SBA, Restaurant Revitalization Funding Application Sample (Form 3172 RRF Application 4.20.21 Tagalog 0)
Summary
A Tagalog translation of the sample Restaurant Revitalization Funding Application, SBA Form 3172, marked 097 with OMB control number 3245-XXXX and footers dated 04-21. It states that the Restaurant Revitalization Fund (RRF) supports restaurants that lost revenue in the pandemic, with requirements for fair distribution to small businesses owned by women, veterans and socially and economically disadvantaged applicants. Funding can reach $5,000,000 per location and $10,000,000 in total with affiliates, and the minimum award is $1,000. The form asks for every owner of 20% or more. The funding worksheet compares 2019 and 2020 gross receipts, subtracts PPP loans and multiplies the number of locations by $5,000,000. Certifications close the form.
Summary drafted by a model from the document's text below and checked by script against that text before publication. It is a navigation aid, not a reading of what the document proves. Where AI is used
Cite this document
“SBA, Restaurant Revitalization Funding Application Sample (Form 3172 RRF Application 4.20.21 Tagalog 0).”
Original at legacy.sba.gov. Archived at Pandemic Darlings, https://pandemicdarlings.com/source-documents/sba-restaurant-revitalization-funding-application-sample-form-3172-rrf-7219699fb3/
, SHA-256 4d1dac369e92993db86555e9dc26f6bbff499ce922fe50297b9870a4810056b3.Full text
U.S. SMALL BUSINESS ADMINISTRATION OMB Control No.: 3245-XXXX
Petsa ng Pagkawalang Bisa: XX/XX/XXXX
APLIKASYON PARA SA RESTAURANT 097 - Tagalog - Tagalog
REVITALIZATION FUNDING
Layunin ng Restaurant Revitalization Fund (RRF) na suportahan ang industriya ng mga restawran sa pamamagitan
ng pagbigay ng pondo sa mga dumanas ng malaking to kawalan ng kinikita na kaugnay ng pandemya. Kasama rin
sa RRF ang mga partikular na rekisito para matiyak ang patas na distribusyon sa maliliit na negosyo na pag-aari ng
mga kababaihan, mga beterano, at nga Aplikante na dehado sa lipunan at ekonomiya.
Pupunan ang aplikasyon na ito ng mga aplikante na nag-aapply para sa pondo sa ilalim ng Restaurant Revitalization
Program. Kinokolekta ng SBA ang hiniling na impormasyon para matukoy kung karapat-dapat ang mga aplikante
para sa pagpopondo. Nasa dulo ng aplikasyon na ito ang mga tagubilin at mga paglalarawan.
Maaaring magbigay ang SBA ng pondo na aabot sa $5,000,000 sa kada lokasyon (hindi hihigit sa $10,000,000 na
kabuuan para sa Aplikante at anumang magkakasosyong negosyo) para sa mga Aplikante na nakasasapat sa ilang
kondisyon. Ang minimum na gawad ay $1,000; kaya, ang mga aplikasyon na mas mababa sa $1,000 ay hindi
tatanggapin. Basahin ang mga tagubilin sa aplikasyon para sa pagbilang ng mga lokasyon.
Hindi kakailanganin ng mga gagawaran na bayaran ang mga pondong natanggap sa ilalim ng Restaurant
Revitalization Program maliban kung ginamit ang mga pondo sa mga layunin na bukod sa mga awtorisadong layunin,
kung hindi ginamit ang mga pondo pagsapit ng Marso 11, 2023, o kung naaangkop, permanenteng nagsara ang bago
nagamit ang lahat na pondo sa mga awtorisadong layunin.
Kailangan ang tugon mo sa aplikasyon na ito para makapagdesisyon ang SBA sa pagiging karapat-dapat mo.
Punan ang buong aplikasyon, ilagay ang mga inisyal at lagda mo kung saan ipinabatid. Isumite ang napunan na
aplikasyon at lahat ng hinihinging dokumento sa SBA. Maaaring tanggihan ng SBA ang aplikasyon mo kung kulang
ito o wala ang kinakailangang mga dokumento.
Hindi ginagarantiya ng pagsumite ng aplikasyon ang pagkaka-apruba ng aplikasyon o gawad na pondo.
SBA Form 3172 (04-21) Pahina 1
Aplikasyon para sa Restaurant Revitalization Funding
Legal na Pangalan ng Negosyo(kung sole proprietor, ipasok ang pangalan at apelyido):
__________________________________________________
“Nagnenegosyo Bilang” Pangalan kung naiiba sa Legal na Pangalan ng Negosyo:
__________________________________________________
Address ng Negosyo (Kalye, Lungsod, Estado, Zip Code) Para sa mga Aplikante na nagsasagawa ng mga
pagbebenta mula sa mga permanenteng istraktura, ipasok ang pangunahing lokasyon. Para sa mga Aplikante na
nagpapatakbo ng mga mobile na food truck, kariton, atbp., ipasok ang address ng headquarters ng negosyo.
Maglakip ng isang hiwalay na sheet kung kinakailangan. Ang mga P.O. Box ay hindi pinapahintulutan:
__________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
Tax Identification Number ng Negosyo (EIN, SSN, ITIN): ___________________
Impormasyon ng ACH para sa account kung saan idedeposito ang pondo:
Pangalan ng Institusyon na Nagpapahiram: ____________________________________
Routing Number: _____________________ Account Number: _________________________
Mag-tsek sa is: ☐ Checking Account ☐ Savings Account
Pag-aari ng Aplikante: Ilista ang lahat na may-ari ng 20% o higit pa sa equity ng Aplikante. Kung walang may-ari
na mayroong 20% man lang na pag-aari sa Aplikante, dapat kang maglista ng sapat na bilang ng mga may-ari na
ang pinagsama-samang equity ay kumakatawan sa 20% man lang ng pag-aari sa Aplikante. Ang inilistang equity ay
walang kabuuan na 100% ng pag-aari. Maglakip ng isang hiwalay na sheet kung kinakailangan.
May-ari #1 Pangalan: _______________________________________
May-ari #1 Tax Identification Number (EIN, SSN, ITIN): ___________________
May-ari #1 Porsiyento ng Pagmamay-ari: _______%
May-ari #1 Address: _______________________________________________
May-ari #2 Pangalan: _______________________________________
May-ari #2 Tax Identification Number (EIN, SSN, ITIN): ___________________
May-ari #2 Porsiyento ng Pagmamay-ari: _______%
May-ari #2 Address: _______________________________________________
May-ari #3 Pangalan: _______________________________________
May-ari #3 Tax Identification Number (EIN, SSN, ITIN): ___________________
May-ari #3 Porsiyento ng Pagmamay-ari: _______%
May-ari #3 Address: _______________________________________________
May-ari #4 Pangalan: _______________________________________
May-ari #4 Tax Identification Number (EIN, SSN, ITIN): ___________________
May-ari #4 Porsiyento ng Pagmamay-ari: _______%
May-ari #4 Address: _______________________________________________
SBA Form 3172 (04-21) Pahina 2
Aplikasyon para sa Restaurant Revitalization Funding
Anyo ng Organisasyon ng Aplikante:
⃣ C-Corporation
⃣ S-Corporation
⃣ Partnership
⃣ Limited Liability Company
⃣ Sole Proprietorship o Self-employed
⃣ Tribal na Negosyo
Dapat repasuhin at tugunan ng Aplikante ang lahat ng sumusunod na katanungan. PAKIBASA ANG MGA
TAGUBILIN NG APLIKASYON PARA SA IMPORMASYON SA PAGSAGOT SA APLIKASYON NA ITO.
