Pandemic Darlings The pandemic economy, in original documents
Home SBA, How to Calculate First Draw PPP Loan Amounts (Tagalog translation)Search ⌕

SBA, How to Calculate First Draw PPP Loan Amounts (Tagalog translation)

Summary

Tagalog translation of the SBA's guidance on calculating the maximum first draw PPP loan amount, and the documents to provide, by business type, dated "Marso 12, 2021". It covers the self-employed with and without employees, using net profit or gross income, as well as farmers, partnerships, corporations and nonprofit organizations. Loans for borrowers with employees run up to $10 milyon. A self-employed borrower must show records proving it was operating on "Pebrero 15, 2020".

Summary drafted by a model from the document's text below and checked by script against that text before publication. It is a navigation aid, not a reading of what the document proves. Where AI is used

Cite this document

“SBA, How to Calculate First Draw PPP Loan Amounts (Tagalog translation).” Original at legacy.sba.gov. Archived at Pandemic Darlings, https://pandemicdarlings.com/source-documents/sba-how-to-calculate-first-draw-ppp-loan-amounts-tagalog-translation-8eefd2c834/, SHA-256 b74050e96a7c1a1d530b606d3b2df790415a5255502e080bb0bdbb681f7942c6.

Full text

Mula Marso 12, 2021                                                               075 - Tagalog - Tagalog


                 PROGRAMA SA PROTEKSIYON NG SWELDO
    PAANO KALKULAHIN ANG MAXIMUM NA HALAGA NG PAUTANG PARA SA
    MGA FIRST DRAW PPP LOAN AT ANU-ANONG DOKUMENTO ANG IBIBIGAY –
                        AYON SA URI NG NEGOSYO
    Ipinagkakaloob ng Small Business Administration (SBA), sa pakikipagkonsultahan sa
    Department of the Treasury, ang na-update na gabay na ito para matulungan ang mga negosyo
    sa pagkalkula ng kani-kanilang mga gastos sa payroll (at ang mga kaugnay na dokumentong
    kailangan para suportahan ang bawat set ng mga kalkulasyon) para sa mga layunin ng
    pagtutukoy ng maximum na halaga ng pautang sa First Draw Paycheck Protection Program
    (PPP) para sa bawat uri ng negosyo.
    Makakaasa ang mga nanghihiram at nagpapahiram sa paggabay na ibinigay sa dokumentong ito
    bilang interpretasyon ng SBA sa CARES Act, sa Economic Aid Act, at sa Interim Final Rules
    ng Paycheck Protection Program. Hindi sasalungatin ng gobyerno ng Estados Unidos ang mga
    kilos ng PPP na naaayon sa patnubay na ito1 at sa Interim Final Rules ng PPP at anumang
    kasunod na pagpapasya sa bisa sa oras.
    Inilalarawan ng gabay ang mga gastos sa payroll gamit ang kalendaryo ng taong 2019 bilang
    sangguniang panahon para sa mga gastos sa payroll na ginamit para kalkulahin ang mga halaga
    ng pautang. Subalit, pinapayagan ang mga humihiram na gamitin ang mga gastos sa payroll
    mula sa alinman sa kalendaryo ng taong 2019 o kalendaryo ng taong 2020 para sa pagkalkula sa
    halaga ng kani-kanilang First Draw PPP Loan.2 Dapat ibigay ang mga dokumento, kabilang ang
    mga IRS form, para sa napiling sangguniang panahon.
       1. Tanong: Self-employed ako at wala akong empleyado, paano ko kakalkulahin ang
          maximum na halaga ng First Draw PPP Loan ko kung gagamitin ko ang net profit?
          (Tandaan na bahagyang magdedepende ang mga halaga ng pagpapatawad sa PPP loan
          sa kabuuang halaga na ginastos ng humihiram sa loob ng walong linggong panahon na
          kasunod ng unang paglalabas ng PPP loan.)
           Sagot: Dapat gamitin ang sumusunod na pamamaraan para kalkulahin ang maximum na
           halagang mahihiram kapag ikaw ay self-employed at walang empleyado, at ang
           pangunahing lugar ng pananahan ay nasa Estados Unidos, kabilang kung ikaw ay isang
           hiwalay na kontratista o nagpapatakbo ng isang sole proprietorship ,at ginagamit mo ang
           net profit (pero hindi kung isa kang kasosyo sa isang partnership):
              Hakbang 1: Hanapin ang halaga ng net profit mo sa 2019 IRS Form 1040 Schedule
               C line 31.3 Kapag ang halagang ito ay mahigit $100,000, gawin itong $100,000.
               Kung ang halagang ito ay zero o mas mababa, hindi ka kwalipikado sa PPP loan.
              Hakbang 2: Kalkulahin ang average na halaga ng buwanang netong kita (hatiin ang
               halaga mula sa Hakbang 1 sa 12).

1
  Hindi taglay ng dokumentong ito ang lakas at epekto ng batas na malaya sa batas at regulasyon kung saan ito
batay.
2
  Lahat na bahagi ng gastos sa payroll ay dapat na mula sa parehong kalendaryo ng taon. Maaari lang isama ang
mga gastos sa payroll, kabilang ang mga protektadong benepisyo, para sa mga empleyado na ang pangunahing lugar
ng pananahan ay sa Estados Unidos.
3
  Kung ang ginagamit mo ay mga halagang pang-2020 at hindi pa natatapos ang return para sa 2020, punan ang mga
hinihinging bahagi at kalkulahin ang mga halaga.
Mula Marso 12, 2021

