Pandemic Darlings The pandemic economy, in original documents
Home SBA, PPP 3508S Loan Forgiveness Application + Instructions (Tagalog translation)Search ⌕

SBA, PPP 3508S Loan Forgiveness Application + Instructions (Tagalog translation)

Summary

A Tagalog translation of the SBA PPP Loan Forgiveness Application Form 3508S and its instructions, under OMB Control No. 3245-0407 with an expiration date of 01/31/2022 and footers dated 07/21. The form states that a borrower may use it only for a PPP loan of $150,000 or less, for a First Draw or Second Draw PPP Loan. The certifications refer to borrowers that applied using Form 2483-C or Form 2483-SD-C and cite 18 U.S.C. 1001 and 3571, 15 U.S.C. 645 and 18 U.S.C. 1014. The instructions also refer to Form 3508 and Form 3508D. They end with the documents a borrower must provide to a lender for legal requirements or an SBA loan review or audit.

Summary drafted by a model from the document's text below and checked by script against that text before publication. It is a navigation aid, not a reading of what the document proves. Where AI is used

Cite this document

“SBA, PPP 3508S Loan Forgiveness Application + Instructions (Tagalog translation).” Original at legacy.sba.gov. Archived at Pandemic Darlings, https://pandemicdarlings.com/source-documents/sba-ppp-3508s-loan-forgiveness-application-instructions-tagalog-transl-73e6ab3ecc/, SHA-256 e92891cdd5158670bbedc0507d414e05b9112008235d78e094249f6940d61957.

Full text

                                                                                                                     OMB Control No.: 3245-0407
                                                                                                            Petsa ng Pagkawalang Bisa: 01/31/2022
                                                                                                                          146 - Tagalog - Tagalog
                                         Paycheck Protection Program
             Application Form para sa Pagpapatawad ng PPP Loan 3508S Binago noong Hulyo 30, 2021
          MAAARI LANG GAMITIN NG NANGUNGUTANG ANG FORM NA ITO KUNG NAKATANGGAP ANG
                    NANGUNGUTANG NG PPP NA PAUTANG NA $150,000 O MAS MABABA

                    Legal na Pangalang ng Negosyo (“Humihiram”)                          DBA o Tatak-kalakal, kung naaangkop

                         Address ng Negosyo                       NAICS Code    TIN ng Negosyo (EIN, SSN,          Telepono ng Negosyo
                                                                                         ITIN)
                                                                                                              (     )        -
                                                                                   Pangunahing Kontak                   E-mail Address



  ☐ First Draw PPP Loan ☐ Second Draw PPP Loan (mag-tsek ng isa)

  SBA PPP Loan Number: ________________________ PPP Loan Number ng Nagpapahiram: _________________________

  Halaga ng PPP Loan: _____________________________ Petsa ng Pagbigay ng PPP Loan: ________________________

  Halaga ng Itinaas ng PPP Loan (kung naaangkop): ___________ Petsa ng Pagtaas ng PPP Loan (kung naaangkop):____________

  Mga Empleyado sa Panahon ng Aplikasyon para sa Loan: _________________

  Mga Empleyado sa Panahon ng Aplikasyon para sa Pagpapatawad:________________

  Nasasaklaw na Panahon: ________________________ hanggang ________________________

  Halaga ng Loan na Ginamit para sa Gastos sa Payroll:_____________________

  Hiniling na Halaga ng Pagpapatawad sa Loan: ________________________

  Sa Paglagda sa Ibaba, Ipinababatid Mo ang Mga Sumusunod at Mga Sertipikasyon sa Ngalan ng Humihiram:
  Pinapatotohanan ng Awtorisadong Kinatawan ng Humihiram ang lahat ng nasa ibaba sa pamamagitan ng pag-inisyal sa tabi ng
  bawat isa.
    _____    Sinunod ng Nangungutang ang lahat na hinihingi sa Mga Panuntunan ng Paycheck Protection Program (Mga Seksyon
             7(a)(36), (7)(a)(37), at 7A ng Small Business Act, ang mga interim final rule ng PPP, at gabay na inilabas ng SBA sa
             pamamagitan ng aplikasyon na ito), kabilang ang mga panuntunan na kaugnay ng:
                   mga kwalipikadong makukuhang PPP loan;
                   ang halaga ng makukuha mula sa PPP loan na dapat gamitin para s amga gastos sa payroll (kabilang ang mga
                      gastos ng proprietor para s amga Humihiram na nag-apply para sa mga loan gamit ang mga SBA Form na 2483-
                      C o 2483-SD-C);
                   ang kalkulasyon at pagdokumento ng pagbaba ng kinita ng Nangungutang (kung nalalapat); at
                   ang kalkulasyon ng Hiniling na Halaga ng Pagpapatawad sa Loan ng Nangungutang.
             Mahahanap ang impormasyon kaugnay ng mga rekisitong ito sa Form 3508S Mga Tagubilin at Mga Panuntunan ng
             Paycheck Protection Program.
    _____     Ang impormasyon na ibinigay sa aplikasyon na ito ay totoo at wasto sa lahat ng aspetong materyal. Nauunawaan ko na
              ang sadyang paggawa ng maling pahayag upang makakuha ng kapatawaran ng isang utang na garantisado ng SBA ay
              mapaparusahan sa ilalim ng batas, kabilang ang 18 U.S.C. 1001 at 3571 sa pamamagitan ng pagkabilanggo nang hindi
              hihigit sa limang taon at/o isang multa hanggang sa $250,000; sa ilalim ng 15 U.S.C. 645 sa pamamagitan ng
              pagkabilanggo na hindi hihigit sa dalawang taon at/o isang multa na hindi hihigit sa $5,000; at, kung isinumite sa isang
              institusyong nakaseguro ng Federal, sa ilalim ng 18 U.S.C. 1014 sa pamamagitan ng pagkabilanggo nang hindi hihigit sa
              tatlumpung taon at/o isang multa na hindi hihigit sa $1,000,000.
  Kasunod ng pagsumite ng aplikasyon sa pagpapatawad na ito, dapat na panatilihin ng Nangungutang ang lahat ng kinakailangang
  record para patunayan ang pagsunod sa Mga Panuntunan ng Paycheck Protection Program nang apat na taon para sa mga employment
  record at tatlong taon para sa lahat ng iba pang record. Maaaring humingi ang SBA ng karagdagang impormasyon para sa mga layunin
  ng pagsusuri ng pagiging karapat-dapat ng Nangungutang para sa PPP loan at para sa pagpapatawad ng utang, at ang kabiguan ng
  Nangungutang na magbigay ng impormasyong hiniling ng SBA ay maaaring magresulta sa isang pagpapasiya na hindi kwalipikado
  ang Nangungutang para sa PPP loan o sa pagtanggi sa aplikasyon ng Nangungutang sa pagpapatawad ng utang.