1. Ang negosyo ng Aplikante:
a. Isa itong negosyo na pinatatakbo ng Estado o ng lokal na pamahalaan: ☐ Hindi ☐ Oo (kung Oo, hindi
karapat-dapat ang Aplikante)
b. Mula Marso 13, 2020, nagmamay-ari o nago-operate (kasama ng anumang kasosyong negosyo) ng higit
sa 20 lokasyon, gamit ang pareho o iba-ibang pangalan sa mga lokasyon na iyon.
☐ Hindi ☐ Oo (kung Oo, hindi karapat-dapat ang Aplikante)
c. Mayroong nakabinbin na aplikasyon para sa o nakatanggap ng Shuttered Venue Operators Grant
☐ Hindi ☐ Oo (kung Oo, hindi karapat-dapat ang Aplikante)
d. Isa itong publicly-traded company (inilarawan bilang isang entidad na pag-aari ng majority o
kontrolado ng isang ntidad na nag-issue, ang mga security nito ay nakalista sa isang pambansang
palitan ng seguridad)
☐ Hindi ☐ Oo (kung Oo, hindi karapat-dapat ang Aplikante)
2. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahusay na naglalarawan sa negosyo ng Aplikante? Lagyang ng tsek
ang lahat ng naaangkop.
⃣ Restawran
⃣ Food stand, food truck, food cart
⃣ Caterer
⃣ Bar, saloon, lounge, tavern
⃣ Brewpub, tasting room, taproom (Kailangan sa pagkakarapat-dapat ang pagbebenta sa site na
bumubuo sa 33% man lang ng mga gross receipt)
⃣ Inn (Kailangan sa pagiging karapat-dapat ang pagbebenta ng pagkain at inumin sa publiko na
bumubuo sa 33% man lang ng mga gross receipt)
⃣ Lisensyadong pasilidad o pananahan ng isang producer ng inuming alkohol kung saan maaaring
tikman, mag-sample o bumili ng mga produkto ang publiko
⃣ Iba pang halintulad na negosyo kung saan nagtitipon ang publiko o mga tumatangkilik para sa
pangunahing layunin na maihain ng pagkain o inumin
⃣ Snack at Nonalcoholic na Beverage Bar
⃣ Bakery (Kailangan sa pagiging karapat-dapat ang pagbebenta sa site na bumubuo sa 33% man lang ng
mga gross receipt)
⃣ Brewery at/o microbrewery (Kailangan sa pagiging karapat-dapat ang pagbebenta sa site na
bumubuo sa 33% man lang ng mga gross receipt)
SBA Form 3172 (04-21) Pahina 3
Aplikasyon para sa Restaurant Revitalization Funding
⃣
Winery (Kailangan sa pagiging karapat-dapat ang pagbebenta sa site na bumubuo sa 33% man lang
ng mga gross receipt)
⃣ Distillery (Kailangan sa pagiging karapat-dapat ang pagbebenta sa site na bumubuo sa 33% man lang
ng mga gross receipt)
3. Permanente bang nakasara ang negosyo ng Aplikante?
⃣ Hindi (Lagyan ng tsek ang “Hindi” kung pansamantala kang nakasara o aktibong tinatrabaho ang
pagbubukas)
⃣ Oo (Hindi karapat-dapat ang Aplikante)
4. Kasalukuyan bang bangkarote ang Aplikante?
⃣ Hindi (Karapat-dapat ang Aplikante)
⃣ Oo – Nag-o-operate sa ilalim ng aprubadong plano ng muling pag-organisa sa ilalim ng Chapter 11,
Chapter 12 o Chapter 13 na bankruptcy (Karapat-dapat ang Aplikante)
⃣ Oo – Nag-file para sa alinman sa Chapter 11, Chapter 12 o Chapter 13 na bankruptcy pero walang
aprubadong plano sa muling pag-organisa (Hindi karapat-dapat ang Aplikante)
⃣ Oo – Nag-file ng Chapter 7 na bankruptcy, sumasailalim sa pag-liquidate ng Chapter 11, at/o
permanenteng nakarasa (Hindi karapat-dapat ang Aplikante)
5. Nakatanggap ba ang Aplikante ng First Draw Paycheck Protection Program (PPP) loan (First Draw PPP Loan)
sa anumang oras noong 2020 o 2021?
⃣ Hindi
⃣ Oo
Kung Oo: Magkano ang natanggap mo? $______________
SBA PPP Loan Number: ______________
Huwag isama ang anumang halaga na binayaran mo sa o bago Mayo 18, 2020 alinsunod sa mga safe
harbor rule ng PPP.
6. Nakatanggap ba ang Aplikante ng Second Draw Paycheck Protection Program (PPP) loan (Second Draw
PPP Loan) noong 2021?
⃣ Hindi
⃣ Oo
Kung Oo: Magkano ang natanggap mo? $______________
SBA PPP Loan Number: ______________
7. Mayroon bang mga kasosyo ang Aplikante?
⃣ Wala
⃣ Mayroon
7.(a) Kung mayroon, ilang ang kasosyo ng Aplikante?
____________
SBA Form 3172 (04-21) Pahina 4
Aplikasyon para sa Restaurant Revitalization Funding
7.(b) Pakilista ang legal na pangalan ng negosyo ng bawat kasosyo (maglakip ng ekstrang pilas ng
papel kung kailangan):
___________________________________________________________________________
Nag-o-operate ba ang aplikante sa ilalim ng isang prangkisa, lisensya, o halintulad na kasunduan?
⃣ Hindi
⃣ Oo
Kung oo, nakalista ba ang prangkisa sa Franchise Directory ng SBA?
⃣ Hindi
⃣ Oo
8. Ang Aplikante ba o ang sinumang may-ari ng Aplikante ay kasalukuyang nasuspinde, na-debar, iminungkahi
para sa debarment, idineklarang hindi karapat-dapat, kusang-loob na hindi kasama sa pakikilahok sa
transaksiyon na ito ng anumang kagawaran o ahensyang Pederal?
⃣ Hindi
⃣ Oo
9. Anong petsa ka nagsimulang makabenta? (Buwan, Araw, Taon o N/A kung hindi naaangkop)
___________________
SBA Form 3172 (04-21) Pahina 5
Aplikasyon para sa Restaurant Revitalization Funding
TALAAN 1: Pagkalkula sa halaga ng pondo Para sa Mga Aplikante na nag-o-
operate bago o noong Enero 1, 2019:
Ipasok ang 2019 na mga gross receipt ayon sa inulat sa
1 $
2019 Federal tax return mo:
Ipasok ang 2020 na mga gross receipt ayon sa inulat sa
2020 Federal tax return mo. Huwag isasama ang
anumang halaga na natanggapa mula sa anumang
Paycheck Protection Program (PPP) loan, SBA Section
2 1112 na pagbabayad sa utang, o mula sa anumang SBA $ $
Economic Injury Disaster Loan (EIDL) loan, EIDL advance,
targeted EIDL advance, mga pang-estado at lokal na
kaloob sa maliit na negosyo sa pamamagitan ng CARES
Act o iba pa).
Ipasok ang (mga) kabuuang halaga ng (mga) PPP loan
(First Draw PPP Loan at Second Draw PPP Loan) na
natanggap, natanggap mo man ang mga pondo noong
3 $
2020 o 2021. Huwag isama ang anumang halaga na
binayaran mo sa o bago Mayo 18, 2020 alinsunod sa
mga safe harbor rule ng PPP.
4 I-add ang mga line 2 at 3 $
5 I-subtract ang line 4 mula sa line 1 Line 1 – line 4= $
Ipasok ang bilang ng mga lokasyon na ino-operate ng
6
aplikante
7 I-multiply ang line 6 sa $5,000,000. Line 6 X $5,000,000=
Kung ang line 7 ay mas mababa sa line 5: Ipasok ang
Ipasok kung alinman
halaga na mula sa line 7
8 ang mas mababa, $
Kung ang line 5 ay mas mababa sa line 7: Ipasok ang
line 7 o line 5
halaga na mula sa line 5
I-adjust para sa maximum na limit sa iyo at sa mga
kasosyo mo. Paliitin ang line 8 para ang halag ang pondo
para sa iyo, kasama ng mga kasosyo mo ay hindi hihigit
sa $10,000,000. Kung wala kang kasosyo, o kung ang
9 $
kaloob sa iyo kasama ng mga kasosyo mo, ay
$10,000,000 o wala pa, ipasok ang halaga mula sa line 8.
