Pandemic Darlings The pandemic economy, in original documents
Home SBA, PPP Myth vs. Fact (tagalog translation)Search ⌕

SBA, PPP Myth vs. Fact (tagalog translation)

Summary

A Tagalog translation of the SBA's PPP Myth vs. Fact sheet, marked 046. The sheet labels criticisms as myths and gives SBA's responses on waste and fraud, on support for small businesses, on workers and on underserved communities. The sheet states that 87% of loans were $150,000 or less and cites 51 million jobs supported and 80% of small business payroll. It cites the rule that at least 60% of PPP funds cover payroll costs. It also states that participating lenders grew from 1,700 in 2019 to 5,500, and that 432 MDIs and CDFIs made more than 221,000 loans.

Summary drafted by a model from the document's text below and checked by script against that text before publication. It is a navigation aid, not a reading of what the document proves. Where AI is used

Cite this document

“SBA, PPP Myth vs. Fact (tagalog translation).” Original at legacy.sba.gov. Archived at Pandemic Darlings, https://pandemicdarlings.com/source-documents/sba-ppp-myth-vs-fact-tagalog-translation-cab9fb56c6/, SHA-256 f77d719e77efda88d7c791f2ee15b976a793bc7955f44a2042b8afbdecdd0f5d.

Full text

                                                                                             046 – Tagalog - Tagalog

                         Nagbigay AngPaycheck Protection
                         Program (PPP) Ng Pang-emergency Na
                         Ayuda Para Sa COVID-19 SaMilyun-
                         milyong Negosyo At Sa Kani-kanilang
                         Mga Manggagawa

Maling Paniniwala kontra sa Katotohanan
MALING PANINIWALA #1: Lugmok ang PPP sa kalabisan, panloloko, at pang-
aabuso.
KATOTOHANAN: Sinuportahan ng karamihan ng pondo ng PPP ang mga maliliit na negosyong
Amerikano at ang masisipag nilang mga empleyadong labis na nangangailangan ng ayudang pang-
ekonomiya. Para matiyak na nasusunod ang lahat na panuntunan, sumasailalim ang lahat na pautang sa
naka-automate na pagrepaso, at lahat ng pautang na nasa $2 milyon o higit pa ay sasailalim sa mano-
manong pagrepaso. Bilang karagdagan, maaaring mapili ang alinmang pautang para sa mano-manong
pagrepaso. May matibay na proseso ang SBA sa pagtiyak na nagagamit ang mga pondo ng PPP sa
pinaglaanan dito. Panata ng SBA na mabunot ang mapanlokong aktibidad; naaangkop na papanagutin
ang sinumang aabuso sa importanteng programa na ito. Ang pagkakalista ng isang umuutang ay hindi
nangangahulugan na nagsagawa ang SBA ng positibong deklarasyon na ang isang umuutang ay karapat-
dapat o na ito ay makatatanggap ng patawad sa pautang. Mayroong nagpapatuloy na proseso ang SBA
para sa pagrerepaso.


MALING PANINIWALA #2: Sinusuportahan lang ng PPP ang malalaking
korporasyon, hindi ang maliliit na negosyo.
KATOTOHANAN: Inilunsad ang PPP para tulungan na manatiling tumatakbo ang maliliit na negosyo
at nakatatanggap ng sahod ang mga empleyado sa kasagsagan ng pandemya ng coronavirus. Sa mga
negosyong nakatanggap ng mga pautang mula sa PPP, 75 porsiyento ang may siyam o mas kaunti pang
empleyado. Bilang karagdagan, 87% ng lahat na pautang, o siyam sa sampu, ay $150,000 o mas mababa
pa. Wala ni isang karapat-dapat na hiwalay na kontratista, solong proprietor, o maliit na negosyong nag-
apply para sa pautang ng PPP at naapruba bago nagsara ang PPP—maging nagpapatrabaho ito ng daan-
daang manggagawa o iisang indibidwal—ang nabukod sa pagtanggap ng pautang dahil sa kawalan ng
pondo. Nagsara ang PPP noong Agosto na may higit sa $130 bilyon na pondong magagamit na hindi
kinuha.