SBA Form 3508S (07/21)
                                              Paycheck Protection Program
                 Application Form para sa Pagpapatawad ng PPP Loan 3508S Binago noong Hulyo 30, 2021

  Tatasahan ang pagkakarapat-dapat ng Nangungutang sa pagpapatawad ng loan alinsunod sa Mga Panuntunan ng Paycheck Protection
  Program. Maaaring idirekta ng SBA ang isang tagapagpahiram upang tanggihan ang aplikasyon ng kapatawaran ng utang ng
  Nangungutang kung tinukoy ng SBA na hindi karapat-dapat ang Nangungutang para sa PPP loan.


  _____________________________________________________           ____________________________
  Lagda ng Awtorisadong Kinatawan ng Umuutang                     Petsa

  _____________________________________________________           ____________________________
  I-print ang Pangalan                                             Titulo




SBA Form 3508S (07/21)
                                                   Paycheck Protection Program
                   Application Form para sa Pagpapatawad ng PPP Loan 3508S Binago noong Hulyo 30, 2021

                            Form ng Demograpikong Impormasyon ng Nangungutang sa PPP (Opsyonal)
  Mga Tagubilin
   1. Layunin. Ang datos ng beterano/kasarian/lahi/etnisidad ay nakolekta para sa mga layunin lamang sa pag-uulat ng programa.
   2. Paglalarawan. Ang form na ito ay humihiling ng impormasyon tungkol sa bawat isa sa mga Principal ng Nangungutang.
       Magdagdag ng mga karagdagang sheet kung kinakailangan.
   3. Kahulugan ng Principal. Ang salitang "Principal" ay nangangahulugang:
        Para sa isang indibidwal na nagtatrabaho para sa sarili, independiyenteng kontratista, o nag-iisang nagmamay-ari, ang
            indibidwal na nagtatrabaho para sa sarili, independiyenteng kontratista, o nag-iisang nagmamay-ari.
        Para sa isang pakikipagsosyo, ang lahat ng mga pangkalahatang kasosyo at lahat ng mga limitadong kasosyo na
            nagmamay-ari ng 20% o higit pa sa equity ng Nangungutang, o anumang kasosyo na kasangkot sa pamamahala ng
            negosyo ng Nangungutang.
        Para sa korporasyon, ang lahat ng mga may-ari ng 20% o higit pa sa Nangungutang, at bawat opisyal at direktor.
        Para sa isang limitadong pananagutan ng kumpanya, ang lahat ng mga miyembro na nagmamay-ari ng 20% o higit pa sa
            Nangungutang, at bawat opisyal at direktor.
        Sinumang indibidwal na inuupahan ng Borrower upang pamahalaan ang pang-araw-araw na operasyon ng
            Nangungutang ("pangunahing empleyado").
        Sinumang katiwala (kung ang Nangungutang ay pag-aari ng isang tiwala).
        Para sa isang nonprofit na organisasyon, ang mga opisyal at direktor ng Nangungutang.
   4. Pangalan ng Principal. Ilagay ang buong pangalan ng Principal.
   5. Posisyon ng Principal. Tukuyin ang posisyon ng Principal; halimbawa, self-employed na indibidwal; hiwalay na kontratista;
       sole proprietor; general partner; may-ari; officer; director; miyembro; o pangunahing empleyado.

 Pangalan ng Principal                                                    Pangunahing Posisyon

                          Piliin Ang Tugon sa Ibaba:
 Beterano                 □ Hindi Beterano; □ Beterano; □ Beterano na Nalumpo sa Serbisyo; □ Asawa ng Beterano; □ Hindi
                          Isiniwalat
 Kasarian                 □ Lalaki; □ Babae; □ Hindi Isiniwalat
 Lahi (higit sa 1 ay      □ American Indian o Native ng Alaska; □ Asian; □ Black o African-American; □ Native ng Hawaii o
 maaaring mapili)         Pacific Islander; □ White; □ Hindi Isiniwalat
 Etnisidad                □ Hispanic o Latino; □ Hindi Hispanic o Latino; □ Hindi Isiniwalat

               Ang pagsisiwalat ay kusang-loob at walang magiging epekto sa desisyon ng kapatawaran ng utang




Paperwork Reduction Act – Hindi ka kinakailangang tumugon sa pagkolekta ng impormasyon na ito maliban kung nagpapakita ito ng
kasalukuyang balidong OMB Control Number. Ang tinatayang oras para sa pagkumpleto ng aplikasyong ito, kasama na ang pangangalap ng dato
na kinakailangan ay 15 minuto. Ang mga komento tungkol sa oras na ito o ng impormasyong hinihingi ay dapat ipadala sa Small Business
Administration, Director, Records Management Division, 409 3rd St., SW, Washington DC 20416, at/o SBA Desk Officer, Office of Management
and Budget, New Executive Office Building, Washington DC 20503. HUWAG IPAPADALA ANG MGA FORM SA MGA ADDRESS NA ITO.




SBA Form 3508S (07/21)
                                                 Paycheck Protection Program
                  Application Form para sa Pagpapatawad ng PPP Loan 3508S Binago noong Hulyo 30, 2021