ITO ANG HINILING NA HALAGA NG PONDO MO -Tingnan
ang Talaan 4.
SBA Form 3172 (04-21) Pahina 6
Aplikasyon para sa Restaurant Revitalization Funding
TALAAN 2: Pagkalkula sa halaga ng pondo Para sa Mga Aplikante na
nagsimulang mag-operate nang partial sa kabuuan ng 2019:
Ipasok ang 2019 na mga gross receipt ayon sa inulat sa 2019
1(a) $
Federal tax return mo:
Ipasok ang bilang ng mga buwan na nag-operate ka noong
1(b) 2019. Halimbawa, kung bukas ka nang 2 ½ buwan, ipasok ang
2.5. I-round off sa tenth decimal (hal. 2.5)
I-divide ang line 1(a) sa line 1(b) Line 1(a) / line
1(c) $
Ito ang average na buwanang gross receipt mo. 1(b)=
I-multiply ang line 1(c) sa 12
1(d) Line 1(c) X 12= $
Ito ang taunang 2019 na gross receipt mo.
Ipasok ang 2020 na mga gross receipt ayon sa inulat sa 2020
Federal tax return mo. Huwag isasama ang anumang halaga na
natanggapa mula sa anumang Paycheck Protection Program
(PPP) loan, SBA Section 1112 na pagbabayad sa utang, o mula
2 $ $
sa anumang SBA Economic Injury Disaster Loan (EIDL) loan,
EIDL advance, targeted EIDL advance, mga pang-estado at lokal
na kaloob sa maliit na negosyo sa pamamagitan ng CARES Act
o iba pa).
Ipasok ang (mga) kabuuang halaga ng (mga) PPP loan (First
Draw PPP Loan at Second Draw PPP Loan) na natanggap,
3 natanggap mo man ang mga pondo noong 2020 o 2021. $
Huwag isama ang anumang halaga na binayaran mo sa o bago
Mayo 18, 2020 alinsunod sa mga safe harbor rule ng PPP.
4 I-add ang mga line 2 at 3 $
5 I-subtract ang line 4 mula sa 1(d) Line 1(d) – Line 4= $
6 Ipasok ang bilang ng mga lokasyon na ino-operate ng aplikante
Line 6 X
7 I-multiply ang line 6 sa $5,000,000.
$5,000,000=
Kung ang line 7 ay mas mababa sa line 5: Ipasok ang halaga na Ipasok kung
mula sa line 7 alinman ang mas
8 $
Kung ang line 5 ay mas mababa sa line 7: Ipasok ang halaga na mababa, line 7 o
mula sa line 5 line 5
I-adjust para sa maximum na limit sa iyo at sa mga kasosyo
mo. Paliitin ang line 8 para ang halaga ng pondo para sa iyo,
kasama ng mga kasosyo mo ay hindi hihigit sa $10,000,000.
9 Kung wala kang kasosyo, o kung ang kaloob sa iyo kasama ng $
mga kasosyo mo, ay $10,000,000 o wala pa, ipasok ang halaga
mula sa line 8. ITO ANG HINILING NA HALAGA NG PONDO MO
-Tingnan ang Talaan 4.
SBA Form 3172 (04-21) Pahina 7
Aplikasyon para sa Restaurant Revitalization Funding
TALAAN 3: Kalkulasyon ng halaga ng pondo para sa mga Aplikante na
nagsimulang mag-operate sa o sa pagitan ng Enero 1, 2020 at Marso
10, 2021; at para sa mga Aplikante na hindi pa nagbubukas pero mula
noong Marso 11, 2021, ay nagkaroon na ng mga karapat-dapat na gastos:
Ipasok ang halaga na ginastos mo sa mga karapat-dapat na
1 gastos . Ang mga karapat-dapat na gastos ay may parehong $
kahulugan sa mga karapat-dapat na paggamit ng mga pondo:
Ipasok ang lahat na gross receipt hanggang Marso 11, 2021.
Huwag isasama ang anumang halaga na natanggapa mula sa
anumang Paycheck Protection Program (PPP) loan, SBA Section
2 1112 na pagbabayad sa utang, o mula sa anumang SBA $ $
Economic Injury Disaster Loan (EIDL) loan, EIDL advance,
targeted EIDL advance, mga pang-estado at lokal na kaloob sa
maliit na negosyo sa pamamagitan ng CARES Act o iba pa).
Ipasok ang (mga) kabuuang halaga ng (mga) PPP loan (First
Draw PPP Loan at Second Draw PPP Loan) na natanggap,
3 natanggap mo man ang mga pondo noong 2020 o 2021. Huwag $
isama ang anumang halaga na binayaran mo sa o bago Mayo
18, 2020 alinsunod sa mga safe harbor rule ng PPP.
4 I-add ang mga line 2 at 3 $
5 I-subtract ang line 4 mula sa line 1 Line 1 – line 4= $
6 Ipasok ang bilang ng mga lokasyon na ino-operate ng aplikante
Line 6 X
7 I-multiply ang line 6 sa $5,000,000.
$5,000,000=
Kung ang line 7 ay mas mababa sa line 5: Ipasok ang halaga na Ipasok kung
mula sa line 7 alinman ang mas
8 $
Kung ang line 5 ay mas mababa sa line 7: Ipasok ang halaga na mababa, line 7 o
mula sa line 5 line 5
I-adjust para sa maximum na limit sa iyo at sa mga kasosyo mo.
Paliitin ang line 8 para ang halaga ng pondo para sa iyo, kasama
ng mga kasosyo mo ay hindi hihigit sa $10,000,000. Kung wala
9 kang kasosyo, o kung ang kaloob sa iyo kasama ng mga kasosyo $
mo, ay $10,000,000 o wala pa, ipasok ang halaga mula sa line 8.
ITO ANG HINILING NA HALAGA NG PONDO MO -Tingnan ang
Talaan 4.
TALAAN 4: Pupunan ng mga Aplikante
Pinagsama-samang halaga ng lahat na pondo na hiniling mula sa line 9 ng mga Talaan 1, 2, at 3 $
Kabuuang bilang ng mga lokasyon na ginamit sa pagkalkula ng hiling na pondo
SBA Form 3172 (04-21) Pahina 8
Aplikasyon para sa Restaurant Revitalization Funding
Layunin ng Restaurant Revitalization Funds (piliin ang nalalapat)
⃣ Mga Gastos sa Payroll ng Negosyo, kabilang ang may-bayad na sick leave
⃣ Arkila ng Negosyo / Mortgage ng Negosyo
⃣ Serbisyo sa Utang ng Negosyo
⃣ Mga Utility ng Negosyo
⃣ Mga gastos sa pagkain at inumin ng negosyo, kabilang ang mga raw material
⃣ Mga Gastos sa Pagmamantini ng Negosyo
⃣ Pagpapagawa sa Panlabas na Upuan
⃣ Mga Supply ng Negosyo
⃣ Mga Sinagot na Gastos sa Supplier
⃣ Gastos sa Pag-operate ng Negosyo
Priyoridad sa Paggawad ng Mga Restaurant Revitalization Fund
Alinsunod sa American Rescue Plan Act of 2021, uunahin ng SBA ang paggawad ng mga pondo sa mga Aplikante
ng maliliit na negosyo na 51 porsiyento man lang na pag-aari ng mga indibidwal na kababaihan, beterano, at/o
mga indibidwal na dehado sa ekonomiya. Ang mga aplikante na nasa isa sa mga kategoryang ito sa ilalim ng
aprubadong plano ng muling pag-organisa maging sa ilalim ng Chapter 11, Chapter 12 o Chapter 13 na bankruptcy
at walang trustee na gumagamit sa araw-araw na pagkontrol ang karapat-dapat para sa pagpopondo sa ilalim ng
programang ito. Basahin ang mga tagubilin sa aplikasyon para sa mga kahulugan na nalalapat.