             Hakbang 3: I-multiply ang average na halaga ng buwanang netong kita mula sa
              Hakbang 2 sa 2.5.
             Hakbang 4: Idagdag ang di-bayad na halaga ng anumang Economic Injury Disaster
              Loan (EIDL) na isinagawa sa pagitan ng Enero 31, 2020 at Abril 3, 2020 na nais
              mong i-refinance. Huwag isama ang halaga ng anumang advance sa ilalim ng isang
              EIDL COVID-19 loan (dahil hindi ito kailangang bayaran).
          Dapat ibigay ang iyong 2019 IRS Form 1040 Schedule C upang bigyang-katuwiran ang
          inaaplayang halaga ng PPP loan. Dapat ka rin magbigay ng 2019 IRS Form 1099-MISC
          na nagdedetalye sa natanggap na kabayaran bilang hindi isang empleyado (kahon 7),
          IRS Form 1099-K, invoice, bank statement, o book of record na nagpapatunay na ikaw
          ay self-employed noong 2019 at isang 2020 na invoice, bank statement, o book of
          record na nagpapatunay na ikaw ay nagnenegosyo noong Pebrero 15, 2020.
     2. Tanong: Self-employed ako at mayroon akong mga empleyado, paano ko kakalkulahin
        ang maximum na halaga ng First Draw PPP Loan ko (hanggang $10 milyon) kung
        gagamitin ko ang net profit? (Tandaan na bahagyang magdedepende ang mga halaga ng
        pagpapatawad sa PPP loan sa kabuuang halaga na ginastos ng humihiram sa loob ng
        walong linggong panahon na kasunod ng unang paglalabas ng PPP loan.)
         Sagot: Dapat gamitin ang sumusunod na pamamaraan para kalkulahin ang maximum na
         halagang mahihiram kapag ikaw ay self-employed na may mga empleyado, kabilang
         kung ikaw ay isang hiwalay na kontratista o nagpapatakbo ng isang sole proprietorship
         at ginagamit mo ang net profit (pero hindi kung isa kang kasosyo sa isang partnership):
             Hakbang 1: Kalkulahin ang halaga ng iyong 2019 payroll sa pamamagitan ng
              pagsasama sa mga sumusunod:
                  o Hanapin ang halaga ng net profit mo sa 2019 IRS Form 1040 Schedule C
                    line 31:4
                              •   kapag ang halagang ito ay lagpas sa $100,000, ibaba ito sa $100,000,
                              •   Kung ang halagang ito ay mas mababa sa zero, i-set ang halagang
                                  ito sa zero;
                  o Pang-2019 na mga gross na sahod at tip na ibinayad sa mga empleyado
                    mong ang pangunahing pananahan ay sa Estados Unidos, na aabot sa
                    $100,000 kada empleyado, na maaaring kalkulahin gamit ang:
                              •   Pang-2019 na IRS Form 941 Taxable Medicare na mga sahod at
                                  tip (line 5c-column 1) mula sa bawat quarter,
                             •    Dagdag ang anumang pre-tax na kontribusyon ng empleyado para
                                  sa health insurance o iba pang espesyal na benepisyo na hindi
                                  kasama sa Taxable Medicare na mga sahod at tip, at




4
 Kung ang ginagamit mo ay mga ginastos sa payroll na pang-2020 at hindi pa napupun ang return para sa 2020,
punan ito at kalkulahin ang mga halaga.
Mula Marso 12, 2021

                        •   Ibawas ang (i) anumang halaga na ibinayad sa sinumang
                            indibidwal na empleyado na hihigit sa $100,000, at (ii) anumang
                            mga halaga na ibinayad sa sinumang empleyado na ang
                            pangunahing pananahan ay sa labas ng Estados Unidos;
              o Pang-2019 na mga kontribusyon ng employer para sa health, life, disability,
                vision, at dental insurance ng grupo ng mga empleyado (Maiuugnay ang
                bahagi ng IRS Form 1040 Schedule C line 14 sa mga kontribusyon na iyon);
              o Kontribusyon ng employer noong 2019 sa mga retirement plan ng
                empleyado (IRS Form 1040 Schedule C line 19); at
              o Mga lokal at pang-estadong buwis ng employer noong 2019 na tinasa sa kita
                ng empleyado, pangunahin ay ang state unemployment insurance tax (mula
                sa quarterly wage reporting forms ng estado).
          Hakbang 2: Kalkulahin ang average na buwanang halaga ng payroll (hatiin ang
           halaga mula sa Hakbang 1 sa 12).
          Hakbang 3: I-multiply ang average na buwanang halaga ng payroll mula sa
           Hakbang 2 sa 2.5.
          Hakbang 4: Idagdag ang di-bayad na halaga ng anumang EIDL na isinagawa sa
           pagitan ng Enero 31, 2020 at Abril 3, 2020 na nais mong i-refinance. Huwag isama
           ang halaga ng anumang advance sa ilalim ng isang EIDL COVID-19 loan (dahil
           hindi ito kailangang bayaran).
       Ang pang-2019 na IRS Form 1040 Schedule C, IRS Form 941 at state quarterly wage
       unemployment insurance tax reporting form mula sa bawat quarter (o katumbas na mga
       record ng payroll processor o IRS Wage and Tax Statements), kasama ng anumang
       dokumento sa pagreretiro o mga kontribusyon sa group health, life, disability, vision, at
       dental, ay dapat ibigay para mapagtibay ang halaga ng PPP loan na ina-apply. Dapat
       magbigay ng payroll statement o katulad na dokumentasyon para sa panahon ng
       suweldo na sumaklaw sa Pebrero 15, 2020 upang mapatunayan na nagnenegosyo ka at
       mayroon kang mga empleyado noong petsang iyon.
    3. Tanong: Isa akong self-employed na magsasaka o rantsero na nag-uulat ng kinikita sa
       IRS Form 1040 Schedule F. Anong dokumentasyon ang kailangan kong ibigay bilang
       kapalit ng Schedule C at paano matutukoy ang maximum na halaga ng loan ko
       (hanggang $10 milyon)?
       Sagot: Dapat gamitin ng mga self-employed na magsasaka at rantsero (hal., mga nag-
       uulat ng net na kinita ng farm nila sa IRS Form 1040 Schedule 1 at Schedule F) ang IRS
       Form 1040 Schedule F bilang kapalit ng Schedule C.
       Pareho ang kalkulasyong para sa self-employed na mga farmer at rancher na walang
       empleyado sa mga nag-file ng Schedule C na walang empleyado, pero dapat gamitin
       ang Schedule F line 9 (gross income) para matukoy ang halaga ng pautang sa halip na
       Schedule C line 31 (net profit).
Mula Marso 12, 2021

