Pandemic Darlings The pandemic economy, in original documents
Home SBA, Restaurant Revitalization Funding Program Guide (Tagalog translation)Search ⌕

SBA, Restaurant Revitalization Funding Program Guide (Tagalog translation)

Summary

A Tagalog translation of the SBA's Restaurant Revitalization Funding Program Guide, dated "ika-20 ng Abril, 2021". It states that the American Rescue Plan Act (ARPA) (P.L. 117-2) became public law on "Marso 11, 2021" and that its section 5003 set up the Restaurant Revitalization Fund with $28.6 bilyon for the SBA to award. The guide states that the SBA may provide up to $5,000,000 per location, with a $10,000,000 limit for an applicant and its affiliates, and that the minimum award is $1,000. Its sections cover eligible entities, the applicant's Good Faith Certification, the funding calculations (Kalkulasyon 1, 2 and 3), eligible uses of funds, the timeframe for using funds and how to apply. It closes with definitions citing 13 CFR § 124.3.

Summary drafted by a model from the document's text below and checked by script against that text before publication. It is a navigation aid, not a reading of what the document proves. Where AI is used

Cite this document

“SBA, Restaurant Revitalization Funding Program Guide (Tagalog translation).” Original at legacy.sba.gov. Archived at Pandemic Darlings, https://pandemicdarlings.com/source-documents/sba-restaurant-revitalization-funding-program-guide-tagalog-translatio-a27ebac544/, SHA-256 4ff8f03f8cf382b63e338c717f1923a74cf9d0daee248a34bbaddb550c862f6d.

Full text

                                                098 - Tagalog - Tagalog




Programang Restaurant Revitalization Funding



     Gabay sa Programa mula ika-20 ng Abril, 2021
Talaan ng Mga Nilalaman
Programang Restaurant Revitalization Funding ............................................................................. 1
   Talaan ng Mga Nilalaman ........................................................................................................... 2
   Panimula ..................................................................................................................................... 3
   Pagiging Karapat-dapat ............................................................................................................... 3
      Mga karapat-dapat na Entidad ................................................................................................ 3
      Good Faith Certification ng Aplikante ................................................................................... 6
   Pagkalkula sa Halaga ng Pagpopondo ........................................................................................ 7
      Kalkulasyon 1 (Talaan 1 mula sa Aplikasyon): Mga Aplikante na nag-o-operate
      (nakakabenta) bago o noong Enero 1, 2019: .......................................................................... 7
      Ang mga Aplikanteng nagsimula ng mga operasyon (nakakabenta) nang partial sa kabuuan
      ng 2019.................................................................................................................................... 8
      Kalkulasyon 2 (Talaan 2 mula sa Aplikasyon): ...................................................................... 8
      Kalkulasyon 3 (Talaan 3 mula sa Aplikasyon): Ang mga Aplikante na nagsimulang mag-
      operate (makabenta) sa o sa pagitan ng Enero 1, 2020 at Marso 10, 2021; at para sa mga
      Aplikante na hindi pa nagbubukas pero mula noong Marso 11, 2021, ay nagkaroon na ng
      mga karapat-dapat na gastos: .................................................................................................. 9
   Mga Karapat-dapat na Paggamit ng Pondo ................................................................................ 9
   Timeframe para sa Paggamit ng Mga Pondo ............................................................................ 11
      Pag-validate sa Paggamit ng Mga Pondo.............................................................................. 11
   Paano Mag-apply ...................................................................................................................... 11
      Mag-apply sa pamamagitan ng mga Restaurant Partner ng SBA ......................................... 12
      Mag-apply Nang Direkta sa SBA ......................................................................................... 13
      Mag-apply sa Pamamagitan ng Telepono Direkta sa SBA ................................................... 13
      Pagtanggap ng Mga Pondo ................................................................................................... 13
      Humingi ng Tulong sa Pag-file ng Aplikasyon sa Restaurant Revitalization ...................... 14
      Impormasyon ng Aplikasyon ................................................................................................ 14
      Mga Isinantabi ...................................................................................................................... 16
      Priyoridad sa Paggawad ng Mga Pondo ............................................................................... 16
      Schedule ng Priyoridad sa Paggawad ng Mga Pondo ........................................................... 17
   Mga Dokumento na Kailangan ................................................................................................. 17
   Appendix: Mga Acronym At Abbreviation .............................................................................. 19
   Appendix: Mga Depinisyon ...................................................................................................... 20


                                                                                                                                     Pahina 2
Panimula
Ang U.S. Small Business Administration (SBA) ay naggagawad ng pagpopondo sa pamamagitan
ng Restaurant Revitalization Program sa mga restaurant, bar, at iba pang halintulad na lugar ng
negosyo na naghahain ng pagkain o inumin. Layunin ng pagpopondo na ito na magbigay ng
suporta sa mga karapat-dapat na entidad na dumanas ng pagkawala ng kinikita kaugnay ng
pandemyang COVID-19.
Noong Marso 11, 2021, naging pampublikong batas ang American Rescue Plan Act (ARPA)
(P.L. 117-2). Itinatag ng Seksiyon 5003 ang Restaurant Revitalization Fund (Fund), at naglaan
ng $28.6 bilyon sa SBA para maggawad ng mga pondo. Mananatiling magagamit ang mga
paglalaan na ito hanggang sa maubos. Patuloy na tatanggap ang SBA ng mga aplikasyon na
sasailalim sa pagkahanda ng mga pondo.
Dapat gamitin ang pondo para sa mga karapat-dapat na paggamit nang hindi lalagpas sa Marso
11, 2023.
I-access ang webpage ng SBA sa Restaurant Revitalization program dito.
Marami pang impormasyon sa mga gabay pagkaraang magawaran ng pondo ang susunod sa
gabay na ito.


Pagiging Karapat-dapat
Mga karapat-dapat na Entidad
Ang mga karapat-dapat na entidad ay mga negosyo na hindi permanenteng nagsara at kabilang
ang mga negosyo kung saan nagtitipon ang publiko o mga parokyano para sa pangunahing
layunin na mapaghainan ng pagkain o inumin kabilang ang:
   Mga restaurant                               Mga snack at nonalcoholic na beverage bar
   Mga food stand, food truck, food cart        *Mga bakery
   Mga caterer                                  *Mga brewpub, tasting room, taproom
   Mga bar, saloon, lounge, tavern              *Mga brewery at/o microbrewery
   Lisensyadong pasilidad o pananahan ng        *Mga winery at distillery
    isang producer ng inuming alkohol kung       **Mga inn
    saan maaaring tikman, mag-sample o
    bumili ng mga produkto ang publiko
 Iba pang halintulad na negosyo kung saan
    nagtitipon ang publiko o mga tumatangkilik
    para sa pangunahing layunin na mahainan
    ng pagkain o inumin
* Mga bakery, brewpub, tasting room, taproom, brewery, microbrewery, winery at distillery:
Para maging karapat-dapat, dapat na magbigay ang mga negosyong ito ng mga dokumento
kasama ng kanilang aplikasyon na ang Mga Benta sa Site sa publiko ay binubuo ng 33% man
lang ng na gross receipt noong 2019. Para sa mga negosyo na nagbukas noong 2020 o hindi pa

                                                                                       Pahina 3
nagbubukas, dapat na isinaalang-alang ng orihinal na business model ng Aplikante ang 33% man
lang na gross receipt sa mga mabebenta sa site sa publiko.

**Mga inn: Para maging karapat-dapat, dapat na magbigay ang mga negosyong ito ng mga
dokumento kasama ng kanilang aplikasyon na ang mga benta sa site ng pagkain at inumin sa
publiko ay binubuo ng 33% man lang na gross receipt noong 2019. Para sa mga negosyo na
nagbukas noong 2020 o hindi pa nagbubukas, dapat na isinaalang-alang ng orihinal na business
model ng Aplikante ang 33% man lang na gross receipt sa mga mabebenta na pagkain at inumin
sa site sa publiko.