Simula sa petsa ng aplikasyon na ito, ang Aplikante ay isang maliit na negosyo na may 51 porsiyento nito ay pag-
aari at kontrolado ng (lagyan ng ang lahat ng nalalapat):
⃣ Isa o higit pang kababaihan
⃣ (Mga) Beterano
⃣ (Mga) indibidwal na dehado sa ekonomiya
Sariling-Sertipikasyon na Karapat-dapat ang Aplikante para Maging Priyoridad sa Paggawad ng Restaurant
Revitalization Fund:
Dapat na mag-sertipika ng sarili ang awtorisadong kinatawan ng Aplikante na karapat-dapat ang Aplikante para
maging priyoridad sa paggawad ng mga kaloob dahil ang Aplikante ay isang karapat-dapat na maliit na negosyo na
pag-aari at kontrolado ng isa o higit pang kababaihan, mga beterano, at/o mga indibidwal na dehado sa lipunan at
ekonomiya sa pamamagitan ng pag-inisyal dito: ________
Kailangang Dokumento (Hindi tatanggapin ang aplikasyon kung wala ang sumusunod):
(1) Para sa lahat ng aplikante:
⃣ Ang aplikasyon na ito, napunan, nilagyan ng inisyal, at nilagdaan; mapupunan ang rekisitong ito sa
pamamagitan ng pagsagot sa form nang digital sa SBA Grant Platform.
⃣ IRS Form 4506-T, napunan at nilagdaan ng Aplikante. Mapupunan ang rekisitong ito sa pamamagitan ng
pagsagot sa form nang digital sa SBA Grant Platform.
⃣ Alinman sa mga sumusunod na dokumentona nagpapakita ng mga gross receipt
Ang mga Aplikante nag-o-operate bago pa o noong Enero 1, 2019, ay dapat na magbigay ng mga
dokumento ng gross receipt para sa 2019 at 2020;
Ang mga Aplikante na nagsimulang mag-operate nang partial sa kabuuan ng 2019, ay dapat na magbigay n
mga dokumento ng gross receipt para sa 2019 at 2020;
SBA Form 3172 (04-21) Pahina 9
Aplikasyon para sa Restaurant Revitalization Funding
Ang mga aplikante na nagsimulang mag-operate sa o sa pagitan ng Enero 1, 2020 at nagwakas noong
Marso 10, 2021 at mga Aplikante na hindi pa nagbubukas hanggang noong Marso 11, 2021, pero
nagkaroon na ng mga karapat-dapat na gastusin, ay dapat na magbigay ng mga dokumento ng gross
receipt at karapat-dapat na gastos para sa kahabaan ng panahon na nag-o-operate.
Kasama sa mga katanggap-tanggap na dokumento ng mga gross receipt at, kung naaangkop, ng mga
karapat-dapat na gastos, ang mga sumusunod:
Business tax returns (IRS Form 1120 o IRS 1120-S);
Mga IRS Form 1040 Schedule C; mga IRS Form 1040 Schedule F;
Para sa isang partnership: IRS Form 1065 ng partnership (kasama ang mga K-1);
Mga bank statement;
Mga financial statement na inihanda sa loob o labas gaya ng mga Income Statement o mga Profit
and Loss Statement;
(Mga) Point of sale report, kabilang ang IRS Form 1099-K.
(2) Para sa mga Aplikante na isang brewpub, tasting room, taproom, brewery, winery, distillery, o bakery:
Bilang karagdagan sa mga dokumento sa (1) itaas, mga dokumentong nagpapatunay na ang benta sa site sa
publiko ay binubuo ng 33% man lang ng mga gross receipt noong 2019 na isinama sa pagkalkula ng pondo mo,
kung saan maaaring kasama ang mga Tax at Trade Bureau report na naka-file o ifa-file na sasaklaw sa panahon
kung kailan nag-uulat ka ng mga gross receipt, o kung naaangkop, ng mga karapat-dapat na gastos.
(3) Para sa mga Aplikante na Inn: Bilang karagdagan sa mga dokumento sa (1) itaas, mga dokumentong
nagpapatunay na ang benta ng pagkain at inumin sa site sa publiko ay binubuo ng 33% man lang ng mga gross
receipt para noong 2019 na isinama sa pagkalkula mo ng pondo mo.
Sariling Sertipikasyon para sa lahat ng Aplikante:
Dapat na patotohanan ng awtorisadong kinatawan ng Aplikante na mabuti ang hangarin sa lahat ng nasa ibaba
sa pamamagitan ng pag-inisyal sa tabi ng bawat isa:
Hindi permanenteng nagsara ang Aplikanteng negosyo.
Ang kasalukuyang kawalan ng katiyakan sa ekonomiya ay nagbigay ng pangangailangan para hilingin ang
pagpopondo na ito para suportahan ang nagpapatuloy o inaasahang mga operasyon Aplikante.
Nauunawaan ko na dapat gamitin lang ng Aplikanteng negosyo ang lahat na pondo sa mga karapat-dapat
na paggamit sa loob ng saklaw na panahon, na siyang panahon na nagsisimula sa Pebrero 15, 2020 at
nagtatapos sa Marso 11, 2023. Kung permanenteng magsara ang negosyo, magwawakas ang saklaw na
panahon kapag permanente nang nagsara ang negosyo o sa Marso 11, 2023, alinman ang mauna. Ang
mga ginawaran na hindi nagamit ang lahat na pondong natanggap sa mga karapat-dapat na gastos sa
pagsapit ng saklaw na panahon ay dapat ibalik ang anumang di-nagamit na pondo sa Treasury.
Nauunawaan ko na sa paglagda sa aplikasyon na ito at sa pagtanggap ng mga pondong RRF, sumasang-
ayon ako na hindi lalagpas sa wakas ng saklaw na panahong ito, papatotohanan ko sa SBA na nagamit ng
Aplikanteng negosyo ang lahat na pondo sa mga karapat-dapat na paggamit lamang sa loob ng saklaw
na panahon.
Ang Aplikante, kasama ng mga kasosyo nito, ay hindi nagmamay-ari o nago-operate ng higit sa 20
lokasyon, gamit man ang pareho o iba-ibang pangalan ng negosyo sa mga lokasyon na iyon.
Ang Aplikante dati ay hindi nag-apply o nakatanggap ng Shuttered Venue Operator na kaloob mula sa
SBA.
Ang Aplikante ay hindi isang publicly-traded company (inilarawan bilang isang entidad na pag-aari ng
majority o kontrolado ng isang entidad na nag-issue, ang mga security nito ay nakalista sa isang
pambansang palitan ng seguridad sa ilalim ng seksiyon 6 ng Securities Exchange Act of 1934).
SBA Form 3172 (04-21) Pahina 10
Aplikasyon para sa Restaurant Revitalization Funding
Pinatutunayan ko pa na ang impormasyong ibinigay sa aplikasyon na ito at ang impormasyong ibinigay
sa lahat ng pangsuportang dokumento at form ay totoo at tumpak sa lahat ng materyal na aspeto.
