat ipakita ang mga petsa ng palabas, mga artist o event, presyo ng ticket, at bilang ng
mga nabentang ticket. Ibigay ang ulat para sa lahat ng performance para sa Pebrero 2020.
o Kung nag-o-operate ang venue pero hindi nagkaroon ng mga performance noong Pebrero
2020, pumili ng isang buwan sa pagitan ng Enero 2019 at Enero 2020 at ibigay ang
dokumentong iyon.
Mga kasunduan sa pagganap ng mga artist
o Kabilang sa mga halimbawa ang mga kontrata, dokumentasyon sa pananalapi, at mga
kasunduan sa pagganap.
5|P a h i n a
Operator ng Sinehan
Katibayan ng cinema projection system
o Kabilang sa mga halimbawa ang isang diagram ng layout ng venue, mga litrato, mga
kasunduan sa serbisyo, kasunduan sa pagbili, o mga kontrata mula sa isang provider ng
projector, o isang digital cinema certification form.
Mga Materyales na Pang-marketing
o Kabilang sa mga halimbawa ang mga kopya ng print o electronic na advertising, mga
binayarang resibo para sa advertising, mga social media page, atbp. na naglilista sa event o
mga pamagat ng pelikula, mga oras at petsa ng palabas, at presyo ng ticket o rekisito sa
pagpasok.
o Kung nagkaroon ka ng 10 o higit pang event sa loob ng 2019, magbigay ng suporta para sa 10
event na sa palagay mo’y pinakamahusay na kumakatawan sa organisasyon mo.
o Kung nagkaroon ka ng mas kaunti sa 10 event, magbigay ng suporta para sa lahat ng event.
Impormasyon ng box office/ticketing para sa mga performance noong Pebrero 2020
o Kabilang sa mga halimbawa ang mga ledger, mga income statement, mga ulat ng box office,
atbp. Dapat ipakita ang mga petsa ng palabas, mga artist o event, presyo ng ticket, at bilang ng
mga nabentang ticket. Ibigay ang ulat para sa lahat ng performance para sa Pebrero 2020.
o Kung nag-o-operate ang venue pero hindi nagkaroon ng mga performance noong Pebrero
2020, pumili ng isang buwan sa pagitan ng Enero 2019 at Enero 2020 at ibigay ang
dokumentong iyon.
Kinatawan ng Talent
Katibayan na nagpapakita ng representasyon ng dalawa man lang na performing artist o
entertainer
o Kabilang sa mga halimbawa ang mga kasunduang contractual/consultant sa mga talent na
kinakatawan, mga venue na ginamit at katibayan ng booking.
Lista ng mga indibidwal o act na kinakatawan at mga venue kung saan kinontrata ang mga ito na
mag-perform noong 2019 at 2020 (kabilang ang mga kinanselang performance dahil sa COVID-19)
o Crosswalk na listahan ng lahat na indibidwal o act na kinatawan at mga venue kung saan
kinontrata ang mga ito para mag-perform. Dapat kasama sa listahang ito ang lahat ng talent na
kinatawan noong 2019 at 2020, mga venue kung saan kinontrata ang mga ito para mag-perform
at mga petsa ng performance (ilagay kung kinansela ang performance dahil sa COVID-19).
6|P a h i n a
File and source
- File
- 2021-08_7-28-21-SVOG-Application-Checklist-FINAL_Tagalog.pdf
- Size
- 408,797 bytes
- SHA-256
- f8db196b0b1eda1e742868e3753790e6e5df8c62a61210d2e381e63a2ef991e4
- Original
- www.sba.gov