Paalala: Para mapunan ang hinihingi ng batas na “isang lugar ng negosyo kung saan nagtitipon
ang publiko o mga patron para sa pangunahing layunin na mahainan ng pagkain o inumin,” dapat
na mayroong 33% man lang na benta noong 2019 sa site sa publiko karapat-dapat na entidad.
Para sa orihinal na business model sa negosyo ng Aplikante na nagbukas noong 2020 o hindi pa
nagbubukas, dapat na isinaalang-alang ng ang 33% man lang na gross receipt sa mga mabebenta
sa site sa publiko. Ang mga entidad na hindi hinihingan ng karagdagang dokumento, gaya ng
mga restaurant at bar, ay ipinapalagay na may benta sa site sa publiko na bumubuo sa 33% man
lang ng mga gross receipt noong 2019. Dapat na magpatotoo ang lahat na aplikante sa aplikasyon
sa sumusunod “Karapat-dapat ang Aplikante na makatanggap ng pagpopondo sa ilalim ng mga
panuntunan na umiiral sa panahon na isinumite ang aplikasyon na ito.”

Kabilang sa mga karapat-dapat na entidad ang alinman sa mga entidad sa itaas na matatagpuan
sa isang airport terminal o nag-o-operate nang hiwalay (hal. mayroong sariling tax identification
number) sa loob ng isa pang negosyo (hal. isang restaurant na hiwalay na nag-o-operate sa loob
ng isang hotel o conference center) o ito ay Negosyong pag-aari ng tribo.
 Kategorya        Karapat-dapat                            Hindi Karapat-dapat
 Anyo ng              Mga C Corporation**                    Lahat ng iba pang anyo ng
 Organisasyon         Mga S-Corporation**                     organisasyon
                      Mga Partnership
                      Mga Limited Liability Company
                      Mga sole proprietor
                      Mga self-employed na
                       indibidwal
                      Mga hiwalay na kontratista
                      Mga tribal na negosyo
 Tax                  Balido na EIN                          Paso na EIN
 Identification       Balido na SSN                          Paso na SSN
 Number ng            Balido na ITIN                         Paso na ITIN
 Negosyo
 Mga negosyo      NA                                          Anumang negosyo na pinatatakbo
 na pinatatakbo                                                ng estado o ng lokal na
 ng estado o ng                                                pamahalaan
 lokal na
 pamahalaan

                                                                                         Pahina 4
Status ng          Bukas                                  Permanenteng nakasara
operasyon          Pansamantalang sarado
                   Malapit nang magbukas, na may
                    mga naipong gastos hanggang sa
                    Marso 11, 2021
Bangkarote         hindi pa nag-file para sa            Permanenteng nakasara
ang Status          pagkabangkarote                      Nag-file ng Chapter 7 bankruptcy
                   Nag-o-operate sa ilalim ng           Nag-file ng Chapter 11, 12, 13
                    aprubadong (kumpirmadong)             bankruptcy pero hindi nag-o-
                    plano ng muling pag-organisa sa       operate sa ilalim ng aprubadong
                    ilalim ng Chapter 11, Chapter 12      (kumpirmadong) plano ng muling
                    o Chapter 13 na bankruptcy            pag-organisa
Rehistro sa        Hindi kinakailangan                N/A
SAM.gov at
DUNS number
Bilang ng mga      Mula Marso 13, 2020,                   Mula Marso 13, 2020, nagmamay-
lokasyon            nagmamay-ari o nag-o-operate            ari o nag-o-operate (kasama ng
                    (kasama ng anumang kasosyong            anumang kasosyong negosyo) ng
                    negosyo) ng 20 o mas kaunting           higit sa 20 mga lokasyon,
                    mga lokasyon, anupaman ang              anupaman ang pangalan o uri ng
                    pangalan o uri ng negosyo sa            negosyo sa mga lokasyon na ito
                    mga lokasyon na ito
Mga Aplikante      Hindi nag-apply para sa PPP        N/A
ng Paycheck        Nakatanggap na ng PPP loan
Protection         Mayroong nakabinbin na
Program             aplikasyon para sa isang PPP
                    loan (tandaan: kapag nag-apply
                    para sa pagpopondo ng
                    Restaurant Revitalization, dapat
                    na iurong ng Aplikante ang
                    anumang di-tapos na aplikasyon
                    sa PPP; na-verify ang Aplikante
                    gamit ang EIN/ITIN/SSN)

Mga Aplikante      Hindi nag-apply                        Nakatanggap ng Shuttered Venues
ng Mga             Tinanggihan ang Shuttered               Operators Grant
Shuttered           Venues Operators Grant                 Mayroong nakabinbin na
Venue                                                       aplikasyon para sa Shuttered
                                                            Venue Operators Grant

EIDL, EIDL         Hindi nag-apply                    NA
Advance,           Nakatanggap ang Aplikante ng
Targeted EIDL       Economic Injury Disaster Loan
Advance             (EIDL), EIDL Advance, o
                    Targeted EIDL Advance


                                                                                    Pahina 5
    Mga Non-        NA                                         Lahat ng non-profit na
    profit na                                                   organisasyon
    Organisasyon
    Mga Publicly    NA                                         Laha tng Publicly Traded na
    Traded na                                                   Kompanya
    Kompanya
    Mga Prangkisa       Kung nag-o-operate ang            NA
                         Aplikante sa bisa ng isang
                         prangkisa o halintulad na
                         kasunduan na nakasasapat sa
                         paglalarawan ng Federal Trade
                         Commission sa isang prangkisa
                         sa 16 CFR 436. Dapat na
                         nakalista ang prangkisa sa
                         Franchise Directory* ng SBA na
                         may franchise identifier code
                         para matiyak na karapat-dapat
                         ang prangkisa sa ilalim ng iba
                         pang panukatan ng SBA sa
                         pagkakarapat-dapat (hal., 13
                         CFR § 120.110)
    Hiniling na         Mas malaki o katumbas ng              Mga hiling na pondo na wala pang
    Laki ng              $1,000 ang hiniling na pondo           $1000
    Pagpopondo                                                 Mga hiling na pondo na lagpas sa
                                                                $5 milyon sa kada lokasyon (hindi
                                                                hihigit ng $10,000,000 na kabuuan
                                                                para sa Aplikante at anumang mga
                                                                kasosyong negosyo)

*Mga prangkisa: Para sa mga tatak na hindi nakalista sa Directory (kabilang ang mga tatak na una
nang tinanggihan na mailista sa Directory dahil sa mga problema sa sosyohan), dapat magsumite ang
franchisor ng Franchise Disclosure Document (o iba pang kasunduan) at lahat ng iba pang dokumento
na kailangang lagdaan ng isang franchisee sa franchise@sba.gov para marepaso ang iba pang
panukatang ng SBA sa pagkakarapat-dapat (hal., 13 CFR § 120.110).

**Maaaring piliin ng mga B-Corporation ang S-Corporation o C-Corporation depende sa kung paano
sila binubuwisan.

Good Faith Certification ng Aplikante
Dapat na gumawa ang Aplikante ng sertipikasyon ng mabuting hangarin sa SBA Form 3172 na:
     Ang kasalukuyang kawalan ng katiyakan sa ekonomiya ay nagbigay ng pangangailangan
      para hilingin ang pagpopondo na ito para suportahan ang nagpapatuloy o inaasahang mga
      operasyon Aplikante.
     Walang nakabinbin na aplikasyon ang Aplikante para sa at hindi ito nakatanggap ng
      Shuttered Venue Operator Grant mula sa SBA.
                                                                                          Pahina 6
Pagkalkula sa Halaga ng Pagpopondo
Maaaring magbigay ang SBA ng pondo na aabot sa $5,000,000 sa kada lokasyon (hindi hihigit
sa $10,000,000 na kabuuan para sa Aplikante at anumang magkakasosyong negosyo) para sa
mga Aplikante na nakasasapat sa mga rekisito sa pagkakarapat-dapat.
Ang minimum na halaga ng pondo ay magiging $1,000; kaya, ang mga aplikasyon na humihiling
ng mas mababa sa $1,000 (net na hinnihinging mga kaltas) na pondo ay hindi tatanggapin o
aaprubahan. Halimbawa, kung may kalta sa si Aplikante X sa kinitang $2,000 pero may PPP
loan na $1,500, hindi aaprubahan ang aplikasyon ng Aplikante para sa pagproseso at
pagpopondo dahil ang nakalkulang net na pondo ay wala pang $1,000.
Naniniwala ang SBA na ang anumang gawad na halagang wala pang $1,000 ay magiging de
minimis at sa gayon ay alinsunod ang minimum na hangganang ito sa mandato ng Kongreso na
gamitin ng mga karapat-dapat na entidad ang mga pondo para “suportahan ang mga
nagpapatuloy na operasyon.”, ARPA § (5003)(c)(2)(i)).
Para sa mga layunin ng pagkalkula sa halaga ng pondo, ang “in operation” ay nangangahulugan
na araw na nagsimulang makabenta ang entidad. Hindi ito nangangahulugan na araw na
nagrehistro ang Aplikante sa Secretary of State para magtatag ng legal na entidad ng Aplikante
(halimbawa: kung binuo ng Aplikante ang LLC noong Agosto 15, 2015 pero hindi nakaunang
benta sa isang customer hanggang Enero 1, 2016, ang petsa ng operasyon ng Aplikante ay Enero
1, 2016).
Dagdag pa, para sa mga entidad na nagsimulang mag-operate sa kabuuan ng 2019, maaari mong
piliin (sa sarili mong kapasyahan) na gamitin ang alinman sa kalkulasyon 2 o kalkulasyon 3 mula
sa mga kalkulasyon ng pondo sa ibaba.
Ang mga pagwawasto na kasunod ng pagsumite at pre-award funding ay mangangailangan ng
muling pagbisita ng Aplikante sa application portal o tumawag sa support hotline para maisumite
ng pagwawasto, bagong dokumento, at magsimula ng pag-restart ng timeline para sa pagrepaso
at pagbabayad. Pakitandaan, kapag sinimulan ng isang Aplikante ang pag-restart, maaaring
abutin ng hanggang 14 araw mula sa oras ng muling pagsumite para maisa-pinal ng SBA ang
pagrepaso sa aplikasyon.
HINDI papayagan ng SBA ang mga pagwawasto sa mga gawad na naibigay na sa mga ginawaran.