       Application Form sa Pagpapatawad ng PPP Loan 3508S Mga Tagubulin para sa Mga Nangungutang
  Alinsunod sa mga tagubilin sa ibaba at ayon sa itinuro ng Nagpapahiram sa iyo, ikaw (ang Humihiram) ay maaaring mag-apply para
  sa pagpapatawad sa pamamagitan ng pagsagot sa SBA Form 3508S na ito sa elektronikong paraan sa Paycheck Protection
  Platform ng SBA (SBA Platform) o sa pamamgitan ng pagsagot at pagsumite ng SBA Form 3508S (o katumbas na form ng
  Nagpapahiram) na ito alinman sa anyong elektroniko o papel mula sa iyong Nagpapahiram (o sa nagpapahiram na
  nagseserbisyo sa loan mo).
  Maaari kang mag-apply para sa pagpapatawad ng First o Second Draw Paycheck Protection Program (PPP) Loan mo gamit ang
  SBA Form 3508S na ito tanging kung ang halaga ng loan na natanggap mo mula sa Nagpapahiram ay $150,000 o mas mababa pa
  para sa isang indibidwal na First o Second Draw PPP Loan. Kung hindi ka kwalipikadong gamitin ang form na ito, dapat kang mag-
  apply para sa pagpapatawad ng iyong PPP na pautang gamit ang SBA Form 3508 o 3508EZ (o katumbas na form ng nagpapautang).
  Ang bawat PPP loan ay dapat gumamit ng hiwalay na application form ng pagpapatawad sa loan. Hindi mo magagamit ang iisang
  form para mag-apply para sa pagpapatawad ng kapwa First at Second Draw PPP loan.
  Mas kaunting kalkulasyon lang ang kailangan sa SBA Form 3508S at mas kaunting dokumentasyon para sa mga kwalipikadong
  nangungutang. Hindi hinihingi ng SBA Form 3508S na ipakita ng mga nangungutang ang mga kalkulasyong ginamit para matukoy
  ang halaga ng pagpapatawad sa kanilang loan. Subalit, maaaring humingi ng impormasyon at mga dokumento ang SBA para
  repasuhin ang mga kalkulasyong iyon bilang bahagi ng proseso nito sa pagrerepaso o pag-awdit ng pautang.
  Kung isinusumite ang aplikasyon na ito para sa pagpapatawad ng isang First Draw PPP Loan na inaprubahan sa o bago ang Agosto
  8, 2020 at kinakailangan ng Humihiram na magsumite ng SBA Form 3508D na pagsisiwalat sa isang controlling interest, dapat na
  isumite ang pagsisiwalat na iyon sa nagpapahiram nang hindi lalagpas sa 30 araw pagkaraang maisumite ang aplikasyon na ito para
  sa pagpapatawad ng loan. Basahin ang subsection B.16 ng interim final rule ng SBA na nai-post noong Enero 6, 2021 (86 FR 3692),
  gaya ng inamyenda.
  Kung isinusumite ang aplikasyon sa pagpapatawad na ito para sa isang Second Draw PPP Loan at hindi mo pa naisusumite ang
  dokumento ng Nagpapahiram mong sumusuporta sa pagbaba ng kinikita sa aplikasyon mo sa loan, maaaring may karagdagang
  hakbang na kakailanganin. Isang COVID Revenue Reduction Score (score) ang itatalaga sa PPP Loan mo para matukoy kung
  kinakailangan mong magbigay ng karagdagang mga dokumento na susuporta sa sertipikasyon mo ng pagbaba ng kinikita. Kung
  nag-a-apply ka para sa pagpapatawad sa pamamagitan ng SBA Platform, awtomatiko kang huhudyatan para sa mga dokumento
  kapag kinailangan ito ng score mo sa PPP Loan. Kung nag-a-apply ka ng pagpapatawad sa pamamagitan ng Nagpapahiram sa iyo,
  aabisuhan ka ng Nagpapahiram sa iyo kung kinakailangan ng score mo na magbigay ng karagdagang mga dokumento na
  sumusuporta sa sertipikasyon ng pagbaba ng kinikita mo, kung hindi pa naisumite noon.
  Kung sinabihan ka ng Nagpapahiram sa iyo na punan ang aplikasyon sa pagpapatawad na ito sa elektronikong paraan sa
  pamamagitan ng SBA Platform, kailangan mo munang matagumpay na magrehistro para sa isang account sa SBA Platform. Kung
  hindi mai-validate ng SBA Platform ang pagkakakilanlan mo (kung, halimbawa, mayroon hindi nai-ulat na pagbabago sa pag-aari),
  hindi mo magagamit ang SBA Platform at sa halip ay dapat isumite ang aplikasyon mo sa pagpapatawad nang direkta sa
  Nagpapahiram sa iyo. Kung isinusumite mo ang aplikasyon mo sa pagpapatawad sa pamamagitan ng SBA Platform, dapat mong
  punan ang lahat ng kailangang field, lagyan ng inisyal ang lahat ng pahayag at sertipikasyon, lagdaan ang form, at, kung kailangan,
  i-upload ang mga dokumento ng pagbaba ng kinikita para makumpleto ang pagsumite ng aplikasyon sa SBA Platform. Dapat na
  mapunan, malagdan, maisumite at matanggap ng SBA Platform ang aplikasyon mo sa pagpapatawad para maituloy ang
  pagpapaliban ng loan mo. Makatatanggap ka ng isang kumpirmasyon kapag natanggap na ng SBA Platform ang aplikasyon mo sa
  pagpapatawad. Kung hindi ka makatanggap ng isang kumpirmasyon, hindi na ipagpapaliban ang loan mo simula sa sampung buwan
  pagkalipas ng wakas ng Nasasaklaw na Panahon, maliban kung magsumite ka ng aplikasyon sa pagpapatawad sa Nagpapahiram sa
  iyo bago ang wakas ng panahon ng pagpapaliban.
  Pagkatapos matanggap ng SBA Platform ang aplikasyon mo sa pagpapatawad, ang nagpahiram sa iyo ay aabisuhan ng SBA
  Platform. Ang Nagpapahiram sa iyo ay may 60 araw mula sa petsa ng abiso na repasuhin ang aplikasyon mo sa pagpapatawad at
  mga pang suportang dokumento (kung naaangkop) at maglabas ng desisyon sa pagpapatawad sa SBA sa pamamagitan ng SBA
  Platform. Sa paglabas ng desisyon sa pagpapatawad ng Nagpapahiram, mayroong 90 araw ang SBA, alinsunod sa anumang
  pagrepaso sa loan o aplikasyon sa loan, para magsagawa ng remittance ng pagpapatawad sa Nagpapahiram, kung naaangkop. Sa
  pagsumite ng aplikasyon mo sa pagpapatawad sa pamamagitan ng SBA Platform (kung naaangkop), binibigyan mo ng awtorisasyon
  ang SBA na ibahagi sa Nagpapahiram sa iyo ang impormasyon at mga dokumento na isinumite mo. Kung nagsumite ka na ng
  aplikasyon sa pagpapatawad sa Nagpapahiram sa iyo, huwag magsumite ng duplicate na aplikasyon sa pagpapatawad sa
  pamamagitan ng SBA Platform.
  Kung pinupunan mo ang aplikasyon na pagpapatawad sa pamamagitan ng SBA Platform, pupunan ng SBA ang ilang data
  field gaya ng naitala sa elektronikong Form 3508S mo gamit ang impormasyon na nasa Electronic Transmission (E-TRAN)
  system na record ng SBA. Kung hindi mo makumpirma sa SBA na sumasang-ayon ang mga record mo sa lahat ng data field
  na unang napunan, dapat kang mag-apply ng pagpapatawad sa PPP loan mo sa pamamagitan ng Nagpapahiram sa iyo.
  Kung isinusumite mo ang aplikasyon sa pagpapatawad mo sa pamamagitan ng Nagpapahiram sa iyo, dapat mong punan
  ang lahat ng data field na nasa form. Dagdag pa, kung pinupunan mo ang aplikasyon sa pagpapatawad mo sa pamamagitan
  ng SBA Platform, dapat mong punan ang lahat ng data field na hindi pa unang napunan ng system.