         Pareho ang kalkulasyon para sa mga self-employed na farmer at rancher na may mga
         empleyado sa mga nag-file ng Schedule C na may mga empleyado na may ilang mga di-
         pagkakabilang. Una, sa halip na Schedule C line 31 (net profit), dapat gamitin ang
         kaibahan ng Schedule F line 9 (gross income) at suma ng mga line ng Schedule F na 15,
         22, at 23 (para sa payroll ng empleyado). Ikalawa, dapat gamitin ang mga kontribusyon
         ng employer para sa panggrupong health, life, disability, vision at dental insurance
         (bahagi ng Schedule F line 15 na maiuugnay sa mga kontribusyon na iyon) at mga
         kontribusyon ng employer para sa mga kontribusyon sa pagretiro (Schedule F line 23)
         kapalit ng mga nasa kaugnay na linya sa Schedule C.
         Pareho ang mga hinihinging dokumento para sa mga nag-file ng Schedule C maliban sa
         pang-2019 na IRS Form 1040 Schedule 1 at dapat na isama ang Schedule F sa
         aplikasyon ng pautang sa halip na IRS Form 1040 Schedule C. Dagdag pa, para sa mga
         magsasaka at rantsero na may mga empleyado, dapat na ibigay ang IRS Form 943
         bilang karagdagan sa, o kapalit ng, IRS Form 941, kung nalalapat.
     4. Tanong: Paano mag-apply ang mga partnership para sa mga PPP loan, at paano kinakalkula
        ang maximum na halaga ng First Draw PPP Loan para sa mga partnership (hanggang $10
        milyon)? Dapat bang isama ang kita sa self-employment ng mga magkakasosyo sa
        aplikasyon ng antas ng entidad ng negosyo para sa PPP loan o sa magkahiwalay na
        aplikasyon para sa PPP loan para sa bawat kasosyo? (Tandaan na bahagyang magdedepende
        ang mga halaga ng pagpapatawad sa PPP loan sa kabuuang halaga na ginastos sa loob ng
        protektadong haba ng panahon kasunod ng pagpalabas ng PPP loan.)
         Sagot: Dapat sundin ang sumusunod na pamamaraan para kalkulahin ang maximum na
         halagang mahihiram para sa mga partnership (ang kinikita ng mga magkakasosyo sa
         self-employment ay dapat isama sa aplikasyon ng partnership para sa PPP loan, hindi
         pwedeng mag-apply ang indibidwal na kasosyo para sa hiwalay na PPP loan):
             Hakbang 1: Kalkulahin ang halaga ng 2019 payroll sa pamamagitan ng pagsasama
              sa mga sumusunod:
                  o 2019 na Schedule K-1 (IRS Form 1065) Net na kinita mula sa pagiging self-
                    employed ng indibidwal na mga magkasosyo na nakabase sa U.S.na
                    sasailalim sa self-employment tax, na imu-multiply sa 0.9235,5 hanggang
                    $100,000 kada kasosyo:6
                             •    Kalkulahin ang net na kinita mula sa pagiging self-employed ng
                                  indibidwal na kasosyo na nakabase sa U.S. na sasailalim sa self-
                                  employment tax mula sa kahon 14, Code A of IRS Form 1065
                                  Schedule K-1 at ibawas (i) ang anumang inaangking deduction sa
                                  ginastos sa seksiyon 179 sa kahon 12; (ii) anumang inaangkin na
                                  di-naibalik na gastos ng partnership; at (iii) anumang inaangkin na
                                  pagkaubos ng mga ari-ariang langis at gas;


5
  Sinusunod ng ganitong pangangasiwa sa kalkulasyon ng self-employment tax mula sa IRS Form 1040 Schedule SE
Section A linya 4 at inaalis nito ang bahagi ng “employer” sa self-employment tax, na sang-ayon sa kung paanong
tinutukoy ang mga gastusin sa pasuweldo para sa mga empleyado ng partnership.
6
  Kung ginagamit ng partnership ang pang-2020 na gastos sa payroll at hindi pa napupunan ang Form 1065 para sa
2020, punan ang form.
Mula Marso 12, 2021

                                  •   kung ang halaga ay lagpas sa $100,000, babaan ito sa
                                      $100,000;
                                  •   Kung ang halagang ito ay mas mababa sa zero, i-set ang
                                      halagang ito sa zero;
              o Pang-2019 na mga gross na sahod at tip na ibinayad sa mga empleyado na
                ang pangunahing pananahan ay sa Estados Unidos (kung mayroon), na aabot
                sa $100,000 kada empleyado, na maaaring kalkulahin gamit ang:
                        •   Pang-2019 na IRS Form 941 Taxable Medicare na mga sahod at
                            tip (line 5c-column 1) mula sa bawat quarter,
                        •   Dagdag ang anumang pre-tax na kontribusyon ng empleyado para
                            sa health insurance o iba pang espesyal na benepisyo na hindi
                            kasama sa Taxable Medicare na mga sahod at tip, at
                        •   Ibawas ang anumang halagang ibinayad sa sinumang indibidwal na
                            empleyado na lalagpas sa $100,000 at anumang halaga na ibinayad
                            sa sinumang empleyado na ang pangunahing pananahan ay sa
                            labas ng Estados Unidos;
              o Pang-2019 na mga kontribusyon ng employer para empleyado (pero hindi
                kasosyo) sa health, life, disability, vision, at dental insurance ng grupo ng
                mga empleyado, kung mayroon (maiuugnay ang bahagi ng IRS Form 1065
                line 19 sa mga kontribusyon na iyon);
              o Mga kontribusyon ng employer noong 2019 sa mga retirement plan ng
                empleyado (pero hindi kasosyo), kung mayroon (IRS Form 1065 line 18); at
              o Mga lokal at pang-estadong buwis ng employer noong 2019 na tinasa sa kita
                ng empleyado, pangunahin ay ang state unemployment insurance tax (mula
                sa quarterly wage reporting forms ng estado), kung mayroon.
          Hakbang 2: Kalkulahin ang average na buwanang gastos sa payroll (hatiin ang
           halaga mula sa Hakbang 1 sa 12).
          Hakbang 3: I-multiply ang average na buwanang gastos sa payroll mula sa
           Hakbang 2 sa 2.5.
          Hakbang 4: Idagdag ang anumang di-bayad na halaga ng anumang EIDL na
           isinagawa sa pagitan ng Enero 31, 2020 at Abril 3, 2020 na nais mong i-refinance.
           Huwag isama ang halaga ng anumang advance sa ilalim ng isang EIDL COVID-19
           loan (dahil hindi ito kailangang bayaran).
       Dapat na ibigay ang 2019 IRS Form 1065 ng partnership (kasama ang mga K-1) para
       mapagtibay ang ina-apply na halaga ng First Draw PPP Loan. Kung may mga empleyado
       ang partnership, ang iba pang kaugnay na pangsuportang dokumento, kabilang ang 2019
       IRS Form 941 at state quarterly wage unemployment insurance tax reporting form mula
       sa bawat quarter (o katumbas na mga record sa payroll processor o IRS Wage and Tax
       Statement), kasama ng record sa anumang pagreretiro o kontribusyon sa health, life,
       disability, vision, at dental insurance ng grupo, ay dapat din ibigay para mapagtibay ang
Mula Marso 12, 2021