Nauunawaan ko na ang sadyang paggawa ng isang maling pahayag para makakuha ng kaloob mula sa
SBA ay napaparusahan sa ilalim ng batas, kabilang sa ilalim ng 18 U.S.C. 1001 at 3571 sa pamamagitan
ng pagkabilanggo nang hindi hihigit sa limang taon at/o isang multa hanggang sa $250,000; sa ilalim ng
15 U.S.C. 645 sa pamamagitan ng pagkabilanggo na hindi hihigit sa dalawang taon at/o isang multa na
hindi hihigit sa $5,000; at, kung isinumite sa isang institusyong nakaseguro ng Pederal, sa ilalim ng 18
U.S.C. 1014 sa pamamagitan ng pagkabilanggo nang hindi hihigit sa tatlumpung taon at/o isang multa na
hindi hihigit sa $1,000,000.
Tinatanggap ko na kung ang Aplikante o sinumang may-ari ay nakalista sa Treasury Do Not Pay (DNP) list,
bibigyan ako ng abiso ng SBA at ng pagkakataon na resolbahin ang problema. Kung hindi ko maresolba
ang problema, maaaring tanggihan ng SBA ang aplikasyon ko.
Tinatanggap ko na kukumpirmahin ng SBA ang pagiging karapat-dapat ng isang Aplikante para sa
pagpopondo sa ilalim ng Restaurant Revitalization Program. Tinatanggap ko na maaaring piliin ng SBA
ang aplikasyon ko para ma-awdit o marepaso, at pinapatunayan ko na ibibigay ko sa SBA ang hinihinging
mga dokumento. Nauunawaan ko, tinatanggap, at sinasang-ayunan na maaaring ibahagi ng Internal
Revenue Service ang anumang impormasyon sa buwis na ibinigay ko sa mga awtorisadong kinatawan ng
SBA, pati sa mga awtorisadong kinatawan ng SBA Office of Inspector General, para sa layuning pagsunod
sa lahat na rekisito ng umiiral na programa, mga regulasyon, at mga batas.
Karapat-dapat ang Aplikante na makatanggap ng pagpopondo sa ilalim ng mga panuntunan na umiiral sa
panahon na isinumite ang aplikasyon na ito.
Ang Aplikante ay hindi nakikibahagi sa anumang aktibidad na labag sa batas sa ilalim ng batas pederal,
estado o lokal.
Sa abot ng maaaring gawin, bibili ako ng mga kagamitan at produktong gawa lamang sa America.
Nabasa ko ang mga pahayag na kasama sa form na ito, kasama ang Mga Pahayag na Kinakailangan ng
Batas at Mga Executive Order, at nauunawaan ko ang mga ito.
Impormasyon sa Demograpiko ng Aplikante (Opsyonal) - Kinokolekta ang data na ito para lamang sa mga
layuning pag-uulat. Boluntaryo ang pagsisiwalat at hindi titimbang sa desisyon sa aplikasyon sa pautang.
Pangalan ng Principal Posisyon
Piliin Ang Tugon sa Ibaba:
Beterano ☐ Hindi-Beterano ☐ Beterano ☐ Beterano na Nalumpo sa Serbisyo
☐ Asawa ng Beterano ☐ Hindi Isiniwalat
Kasarian ☐ Lalaki ☐ Babae ☐ Hindi Isiniwalat
Lahi (higit sa 1 ay ☐ American Indian o Alaska Native ☐ Asyano ☐ Itim o African-American
maaaring mapili) ☐ Native Hawaiian o Pacific Islander ☐ Puti ☐ Hindi Isiniwalat
Etnisidad ☐ Hispanic o Latino ☐ Hindi Hispanic o Latino ☐ Hindi Isiniwalat
SBA Form 3172 (04-21) Pahina 11
Aplikasyon para sa Restaurant Revitalization Funding
Pangalan ng Awtorisadong Kinatawan ng Aplikante (Ang tao na lalagda sa aplikasyon sa ngalan ng Aplikante at
siyang tatanggap ng lahat na komunikasyon mula sa SBA):
Pangalan: ________________________ Apelyido: ______________________________
Telepono ng Negosyo: ___________________________ Titulo: _______________________________
Email Address: _______________________ (Kung wala, magpapadala ng liham ang SBA sa address n negosyo)
______________________________________________ ________________________
Lagda ng Awtorisadong Kinatawan ng Aplikante Petsa
SBA Form 3172 (04-21) Pahina 12
Aplikasyon para sa Restaurant Revitalization Funding
Layunin ng form na ito:
Ang form na ito ay dapat punan ng awtorisadong kinatawan ng Aplikante at isumite alinsunod sa pahina 1 ng aplikasyon. Ang pagsumite
ng hiniling na impormasyon ay kinakailangan upang makagawa ng pagpapasiya tungkol sa pagiging karapat-dapat para sa tulong
pampinansiyal. Ang kabiguang isumite ang impormasyon ay makakaapekto sa pagpapasiyang iyon.
Mga tagubilin para sa pagsagot sa form na ito:
Ang mga karapat-dapat na paggamit ng pondo ay: (1) Mga gastos sa payroll ng negosyo, kabilang ang sick leave at mga gastos na kaugnay
ng pagpapatuloy sa health care, life, disability, vision, o mga dental na benepisyo ng grupo sa mga panahon ng bayad na sick, medical, o
family leave, at health care, life, disability, vision, o mga dental insurance premium ng grupo; Kabilang sa mga gastos sa payroll ang
kabayaran sa mga empleyado (na ang pangunahing pananahan ay sa United States) sa anyo ng sweldo, sahod, mga komisyon, o halintulad
na kabayaran; mga cash tip o katumbas nito (batay sa mga record ng employer para sa mga nakalipas na tip o, sa kawalang ng naturang
mga record, isang makatuwiran, at mabuting hangaring tantiya ng employer sa mga naturang tip); kabayaran para sa vacation, parental,
family, medical, o sick leave (maliban sa mga kwalipikadong sahod (ayon sa inilarawan sa subsection (c)(3) ng seksiyon 2301 ng CARES Act)
na itinitimbang sa pagtukoy sa papayagng credit sa ilalim ng naturang seksiyon 2301; o mga premium na ibinilang sa pagtukoy ng
papayagang credit sa ilalim ng seksiyon 6432 ng Internal Revenue Code of 1986); allowance par asa pagkakatanggal o pagkakasisante;
kabayaran para sa probisyon ng mga benepisyo ng empleyado (kabilang ang mga insurance premium) na binubuo ng proteksiyon ng health
care ng grupo, life, disability, vision, o dental insurance ng grupo, at mga benepisyo sa pagretiro; pagbayad sa mga buwis ng estado o lokal
na tinasa sa kabayaran ng mga empleyado; at, para sa isang hiwalay na kontratista o sole proprietor, sahod, mga komisyon, kinita, o net
na kinita mula sa self-employment o halintulad na kabayaran. (2) Mga pagbabayad sa principal or interest sa anumang obligasyon ng
negosyo sa mortgage (kung saan hindi maaaring kabilang ang anumang paunang bayad sa principal sa obligasyon sa mortgage); (3) Mga
pagbabayad sa renta ng negosyo, kabilanga ng renta na may kasunduan sa lease (kung saan hindi maaaring kabilang ang anumang paunang
bayad ng renta); (4) Serbisyo sa pautang ng negosyo; (5) mga pagbabayad ng utility ng negosyo para sa distribusyon ng elektrisidad, gas,
tubig, telepono, o access sa internet kung saan nagsimula ang serbisyo bago Pebrero 15, 2020 ; (6) Mga gastos sa pagmamantini ng negosyo
kabilang ang mga gastos sa pagmamantini ng mga pader, sahig, mga ibabaw ng deck, muwebles, mga aparato at kagamitan; (7)
Pagpapagawa ng upuan sa labas; (8) Mga supply, kabilang ang kagamitang pamproteksiyon at mga materyales sa paglilinis; (9) Mga gastos
sa pagkain at inumin kabilang ang mga raw material para sa serbesa o alak; (10) Mga sinagot na gastos sa supplier, na isang gastos na
ginawa ng karapat-dapat na entidad sa isang supplier ng mga kalakal para sa pag-supply ng kalakal na: Kinakailangan para sa mga
operasyon ng entidad sa panahon na ginawa ang paggastos; a ginawa alinsunod sa isang kontrata, order, o purchase order na may-bisa sa
anumang oras bago natanggap ang mga pondo; o kaugnay ng mga nasisirang kalakal, na nagkabisa bago o sa anumang oras sa loob ng
nasasaklaw na panahon(11) Mga gastos sa pagpapatakbo ng negosyo, na inilarawan bilang mga gastos sa negosyo na natamo sa
pamamagitan ng normal na ma operasyon ng negosyo na kinakailangan at sapilitan para sa mga negosyo (hal. renta, kagamitan,
imbentaryo, marketing, insurance). Hindi kabilang sa mga gastos sa pagpapatakbo ng negosyo ang mga gastos na nangyayari sa labas ng
pang-araw-araw na aktibidad ng kompanya.