MALING PANINIWALA #3: Hindi sinuportahan ng PPP ang mga manggagawa.
KATOTOHANAN: Bawat bahagi ng PPP ay idinisenyo para mapanatiling nagtatrabaho ang mga
Amerikano. Nagtagumpay ang PPP. Sa ngayon, nasuportahan ng PPP ang higit sa 51 milyong trabaho ng
Amerikano, at may higit sa 80% ng pasahod ng maliliit na negosyo sa Estados Unidos. Sa paghingi ng
hindi bababa sa 60% ng mga pondo ng PPP para masagot ang mga gastusin sa pasahod, natiyak ng
Administrasyon na protektado ang mga sahod ng mga Amerikano. Direktang may kontribusyon ang PPP
sa makasaysayang pagbangon ng ekonomiya na kasalukuyan nating dinaranas, na higit na nagpababa sa
kawalan ng trabaho kaysa sa inaasahan noong kasagsagan ng pandemya. Bilang karagdagan,
kasalukuyang nasa 6.7% ang bilang ng walang trabaho, isang bilang na hindi inasahan ng maraming
panlabas na dalubhasa na makakamit hanggang sa ika-apat na quarter ng 2021.


MALING PANINIWALA #4: Hindi nakarating ang mga pondo ng PPP sa mga
komunidad na may kasaysayang hindi napaglilingkuran.
KATOTOHANAN: Mula nang naisabatas ang CARES Act, nakipagtulungan ang SBA at Treasury sa
Kongreso, sa anumang laki ng mga umuutang, at nagpapa-utang—kabilang ang mga pangrehiyon at
pangkomunidad na bangko, mga Community Development Financial Institution (mga CDFI), at mga
Minority Depository Institution (mga MDI)—para matiyak na maa-access ng pinakamaraming bahagi ng
maliliit na negosyo ang PPP. Para matiyak na magsimulang dumaloy nang mabilis ang mga pondo sa
maliliit na negosyo, partikular na sa mga hindi napaglilingkurang komunidad, nagtulungan ang SBA at
Treasury sa mga nagpapautang na nakaposisyong maabot ang mga umuutang na walang matatag na
tradisyunal na ugnayan sa mga bangko. Sa pamamagitan ng mga aksyon namin, napataas namin ang
bilang ng mga lumalahok na nagpapautang mula sa 1,700 na unti-unting sumali sa pautang ng SBA 7(a)
noong 2019 sa halos 5,500 na nagpapautang na lumalahok sa PPP.
Nagsagawa ang SBA at Treasury ng agresibong kampanya sa pag-abot ng tulong para matiyak ang
paglahok sa PPP ng mga CDFI, MDI, at minoridad, kababaihan, mga beterano, o nagpapautang na pag-
aari ng militar dahil sa hindi mapantayang kakayahan nila na maabot ang mga komunidad na hindi
napaglilingkuran. Ipinapakita ng datos na gumana ang kampanya ng pag-abot ng tulong ng SBA at
Treasury.
Mula Agosto 8, 2020, nang magsara ang PPP para sa mga bagong aplikasyon, 432 na MDI at CDFI sa
buong bansa ang lumahok, na nagbigay ng lagpas sa 221,000 pautang na may halagang higit sa $16.4
bilyon. Nakapagbigay ang PPP ng $133 bilyon ng mga pautang sa mga negosyong nasa mga Historically
Underutilized Business Zone, na bumubuo sa higit sa 25 porsiyento ng lahat na pondo ng PPP. Dagdag
pa, ipinababatid ng isang pagrepaso ng census ang 28 porsiyento ng populasyon ng U.S. ang namumuhay
sa mababa at katamtamang mga census tract ng kinikita, at nang itapat sa distribusyon ng mga pautang
ng PPP, 27 porsiyento ng mga pondo ng PPP ang napunta sa mga komunidad na may mababa at
katamtamang kinikita, na kahanay ng kanilang kinakatawan sa populasyon.


File and source

File
SBA-PPP-Myth-vs-Fact-508_0_tagalog.pdf
Size
484,810 bytes
SHA-256
f77d719e77efda88d7c791f2ee15b976a793bc7955f44a2042b8afbdecdd0f5d
Our copy
SBA-PPP-Myth-vs-Fact-508_0_tagalog.pdf
Original
legacy.sba.gov
Back to top