Kalkulasyon 1 (Talaan 1 mula sa Aplikasyon): Mga Aplikante na nag-o-
operate (nakakabenta) bago o noong Enero 1, 2019:
   Hakbang 1: Magsimula sa mga gross receipt ayon sa inulat sa 2019 Federal tax return ng
   karapat-dapat na entidad.
   Hakbang 2: I-subtract ang 2020 na mga gross receipt ayon sa inulat o iuulat sa 2020 Federal
   tax return ng karapat-dapat na entidad o, kung nag-a-apply sa pamamagitan ng isang
   nakatalagang SBA point-of-sale na partner na restaurant, ang mga gross receipt na nakatala sa
   point-of-sale partner. Huwag isasama ang anumang halaga na natanggap mula sa anumang

                                                                                       Pahina 7
    Paycheck Protection Program (PPP) loan (First Draw na PPP Loan o Second Draw na PPP
    Loan), SBA Section 1112 na pagbabayad, o mula sa anumang SBA Economic Injury Disaster
    Loan (EIDL) loan, EIDL advance, Targeted EIDL Advance, Randolph-Sheppard Act Financial
    Relief and Restoration Payments (FRRP) Appropriation o anumang pang-estado o lokal na
    mga gawad sa maliliit na negosyo (sa pamamagitan ng CARES Act o iba pa).
    Hakbang 3: I-subtract ang pinagsama-samang (mga) orihinal na halaga ng anumang PPP
    loan (First Draw na PPP Loan at Second Draw na PPP Loan) na natanggap, natanggap man
    noong 2020 o sa 2021. Huwag isama ang anumang halaga na binayaran mo sa o bago Mayo
    18, 2020 alinsunod sa mga safe harbor rule ng PPP.
    Hakbang 4: Kung ang kabuuan ay higit sa $5 milyon sa kada pisikal na lokasyon, ibaba ang
    halaga sa $5 milyon kada pisikal na lokasyon. Ang halaga ng pondo mo, kasama ng mga
    kasosyo mo, ay hindi maaaring humigit sa $10 milyon. Kung ang kabuuan ay wala pang
    $1,000, hindi ka karapat-dapat.

Ang mga Aplikanteng nagsimula ng mga operasyon (nakakabenta) nang
partial sa kabuuan ng 2019
Para sa mga entidad na nagsimulang mag-operate nang partial sa kabuuan ng 2019, maaari mong
piliin (sa sarili mong kapasyahan) na gamitin ang alinman sa kalkulasyon 2 o kalkulasyon 3 mula
sa mga kalkulasyon ng pondo sa ibaba.

Kalkulasyon 2 (Talaan 2 mula sa Aplikasyon):
    Hakbang 1: Kalkulahin ang taunang 2019 na gross receipt mo:
   Hakbang 1(a): Magsimula sa mga gross receipt ayon sa inulat sa 2019 Federal tax return ng
    karapat-dapat na entidad.
   Hakbang 1(b): Kalkulahin ang 2019 average na buwanang gross receipt mo.
    Halimbawa, kung binuksan mo ang mga pinto mo noong Oktubre 15, 2019 (nag-operate
    nang 2.5 buwan) at ang kabuuan ng 2019 gross receipt mo ay $25,000: I-divide ang $25,000
    sa 2.5 para sa 2019 na kalkulasyon ng average na buwanang gross receipt na $10,000.
   Hakbang 1(c) I-multiply ang 2019 na average ng buwanang gross receipt (ang halaga na
    mula sa hakbang 1(b)) sa 12.
    Halimbawa, kung ang 2019 na average ng buwanang gross receipt mo ay $10,000, i-multiply
    ang $10,000 sa 12 para magresulta sa $120,000.

    Hakbang 2: I-subtract ang 2020 na mga gross receipt ayon sa inulat o iuulat sa 2020 Federal
    tax return ng karapat-dapat na entidad o, kung nag-a-apply sa pamamagitan ng isang
    nakatalagang SBA point-of-sale na partner na restaurant, ang mga gross receipt na nakatala sa
    point-of-sale partner. Huwag isasama ang anumang halaga na natanggap mula sa anumang
    Paycheck Protection Program (PPP) loan (First Draw na PPP Loan o Second Draw na PPP
    Loan), SBA Section 1112 na pagbabayad, o mula sa anumang SBA Economic Injury Disaster
    Loan (EIDL) loan, EIDL advance, Targeted EIDL Advance, Randolph-Sheppard Act Financial
    Relief and Restoration Payments (FRRP) Appropriation o anumang pang-estado o lokal na
    mga gawad sa maliliit na negosyo (sa pamamagitan ng CARES Act o iba pa).
                                                                                       Pahina 8
   Hakbang 3: I-subtract ang pinagsama-samang (mga) orihinal na halaga ng anumang
   Paycheck Protection Program (PPP) loan (First Draw na PPP Loan at Second Draw na PPP
   Loan) na natanggap, natanggap man noong 2020 o sa 2021. Huwag isama ang anumang
   halaga na binayaran mo sa o bago Mayo 18, 2020 alinsunod sa mga safe harbor rule ng PPP.
   Hakbang 4: Kung ang kabuuan ay higit sa $5 milyon sa kada pisikal na lokasyon, ibaba ang
   halaga sa $5 milyon kada pisikal na lokasyon. Ang halaga ng pondo mo, kasama ng mga
   kasosyo mo, ay hindi maaaring humigit sa $10 milyon. Kung ang kabuuan ay wala pang
   $1,000, hindi ka karapat-dapat.