Para sa mga layunin ng pag-uulat ng mga lokasyon: Ibilang ang bawat lugar kung saan-saan nagsasagawa ng pagbebenta ang Aplikante
mula sa isang permanenteng istraktura. Kung nagsasagawa ng pagbebenta ang Aplikante mula sa maraming permanenteng lokasyon, ilista
ang bawat address. Para sa mga Aplikante na nagpapatakbo ng mga mobile na food truck, kariton, atbp., ipasok ang address ng
headquarters ng negosyo.
Mga Tax Identification Numbers: Dapat magbigay ang Aplikante ng mga tax identification number (TIN) para sa Aplikanteng negosyo at
lahat na may-ari ng 20% o higit pang equity ng APlikante. Ang mga TIN ay maaaring mga Employer Identification Number, mga Social
Security Number, o mga Individual Taxpayer Identification Number na itinalaga ng Internal Revenue Service.
Itinuturing na mga may-ari ng Aplikante ang lahat na partidong nakalista sa ibaba:
Para sa isang sole proprietorship, ang nag-iisang pagmamay-ari;
Para sa isang partnership, lahat ng pangkalahatang kasosyo, at lahat ng limitadong kasosyo na nagmamay-ari ng 20% o higit pa sa
equity ng firm;
Para sa isang korporasyon, lahat ng may-ari sa 20% o higit pa ng korporasyon;
Para sa mga limited liability na kompanya, lahat ng miyembro na nagmamay-ari ng 20% o higit pa ng kompanya; at
Sinumang Trustor (kung ang Aplikante ay pagmamay-ari ng isang trust).
Impormasyon ng Demograpiko: Para sa mga layunin ng pag-uulat (opsyonal) ng impormasyong demograpiko:
1. Layunin. Ang datos ng beterano/kasarian/lahi/etnisidad ay nakolekta para sa mga layunin lamang sa pag-uulat ng programa.
2. Paglalarawan. Ang form na ito ay humihiling ng impormasyon tungkol sa bawat isa sa mga Principal ng Aplikante. Magdagdag ng
mga karagdagang sheet kung kinakailangan.
3. Kahulugan ng Principal. Ang salitang "Principal" ay nangangahulugang:
Para sa isang indibidwal na nagtatrabaho para sa sarili, independiyenteng kontratista, o nag-iisang nagmamay-ari, ang
indibidwal na nagtatrabaho para sa sarili, independiyenteng kontratista, o nag-iisang nagmamay-ari.
Para sa isang partnership, lahat ng pangkalahatang kasosyo at lahat ng limitadong kasosyo na nagmamay-ari ng 20% o higit
pa ng equity ng Aplikante, o sinumang kasosyo na sangkot sa pamamahala ng negosyo ng Aplikante.
SBA Form 3172 (04-21) Pahina 13
Aplikasyon para sa Restaurant Revitalization Funding
Para sa isang korporasyon, lahat ng nagmamay-ari ng 20% o higit pa ng Aplikante, at bawat officer at director.
Para sa isang limited liability na kompanya, lahat ng miyembro na nagmamay-ari ng 20% o higit pa ng Aplikante, at bawat
officer at director.
Sinumang indibidwal na pinatatrabaho ng Aplikante para pamahalaan ang pang-araw-araw na operasyon ng Aplikante
("pangunahing empleyado").
Sinumang trustor (kung ang Aplikante ay pagmamay-ari ng isang trust).
Para sa isang nonprofit na organisasyon, ang mga officer at director ng Aplikante.
4. Pangalan ng Principal. Ilagay ang buong pangalan ng Principal.
5. Posisyon ng Principal. Tukuyin ang posisyon ng Principal; halimbawa, self-employed na indibidwal; hiwalay na kontratista;
sole proprietor; general partner; may-ari; officer; director; miyembro; o pangunahing empleyado.
Kasosyo/Kasosyong Negosyo: Ang isang Affiliated Business o kasosyo ay isang negosyo kung saan ang isang karapat-dapat na entidad ay
may equity interest o distribusyon sa right to profit na hindi bababa sa 50 porsiyento, o kung saan ang isang karapat-dapat na entidad ay
may nakakontratang awtoridad na kontrolin ang direksiyon ng negosyo, ito ay kung ang naturang sosyohan ay matutukoy na umiiral sa
anumang areglamente o kasunduan noong Marso 13, 2020.
Priyoridad sa Paggawad ng Mga Restaurant Revitalization Fund: Para maging karapat-dapat para sa priyoridad sa paggawad ng mga
Restaurant Revitalization Fund, dapa na magsetipika ng sarili ang mga Aplikante na nasapatan nila ang paglalarawan sa alinman sa mga
sumusunod na priyoridad na Aplikante:
Ang isang maliit na negosyo na pag-aari at kontrolado ng mga beterano ay isang negosyo na (isang entidad na negosyo na
binuo para pagkakitaan, na may lugar ng negosyo na nasa Estados Unidos, at pangunahing nag-o-operate sa Estados Unidos)
itinuturing na maliitalinsunod sa mga pamantayan ng SBA sa laki sa13 CFR § 121.201 at ito ay 51 porsiyento man lang na pag-
aari ng isa o higit pang mga beterano, at ang pamamahala at araw-araw na operasyon ng negosyo ng Aplikante ay kontrolado
ng isa o higit pang mga beterano. Ang isang beterano ay inilalarawan bilang isang tao na naglingkod sa aktibong militar, naval, o
air service, at na-discharge o na-release sa mga dahilang maliban sa dishonorable.
Ang isang maliit na negosyo na pag-aari at kontrolado ng mga babae ay isang negosyo na (isang entidad na negosyo na binuo
para pagkakitaan, na may lugar ng negosyo na nasa Estados Unidos, at pangunahing nag-o-operate sa Estados Unidos) itinuturing
na maliitalinsunod sa mga pamantayan ng SBA sa laki sa 13 CFR § 121.201 at ito ay 51 porsiyento man lang na pag-aari ng isa o
higit pang mga babae, at ang pamamahala at araw-araw na operasyon ng negosyo ng Aplikante ay kontrolado ng isa o higit pang
mga babae.