          halaga ng First Draw PPP loan. Kung mayroong mga empleyado ang partnership, dapat
          magbigay ng payroll statement o katulad na dokumentasyon para sa panahon ng suweldo
          na sumaklaw sa Pebrero 15, 2020 upang mapatunayan na nagnenegosyo ang partnership
          at mayroon itong mga empleyado noong petsang iyon. Kung walang empleyado ang
          partnership, dapat magbigay ng invoice, bank statement, o book of record na
          magpapatunay na nagnenegosyo ang partnership noong Pebrero 15, 2020.
     5. Tanong: Paano kinakalkula ang maximum na halaga ng First Draw PPP Loan para sa
        mga S corporation at C corporation (hanggang $10 milyon)? (Tandaan na bahagyang
        magdedepende ang mga halaga ng pagpapatawad sa PPP loan sa kabuuang halaga na
        ginastos sa loob ng protektadong haba ng panahon kasunod ng pagpalabas ng PPP loan.)
          Sagot: Dapat gamitin ang sumusunod na pamamaraan upang kalkulahin ang maksimum
          na halagang mahihiram para sa mga corporation, kabilang ang mga S at C corporation:
             Hakbang 1: Kalkulahin ang halaga ng 2019 payroll sa pamamagitan ng pagsasama
              sa mga sumusunod:
                   o Pang-2019 na mga gross na sahod at tip na ibinayad sa mga empleyado
                     mong ang pangunahing pananahan ay sa Estados Unidos, na aabot sa
                     $100,000 kada empleyado, na maaaring kalkulahin gamit ang:
                               •   Pang-2019 na IRS Form 941 Taxable Medicare na mga sahod at
                                   tip (line 5c-column 1) mula sa bawat quarter,
                               •   Dagdag ang anumang pre-tax na kontribusyon ng empleyado para
                                   sa health insurance o iba pang espesyal na benepisyo na hindi
                                   kasama sa Taxable Medicare na mga sahod at tip,
                               •   Ibawas ang (i) anumang mga halaga na ibinayad sa sinumang
                                   indibidwal na empleyado na hihigit sa $100,000, at (ii) anumang
                                   mga halaga na ibinayad sa sinumang empleyado na ang
                                   pangunahing pananahan ay sa labas ng Estados Unidos;
                   o Pang-2019 na mga kontribusyon ng employer para sa health, life, disability,
                     vision, at dental insurance ng grupo ng mga empleyado (maiuugnay ang
                     bahagi ng IRS Form 1120 line 24 o IRS Form 1120-S line 18 sa mga
                     kontribusyon na iyon);7
                   o Mga kontribusyon ng employer para sa pagreretiro noong 2019 (IRS Form
                     1120 line 23 o IRS Form 1120-S line 17); at
                   o Mga lokal at pang-estadong buwis ng employer noong 2019 na tinasa sa kita
                     ng empleyado, pangunahin ay ang state unemployment insurance tax (mula
                     sa quarterly wage reporting forms ng estado).




7
 Tandaan na ang mga kontribusyon ng employer para sa health, life, disability, vision, at dental insurance ng grupo
para sa mga S-Corporation na empleyado na nagmamay-ari ng higit sa 2 porsiyentong angkin sa negosyo (o mga
empleyado na mga miyembro ng pamilya ng mga naturang may-ari) ay hindi isinama sa halagang ito dahil ang mga
naturang kontribusyon ay kasama na sa mga gross na sahod.
Mula Marso 12, 2021

          Hakbang 2: Kalkulahin ang average na buwanang gastos sa payroll (hatiin ang
           halaga mula sa Hakbang 1 sa 12).
          Hakbang 3: I-multiply ang average na buwanang gastos sa payroll mula Hakbang 2
           nang 2.5
          Hakbang 4: Idagdag ang di-bayad na halaga ng anumang EIDL na isinagawa sa
           pagitan ng Enero 31, 2020 at Abril 3, 2020 na nais mong i-refinance. Huwag isama
           ang halaga ng anumang advance sa ilalim ng isang EIDL COVID-19 loan (dahil
           hindi ito kailangang bayaran).
       Ang pang-2019 na IRS Form 941 at state quarterly wage unemployment insurance tax
       reporting form ng korporasyon mula sa bawat quarter (o katumbas na mga record ng
       payroll processor o IRS Wage and Tax Statements), kasama ng nai-file na business tax
       return (IRS Form 1120 o IRS 1120-S) o anumang iba pang dokumento sa pagreretiro at
       mga kontribusyon sa group health, life, disability, vision, at dental insurance, ay dapat
       ibigay para mapagtibay ang halaga ng PPP loan na ina-apply. Dapat magbigay ng
       payroll statement o katulad na dokumentasyon para sa panahon ng suweldo na
       sumaklaw sa Pebrero 15, 2020 upang mapatunayan na nagnenegosyo ka at mayroon
       kang mga empleyado noong petsang iyon.
    6. Tanong: Paano kinakalkula ang maximum na halaga ng First Draw PPP Loan para sa
       mga kwalipikadong nonprofit na organization (hanggang $10 milyon)? (Tandaan na
       bahagyang magdedepende ang mga halaga ng pagpapatawad sa PPP loan sa kabuuang
       halaga na ginastos sa loob ng protektadong haba ng panahon kasunod ng pagpalabas ng
       PPP loan.)
       Sagot: Dapat sundin ang sumusunod na pamamaraan para kalkulahin ang maximum na
       halagang mahihiram para sa mga kwalipikadong nonprofit organization (mga
       kwalipikadong nonprofit religious institution o iba pang kwalipikadong nonprofit na
       hindi hinihingan na mag-file ng IRS Form 990, tingnan ang susunod na tanong):
          Hakbang 1: Kalkulahin ang halaga ng 2019 payroll sa pamamagitan ng pagsasama
           sa mga sumusunod:
              o Pang-2019 na mga gross na sahod at tip na ibinayad sa mga empleyado
                mong ang pangunahing pananahan ay sa Estados Unidos, na aabot sa
                $100,000 kada empleyado, na maaaring kalkulahin gamit ang:
                        •   Pang-2019 na IRS Form 941 Taxable Medicare na mga sahod at
                            tip (line 5c-column 1) mula sa bawat quarter,
                        •   Dagdag ang anumang pre-tax na kontribusyon ng empleyado para
                            sa health insurance o iba pang espesyal na benepisyo na hindi
                            kasama sa Taxable Medicare na mga sahod at tip, at
                        •   Ibawas ang (i) anumang halaga na ibinayad sa sinumang
                            indibidwal na empleyado na hihigit sa $100,000, at (ii) anumang
                            mga halaga na ibinayad sa sinumang empleyado na ang
                            pangunahing pananahan ay sa labas ng U.S.;
Mula Marso 12, 2021