Kalkulasyon 3 (Talaan 3 mula sa Aplikasyon): Ang mga Aplikante na
nagsimulang mag-operate (makabenta) sa o sa pagitan ng Enero 1, 2020 at
Marso 10, 2021; at para sa mga Aplikante na hindi pa nagbubukas pero mula
noong Marso 11, 2021, ay nagkaroon na ng mga karapat-dapat na gastos:
   Hakbang 1: Magsimula sa kabuuang halaga na ginastos mo sa mga karapat-dapat na gastos
   na naipon sa o sa pagitan ng Pebrero 15, 2020 at Marso 11, 2021. Ang mga karapat-dapat na
   gastos ay may parehong kahulugan sa “Mga Karapat-dapat na Paggamit sa Pondo,” sa ibaba.
   Hakbang 2: I-subtract ang 2020 at 2021 (hanggang Marso 11, 2021) na mga gross receipt
   ayon sa inulat o iuulat sa Federal tax return ng karapat-dapat na entidad o, kung nag-a-apply
   sa pamamagitan ng isang nakatalagang SBA point-of-sale na restaurant na partner, ang mga
   gross receipt na nakatala sa point-of-sale partner. Huwag isasama ang anumang halaga na
   natanggap mula sa anumang Paycheck Protection Program (PPP) loan (First Draw na PPP
   Loan o Second Draw na PPP Loan), mga SBA Section 1112 na pagbabayad, o mula sa
   anumang SBA Economic Injury Disaster Loan (EIDL) loan, EIDL advance, Targeted EIDL
   Advance, Randolph-Sheppard Act Financial Relief and Restoration Payments (FRRP)
   Appropriation o anumang pang-estado o lokal na mga gawad sa maliliit na negosyo (sa
   pamamagitan ng CARES Act o iba pa).
   Hakbang 3: I-subtract ang pinagsama-samang (mga) orihinal na halaga ng anumang
   Paycheck Protection Program (PPP) loan (First Draw na PPP Loan at Second Draw na PPP
   Loan) na natanggap, natanggap man noong 2020 o sa 2021. Huwag isama ang anumang
   halaga na binayaran mo sa o bago Mayo 18, 2020 alinsunod sa mga safe harbor rule ng PPP.
   Hakbang 4: Kung ang kabuuan ay higit sa $5 milyon sa kada pisikal na lokasyon, ibaba ang
   halaga sa $5 milyon kada pisikal na lokasyon. Ang halaga ng pondo mo, kasama ng mga
   kasosyo mo, ay hindi maaaring humigit sa $10 milyon. Kung ang kabuuan ay wala pang
   $1,000, hindi ka karapat-dapat.


Mga Karapat-dapat na Paggamit ng Pondo
Maaari mong gamitin ang mga pondo para sa mga sumusunod na gastos sa loob ng iyong
nasasaklaw na panahon:


                                                                                        Pahina 9
1. Ang mga gastos sa payroll ng negosyo, kabilang ang sick leave at mga gastos na kaugnay ng
pagpapatuloy sa health care, life, disability, vision, o mga benepisyong dental ng grupo sa mga
panahon ng bayad na sick, medical, o family leave, at health care, life, disability, vision, o mga
dental insurance premium ng grupo;
2. Mga pagbabayad sa anumang obligasyon sa mortgage ng negosyo (kapwa principal at
interes; tandaan: hindi kabilang dito ang anumang pagbabayad ng principal sa isang obligasyon
sa mortgage);
3. Mga pagbabayad sa renta ng negosyo, kabilang ang renta sa ilalim ng kasunduan sa lease
(tandaan: hindi kabilang dito ang anumang pauanng-bayad sa renta);
4. Serbisyo sa utang ng negosyo (kapwa sa principal at interes; tandaan: hindi kabilang dito
ang anumang paunang-bayad ng principal o interes);
5. Mga pagbabayad ng negosyo para sa utility para sa distribusyon ng elektrisidad, gas, tubig,
telepono, o access sa internet, o anumang iba pang utility na ginagamit sa karaniwang kurso ng
negosyo kung saan ang serbisyo ay nagsimula bago Marso 11, 2021.
6. Mga gastos sa pagmamantini ng negosyo kabilang ang pagmamantini sa mga pader, sahig,
mga papag na deck, muwebles, mga ilaw, at kagamitan;
7.   Pagpapagawa sa panlabas na upuan;
8.   Mga supply ng negosyo, kabilanga ng mga kagamitang pangkaligtasan at mga panlinis;
9. Mga gastos sa pagkain at inumin ng negosyo, kabilang ang mga raw material para sa beer,
wine, o spirits;
10. Mga sinagot na gastos sa supplier, na isang gastusin na ginawa ng karapt-dapat na supplier
ng mga kalakal para sa pagsupply ng kalakal na:
    Importante sa mga operasyon ng entidad sa panahong isinagawa ang paggastos; at
    Isinagawa alinsunod sa isang kontrata, order, o purchase order na may-bisa sa anumang oras
     bago natanggap ang mga pondo para sa Restaurant Revitalization; o
    Pagdating sa mga nasisirang kalaakal, isang kontrata, order, o purchase order na may-bisa
     bago o sa anumang oras sa loob ng nasasaklaw na panahon;

11. Mga gastos sa pagpapatakbo ng negosyo, na inilalarawan bilang mga gastos ng negosyo na
natamo normal na mga operasyon ng negosyo na kinakailangan at sapilitan para sa negosyo (hal.
renta, kagamitan, mga supply, imbentaryo, accounting, pagsasanay, legal, marketing, insurance,
mga lisensya, mga bayarin). Hindi kabilang sa mga gastos sa pagpapatakbo ng negosyo ang mga
gastos na nangyayari sa labas ng pang-araw-araw na aktibidad ng kompanya.
Paalala: Karapat-dapat ang mga gastos na lagpas na takdang petsa kung natamo ang mga ito
simula sa Pebrero 15, 2020 at nagwawakas sa Marso 11, 2023.




                                                                                        Pahina 10
Timeframe para sa Paggamit ng Mga Pondo
Dapat gamitin ng mga ginawaran ang lahat na pondo ng Restaurant Revitalization bago Marso
11, 2023 sa mga karapat-dapat na gastos simula Pebrero 15, 2020 at magwawakas sa
Marso 11, 2023. Kung permanenteng magsara ang negosyo, magwawakas ang nasasaklaw na
panahon kapag permanente nang nagsara ang negosyo o sa Marso 11, 2023, alinman ang mauna.
Ang mga ginawaran na hindi nagamit ang lahat na pondo ng Restaurant Revitalization sa mga
karapat-dapat na gastos bago matapos ang nasasaklaw na panahon ay dapat ibalik ang anumang
di-nagamit na pondo sa gobyerno (susunod sa gabay na ito ang gabay para sa pagkatapos ng
paggawad).

Pag-validate sa Paggamit ng Mga Pondo
Lahat ng Aplikante ay mayroong hanggang Marso 11, 2023 para gamitin ang mga pondo. Hindi
maaaring mas huli pa sa Disyembre 31, 2021 lahat ng Aplikante ay kinakailangang mag-ulat sa
pamamagitan ng application portal kung magkano ang nagamit nila mula sa kani-kanilang mga
gawad sa bawat kategorya ng nararapat na paggamit. Kung ganap na naubos ng Aplikante ang
kaniyang pondo bago sumapit ang Disyembre 31, 2021, hihingin sa kanila na patotohanan sa
application portal na nagamit ang mga pondo sa mga karapat-dapat na gastos. Lahat ng
Aplikante na hindi naubos ang pondong iginawad bago sumapit ang Disyembre 31, 2021 ay
kakailanganin na sumagot sa mga isusumiteng taunang ulat hanggang sa ganap na nilang maubos
ang pondong iginawad o matapos ang panahon ng pagganap. Pinanghahawakan ng SBA ang
karapatan na humingi ng karagdagang dokumento para mai-validate ang pagpapatotoo.


Paano Mag-apply
May tatlong paraan para mag-apply para sa Restaurant Revitalization fund.
   1. Sa pamamagitan ng kilalang Restaurant Partner ng SBA
   2. Sa pamamagitan ng direkta sa SBA sa restaurants.sba.gov
   3. Sa pamamagitan ng telepono sa (844) 279-8898




                                                                                  Pahina 11
   Ginagamit mo ba ang isa                                    Mag-apply gamit ang SBA
   sa Mga POS Restaurant             Oo                       POS Restaurant Partner
      Partner ng SBA?


             Hindi



                                                              Mag-apply nang direkta sa
     May access ka ba sa
                                     Oo                               SBA sa
         internet?
                                                                restaurants.sba.gov


             Hindi


        Mag-apply sa
  pamamagitan ng telepono
     sa pamamagitan ng
  pagtawag sa 844-279-8898.