SBA Form 3508S (07/21)
                                                Paycheck Protection Program
                 Application Form para sa Pagpapatawad ng PPP Loan 3508S Binago noong Hulyo 30, 2021

  Legal na Pangalan ng Negosyo (“Humihiram”)/DBA o Tradename (kung naaangkop)/TIN ng Negosyo (EIN, SSN, ITIN):
  Ipasok ang parehong impormasyon gaya ng nasa Borrower Application Form (SBA Form 2483, SBA Form 2483-SD, SBA Form
  2483-C, SBA Form 2483-SD-C, o katumbas na mula sa nagpapahiram). Pupunan ng system ang field na ito kung ginagamit mo ang
  SBA Platform.
  Address ng Negosyo/NAICS Code/Telepono ng Negosyo/Pangunahing Contact/E-mail Address: Ilagay ang parehong
  impormasyon tulad ng sa iyong Application Form ng Nangungutang, maliban kung nagkaroon ng pagbabago sa address o
  impormasyon sa pakikipag-ugnayan. Ang NAICS Code na ipinasok ay dapat tumutugma sa aktibidad ng negosyo na ibinigay sa
  kanilang mga pagsumite ng buwis sa kita sa IRS, kung naaangkop. Pupunan ng system ang field na ito kung ginagamit mo ang SBA
  Platform. Kung nagkaroon ka ng pagbabago sa address o impormasyon sa pagkontak, hindi mo magagamit ang SBA Platform para
  magsumite ng aplikasyon mo sa pagpapatawad.
  First Draw PPP Loan o Second Draw PPP Loan: Piliin ang kahon na naglalarawan sa PPP loan ng aplikasyon sa pagpapatawad
  na ito. Kung isa lang ang PPP loan mo, piliin ang First Draw PPP Loan. Pupunan ng system ang field na ito kung ginagamit mo ang
  SBA Platform.
  Numero ng PPP na Pautang ng SBA: Ilagay ang numero ng pautang na itinalaga ng SBA noong inaprubahan ang pautang.
  Hilingin ang numero na ito mula sa Nagpapautang kung kinakailangan. Pupunan ng system ang field na ito kung ginagamit mo ang
  SBA Platform.
  Numero ng Nagpapahiram ng PPP na Utang: Ilagay ang numero ng pautang na itinalaga sa PPP na pautang ng Nagpapautang.
  Ang numerong ito ay hindi na kailangan kung ginagamit mo ang SBA Platform.
  Halaga ng PPP na Pautang: Ilagay ang orihinal na binigay na principal na halaga ng PPP loan (ang orihinal na halaga ng loan na
  natanggap mo mula sa Nagpahiram). Pupunan ng system ang field na ito kung ginagamit mo ang SBA Platform.
  Petsa ng Pagbabayad ng PPP na Utang: Ilagay ang petsa kung kailan mo natanggap ang pondo ng PPP na pautang mula sa
  Nagpapautang. Kung ang pondo ng pautang ay natanggap sa mahigit sa isang petsa, ilagay ang unang petsa kung kailan mo
  natanggap ang pondo para sa PPP na pautang. Kung nakatanggap ka ng awtorisadong pagtaas ng First Draw PPP Loan mo
  pagkalipas ng Disyembre 27, 2020, dapat mong ipasok ang petsa kung kailan mo natanggap ang orihinal na pagbigay ng PPP loan
  mo. Pupunan ng system ang field na ito kung ginagamit mo ang SBA Platform.
  Halaga na Itinaas ng PPP Loan: Ipasok ang ibinigay na halaga ng awtorisadong pagtaas ng sa First Draw PPP Loan mo na
  natanggap pagkalipas ng Disyembre 27, 2020 (kung naaangkop). Pupunan ng system ang field na ito kung ginagamit mo ang SBA
  Platform.
  Petsa ng Pagtaas ng PPP Loan: Ipasok ang petsa na natanggap mo ang halaga ng awtorisadong pagtaas ng First Draw PPP Loan
  mo mula sa Nagpapahiram (kung naaangkop). Pupunan ng system ang field na ito kung ginagamit mo ang SBA Platform.
  Dapat punan ng Humihiram ang mga sumusunod na field anupaman ang paraan sa pagsumite ng aplikasyon sa
  pagpapatawad:
  Mga Empleyado sa Panahon ng Aplikasyon ng Utang: Ipasok ang kabuuang bilang ng mga empleyado (kabilang ang mga may-
  ari/kasosyo) sa panahon ng pag-apply para sa PPP Loan.
  Aplikasyon ng mga Empleyado sa Oras ng Pagpatawad: Ipasok ang kabuuang bilang ng mga empleyado (kabilang ang mga
  may-ari/kasosyo) noong panahon ng pag-apply ng Humihiram para sa pagpapatawad ng loan.
  Saklaw na Panahon: Nagsisimula ang Saklaw na Panahon sa petsa nang orihinal na inilabas ang pautang. Nagwawakas ito sa petsa
  na pinili ng Nangungutang na may 8 linggo man lang kasunod ng pagpalabas sa pautang at hindi hihigit sa 24 na linggo pagkalipas
  ng petsa ng pagpalabas ng pautang. Halimbawa, kung natanggap ng Nangungutang ang kaniyang PPP loan nang Lunes, Abril 20,
  2020, ang unang araw ng Saklaw na Panahon ay Lunes, Abril 20, 2020 at ang huling araw ng Saklaw na Panahon ay anumang petsa
  na pinili ng Nangungutang sa pagitan ng Linggo, Hunyo 14, 2020 at Linggo, Oktubre 4, 2020.
  Halaga ng Loan na Ginamit para sa Gastos sa Payroll: Ang mga nangungutang ay karaniwang kwalipikado sa pagpapatawad
  para sa mga binayarang gastos sa payroll at mga gastos sa payroll na naipon sa loob ng Saklaw na Panahon. Para makalkula ang
  mga kwalipikadong nagastos sa payroll o nabayaran sa panahon ng Saklaw na Panahon, idagdag ang Perang Kabayaran, mga
  Benepisyo ng Empleyado, at Kabayaran sa May-ari, gaya ng sumusunod:

        Perang Kabayaran: Ilagay ang suma ng gross na suweldo, gross na sahod, gross na mga tip, gross na komisyon, may-bayad
        na leave (bakasyon, pamilya, medikal o sick leave, hindi kasama ang leave na nasasaklaw ng Families First Coronavirus
        Response Act), at mga allowance para sa pagkakasisante o pag-alis na nabayaran o naipon sa loob ng Saklaw na Panahon.
        Huwag isasama ang mga kwalipikadong sahod na isinama sa kwenta sa pagtukoy ng (a) Employee Retention Credit sa
        ilalim ng seksiyon 2301 ng CARES Act, ayon sa inamyenda ng mga seksiyon na 206 at 207 ng Taxpayer Certainty at
        Disaster Tax Relief Act ng 2020; (b) ng Employee Retention Credit sa ilalim ng seksiyon 3134 ng Internal Revenue Code
        ng 1986, ayon sa isinabatas ng American Rescue Plan Act ng 2021; at (c) ng pautang sa sakuna sa ilalim ng seksiyon 303 ng
        Taxpayer Certainty at Disaster Tax Relief Act ng 2020. Para sa bawat indibidwal na empleyado, ang kabuuang halaga ng
        kabayaran sa pera na karapat-dapat para sa kapatawaran ay hindi maaaring lalampas sa isang taunang sweldo na $100,000,

SBA Form 3508S (07/21)
                                               Paycheck Protection Program
                 Application Form para sa Pagpapatawad ng PPP Loan 3508S Binago noong Hulyo 30, 2021

        bilang prorated para sa Saklaw na Panahon. Halimbawa, para sa isang 8-linggong Saklaw na Panahon, ang maximum ay
        $15,385, para sa isang 24-linggong Saklaw na Panahon, ang maximum ay $46,154. Maaari mo lamang isama ang kabayaran
        sa mga empleyado na nagtatrabaho sa Nangungutang sa anumang punto sa loob ng Saklaw na Panahon at may pangunahing
        lugar ng pananahan sa Estados Unidos.

        Benepisyo ng mga Empleyado: Ang kabuuang halagang binayaran ng Nangungutang para sa:
           1. Mga kontribusyon ng employer para sa health, life, disability, vision, o dental insurance ng grupo ng mga
                empleyado, kabilang mga kontribusyon ng employer sa isang self-insured, employer-sponsored na group health
                plan, pero hindi kabilang ang anumang pre-tax o after-tax na kontribusyon ng mga empleyado. Huwag magdagdag
                ng mga kontribusyon para sa mga benepisyong ito na ginawa para sa isang self-employed na indibidwal, mga
                general partner, o owner-employee ng isang S-corporation, dahil ang mga naturang pagbabayad na ito ay kasama na
                sa kanilang kabayaran. Dagdag pa, huwag idaragdag ang mga premium para sa pagpapatuloy ng proteksiyon ng
                COBRA na isinama sa kwenta sa pagtukoy sa pautang sa ilalim ng seksiyon 6432 ng Internal Revenue Code of
                1986.
           2. Kontribusyon ng tagapag-empleyo para sa mga plano ng pagreretiro, hindi kasama ang anumang pre-tax o after-tax
                na mga kontribusyon sa buwis ng mga empleyado. Huwag magdagdag ng mga kontribusyon sa pagreretiro sa
                employer na ginawa para sa isang indibidwal na nagtatrabaho para sa sarili o pangkalahatang kasosyo, sapagkat
                ang nasabing pagbabayad ay kasama na sa kanilang kabayaran.
           3. Mga pang-estado at lokal na buwis ng empleyado na binayaran ng Nangungutang at tinasa sa kabayaran ng
                empleyado (hal. buwis sa state unemployment insurance), maliban sa anumang buwis na binawas mula sa kinita ng
                empleyado.

        Bayad sa May-ari: Anumang halaga na ibinayad ng Nangungutang sa mga may-ari (mga owner-employee (na may
        ownership stake na 5% o higit pa), isang self-employed na indibidwal, o mga general partner). Para sa bawat indibidwal na
        may-ari sa lahat ng negosyo, naka-capa ng halaga sa (a) $20,833 (ang 2.5-buwan na katumbas ng $100,000 kada taon), o (b)
        ang 2.5-buwan na katumbas ng nalalapat na kabayaran ng indibidwal sa taon na ginamit para kalkulahin ang halaga ng
        pautang (2019 o 2020), alinman ang mas mababa. Kung nag-apply ang Humihiram para sa loan gamit ang SBA Form 2483-
        C o 2483-SD-C, kabilang sa kabayaran sa may-ari ang mga gastos ng proprietor (mga gastos ng negosyo dagdag ang
        kabayaran sa may-ari). Katumbas ng gastos ng proprietor ang kaibahan sa pagitan ng gross na kinikita ng may-ari at gastos
        sa payroll ng empleyado. Naka-cap ang gastos ng proprietor ng Humihiram sa (a) $20,833 (ang 2.5-buwan na katumbas ng
        $100,000 kada taon), o (b) ang 2.5-buwan na katumbas ng gross na kinikita ng humihiram sa taon na ginamit para
        kalkulahin ang halaga ng loan (2019 o 2020), alinman ang mas mababa.

  Ang mga gastos sa payroll ay itinuturing na bayad sa araw na ipinamamahagi ang mga paycheck o ang Nangungutang ay
  nagsimula ng transaksyong kredito sa ACH. Ang mga gastos sa payroll ay isinaalang-alang na naganap sa araw na kitain ang
  suweldo ng empleyado. Ang mga naipon na gastos sa payroll pero hindi binayaran sa huling pay period ng Nangungutang sa
  Saklaw na Panahon ay kwalipikado para sa pagpapaawad sa o bago ang susunod na regular na petsa ng payroll. Kung hindi, dapat
  bayaran ang mga gastos sa payroll habang nasa Saklaw na Panahon. Bilangin ang mga gastos sa payroll na parehong bayad at
  natamo ng isang beses lamang. Isama lamang ang mga gastos sa payroll para sa mga empleyado na ang pangunahing lugar ng
  tirahan ay nasa Estados Unidos. Para sa impormasyon sa kung ano ang kwalipikado bilang gastos sa payroll, basahin ang interim
  final rule ng SBA na nai-post noong Enero 6, 2021 (86 FR 3692), ayon sa pag-amyenda ng interim final rule ng SBA na nai-post
  noong Marso 18, 2021 (86 FR 15083). Para sa impormasyon sa kung ano ang kwalipikado bilang gastos sa payroll para sa isang
  Humihiram na nag-apply para sa loan gamit ang SBA Form 2483-C o 2483-SD-C, basahin ang interim final rule ng SBA sa
  pagkalkula ng halaga ng loan at pagkakarapat-dapat na nai-post noong Marso 3, 2021 (86 FR 13149), ayons sa pag-amyenda ng
  interim final rule ng SBA na nai-post noong Marso 18, 2021 (86 FR 15083).

  Hinilingna Halaga ng Pagpapatawad sa Loan: Ilagay ang kabuuang halaga ng PPP loan mo na kwalipikado para sa
  pagpapatawad ng loan. Ang halagang ito ay ang “Halaga ng Loan na Ginamit sa Mga Gastos sa Payroll” dagdag ang anumang
  halagang ginamit sa kwalipikadong gastos na hindi pang-payroll (inilarawan sa ibaba) menos ang anumang kinakailangang iawas
  (inilarawan sa ibaba), hanggang sa prinsipal na halaga ng PPP loan.