              o Pang-2019 na mga kontribusyon ng employer para sa health, life, disability,
                vision, at dental insurance ng grupo (maiuugnay ang bahagi ng IRS Form
                990 Part IX line 9 sa mga kontribusyon na iyon);
              o Mga kontribusyon ng employer para sa pagreretiro noong 2019 (IRS Form
                990 Part IX line 8); at
              o Mga lokal at pang-estadong buwis ng employer noong 2019 na tinasa sa kita
                ng empleyado, pangunahin ay ang state unemployment insurance tax (mula
                sa quarterly wage reporting forms ng estado).
          Hakbang 2: Kalkulahin ang average na buwanang gastos sa payroll (hatiin ang
           halaga mula sa Hakbang 1 sa 12).
          Hakbang 3: I-multiply ang average na buwanang gastos sa payroll mula sa
           Hakbang 2 sa 2.5.
          Hakbang 4: Idagdag ang di-bayad na halaga ng anumang EIDL na isinagawa sa
           pagitan ng Enero 31, 2020 at Abril 3, 2020 na nais mong i-refinance. Huwag isama
           ang halaga ng anumang advance sa ilalim ng isang EIDL COVID-19 loan (dahil
           hindi ito kailangang bayaran).
       Ang pang-2019 na IRS Form 941 at state quarterly wage unemployment insurance tax
       reporting form ng nonprofit organization mula sa bawat quarter (o katumbas na mga
       record ng payroll processor o IRS Wage and Tax Statements), kasama ng nai-file na IRS
       Form 990 o IRS 1120-S o anumang iba pang dokumento sa pagreretiro at mga
       kontribusyon sa group health, life, disability, vision, at dental insurance, ay dapat ibigay
       para mapagtibay ang halaga ng PPP loan na ina-apply. Dapat magbigay ng payroll
       statement o katulad na dokumentasyon para sa panahon ng suweldo na sumaklaw sa
       Pebrero 15, 2020 upang mapatunayan na nagnenegosyo ka at mayroon kang mga
       empleyado noong petsang iyon. Ang mga kwalipikadong nonprofit na nagfi-file ng IRS
       Form 990-EZ ay dapat na umasa sa form na iyon at ang mga hindi nagfi-file ng IRS
       Form 990 o 990-EZ, karaniwang ang mga may gross receipt na mas mababa sa $50,000,
       ay dapat tingnan ang susunod na tanong.
    7. Tanong: Paano kinakalkula ang maximum na halaga ng First Draw PPP Loan para sa
       mga kwalipikadong nonprofit religious institution, mga veterans organization, at mga
       tribal business (hanggang $10 milyon)? (Tandaan na bahagyang magdedepende ang
       mga halaga ng pagpapatawad sa PPP loan sa kabuuang halaga na ginastos sa loob ng
       protektadong haba ng panahon kasunod ng pagpalabas ng PPP loan.)
       Sagot: Dapat sundin ang sumusunod na pamamaraan upang kalkulahin ang maksimum
       na halagang mahihiram para sa mga kwalipikadong nonprofit religious institution,
       veteran organization at tribal business:
          Hakbang 1: Kalkulahin ang halaga ng 2019 payroll sa pamamagitan ng pagsasama
           sa mga sumusunod:
              o Pang-2019 na mga gross na sahod at tip na ibinayad sa mga empleyado na
                ang pangunahing pananahan ay sa Estados Unidos, na aabot sa $100,000
                kada empleyado, na maaaring kalkulahin gamit ang:
Mula Marso 12, 2021

                        •   Pang-2019 na IRS Form 941 Taxable Medicare na mga sahod at
                            tip (line 5c-column 1) mula sa bawat quarter,
                        •   Dagdag ang anumang pre-tax na kontribusyon ng empleyado para
                            sa health insurance o iba pang espesyal na benepisyo na hindi
                            kasama sa Taxable Medicare na mga sahod at tip, at
                        •   Ibawas ang (i) anumang mga halaga na ibinayad sa sinumang
                            indibidwal na empleyado na hihigit sa $100,000, at (ii) anumang
                            mga halaga na ibinayad sa sinumang empleyado na ang
                            pangunahing pananahan ay sa labas ng Estados Unidos;
              o Pang-2019 na mga kontribusyon ng employer sa health, life, disability,
                vision, at dental insurance ng grupo;
              o Pang-2019 na mga kontribusyon ng employer para sa pagreretiro: at
              o Mga lokal at pang-estadong buwis ng employer noong 2019 na tinasa sa kita
                ng empleyado, pangunahin ay ang state unemployment insurance tax (mula
                sa quarterly wage reporting forms ng estado).
          Hakbang 2: Kalkulahin ang average na buwanang gastos sa payroll (hatiin ang
           halaga mula sa Hakbang 1 sa 12).
          Hakbang 3: I-multiply ang average na buwanang gastos sa payroll mula sa
           Hakbang 2 sa 2.5.
          Hakbang 4: Idagdag ang anumang di-bayad na halaga ng anumang EIDL na
           isinagawa sa pagitan ng Enero 31, 2020 at Abril 3, 2020 na nais mong i-refinance.
           Huwag isama ang halaga ng anumang advance sa ilalim ng isang EIDL COVID-19
           loan (dahil hindi ito kailangang bayaran).
       Ang pang-2019 na IRS Form 941 at state quarterly wage unemployment insurance tax
       reporting form mula sa bawat quarter (o katumbas na mga record ng payroll processor o
       IRS Wage and Tax Statements), kasama ng anumang dokumento sa pagreretiro o mga
       kontribusyon sa group health, life, disability, vision, at dental, ay dapat ibigay para
       mapagtibay ang halaga ng PPP loan na ina-apply. Dapat magbigay ng payroll statement
       o katulad na dokumentasyon para sa panahon ng suweldo na sumaklaw sa Pebrero 15,
       2020 upang mapatunayan na nagnenegosyo ka at mayroon kang mga empleyado noong
       petsang iyon.
    8. Tanong: May-ari ako ng isang LLC. Aling set ng mga tagubilin ang nalalapat sa akin?
       Sagot: Dapat sundin ng mga LLC ang mga tagubilin na nalalapat sa status nila sa pagfi-
       file ng tax sasangguniang panahon na ginamit para kalkulahin ang mga ginastos sa
       payroll (2019 o 2020)—hal.,kung nai-file ang LLC (o ifa-file) bilang isang sole
       proprietor, isang partnership, o isang korporasyon sa sangguniang panahon.
    9. Tanong: Anu-ano pang ibang dokumento ang maibibigay ng aplikante para sa layuning
       pagpatibayin ang mga ginastos sa payroll na ginamit para mag-apply para sa halaga ng
       First Draw PPP Loan?
Mula Marso 12, 2021