Mag-apply sa pamamagitan ng mga Restaurant Partner ng SBA
Bumuo ang SBA ng mga partnership sa maraming kilalang kompanya ng teknolohiya na
nagbibigay ng software, hardware at mga serbisyo sa pagbabayad sa industriya ng mga restaurant
para makatulong sa pagtiyak sa malawak at pantay na distribusyon ng ayuda. Ang mga partner
na ito ay tinatawag na mga Restaurant Partner ng SBA o mga Point-of-Sale (POS) Restaurant
Partner ng SBA.
Kung kasalukuyan kang gumagamit ng isa sa mga Restaurant Partner ng SBA, makaka-apply ka
para sa pagpopondo sa pamamagitan ng kanilang website o secure portal. Bumuo ang mga
partner na ito ng mga kakayahan para gawing mas madali para sa mga aplikante na magkalkula,
mag-validate, at magsumite ng mga aplikasyon sa SBA. Hinihimok ng SBA ang mga aplikante
na gumagamit ng mga partner namin na mag-apply sa pamamagitan ng kanilang naka-customize
na proseso – makatitipid ito ng oras sa paghahanda at pagproseso ng aplikasyon.
Ang bawat Restaurant Partner ay maaaring may mga kakaibang proseso o mga pangsuportang
materyales na magagamit ng Aplikante. Aktibong nakikipagtulungan ang SBA para makadagdag
ng karagdagang mga partnership sa mga susunod na linggo. Pakimanmanan ang
sba.gov/restaurants para sa mga karagdagang update mula sa SBA sa mga opisyal na partner at
kung inanunsiyo, bumisita sa website ng pinili mong partner para malaman ang marami pang
impormasyon tungkol sa kakayahan nila na suportahan ka sa iyong pag-apply.




                                                                                    Pahina 12
Mag-apply Nang Direkta sa SBA
   1. Tipunin ang mga dokumento na nakabalangkas sa dokumentong ito
   2. Kung may access ka sa internet at hindi mag-a-apply sa pamamagitan ng isa sa mga
       Restaurant Partner ng SBA, bumisita sa restaurants.sba.gov para ma-access ang
       application platform
   3. Lumikha ng account
   4. Sagutin ang kwestiyonaryo at mga pagpapatotoo ng aplikasyon
   5. I-upload ang mga kinakailangang dokumento
   6. Kapag natapos na ang aplikasyon, isang DocuSign package ang ipapadala sa email na
       inilagay sa application portal
   7. Lagdaan agad ang DocuSign package upang masimulan na ang proseso ng pagrepaso ng
       SBA
   8. Sisimulan ng SBA ang pagrepaso sa aplikasyon mo. Aabutin ang pagrepaso nang 14 araw
       para matapos at ma-validate ang mga dokumento. Maaaring tingnan ng mga Aplikante
       ang status ng kanilang aplikasyon sa application portal.
   9. Magpapadala ng impormasyon sa desisyon sa aplikasyon o hihiling ng dagdag na mga
       dokumento sa email na kaugnay ng account ng Aplikante
   10. Kung maaprubahan, awtomatikong idedeposito ang mga pondo sa bank account na
       ipinasok sa aplikasyon

Mag-apply sa Pamamagitan ng Telepono Direkta sa SBA
   1. Tipunin ang mga dokumento na nakabalangkas sa dokumentong ito
   2. Tumawag sa (844) 279-8898
   3. Sagutin ang kwestiyonaryo ng aplikasyon at mga pagpapatotoo kasama ng suportang
      ahente
   4. Napunan na aplikasyon at mga nilagdaang dokumento na ipinakoreo sa Aplikante
   5. Dapat ipadala ng Aplikante sa koreo ang ganap na nilagdaan at naka-notaryong
      aplikasyon pabalik sa SBA (kasama sa ipinakoreong aplikasyon ang mga tagubilin sa
      address na papadalhan pabalik)
   6. Sisimulan ng SBA ang pagrepaso sa aplikasyon mo. Aabutin ang pagrepaso nang 14 araw
      para matapos at ma-validate ang mga dokumento.
   7. Magpapadala ng impormasyon sa desisyon sa aplikasyon o hihiling ng dagdag na mga
      dokumento sa email na kaugnay ng account ng Aplikante o ipapadala sa koreo kung
      walang magagamit na email
   8. Kung maaprubahan, awtomatikong idedeposito ang mga pondo sa bank account na
      ipinasok sa aplikasyon

Pagtanggap ng Mga Pondo
Bilang bahagi ng Restaurant Revitalization Fund, direktang ibibigay ng SBA ang pera sa
operating account ng Aplikante.
      Para sa proteksiyon mo, kakailanganin ng SBA na ilagay ang ibibigay ng pera sa
       commercial business account ng Aplikante. Mapapabilis ng paggamit sa automatic
       linking service ng SBA ang prosesong ito.

                                                                                    Pahina 13
      Sa kaso ng mga sole proprietor na nag-o-operate nang walang commercial account,
       kakailanganin ng SBA ang pangsuportang dokumento na magpapakita na ginagamit ang
       account na ito para sa mga operasyon ng restaurant, at pag-aari ito ng sole proprietor.
       Hindi papayagan ng SBA na lagyan ng pondo ang mga account na limitado ang
       kasaysayan (wala pang 3 buwan) o walang kaugnayan sa Aplikante. Pagtitibayin ng SBA
       platform ang mga kontrol na ito bilang bahagi ng proseso ng aplikasyon mo.
      Ang kabiguan na sundin ang mga panuntunan na ito sa pagbabayad ay makakaantala sa
       pondo ng aplikante.

Humingi ng Tulong sa Pag-file ng Aplikasyon sa Restaurant Revitalization
Para makatulong sa pagsuporta sa mga Aplikante sa kabuuan ng proseso, mag-aalok ang SBA ng
suporta sa pamamagitan ng isang call center hotline at network ng SBA ng mga District Office.
Dagdag pa, ang mga Aplikante na nangangailangan ng tulng o limitado ang access sa digital na
aplikasyon ay makaka-apply din sa pamamagitan ng telepono.
      Call center hotline (844-279-8898)
          o Matatawagan ng mga Aplikante ang numero na ito para sa aplikasyon na nasa
              maraming wika o suporta sa programa
      Mga District Office

Makalalapit ang mga Aplikante sa kani-kanilang mga lokal na District Office para sa
makapasadyang suporta sa pangrehiyon na SBA. Para mahanap ang inyong lokal na District
Office, bumisita sa www.sba.gov/local-assistance.

Impormasyon ng Aplikasyon
Aplikante: Ang Aplikante ay ang entidad na nag-a-apply para sa Restaurant Revitalization na
pagpopondo.
Ang isang restaurant na may maraming lokasyon sa ilalim ng parehong EIN ay dapat na mag-
apply para sa lahat ng lokasyon sa iisang aplikasyon. Hindi maaaringmag-apply ang mga
Aplikante para sa ibang entidad gaya ng mga kasosyo o subsidiary.
Halimbawa 1: Nagmamay-ari ang ABC Company ng tatlong restaurant na may kani-kaniyang
EIN at nagfi-file ang bawat isa ng sarili nilang Federal income tax return. Dapat na mag-file ng
kani-kanilang hiwalay na aplikasyon para sa Restaurant Revitalization ang bawat restaurant ng
ABC.
Halimbawa 2: Nagmamay-ari ang XYZ Company ng tatlong restaurant. Wala sa tatlong
restaurant ang nag-o-operate nang hiwalay sa bisa ng sarili nitong EIN, at XYZ Company ang
nagfi-file ng Federal income tax return kung saan kabilang ang mga gross receipt at gastos mula
sa tatlong restaurant. Dapat mag-file ang XYZ Company ng isang aplikasyon na kasama ng
pagpopondo para sa tatlong restaurant. Wala sa mga restaurant ang maaaring mag-file ng sarili
nitong aplikasyon nang hiwalay sa XYZ Company.