  Mga Gastos na Hindi Pang-payroll: Kabilang sa mga kwalipikadong gastos na hindi pang-payroll ang:
   a. mga sinagot na obligasyon sa mortgage: pagbabayad sa interes ng mortgage (hindi kasama ang anumang prepayment o
       pagbabayad ng prinsipal na halaga) sa anumang obligasyong pang-utang sa negosyo sa ari-ariang di-natitinag o personal na
       naipon bago Pebrero 15, 2020 ("mga pagbabayad ng interes sa mortgage ng negosyo");
   b. mga sinagot na obligasyon sa renta: mga pagbabayad sa renta o lease ng negosyo alinsunod sa mga kasunduan sa lease ng
       lupain o personal na pag-aari na umiiral bago ang Pebrero 15, 2020 (“renta ng negosyo o bayad sa lease”);
   c. mga sinagot na bayad sa utility: mga pagbabayad ng negosyo para sa isang serbisyo para sa distribusyon ng kuryente, gas,
       tubig, telepono, transportasyon, o pag-access sa internet kung saan nagsimula ang serbisyo bago ang Pebrero 15, 2020
       ("pagbabayad ng utility ng negosyo");



SBA Form 3508S (07/21)
                                                Paycheck Protection Program
                  Application Form para sa Pagpapatawad ng PPP Loan 3508S Binago noong Hulyo 30, 2021

    d.  mga sinagot na gastos sa pag-operate: mga pagbabayad para sa anumang software ng negosyo o serbisyo sa cloud computing
        na nagbibigay-daan sa mga operasyon ng negosyo, produkto o paghahatid ng serbisyo, sa pagproseso, pagbabayad, o pag-
        track sa mga gastos sa payroll, mga tauhan, sales at billing function, o accounting sa pag-track ng mga supply, imbentaryo,
        mga record, at gastusin;
    e. mga sinagot na gastos sa pagkasira ng ari-arian: mga gastos na kaugnay ng pagkasira ng ari-arian at bandalismo o
        pagnanakaw dahil sa kaguluhan ng publiko na nangyari noong 2020 na hindi sinagot ng insurance o ng iba pang kabayaran;
    f. mga sinagot na gastos sa supplier: mga ginastos sa isang supplier ng kalakal para sa pagsupply ng kalakal na importante sa
        mga operasyon ng Nangungutang sa panahong ginawa ang paggastos, at ginawa alinsunod sa kontrata, order, o purchase
        order na may-bisa bago pa ang simula ng Saklaw na Panahon (para sa mga napapanis na kalakal, sa kontrata, order, o
        purchase order na maaaring may-bisa bago o sa anumang oras sa loob ng Saklaw na Panahon); at
    g. mga sinagot na gastos sa proteksyon ng manggagawa: mga gastos sa pag-operate o kapital na nagbibigay-daan sa pagkupkop
        sa mga aktibidad ng negosyo ng isang entidad para sundin ang mga itinatag na kinakailangan o gabay na inilabas ng
        Department of Health at Human Services, ng Centers sa Disease Control, o ng Occupational Safety at Health Administration,
        o anumang katumbas na itinatag na kinakailangan o gabay na inilabas ng Estado o ng lokal na pamahalaan, sa loob ng
        panahong nagsisimula sa Marso 1, 2020 at nagwawakas sa petsa kung kailan mapapaso ang pambansang emergency na
        dineklara ng Presidente kaugnay ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) patungkol sa pagmamantini ng mga pamantayan
        sa kalinisan, social distancing, o anumang iba pang hinihingi sa kaligtasan ng mganggagawa o customer kaugnay ng COVID-
        19, pero hindi kabilang ang residensyal na ari-ariang di-natitinag o di-nahahawakan.
  Ang karapat-dapat na gastos sa nonpayroll ay hindi maaaring lumampas sa 40% ng kabuuang halaga ng kapatawaran. Ang isang
  karapat-dapat na hindi pang-payroll na gastos ay dapat bayaran sa loob ng Saklaw na Panahon o naipon sa loob ng Saklaw ng
  Panahon at nabayaran sa o bago ang susunod na regular na petsa ng paniningil, kahit na ang petsa ng paniningil ay lagpas na ng
  Saklaw ng Panahon. Bilangin lang ng isang beses ang mga gastos na nonpayroll na kapwa binayaran at naipon.