       Sagot: Maaaring magbigay ang isang aplikante ng IRS Form W-2s at IRS Form W-3 o
       mga payroll processor report, kabilang angmga quarterly at annual tax report, bilang
       kapalit ng IRS Form 941. Dagdag pa rito, ang napakaliliit na negosyo na nagfi-file ng
       taunang IRS Form 944 o mga agricultural employer na nagfi-file ng taunang IRS Form
       943 ay dapat na umasa sa at magbigay ng IRS Form 944 o IRS Form 943 bilang kapalit
       ng IRS Form 941.
       Maaaring magbigay ang isang aplikante ng mga record mula sa isang retirement
       administrator para idokumento ang mga kontribusyon ng employer sa pagreretiro.
       Maaari rin magbigay ang isang aplikante ng mga record mula sa isang kompanya ng
       health insurance o isang third-party na administrator para sa isang self-insured plan para
       maidokumento ang mga kontribusyon ng employer sa health insurance.
    10. Tanong: Isa akong korporasyon o nonprofit na nag-ooperate noong Pebrero 15, 2020,
        pero hindi na nag-ooperate sa pagitan ng Pebrero 15, 2019, at Hunyo 30, 2019. Ano ang
        sangguniang panahon na dapat kong gamitin para kalkulahin ang halaga ng First Draw
        PPP Loan ko?
       Sagot: Sa ganitong kaso, makapipili ka ng isa sa dalawang paraan para kalkulahin ang
       halaga ng First Draw PPP Loan mo. Ang unang opsyon ay sundin ng mga humihiram
       ang mga nalalapat na tagubilin sa mga Tanong 5, 6, 7 at gamitin ang impormasyon ng
       payroll para sa kabuuan ng 2020 sa halip na 2019. Ang ikalawang opsyon ay kalkulahin
       ng mga humihiram ang halaga ng kanilang loan gamit ang kanilang average na
       buwanang gastos sa payroll na ibinayad noong Enero at Pebrero 2020. Para sa mga
       humihiram na pipili sa ikalawang opsyon, dapat gamitin ang sumusunod na
       pamamaraan para kalkulahin ang maximum na halagang mahihiram mo:
          Hakbang 1: Kalkulahin ang mga ginastos sa payroll sa Enero at Pebrero 2020 sa
           pamamagitan ng pagsuma sa mga sumusunod:
              o Gross na sahod sa mga empleyado para sa dalawang buwan na ito na ang
                pangunahing lugar ng pananahan ay sa Estados Unidos, hanggang $16,667
                kada empleyado;
              o Mga kontribusyon ng employer para sa health, life, disability, vision, at
                dental insurance ng grupo para sa dalawang buwan na iyon;
              o Mga kontribusyon ng employer para sa pagreretiro para sa dalawang buwan
                na iyon; at
              o Mga buwis na pang-estado at lokal ng employer na tinasa sa ibinayad sa
                empleyado para sa dalawang buwan na iyon, pangunahin na ang
                unemployment insurance tax ng estado.
          Hakbang 2: Kalkulahin ang average na buwanang gastos sa payroll (i-divide ang
           halaga mula sa Hakbang 1 sa 2).
          Hakbang 3: I-multiply ang average na buwanang gastos sa payroll mula sa
           Hakbang 2 sa 2.5.
          Hakbang 4: Idagdag ang anumang di-bayad na halaga ng anumang EIDL na
           isinagawa sa pagitan ng Enero 31, 2020 at Abril 3, 2020 na nais mong i-refinance.
           Huwag isama ang halaga ng anumang advance sa ilalim ng isang EIDL COVID-19
           loan (dahil hindi ito kailangang bayaran).
Mula Marso 12, 2021

       Kung pinili mo ang ikalawang opsyon, dapat kang magbigay ng mga record ng payroll
       mula Enero at Pebrero 2020, ang IRS Form 941 mo para sa unang quarter ng 2020, at
       dokumento ng anumang mga kontribusyon ng employer sa pagreretiro at sa health, life,
       disability, vision, at dental insurance ng grupo para sa panahong iyon.
    11. Tanong: Isa akong self-employed (o isang partnership) na nag-ooperate noong Pebrero
        15, 2020, pero hindi na nag-ooperate sa pagitan ng Pebrero 15, 2019, at Hunyo 30,
        2019. Nag-file o magfi-file ako ng isang Form 1040 Schedule C o Schedule F (o Form
        1065) para sa 2020. Ano ang sangguniang panahon na dapat kong gamitin para
        kalkulahin ang halaga ng First Draw PPP Loan ko?
       Sagot: Sa ganitong kaso, makapipili ka ng isa sa dalawang paraan para kalkulahin ang
       halaga ng First Draw PPP Loan mo. Ang unang opsiyon ay sundin ng mga humihiram
       ang mga nalalapat na tagubilin sa mga Tanong 1 hanggang 4 (o NMga Tanong 15 at 16
       kung ginagamit mo ang gross income at nag-file ng Schedule C) at gamitin ang
       impormasyon ng payroll para buong 2020 sa halip na 2019. Ang ikalawang opsiyon ay
       kalkulahin ng mga humihiram ang halaga ng kanilang loan gamit ang kanilang average
       na buwanang gastos sa payroll na naipon noong Enero at Pebrero 2020.
       Para sa mga humihiram na pipili sa ikalawang opsiyon na nag-file ng Schedule C at
       ginagamit ang net profit, dapat gamitin ang sumusunod na pamamaraan para kalkulahin
       ang maximum na halagang mahihiram mo:
          Hakbang 1: Punan ang isang IRS Form 1040 Schedule C para sa Enero at Pebrero
           2020. Dapat na sinasalamin ng mga entry sa schedule ang lahat na kinita at ginastos
           ng negosyo mula sa dalawang buwan na iyon, maliban sa hindi kabilang sa Schedule
           C line 13:
              o dapat mong isama ang 1/6 lang ng halaga ng anumang taunang pagbaba ng
                halaga at inawas na gastos sa section 179 na maiuugnay sa pamumuhunang
                ginawa sa mga buwan na iyon, at
              o dapat mong isama ang 1/6 ng halaga ng pang-2020 na pagbaba ng inawas na
                maiuugnay sa pamumuhunang ginawa sa mga naunang taon.
          Hakbang 2: Kunin ang halaga ng net profit para sa Enero at Pebrero sa Schedule C
           line 31.
              o Kung ang halagang ito ay mas mataas sa $16,667 para sa dalawang
                pinagsamang buwan, i-set ito sa $16,667.
              o Kung ang halagang ito ay mas mababa sa 0 para sa dalawang pinagsamang
                buwan, i-set ito sa 0.
          Hakbang 3: Kung mayroon kang mga empleyado, idagdag ang mga ginastos sa
           payroll ng empleyado para sa Enero at Pebrero 2020 sa resulta ng nasa Hakbang 2.
           Isama lang ang mga ginastos sa payroll para sa mga empleyado na ang pangunahing
           lugar ng pananahan ay sa Estados Unidos at hanggang $16,667 ang gross na binayad
           sa kada empleyado.
          Hakbang 4: I-divide ang total sa 2, tapos i-multiply ito sa 2.5.
Mula Marso 12, 2021