                                                                                        Pahina 14
Halimbawa 3: Nagmamay-ari ang HIJ Company ng tatlong restaurant gamit ang parehong EIN.
Binuksan ng HIJ ang lokasyon 1 noong 2015, lokasyon 2 noong Hulyo 2019, at lokasyon 3
noong Hunyo 2020. Papayagan ng aplikasyon na kalkulahin ng HIJ Company ang posibleng
halaga ng pond para sa bawat lokasyon gamit ang iba-ibang kalkulasyon at pagulungin ang
halagang iyon hanggang sa kabuuang posibleng halaga ng pondo.
Tax Identification Number (TIN): Dapat magbigay ang Aplikante ng (TIN) para sa negosyo ng
Aplikante at lahat ng may-ari ng equity na 20% o higit pa. Ang mga TIN ay maaaring mga
Employer Identification Number, mga Social Security Number, o mga Individual Taxpayer
Identification Number na itinalaga ng Internal Revenue Service. Ang kabuuang equity na inulat
sa 20% o higit pang mga may-ari ay hindi kinakailangang magsuma ng 100% na lahat na
nabanggit na equity, hangga’t 20% o higit pa nito ay nakalista sa aplikasyon. Kung walang may-
ari na mayroong 20% man lang na pag-aari sa Aplikante, dapat kang maglista ng sapat na bilang
ng mga may-ari na ang pinagsama-samang equity ay kumakatawan sa 20% man lang ng pag-aari
sa Aplikante.
Itinuturing na mga may-ari ng Aplikante ang lahat na partidong nakalista sa ibaba:
      Para sa isang sole proprietorship, ang nag-iisang pagmamay-ari;
      Para sa isang partnership, lahat ng general partner, at lahat ng limited partner
      Para sa isang korporasyon, lahat ng may-ari sa korporasyon;
      Para sa mga limited liability na kompanya, lahat ng miyembro na nagmamay-ari ng
       kompanya; at
      Sinumang Trustor (kung ang Aplikante ay pagmamay-ari ng isang trust). Kung ang
       aplikante ay isang sole proprietor na walang empleyado, dapat na mag-apply ang
       aplikante gamit ang Social Security Number (SSN) o Individual Taxpayer Identification
       Number (ITIN) ng may-ari na itinalaga ng IRS sa indibidwal o isang Employer
       Identification Number (EIN) ng entidad na itinalaga rito ng IRS. Lahat ng iba pang
       aplikante, kabilang ang mga sole proprietor na may mga empleyado, ay dapat na gamitin
       ang EIN ng entidad na itinalaga rito ng IRS. Kung ang isang sole proprietor na walang
       empleyado ay walang SSN, ITIN, o EIN, o kung walang EIN ang anumang iba pang
       entidad, hindi karapat-dapat ang aplikante. Paalala: Hinihingi ng IRS na lahat ng
       employer, kabilang ang mga self-employed na indibidwal na may mga empleyado, na
       magkaroon ng EIN. Sinasaad ng website ng IRS na maaari kang mag-apply online para
       sa isang EIN at “Ito ay libreng serbisyo na inaalok ng Internal Revenue Service at agad
       mong makukuha ang iyong EIN.”

Mga May-ari: Dapat ilista ng mga Aplikante ang lahat na may-ari ng 20% o higit pa ng negosyo
sa aplikasyon. Dapat kasama sa paglista ng bawat may-ari ang Employer Identification Number
(EIN), Social Security Number (SSN) o Individual Taxpayer Identification Number (ITIN) ng
may-ari. Kung ang isang may-ari ng 20% o higit pa ng negosyo ay walang SSN o ITIN, hindi
karapat-dapat ang negosyo.




                                                                                     Pahina 15
Mga Isinantabi
Para matiyak na makatanggap ang pinakamaliliit na negosyo at mga komunidad na nasa laylayan
ng lipunan ng mga gawad na pondo, nagtabi ang SBA ng mga pondo na magagamit lang ng ilang
mga aplikante.
1. $5 bilyon ang itinabi para sa mga Aplikante na may 2019 na gross receipt na hindi hihigit sa
$500,000.
2. Karagdagang $4 bilyon ang itinabi para sa mga Aplikante na may 2019 na gross receipt
mula $500,001 hanggang $1,500,000.
3. Karagdagang $500 milyon ang itinabi para sa mga Aplikante na may 2019 na gross receipt
na hindi hihigit sa $50,000.

Priyoridad sa Paggawad ng Mga Pondo
Gagawing priyoridad ng SBA ang paggawad ng mga pondo sa maliliit na negosyo na 51
porsiyento man lang na pag-aari ng mga indibidwal na kababaihan, beterano, at/o mga
indibidwal na dehado sa ekonomiya. Ang mga aplikante na nasa isa sa mga kategoryang ito na
nag-o-operate sa ilalim ng aprubadong plano ng muling pag-organisa maging sa ilalim ng
Chapter 11, 12, o Chapter 13 na bankruptcy at walang trustee na nagsasagawa ng araw-araw na
pagkontrol ang karapat-dapat para sa pagpopondo sa ilalim ng programang ito.
Dapat na magsariling-patotoo ang mga Aplikante sa aplikasyon na nasasapatan nila ang mga
rekisito sa pagkakarapat-dapat para sa isang maliit na negosyo na pag-aari ng kababaihan, maliit
na negosyo na pag-aari ng mga beterano, o maliit na negosyo na pag-aari ng mga indibidwal na
dehado sa lipunan at ekonomiya gaya ng inilarawan sa Appendix: Mga Depinisyon
Isasaalang-alang ng SBA ang isang aplikante na karapat-dapat para sa priyoridad na gawaran ng
pondo kung ang maliit na negosyo ay 51 porsiyento man lang na pag-aari ng isa o higit pang mga
indibidwal na kababaihan, mga beterano, o mga indibidwal na dehado sa lipunan at ekonomiya at
kung ang pamamahala at araw-araw na operasyon ng negosyo ng aplikante ay kontrolado ng isa
o higit pang kababaihan, beterano, o indibidwal na dehado sa lipunan at ekonomiya.
Halimbawa: Ang isang aplikante ay may limang may-ari na ang bawat isa ay nagmamay-ari ng
20 porsiyento. Ang dalawa sa mga may-ari ay beterano at ang isang may-ari ay indibidwal na
dehado sa lipunan at ekonomiya. Isasaalang-alang ng SBA ang aplikanteng ito na makasasapat sa
rekisito na 51 porsiyento man lang ng aplikante ay pag-aari ng priyoridad na grupo.
Kung nasasapatan ng isang indibidwal ang mga rekisito ng higit sa isang kategorya ng mga
priyoridad na grupo, minsan lang ibibilang ang indibidwal na iyon.
Halimbawa: Ang isang aplikante ay may limang may-ari na ang bawat isa ay nagmamay-ari ng
20 porsiyento. Ang isa sa mga may-ari ay babaeng beterano na dehado sa lipunan at ekonomiya;
pero, wala sa nalalabing apat na may-ari ay babae, beterano, o indibidwal na dehado sa lipunan
at ekonomiya. Hindi karapat-dapat ang aplikanteng ito na mag-file ng aplikasyon bilang
aplikante ng priyoridad na grupo. Gayunpaman, maaari pa rin mag-apply ang Aplikante na ito
bilang isang Aplikante na hindi priyoridad.


                                                                                       Pahina 16
Schedule ng Priyoridad sa Paggawad ng Mga Pondo
Mga Araw 1 - 21: Tatanggap ang SBA ng mga aplikasyon mula sa lahat ng karapat-dapat na
Aplikante. Sa loob ng panahong ito, ipamimigay lang ng SBA ang mga pondo sa mga
aprubadong aplikasyon kung saan nagsariling-patotoo ang Aplikante na nasasapatan nito ang
mga rekisito sa pagiging karapat-dapat para sa isang maliit na negosyong pag-aari ng mga
kababaihan, mga beterano, o mga indibidwal na dehado sa lipunan at ekonomiya.
Mga Araw 22 – Wakas ng programa: Tatanggap ang SBA ng mga aplikasyon mula sa lahat ng
karapat-dapat na aplikante at ipamimigay ang mga pondo sa pagkasunod-dunod na naapruba ng
SBA ang mga aplikasyon.