  Mga Pagbawas sa FTE at Sweldo/Sahod: Ang mga Nangungutang na nakatanggap ng PPP loan na higit sa $50,000 at mga
  Nangungutang na $50,000 o mas mababa pana kasama ng kanilang mga kasosyo ay nakatanggap ng mga First Draw PPP Loan na
  may kabuuan na $2 milyon o higit pa o mga Second Draw PPP Loan na may kabuuan na $2 milyon o higit paay dapat i-adjust ang
  kanilang “Halaga ng Hinihiling na Pagpapatawad sa Loan” dahil sa mga hinihingi ng batas kaugnay ng mga pagbawas ng alinman
  sa mga full-time equivalent na empleyado o mga sweldo at sahod ng empleyado. Ang naturang Humihiram ay hindi sasailalim sa
  anumang pagkaltas kung mapapatotohanan ng Awtorisadong Kinatawan ng Humihiram (1) na hindi binabaan ng Humihiram ang
  mga taunang sweldo o orasang sahod ng sinumang empleyado nang higit sa 25 porsiyento sa loob ng Nasasaklaw na Panahon kung
  ihahambing sa kamakailang buong quarter bago ang Nasasaklaw na Panahon, at (2) (a) hindi ibinaba ng Humihiram ang bilang ng
  mga empleyado o ang average na bayad na oras ng mga empleyado sa pagitan ng Enero 1, 2020 at wakas ng Nasasaklaw na
  Panahono (b) hindi nakapag-operate ang Humihiram sa loob ng Nasasaklaw na Panahon sa parehong level ng aktibidad ng negosyo
  bago ang Pebrero 15, 2020, dahil sa pagsunod sa mga itinatag na hinihingi o gabay na inilabas sa pagitan ng Marso 1, 2020, at
  Disyembre 31, 2020 (o, para sa PPP loan na ginawa pagkalipas ng Disyembre 27, 2020, mga itinatag na hinihingi o gabay na
  inilabas sa pagitan ng Marso 1, 2020 at huling araw ng Nasasaklaw na Panahon) ng Secretary of Health at Human Services, ng
  Director of the Centers for Disease Control at Prevention, o ng Occupational Safety and Health Administration, kaugnay ng
  pagmamantini sa mga pamantayan ng kalinisan, social distancing, o anumang iba pang hinihingi sa kaligtasan ng manggagawa o
  customer kaugnay ng COVID-19. Kung hindi nasasapatan ng Nangungutang ang mga hinihinging ito at may posibilidad na
  sumailalim sa mga pagbawas sa Hiniling na Halaga ng Loan na Patatawarin, dapat sundin ng Nangungutang ang SBA Form 3508 at
  mga tagubilin nito para kalkulahin ang Halaga ng Hinihiling na Pagpapatawad sa Loan. Hindi kailangan ng Nangungutang na
  isumite ang Form 3508 o anumang kaugnay na dokumento kasama ng aplikasyon nito sa pagpapatawad. Subalit, maaaring humingi
  ang SBA ng impormasyon at mga dokumento para repasuhin ang mga kalkulasyon na iyon bilang bahagi ng proseso nito sa
  pagrerepaso o pag-awdit ng pautang.
  Mga Responsibilidad ng Humihiram: Dapat sundin ng Nangungutang ang lahat na hinihingi sa Mga Panuntunan ng Paycheck
  Protection Program (Mga Seksyon 7(a)(36), (7)(a)(37), at 7A ng Small Business Act, ang mga interim final rule ng PPP, at gabay na
  inilabas ng SBA sa pamamagitan ng aplikasyon na ito), at dapat na magpatotoo sa pagsunod nito sa Aplikasyon sa Pagpapatawad ng
  Loan. Kabilang sa mga hinihinging iyon ang mga sumusunod:
     Ang Halaga ng Hinihiling na Pagpapatawad sa Loan (na hindi lalampas sa prinsipal na halaga ng PPP loan):
              o dapat na ginamit ng Nangungutang para bayaran ang mga gastos sa negosyo na kwalipikado para sa pagpapatawad
                 (gastos sa payroll para mapanatili ang mga empleyado; pagbabayad sa interes sa mortgage ng negosyo; pagbabayad
                 sa renta o lease ng negosyo; pagbabayad sa utility ng negosyo; sinagot na gastos sa operasyon; sinagot na gastos sa
                 nasirang ari-arian; sinagot na gastos sa supplier; o sinagot na gastos proteksiyon ng manggagawa) sa loob ng Saklaw
                 na Panahon;
              o kasama dapat ang mga gastos sa payroll na katumbas man lang ng 60% ng Halaga ng Hinihiling na Pagpapatawad sa
                 Loan;
              o para sa anumang owner-employee (na may ownership stake na 5% o higit pa) o self-employed na indibidwal/general
                 partner, hindi hihigit sa 2.5 buwan na halaga ng kabayaran na natanggap sa loob ng taon ang ginamit para kalkulahin
                 ang halaga ng PPP loan, na naka-cap sa $20,833 kada indibidwal bilang kabuuan sa lahat ng negosyo; at


SBA Form 3508S (07/21)
                                                Paycheck Protection Program
                  Application Form para sa Pagpapatawad ng PPP Loan 3508S Binago noong Hulyo 30, 2021

            o   para sa mga loan na higit sa $50,000 at loan na $50,000 o mas mababa pa sa mga Humihiram na kasama ng kanilang
                mga kasosyo ay nakatanggap ng mga First Draw PPP Loan na may kabuuan na $2 milyon o higit pa o mga Second
                Draw PPP Loan na may kabuuan na $2 milyon o higit pa, ay dapat na masapatan ang mga hinihingi ng alinman sa
                (A) o (B): (A) ay hindi sasailalim sa anumang pagbawas dahil hindi binabaan ng Nangungutang ang mga taunang
                sweldo o orasang sahod ng sinumang empleyado nang higit sa 25 porsiyento sa loob ng Saklaw na Panahon kung
                ihahambing sa kamakailang buong quarter bago ang Saklaw na Panahon, at alinman sa (1) hindi ibinaba ng
                Nangungutang ang bilang ng mga empleyado o ang average na bayad na oras ng mga empleyado sa pagitan ng
                Enero 1, 2020 at wakas ng Saklaw na Panahon o (2) hindi nakapag-operate ang Nangungutang sa loob ng Saklaw na
                Panahon sa parehong level ng aktibidad ng negosyo bago ang Pebrero 15, 2020, dahil sa pagsunod sa mga itinatag
                na hinihingi o gabay na inilabas sa pagitan ng Marso 1, 2020, at Disyembre 31, 2020 (o, para sa PPP loan na ginawa
                pagkalipas ng Disyembre 27, 2020, mga itinatag na hinihingi o gabay na inilabas sa pagitan ng Marso 1, 2020 at
                huling araw ng Saklaw na Panahon) ng Secretary of Health and Human Services, ng Director of the Centers for
                Disease Control and Prevention, o ng Occupational Safety and Health Administration, kaugnay ng pagmamantini sa
                mga pamantayan ng kalinisan, social distancing, o anumang iba pang hinihingi sa kaligtasan ng manggagawa o
                customer kaugnay ng COVID-19, o (B) isinama ng Nangungutang ang anumang hinihinging pagbawas gaya ng
                inilarawan sa SBA Form 3508 at sa mga tagubilin nito.
     Dapat na kalkulahin nang tumpak ng Nangungutang ang Hiniling na Halaga ng Pagpapatawad at i-verify ang mga
        pagbabayad sa mga kwalipikadong gastos na nakapaloob dito.
     Kung isinusumite ang aplikasyon para sa pagpapatawad ng loan para sa isang Second Draw PPP Loan, dapat sundin ng
        Humihiram ang lahat na hinihinging dokumento sa pagbawas sa kinita at nagamit na ang lahat ng halaga ng First Draw PPP
        Loan sa mga kwalipikadong gastos bago pa ang pagpapalabas ng Second Draw PPP Loan.
    Kung ang pondo ay sadyang ginagamit para sa hindi awtorisadong mga layunin, maaaring ituloy ng pamahalaang pederal ang
    pagbawi ng mga halagang pautang at /o magsampa ng mga kasong sibil o kriminal na pandaraya.