             Hakbang 5: Pagsamahin ang hindi pa nababayarang halaga ng anumang EIDL na
              ginawa mula Enero 31, 2020 hanggang Abril 3, 2020 na nais mong i-refinance, at
              ibawas dito ang halaga ng anumang advance sa ilalim ng isang EIDL COVID-19
              loan (dahil hindi ito kailangan pang bayaran).
          Dapat ibigay ang napunan na IRS Form 1040 Schedule C sa nagpahiram sa iyo kapag
          nag-apply ka para sa isang PPP loan. Dapat na tumutugma ang impormasyon na ito sa
          isusumite mo sa IRS at dapat na totoo at tumpak sa lahat na aspeto. Dapat ka rin na
          magbigay ng mga bank statement mula sa (mga) business account mo para sa mga
          buwan ng Enero at Pebrero 2020 para mapagtibay ang halaga ng net profit mo mula sa
          Schedule C. Kung mayroon kang mga empleyado, kailangan mo rin na magbigay ng
          mga record ng payroll na mula sa dalawang buwan na ito, ang IRS Form 941 mo para sa
          unang quarter ng 2020, at dokumento ng anumang kontribusyon na ginawa ng employer
          para sa pagreretiro at health, life, disability, vision, at dental insurance ng grupo para sa
          mga empleyado.
          Dapat gamitin ng mga nag-file ng Schedule C na nag-apply para sa isang PPP loan
          gamit ang SBA Form 2483-C o 2483-SD-C ang parehong pamamaraan gaya ng nasa
          itaas pero palitan ang net profit mula sa Hakbang 2 ng halaga ng gross income sa
          Schedule C line 7 (kung walang empleyado) o ang kaibahan sa pagitan ng gross income
          amount sa Schedule C line 7 at mga gastos sa payroll ng empleyado mula sa suma ng
          Schedule C mga linyang 14, 19, at 26 (kung mayroon kang mga empleyado).8 Pareho
          ang mga hinihinging dokumento na nasa itaas.
          Dapat gamitin ang mga nag-file ng Schedule F ang parehong pamamaraan na nasa itaas
          pero punan ang isang Schedule F sa Hakbang 1 at palitan ang net profit mula sa Hakbang
          2 gamit ang halaga ng gross income sa Schedule F line 9 (kung walang empleyado) o ang
          kaibahan sa pagitan ng halaga ng gross income sa Schedule F line 9 at mga ginastos sa
          payroll ng empleyado mula sa suma ng Schedule F mga linya 15, 22, at 23 (kung
          mayroon kang mga empleyado). Pareho sa itaas ang mga kailangang dokumento maliban
          sa ang Schedule F na pinunan ay dapat na ibigay sa halip na Schedule C.
          Dapat gamitin ng mga partnership ang parehong pamamaraan na nasa itaas pero punan
          ang isang Form 1065 sa Hakbang 1 at palitan ang net profit mula sa Hakbang 2 ng mga
          net na kinita mula sa pagiging self-employed para sa bawat indibidwal na partner na
          nakabase sa U.S. (ang pagkakaiba sa pagitan ng box 14a ng IRS Form 1065 K-1 at suma
          ng (i) anumang seksyon gastos sa seksyon 179 na inaangkin sa kahon 12; (ii) anumang
          inaangkin na hindi naibalik na gastos ng partnership; at (iii) anumang inaangkin na
          pagkaubos sa mga pag-aaring langis at gas) na imu-multiply sa 0.9235. Pareho sa itaas
          ang mga kailangang dokumento maliban sa Form 1065 na pinunan ay dapat na ibigay sa
          halip na Schedule C.
     12. Tanong: Bilang karagdagan sa mga pre-tax na kontribusyon ng empleyado para sa
         health insurance, anu-ano pa ang ibang pre-tax na kontribusyon ng empleyado para sa
         mga espesyal na benepisyo ay inalis mula sa IRS Form 941 Taxable Medicare wages &
         tips na bahagi ng gross pay ng empleyado?