Ang isang maliit na negosyo na pag-aari at kontrolado ng mga indibidwal na dehado sa lipunan at ekonomiya ay isang negosyo
(isang entidad na negosyo na binuo para pagkakitaan, na may lugar ng negosyo sa Estados Unidos, at pangunahing nag-o-operate
sa Estados Unidos) na itinuturing na maliit alinsunod sa mga pamantayan ng SBA sa laki sa 13 CFR § 121.201 at nasa 51 porsiyento
man lang na pag-aari ng isa o higit pang mga indibidwal na dehado sa lipunan at ekonomiya, isang Alaska Native Corporation,
isang dehado sa ekonomiya na tribo ng mga Indian, o isang dehado sa ekonomiya na Native Hawaiian Organization, at ang
pamumuno at pang-araw-araw na operasyon ng Aplikante ay kontrolado ng isa o higit pang mg aindibidwal na dehado sa lipunan
at ekonomiya, isang Alaska Native Corporation, isang dehado sa ekonomiya na tribo ng mga Indian, o isang dehado sa ekonomiya
na Native Hawaiian Organization. Ang mga indibidwal na dehado lipunan ay angmga sumailalim sa pagtatangi-tangi ng lahi o
etnisidad o bias sa kultura dahil sa pagkakakilanlan nila bilang miyembro ng isang grupo nang hindi isinasaalang-alang ang
indibidwal nilang mga katangian. Ang mga indibidwal na miyembro ng mga sumusunod na grupo ay ipinapalagay na dehado sa
lipunan: Mga Black American; Hispanic American; Native American (kabilang ang mga Alaska Native at Native Hawaiian); mga
Asian Pacific American; o Subcontinent Asian American. Ang mga indibidwal na dehado sa ekonomiya ay ang mga indibidwal na
dehado sa lipunan na ang kakayahang lumahok sa sistema ng malayang kalakal ay mahina dahil sa pinaliit na kapital at
oportunidad sa kredito kung ihahambing sa iba sa parehong area ng negosyo na hindi dehado sa ekonomiya. Sa pag-angkin ng
pagkadehado sa ekonomiya, titingnan ng SBA kung ang net worth ng indibidwal na umaangkin ng pagkadehado ay wala pang
$750,000, hindi kabilang ang kaniyang pagmamay-ari sa Aplikante, pangunahing personal na pananahan, mga contingent
liability, pondong nakapundar sa isang opisyal na retirement account, o kinikita na natanggap mula sa isang S-corporation, LLC,
o partnership kung magbibigay ang indibidwal ng mga dokumento na muling ipinundar sa kompanya ang kinita. Titingnan din ng
SBA kung ang na-adjust na gross income ng indibidwal na ang average sa nakalipas na tatlong taon ay lagpas sa $350,000. Hindi
kabilang ang natanggap na kinita mula sa isang S-corporation, LLC o partnership na muling ipinundar sa kompanya o ginamit
para ipambayad sa mga buwis na nagbuhat sa mga normal na operasyon. Sa huli, titingnan ng SBA kung ang patas na halaga ng
lahat na asset ng indibidwal sa merkado (hindi kabilang ang interes ng pag-aari niya sa Aplikante, pangunahing personal na
pananahan, o pondong ipinundar sa isang opisyal na retirement account) ay nakahihigit sa $6 na milyon. Ang indibidwal na
nakahihigit sa alinman sa mga hangganan na ito para sa net worth, personal na kinikita, o kabuuan ng mga asset ay hindi ituturing
na dehado ang ekonomiya.
SBA Form 3172 (04-21) Pahina 14
Aplikasyon para sa Restaurant Revitalization Funding
Isasaalang-alang ng SBA ang isang aplikante na nakasasapat sa paglalarawan ng maliit na negosyo na pag-aari at kontrolado ng
mga kababaihan, mga beterano, o mga indibidwal na dehado sa lipunan at ekonomiya kung ang aplikante ay isang maliit na
negosyo na 51 porsyento man lang ng pag-aari ay sa isa o higit pang mga indibidwal na kababaihan, beterano, o dehado sa
lipunan at ekonomiya at kung ang pamamahala at pang-araw-araw na operasyon ng aplikante ay kontrolado ng isa o higit pang
kababaihan, beterano, o indibidwal na dehado sa lipunan at ekonomiya. Halimbawa: Ang isang aplikante ay may limang may-ari
na ang bawat isa ay nagmamay-ari sa 20 porsiyento ng aplikante. Ang dalawa sa mga may-ari ay beterano at ang isang may-ari ay
indibidwal na dehado sa lipunan at ekonomiya. Isasaalang-alang ng SBA ang aplikanteng ito na makasasapat sa rekisito na 51
porsiyento man lang ng aplikante ay pag-aari ng priyoridad na grupo.
Kung nasasapatan ng isang indibidwal ang mga rekisito ng higit sa isang kategorya ng mga priyoridad na grupo, minsan lang
ibibilang ang indibidwal na iyon. Halimbawa: Ang isang aplikante ay may limang may-ari na ang bawat isa ay nagmamay-ari sa 20
porsiyento ng aplikante. Ang isa sa mga may-ari ay babaeng beterano na dehado sa lipunan at ekonomiya; pero, wala sa
nalalabing apat na may-ari ay babae, beterano, o indibidwal na dehado sa lipunan at ekonomiya. Hindi karapat-dapat ang
aplikanteng ito na mag-file ng aplikasyon bilang aplikante ng priyoridad na grupo. Ang pamamahala at araw-araw na operasyon
ng aplikante ay dapat na kontrolado rin ng isa o higit pang kababaihan, mga beterano, o mga indibidwal na dehado sa lipunan at
ekonomiya.
Batas sa Pagbabawas ng Papeles - Hindi ka kinakailangang tumugon sa koleksyon ng impormasyong ito maliban kung ipinapakita nito ang
isang kasalukuyang wastong OMB Control Number. Ang tinatayang na oras para tapusin ang aplikasyon na ito, kabilang ang pangangalap
ng data na kinakailangan, ay 45 minuto. Ang mga komento tungkol sa oras na ito o ang hiniling na impormasyon ay dapat na ipadala sa:
Small Business Administration, Director, Records Management Division, 409 3rd St., SW, Washington DC 20416, at/o SBA Desk Officer,
Office of Management and Budget, New Executive Office Building, Washington DC 20503. HUWAG IPAPADALA ANG MGA NAPUNAN NA
FORM SA MGA ADDRESS NA ITO.
Privacy Act (5 U.S.C. 552a) – Sa ilalim ng mga probisyon ng Privacy Act, hindi mo kinakailangang ibigay ang numero ng social security mo.
Ang kabiguang ibigay ang buong social security number mo ay hindi makakaapekto sa anumang karapatan, benepisyo, o pribilehiyo na
karapat-dapat mong matanggap. (Ngunit tingnan ang Abiso sa Pagkolekta ng Utang patungkol sa taxpayer identification number sa ibaba.)
Ang mga pagsiwalat ng pangalan at iba pang mga personal na pagkakakilanlan ay kinakailangan upang magbigay sa SBA ng sapat na
impormasyon para makagawa ng pagtukoy sa katauhan. Kapag tinatasahan ang katauhan, isinasaalang-alang ng SBA ang integridad,
pagkamakatotohanan, at disposisyon ng tao sa mga kriminal na paghahabla. Bukod pa rito, partikular na pinahintulutan ang SBA na i-verify
ang iyong kasaysayang kriminal, o kawalan nito, alinsunod sa seksiyon 7(a)(1)(B), 15 U.S.C. Seksiyon 636(a)(1)(B) ng Small Business Act.