Mga Dokumento na Kailangan
Ang mga Aplikante nag-o-operate bago pa o noong Enero 1, 2019, ay dapat na magbigay sa
panahon ng pag-apply, ng mga dokumento ng gross receipt para sa 2019 at 2020;
Ang mga Aplikante na nagsimulang mag-operate nang partial sa kabuuan ng 2019 at ginagamit
ang kalkulasyon 2, ay dapat na magbigay sa panahon ng pag-apply, ng mga dokumento ng gross
receipt para sa 2019 at 2020. Ang mga Aplikante na nagsimulang mag-operate nang partial sa
kabuuan ng 2019 at ginagamit ang kalkulasyon 3, ay dapat na magbigay sa panahon ng pag-
apply, ng mga dokumento ng gross receipt para sa 2020.
Ang mga aplikante na nagsimulang mag-operate sa o sa pagitan ng Enero 1, 2020 at nagwakas
noong Marso 10, 2021 at mga Aplikante na hindi pa nagbubukas hanggang noong Marso 11,
2021, pero nagkaroon na ng mga karapat-dapat na gastusin, ay dapat na magbigay sa panahon ng
pag-apply, ng mga dokumento ng gross receipt at karapat-dapat na gastos para sa kahabaan ng
panahon na nag-o-operate.
(1) Para sa lahat ng Aplikante, kailangan ang mga sumusunod na dokumento:
   Ang aplikasyon: SBA Form 3172, napunan, nilagyan ng inisyal, at nilagdaan. Mapupunan
    ang rekisitong ito sa pamamagitan ng pagsagot sa form nang digital sa SBA Platform.
   Pagberipika para sa Impormasyon sa Buwis: IRS Form 4506-T, napunan at nilagdaan ng
    Aplikante. Mapupunan ang rekisitong ito sa pamamagitan ng pagsagot sa form nang digital
    sa SBA Platform.
   Mga Dokumento ng Gross Receipt: Alinman sa mga sumusunod na dokumento na
    nagpapakita ng mga gross receipt at, kung naaangkop, mga karapat-dapat na gastos:

              Mga tax return ng negosyo (IRS Form 1120 o IRS Form 1120-S);
              IRS Form1040 Schedule C; IRS Form 1040 Schedule F;
              Para sa isang partnership: IRS Form 1065 ng mga partnership (kasama ang mga
               K-1);
              Mga bank statement;

                                                                                   Pahina 17
             Mga financial statement na inihanda sa loob o labas gaya ng mga Income
              Statement o mga Profit and Loss Statement;
             (Mga) Point of sale report, kabilang ang IRS Form 1099-K.
(2) Para sa mga Aplikante na isang brewpub, tasting room, taproom, brewery, winery,
distillery, o bakery: Bilang karagdagan sa mga dokumento sa (1) itaas, mga dokumentong
nagpapatunay na ang benta sa site sa publiko ay binubuo ng 33% man lang ng mga gross receipt
para sa 2019. Maaaring kabilang dito ang mga 2019 na Tax and Trade Bureau (TTB) Form na
nai-file, mga pang-estado o lokal na pamahalaang form na nai-file, o mga panloob na ulat na
nilikha mula sa pamamahala ng imbentaryo, pag-uulat sa benta, o accounting software.
(3) Para sa mga Aplikante na Inn: Bilang karagdagan sa mga dokumento sa (1) itaas, mga
dokumentong nagpapatunay na ang benta ng pagkain at inumin sa publiko ay binubuo ng 33%
man lang ng mga gross receipt para sa 2019. Maaaring kabilang sa mga ito ang mga panloob na
ulat na nilikha o mga accounting report.




                                                                                   Pahina 18
Appendix: Mga Acronym At Abbreviation
ARPA: American Rescue Plan Act
Fund: Restaurant Revitalization Fund
EIN: Employer Identification Numbers: Impormasyon; Mag-apply nang libre
IRS: Internal Revenue Service
ITIN: Individual Taxpayer Identification Number
POS: Point-of-Sale Vendors, SBA’s Restaurant Partners
SBA: U.S. Small Business Administration
SSN: Social Security Number
TIN: Tax Identification Number




                                                                          Pahina 19
Appendix: Mga Depinisyon
Kasosyo: May parehong depinisyon sa “Mga Kasosyong Negosyo”
Mga Kasosyong Negosyo: Ang isang Affiliated Business o kasosyo ay isang negosyo kung saan
ang isang karapat-dapat na entidad ay may equity interest o distribusyon sa right to profit na
hindi bababa sa 50 porsiyento, o kung saan ang isang karapat-dapat na entidad ay may
nakakontratang awtoridad na kontrolin ang direksiyon ng negosyo, ito ay kung ang naturang
sosyohan ay matutukoy na umiiral sa anumang areglamente o kasunduan noong Marso 13, 2020.
Nasasaklaw na Panahon: Ang panahong nagsisimula sa Pebrero 15, 2020 at nagwawakas sa
Marso 11, 2023. Kung permanenteng magsara ang negosyo, magwawakas ang nasasaklaw na
panahon kapag permanente nang nagsara ang negosyo o sa Marso 11, 2023, alinman ang mauna.
Ang mga ginawaran na hindi nagamit ang lahat na pondong natanggap sa mga karapat-dapat na
gastos sa pagsapit ng wakas ng nasasaklaw na panahon ay dapat ibalik ang anumang di-nagamit
na pondo sa Treasury.
Mga gross receipt: Ang mga gross receipt ay lahat ng kinita na natanggap o naipon (alinsunod
sa pamamaraan ng accounting ng entidad hal., accrual o cash) mula sa anumang mapagkukunan,
kasama ang mula sa mga benta ng mga produkto o serbisyo, interes, dibidendo, renta, royalty,
bayarin, o komisyon, na binawasan ng mga pagbalik at mga allowance pero hindi kasama ang
mga net capital gains at loss. Taglay ng mga tuntunin na ito ang mga paglalarawan na ginamit at
iniulat sa mga IRS tax return form.
Ang mga halagang kinakailangan para kalkulahin ang mga gross receipt ay paiba-iba ayon sa uri
ng tax return:
       Para sa mga self-employed na indibidwal (IRS Form 1040 Schedule C): line 3 (Kung
        magfi-file ka ng maraming Schedule C form sa parehong Form 1040, dapat mong isuma
        ang lahat na ito)
       Para sa mga partnership (IRS Form 1065): line 1c
       Para sa mga S-Corporation (IRS Form 1120-S): line 1c
       Para sa mga C-Corporation (IRS Form 1120): line 1c
       Mga LLC: Gamitin ang isa sa itaas
       Mga B Corporation: Gamitin ang line 1c mula sa alinman sa IRS Form 1120 o 1120S

Kung kabilang sa mga gross revenue ng Aplikante ang alinman sa mga sumusunod, dapat na i-
subtract ang halagang kaugnay ng sumusunod mula sa mga gross receipt:
   Paycheck Protection Program (PPP) loan (First Draw na PPP Loan o Second Draw na PPP
    Loan);
   Mga pagbabayad sa SBA Section 1112;
   Economic Injury Disaster Loan (EIDL) loan ng SBA, EIDL Advance, Targeted EIDL
    Advance;
   Anumang kaloob na pang-estado at lokal para s amaliit na negosyo (sa pamamagitan ng
    CARES Act o kundi ay);


                                                                                      Pahina 20
   Mga buwis na kinolekta para sa at ini-remit sa isang awtoridad sa buwis kung kasama sa
    gross o total income, gaya ng mga benta o iba pang buwis na kinolekta mula sa mga
    customer (hindi kabilang dito ang mga buwis na naka-levy sa mga alalahanin o sa mga
    empleyado nito);
   Nalikom mula sa mga transaksiyon sa pagitan ng isang alalahanin at ang mga domestic o
    banyagang kasosyo nito; at
   Mga halagang nakolekta para sa iba pa ng isang ahente sa paglalakbay, ahente ng real estate,
    ahente ng advertising, tagapagbigay ng serbisyo sa pamamahala ng conference, freight
    forwarder o customs broker.

Lahat ng iba pang item, gaya ng mga ginastos ng subcontractor, mga pagbabalik-bayad para sa
mga binili ng isang kontratista na hiniling ng customer, kinita sa pamumuhunan, at mga gastos
na batay sa empleyado tulad ng mga buwis sa payroll, ay hindi maaaring maibukod mula sa mga
gross receipt.
Lokasyon: Pareho ng pisikal na lokasyon sa ibaba.
Mga Benta sa Site: Mga benta ng pagkain at/o inumin na kinonsumo sa tahanan ng Aplikante,
binili sa tahanan ng Aplikante para ikonsumo sa ibang lugar, binili online at kinuha mula sa
tahanan ng Aplikante o direktang inihatid sa mamaimili para gamitin. Ang mga benta na ito ay
dapat na sa mga mamimili lang at walang wholesale na benta ang maibibilang sa 33% na bilang
ng kinita.
Mga Gastos sa Payroll:
       Kabilang sa mga gastos sa payroll ang:
   Kabayaran sa mga empleyado (na ang pangunahing lugar ng pananahan ay sa Estados
    Unidos) sa anyo ng mga sweldo, sahod, komisyon, o halintulad na kabayaran; mga cash na
    tip o katumbas (batay sa mga tala ng employer ng mga nakaraang tip o, sa kawalan ng
    naturang mga tala, isan gmakatuwiran, na mabuting hangarin na tantiya ng employer sa mga
    naturang tip);
   Kabayaran para sa vacation, parental, family, medical, o sick leave;
   Allowance para sa pagkakatanggal o pagkakasisante;
   Kabayaran para sa probisyon ng mga benepisyo ng empleyado (kabilang ang mga insurance
    premium) na nagtataglay ng health care, group life, disability, vision, o dental insurance ng
    grupo, at mga benepisyo sa pagretiro;
   Pagbayad sa mga pang-estado at lokal na buwis na tinasa sa kabayaran ng mga empleyado; at
   Para sa isang hiwalay na kontratista o sole proprietor, mga sahod, komisyon, kinita, o mga
    net na kinita mula sa sariling pagtatrabaho, o halintulad na kabayaran.