                  Mga Dokumento na Dapat Ingatan ng Bawat Humihiram pero hindi Kinakailangan Isumite

  Payroll: Dokumento na nagpapatunay ng kwalipikadong kabayaran sa cash at mga pagbabayad sa hindi-cash na benepisyo mula sa
  Saklaw na Panahon na binubuo ng bawat isa sa mga sumusunod:
    a. Ang mga bank account statement o third-party payroll service provider ay nag-uulat ng pagdodokumento ng halaga ng cash
        bayad na binayaran sa mga empleyado.
    b. Mga form sa buwis (o katumbas na mga ulat ng tagapagbigay ng serbisyo ng payroll ng third-party) para sa mga panahon na
        sumasapaw sa Saklaw na Panahon:
            i. Ang pagka-file ng buwis sa payroll na naiulat, o iuulat, sa IRS (karaniwang, Form 941); at
            ii. Ang sa estado na quarterly na pangnegosyo at indibidwal na pag-uulat sa sahod ng empleyado at pag-file ng buwis
                 sa seguro sa kawalan ng trabaho na naiulat, o iuulat, sa nauugnay na estado.
    c. Mga resibo ng pagbabayad, mga kinanselang tseke, o mga account statement na nagdodokumento sa halaga ng anumang
        kontribusyon ng employer sa health, life, disability, vision or dental insurance ng grupo ng mga empleyado at mga plano sa
        pagreretiro na isinama ng Nang sa Halagang ng Hiniling na Pagpapatawad sa Loan.

  Nonpayroll: Para sa mga kategorya a-c, mga dokumento na nagpapatunay ng pagkakaroon ng mga obligasyon/serbisyo bago ang
  Pebrero 15, 2020 at, para sa laaht ng kategorya, mga kwalipikadong pagbabayad mula sa Saklaw na Panahon.
    a. Mga pagbabayad ng interes sa mortgage ng negosyo: Kopyahin ng iskedyul ng nagpapahiram at mga resibo o mga
        kanseladong tseke na nagpapatunay sa mga karapat-dapat na pagbabayad mula sa Saklaw na Panahon; o mga pahayag sa
        account ng nagpapahiram mula Pebrero 2020 at ang mga buwan ng Saklaw na Panahon hanggang sa isang buwan pagkatapos
        ng pagtatapos ng Saklaw na Panahon na nagpapatunay sa mga halaga ng interes at karapat-dapat na pagbabayad.
    b. Mga pagbabayad sa renta o arkila sa negosyo: Kopya ng kasalukuyang kasunduan sa pag-upa at mga resibo o mga
        kanseladong tseke na nagpapatunay sa mga pagbabayad mula sa Saklaw na Panahon; o pahayag sa account ng umuupa mula
        Pebrero 2020 at mula sa Saklaw na Panahon hanggang sa isang buwan pagkatapos ng katapusan ng Saklaw na Panahon na
        nagpapatunay sa mga karapat-dapat na pagbabayad.
    c. Mga pagbabayad sa utility ng negosyo: Kopya ng mga invoice mula Pebrero 2020 at ang mga bayad sa Saklaw na Panahon at
        mga resibo, mga kinanselang tseke, o mga pahayag sa account na nagbeberipika doon sa mga karapat-dapat na pagbabayad.
    d. Mga sinagot na gastos sa operasyon: Kopya ng mga invoice, order, o purchase order na binayaran sa loob ng Saklaw na
        Panahon at mga resibo, kinanselang tseke, o mga account statement na napapatotoo sa mga kwalipikadong pagbabayad na
        iyon.
    e. Mga sinagot na gastos sa pagkasira ng ari-arian: Kopya ng mga invoice, order, o purchase order na binayaran sa loon ng
        Saklaw na Panahon at mga resibo, kinanselang tseke, o mga account statement na nagpapatotoo sa mga kwalipikadong
        pagbabayad na iyon, at mga dokumento na kaugnay ang mga gastos sa pagkasira ng ari-arian at bandalismo o pagnanakaw
        dahil sa kaguluhan ng publiko na nangyari noong 2020 at ang mga naturang gastos ay hindi sinagot ng insurance o ng iba
        pang kabayaran.



SBA Form 3508S (07/21)
                                                Paycheck Protection Program
                  Application Form para sa Pagpapatawad ng PPP Loan 3508S Binago noong Hulyo 30, 2021

    f.   Mga sinagot na gastos sa supplier: Kopya ng mga kontrata, order, o purchase order na may-bisa sa anumang oras bago ang
         Saklaw na Panahon (maliban sa mga napapanis na kalakal), kopya ng mga invoice, order, o purchase order na binayaran sa
         loob ng Saklaw na Panahon at mga resibo, kinanselang tseke, o mga account statement na nagpapatotoo sa mga
         kwalipikadong pagbabayad na iyon.
    g.   Mga sinagot na gastos sa proteksyon ng manggagawa: Kopya ng mga invoice, order, o purchase order na binayaran sa loon
         ng Saklaw na Panahon at mga resibo, kinanselang tseke, o mga account statement na nagpapatotoo sa mga kwalipikadong
         pagbabayad na iyon, at mga dokumento na ginamit ng Nangungutang ang mga ginastos na iyon para sundin ang mga
         nalalapat na gabay sa COVID-19 sa loob ng Saklaw na Panahon.

  Iba Pang Mga Record: Lahat ng record na kaugnay ng PPP loan ng Humihiram, kasama ang mga dokumentong isinumite
  kasabay ng aplikasyon sa PPP loan, mga dokumentong sumusuporta sa mga sertipikasyon ng Humihiram tungkol sa
  pangangailangan na humiling ng pautang at pagiging karapat-dapat nito para sa PPP loan (kabilang ang sertipikasyon ng
  Humihiram sa pagbaba ng gross receipt para sa Second Draw PPP Loan, kung magagamit), mga dokumentong kinakailangan para
  suportahan ang aplikasyon ng pagpapatawad ng utang ng Humihiram, at mga dokumento na nagpapakita ng pagsunod ng
  Humihiram sa mga rekisito ng PPP.

  Hinihinging Pag-iingat ng Mga Record: Dapat na papanatilihin ng Nangungutang ang lahat na dokumento ng employment
  record/payroll sa mga file nito nang apat na taon at lahat ng iba pang dokumento nang tatlong taon pagkalipas na isumite sa
  nagpahiram ang aplikasyon para sa pagpapatawad ng loan, at payagan ang mga awtorisadong kinatawan ng SBA, kabilang ang
  mga kinatawan ng Office of Inspector General nito, na ma-access ang mga naturang file kapag hiniling. Dapat na magbigay ang
  Nangungutang ng mga dokumento nang hiwalay sa isang Nagpapahiram para masapatan ang mga kaugnay na hinihingi ng batas
  Federal, Pang-estado, o lokal o iba pang hinihingi ng batas o regulasyon o may kaugnayan sa pagrepaso o pag-awdit ng SBA loan.




SBA Form 3508S (07/21)


File and source

File
SBA-SBA---PPPForgivenessApplication3508S-CLEAN-7-29-21-_Tagalog.pdf
Size
486,822 bytes
SHA-256
e92891cdd5158670bbedc0507d414e05b9112008235d78e094249f6940d61957
Our copy
SBA-SBA---PPPForgivenessApplication3508S-CLEAN-7-29-21-_Tagalog.pdf
Original
legacy.sba.gov
Back to top