Pagsiwalat sa Impormasyon– Ang mga kahilingan para sa impormasyon tungkol sa ibang partido ay maaaring tanggihan maliban kung ang
SBA ay may nasusulat na pahintulot ng indibidwal na ilabas ang impormasyon sa humihiling o maliban kung ang impormasyon ay
napapailalim sa pagsisiwalat sa ilalim ng Freedom of Information Act. Pinapayagan ng Privacy Act ang SBA na gumawa ng ilang mga
“karaniwang paggamit” ng impormasyong protektado ng Act (batas) na iyon. Ang isang naturang regular na paggamit ay ang pagsisiwalat
ng impormasyong nakaimbak sa system ng mga tala ng SBA kapag ang impormasyong ito ay nagpapahiwatig ng isang paglabag o potensyal
na paglabag sa batas, sibil man, kriminal, o administratibo ang klase. Partikular n, maaaring isangguni ng SBA ang impormasyon sa
naaangkop na ahensiya, maging Pederal, Estado, lokal o dayuhan, na may tungkuling responsibilidad para sa, o kung hindi man kaugnay
ng pagsisiyasat, pag-uusig, pagpapatupad, o pagpigil sa mga naturang paglabag. Ang isa pang nakagawian na paggamit ay ang pagsisiwalat
sa iba pang mga ahensiyang Pederal na nagsasagawa ng mga pagsusuri sa background ngunit hanggang lamang sa impormasyon na
nauugnay sa paggana ng mga humihiling na ahensiya. Basahin ang, 74 F.R. 14890 (2009), at tulad ng susugan paminsan-minsan para sa
karagdagang background at iba pang nakagawiang gamit. Bilang karagdagan, hinihingi ng CARES Act sa SBA na irehistro ang bawat utang
na isinagawa sa ilalim ng Paycheck Protection Program gamit ang Taxpayer Identification Number (TIN) na nakatalaga sa humihiram.
Debt Collection Act of 1982, Deficit Reduction Act of 1984 (31 U.S.C. 3701 et seq. at iba pang pamagat) – Dapat makuha ng SBA ang
iyong taxpayer identification number kapag nag-apply ka para sa isang loan. Kung nakatanggap ka ng loan, at hindi nagbayad sa takdang
oras, maaaring gawin ng SBA: (1) i-ulat ang status ng (mga) utang mo sa mga credit bureau, (2) umarkila ng isang ahensiya ng
pangongolekta para kolektahin ang iyong utang, (3) i-awas ang income tax refund mo o iba pang halaga na nauukol sa iyo mula sa
Pamahalaang Pederal, (4) suspindihin o i-debar ka o ang iyong kompanya mula sa paggawa ng negosyo sa Pamahalaang Pederal, (5) ipasa
ang loan mo sa Kagawaran ng Hustisya, o (6) gumawa ng iba pang paghahabla na pinapayagan sa mga kasulatan ng loan.
Right to Financial Privacy Act of 1978 (12 U.S.C. 3401) – Nagbibigay ang Right to Financial Privacy Act of 1978, ng karapatan sa SBA na
ma-access ang mga record ng pananalapi na hawak ng mga institusyon sa pananalapi na nakikipagnegosyo sa iyo o sa iyong negosyo
kasama ang anumang mga institusyong pampinansiyal na nakikilahok sa isang loan o garantiya sa loan. Kinakailangan lamang ang SBA na
magbigay ng isang sertipiko ng pagsunod nito sa Batas sa isang institusyong pampinansiyal kaugnay sa unang kahilingan nito para sa pag-
access sa iyong mga record sa pananalapi. Ang mga karapatan sa pag-access ng SBA ay nagpapatuloy para sa termino ng anumang
naaprubahang kasunduan sa pag-garantiya ng utang. Pinahintulutan din ang SBA na ilipat sa ibang awtoridad ng Pamahalaan ang anumang
mga talaang pampinansiyal hinggil sa isang naaprubahang loan o garantiya sa loan, kung kinakailangan upang maproseso, maka-serbisyo
o magremata sa isang garantiya sa pautang o makolekta sa isang na-default na garantiya sa pautang.
Freedom of Information Act (5 U.S.C. 552) – Ipinagkakaloob ng batas na ito, nang may ilang di-pagkakabilang, na dapat magbigay ang SBA
ng impormasyon na sumasalamin sa mga file ng ahensiya at mga record sa isang taong humihiling dito. Ang impormasyon tungkol sa
SBA Form 3172 (04-21) Pahina 15
Aplikasyon para sa Restaurant Revitalization Funding
naaprubahang mga loan na sa pangkalahatan ay inilabas ay kasama, bukod sa iba pang mga bagay, na mga estadistika sa aming mga
programa sa pautang (ang mga indibidwal na nanghiram ay hindi tutukuyin sa mga estadistika) at iba pang impormasyon tulad ng mga
pangalan ng mga nanghiram, ang halaga ng loan, at ang uri ng loan. Ang proprietary data sa isang nanghihiram ay hindi regular na
maipagagamit sa mga third party. Lahat ng kahilingan sa ilalim ng Act na ito ay dapat idulog sa pinakamalapit na tanggapan ng SBA at
makilala bilang isang kahilingan sa Freedom of Information.
Occupational Safety and Health Act (15 U.S.C. 651 et seq.) – Maaaring hingin ng Occupational Safety and Health Administration (OSHA)
sa mga negosyo na baguhin ang mga pasilidad at pamamaraan para maprotektahan ang mga empleyado. Ang mga negosyong hindi
sumusunod ay maaaring pagmultahin at hingin na bawasan ang mga panganib sa kanilang lugar ng trabaho. Maaari din silang utusan na
itigil ang mga operasyon na nagbibigay ng napipintong panganib ng pagkamatay o malubhang pinsala hanggang sa maprotektahan ang
mga empleyado. Ang paglagda sa form na ito ay sertipikasyon na ang aplikante, sa abot ng kanyang nalalaman, ay sumusunod sa mga
umiiral na rekisito ng OSHA, at mananatiling sumusunod sa itatagal ng loan.
Civil Rights (13 C.F.R. 112, 113, 117) – Dapat sumang-ayon ang lahat ng negosyong tumatanggap ng tulong pinansyal ng SBA na hindi
magtatangi-tangi sa anumang kagawian sa negosyo, kabilang ang mga kagawian sa pagpapatrabaho at mga serbisyo sa publiko batay sa
mga kategorya na nabanggit sa 13 C.F.R., Part 112, 113, at 117 ng Mga Regulasyon ng SBA. Dapat ipakita ng lahat ng mga nangutang ang
"Equal Employment Opportunity Poster" na inireseta ng SBA.
Equal Credit Opportunity Act (15 U.S.C. 1691) – Ipinagbabawal sa mga nagpapahiram na magtangi-tangi sa mga aplikante ng kredito batay
sa lahi, kulay, relihiyon, pambansang pinagmulan, kasarian, katayuan sa pag-aasawa o edad (sa kondisyon na ang aplikante ay may
kakayahang pumasok sa isang umiiral na kontrata); dahil ang lahat o bahagi ng kita ng aplikante ay nagmula sa anumang programa sa
tulong publiko; o sapagkat ginamit ng aplikante nang may mabuting hangarin ang anumang karapatan sa ilalim ng Consumer Credit
Protection Act.
Debarment and Suspension Executive Order 12549 (2 C.F.R. Part 180 and Part 2700) – Sa pagsumite ng aplikasyon sa pautang na ito,
pinapatunayan mo na wala alinman sa Aplikante o sinumang may-ari ng Aplikante sa loob ng tatlong taon ang: (a) na-debar, suspendido,
dineklarang hindi karapat-dapat o kusang hindi ibinilang sa paglahok sa isang transaksiyon ng anumang Ahensiyang Pederal; (b) pormal na
pinanukala para ma-debar, nam ay nakabinbin na pinal na pagtutukoy; (c) nasakdal, nahatulan, o may hatol na sibil na ipinataw laban sa iyo
para sa anumang pagkakasala na nakalisata sa mga regulasyon o (d) delingkwente sa anumang halagang pagkakautang sa U.S. Pamahalaan
o mga kagamitan nito hanggang sa petsa ng pagpapatupad ng sertipikasyong ito.
SBA Form 3172 (04-21) Pahina 16
File and source
- File
- SBA-SBA-Form-3172-RRF-Application-4.20.21_Tagalog_0.pdf
- Size
- 1,058,046 bytes
- SHA-256
- 4d1dac369e92993db86555e9dc26f6bbff499ce922fe50297b9870a4810056b3
- Original
- legacy.sba.gov