       Hindi kabilang sa mga gastos ng payroll ang:
   Mga kabayaran sa isang hiwalay na kontratista (bagaman maaaring karapat-dapat ang mga
    pagbabayad na ito sa ilalim ng isa pang kategorya ng mga karapat-dapat na paggamit ng
    pondo gaya ng gastos sa pagpapatakbo);



                                                                                       Pahina 21
   Ang kabayaran ng sinumang may-ari o hiwalay na empleyado na hihigit sa $100,000 sa
    taunang batayan, bilang prorated para sa panahon kung kailan isinagawa ang pagbabayad o
    naipon na ng obligasyon na magbayad;
   Mga pederal na buwis sa pagpapatrabaho na ipinataw o na-withhold sa loob ng nalalapat na
    panahon, kabilang ang bahagi ng empleyado at employer sa FICA (Federal Insurance
    Contributions Act) at mga buwis para sa Railroad Retirement Act, at mga income tax na
    kinakailangang i-withhold mula sa mga empleyado;
   Mga kwalipikadong sahod (inilarawan bilang mga sahod na binayaran ng (a) mga employer
    na may higit sa 100 na full-time na empleyado na nag-o-operate noong 2020 pero
    kinailangan na bahagyang o ganap na isuspindi ang mga aktibidad sa alinmang quarter dahil
    sa mga inilapat na pagbabawal sa COVID-19 ng naaangkop na awtoridad ng pamahalaan; o
    (b) mga employer na may 100 o mas kaunti pang full-time na empleyado na nag-o-operate
    noong 2020 pero kinailangan na bahagya o ganap na isuspindi ang mga aktibidad sa
    alinamang quarter dahil sa mga inilapat na pagbabawal sa COVID-19 ng mga naaangko na
    awtoridad ng pamahalaan, o mga sahod na binayaran ng naturang employer sa loob ng unang
    quarter simula sa pagtapos ng Disyembre 31, 2019 kung saan ang mga gross receipt ay mas
    mababa sa 50% ng mga gross receipt para sa parehong quarter ng kalendaryo ng naunang
    taon at nagwawakas sa quarter ng kalendaryo kasunod ng quarter na nagsimula pagkatapos
    ng quarter ng kalendaryo na naunang nagkaroon ng mga gross receipt na mas mababa sa 50%
    ng mga gross receipt mula sa quarter ng kalendary ng naunang taon at kasunod noon ay
    hagkaroon ng mga gross receipt na naging mas malaki kaysa 80% ng mga gross receipt para
    sa parehong quarter ng kalendaryo ng naunang taon) na isinaalang-alang sa pagtukoy sa
    pinapayagang credit sa ilalim ng seksiyon 2301; at
   Mga premium na kaugnay ng patuloy na proteksiyon nga COBRA (ayon sa seksiyon 6432 ng
    Internal Revenue Code of 1986) isinaalang-alang sa pagtukoy sa pinapayagang credit.

Pisikal na Lokasyon: (“Lokasyon” din) Ang bawat lugar kung saan-saan nagsasagawa ng
pagbebenta ang Aplikante mula sa isang permanenteng istraktura. Kung nagsasagawa ng
pagbebenta ang Aplikante mula sa maraming permanenteng lokasyon, ang bawat address ay
isang hiwalay na lokasyon. Para sa isang caterer o isang negosyo na may maraming food stand,
truck, o cart, ang pisikal na lokasyon ay kung saan naka-headquarter ang negosyo (hal., isang
negosyo na may isang permanenteng istraktura at limang food truck ay magkakaroon ng iisang
lokasyon; ang isang caterer ay may isang lokasyon).
Publicly-Traded na Kompanya: Ang entidad na pag-aari ng majority o kontrolado ng isang
entidad na nag-issue, ang mga security nito na nakalista sa isang pambansang palitan ng
seguridad sa ilalim ng seksiyon 6 ng Securities Exchange Act of 1934 (15 U.S.C. 78f).
Maliit na negosyo na pag-aari ng mga beterano: (15 USC 632(q)(3))
Isang negosyo (isang entidad na negosyo na inorganisa para kumita ng tubo, na may lugar ng
negosyo na matatagpuan sa Estados Unidos, at pangunahing nag-o-operate sa Estados Unidos) at
itinuturing na maliit alinsunod sa mga pamantayan ng SBA sa laki sa 13 CFR § 121.201; at
 Ang 51 porsiyento man lang ay pag-aari ng isa o higit pang mga beterano; at
 Ang pamamahala at araw-araw na operasyon ay kontrolado ng isa o higit pang mga beterano.



                                                                                     Pahina 22
Maliit na negosyo na pag-aari at kontrolado ng kababaihan: (15 USC 632(n))
Isang negosyo (isang entidad na negosyo na inorganisa para kumita ng tubo, na may lugar ng
negosyo na matatagpuan sa Estados Unidos, at pangunahing nag-o-operate sa Estados Unidos) at
itinuturing na maliit alinsunod sa mga pamantayan ng SBA sa laki sa 13 CFR § 121.201; at
 Ang 51 porsiyento nito ay pag-aari ng isa o higit pang kababaihan; at
 Ang pamamahala at araw-araw na operasyon ay kontrolado ng isa o higit pang kababaihan.

Maliit na negosyo na pag-aari at kontrolado ng mga indibidwal na dehado sa lipunan at
ekonomiya:
Ang mga indibidwal na dehado lipunan (13 CFR § 124.103) ay ang mga sumailalim sa
pagtatangi-tangi ng lahi o etnisidad o bias sa kultura dahil sa pagkakakilanlan nila bilang
miyembro ng isang grupo nang hindi isinasaalang-alang ang indibidwal nilang mga katangian.
Ang mga indibidwal na miyembro ng mga sumusunod na grupo ay ipinapalagay na dehado sa
lipunan: Mga Black American; Hispanic American; Native American (kabilang ang mga Alaska
Native at Native Hawaiian); mga Asian Pacific American; o Subcontinent Asian American.
Ang mga indibidwal na dehado sa ekonomiya (13 CFR § 124.104) ay ang mga indibidwal na
dehado sa lipunan na ang kakayahang lumahok sa sistema ng malayang kalakal ay mahina dahil
sa pinaliit na kapital at oportunidad sa kredito kung ihahambing sa iba sa parehong area ng
negosyo na hindi dehado sa lipunan.
Alalahanin na Pag-aari ng Tribo: Anumang alalahanin na 51 porsiyento man lang na pag-aari ng
isang Tribong Indian. Ang tribong Indian ay inilalarawan bilang anumang Indian na tribo, band,
nation, o iba pang organisadong grupo o komunidad ng mga Indian, kabilang ang anumang ANC,
na kinikilala bilang karapat-dapat para sa mga espesyal na programa at serbisyo na hatid ng Estados
Unidos sa mga Indian dahil sa katayuan ng mga ito bilang mga Indian, o kinikilalang ganito ng
Estado kung saan nananahan ang tribo, band, nation, grupo, o komunidad. 13 CFR § 124.3
Beterano: Ang isang tao na naglingkod sa aktibong militar, naval, o air service, at na-discharge
o na-release sa mga dahilang maliban sa dishonorable. Titulo 38, seksiyon 101(2).




                                                                                       Pahina 23


File and source

File
SBA-2021.04.20---Restaurant-Revitalization-Funding-Program-Guide-vClean_Tagalog.pdf
Size
790,943 bytes
SHA-256
4ff8f03f8cf382b63e338c717f1923a74cf9d0daee248a34bbaddb550c862f6d
Our copy
SBA-2021.04.20---Restaurant-Revitalization-Funding-Program-Guide-vClean_Tagalog.pdf
Original
legacy.sba.gov
Back to top