8
 Dapat din na ibawas mula sa gross income ang anumang iba pang gastos sa payroll ng empleyado na hindi inulat sa
mga linyang iyon pero isinama sa kabuuang gastos sa line 28.
Mula Marso 12, 2021

          Sagot: Maaaring hindi isinama ang mga kontribusyon ng empleyado at mga inawas
          mula sa sahod para sa mga flexible spending arrangement (FSA) o iba pang hindi
          nabubuwisan na benepisyo sa ilalim ng section 125 cafeteria plan, Kwalipikadong
          benepisyo sa sasakyan o parking (na hanggang $270 isang buwan), at life insurance ng
          grupo (na hanggang $50,000 ang proteksiyon) mula sa IRS Form 941 Taxable Medicare
          wages & tips. Gayunpaman, kasama ang mga pre-tax na kontribusyon ng empleyado sa
          mga retirement plan sa Taxable Medicare wages & tips at hindi dapat idagdag sa
          halagang iyon para makuha ang gross pay.
     13. Tanong: Paano ang isang borrower account para sa mga pederal na buwis kapag
         tinukoy ang mga gastos sa payroll para sa mga layunin ng maximum na halaga ng
         pautang, pinapayagan na paggamit ng isang pautang sa PPP, at ang halaga ng isang
         pautang na maaaring mapatawad?
          Sagot: Kinakalkula ang mga ginastos sa payroll nang gross na batayan nang walang
          alang-alang sa mga buwis pederal na ipinataw o hinadlangan, gaya ng bahagi ng
          empleyado at employer sa Federal Insurance Contributions Act (FICA) at mga income
          tax na kinakailangan na hadlangan mula sa mga empleyado. Bilang resulta, hindi
          ibababa ng mga ipinataw na buwis sa isang empleyado ang mga gastos sa payroll at
          kinakailangang hadlangan ng employer. Gayunpaman, hindi kasama sa gastos sa payroll
          ang bahagi ng employer sa buwis ng payroll. Halimbawa, ang mga sinahod ng isang
          empleyado na kumita ng $4,000 na gross na sahod kada buwan, kung saan ang $500 na
          buwis pederal ay hinadlangan, ay ibibilang na $4,000 sa gastos sa payroll. Gayunpaman,
          ang mga buwis sa pederal na panig ng payroll na ipinataw sa $ 4,000 na sahod ay hindi
          kasama sa mga gastos sa payroll sa ilalim ng batas.9
     14. Tanong: Mayroon bang limit sa halagang dolyar ng mga First Draw PPP Loan na
         maaaring matanggap ng isang corporate group?
          Sagot: Oo, ang mga negosyong bahagi ng parehong corporate group ay hindi
          makatatanggap ng mga First Draw ng PPP na Pautang sa kabuuang halaga na hihigit sa
          $20 million. Para sa mga layunin ng limit na ito, ang mga negosyo ay bahagi ng isang
          corporate group kung pag-aari ito ng majority, nang direkta o hindi direkta, ng isang
          common parent.


9
  Ang kahulugan ng “gastos sa payroll” sa CARES Act, 15 U.S.C. 636(a)(36)(A)(viii), hindi kabilang ang “mga
ipinataw na buwis o hinadlangan sa ilalim ng mga chapter 21, 22, o 24 ng Internal Revenue Code of 1986 sa loob ng
panahong saklaw”. Tulad ng inilarawan sa itaas, isinalin ng SBA ang statutory na pagbubukod na
nangangahulugang ang mga gastos sa payroll ay kinakalkula sa isang batayang batayan, nang hindi binabawas ang
mga pederal na buwis na ipinapataw sa empleyado o hindi pinigil mula sa sahod ng empleyado. Hindi tulad ng mga
buwis sa payroll ng employer, ang mga buwis sa panig ng empleyado ay karaniwang ipinahayag bilang pagbawas sa
pay-home pay; ang kanilang pagbubukod mula sa kahulugan ng mga gastos sa payroll ay nangangahulugan na ang
mga gastos sa payroll ay hindi dapat bawasan batay sa mga buwis na ipinataw sa empleyado o hindi napigilan mula
sa sahod ng empleyado. Ang pagpapakahulugan na ito ay naaayon sa teksto ng batas at isulong ang layunin ng
pambatasan upang matiyak na ang mga manggagawa ay mananatiling bayad at nagtatrabaho. Dagdag pa, dahil ang
panahon ng sanggunian para sa pagtukoy ng maximum na halaga ng utang ng borrower ay higit sa lahat o buong
mauna sa panahon kung kailan sasailalim sa mga pagbabawal ang mga humihiram pagdating sa mga
pinapahintulutang paggamit ng mga pautang, para sa mga layunin ng pagtukoy sa mga pinapahintulutang paggamit
ng mga pautang at halaga ng kapatawaran ng pautang, ang pagbubukod ng batas na ito ay ilalapat patungkol sa mga
buwis na ipinataw o hinadlang sa anumang oras, hindi lamang sa naturang panahon.
Mula Marso 12, 2021

     15. Tanong: Self-employed ako at wala akong empleyado, paano ko kakalkulahin ang
         maximum na halaga ng First Draw PPP Loan ko kung gagamitin ko ang gross income?
         Sagot: Dapat gamitin ang sumusunod na pamamaraan para kalkulahin ang maximum na
         halagang mahihiram kapag ikaw ay self-employed at walang empleyado, at ang
         pangunahing lugar ng pananahan ay nasa Estados Unidos, kabilang kung ikaw ay isang
         hiwalay na kontratista o nagpapatakbo ng isang sole proprietorship (pero hindi kung isa
         kang kasosyo sa isang partnership, tingnan ang Tanong 4), at ginagamit mo ang gross
         income:
             Hakbang 1: Hanapin ang halaga ng gross income mo sa 2019 IRS Form 1040
              Schedule C line 7.10 Kung ang halagang ito ay zero o mas mababa, hindi ka
              kwalipikado sa PPP loan.
             Hakbang 2: Kalkulahin ang average na halaga ng buwanang gross income (i-divide
              ang halaga na nasa Hakbang 1 sa 12). Kung ang halagang ito ay mas malaki sa
              $8,333.33, ibaba ito sa $8,333.33.
             Hakbang 3: I-multiply ang average na halaga ng buwanang gross income mula sa
              Hakbang 2 sa 2.5.
             Hakbang 4: Idagdag ang di-bayad na halaga ng anumang Economic Injury Disaster
              Loan (EIDL) na isinagawa sa pagitan ng Enero 31, 2020 at Abril 3, 2020 na nais
              mong i-refinance. Huwag isama ang halaga ng anumang advance sa ilalim ng isang
              EIDL COVID-19 loan (dahil hindi ito kailangang bayaran).
         Dapat ibigay ang iyong 2019 IRS Form 1040 Schedule C upang bigyang-katuwiran ang
         inaaplayang halaga ng PPP loan. Dapat ka rin magbigay ng 2019 IRS Form 1099-MISC
         na nagdedetalye sa natanggap na kabayaran bilang hindi isang empleyado (kahon 7),
         IRS Form 1099-K, invoice, bank statement, o book of record na nagpapatunay na ikaw
         ay self-employed noong 2019 at isang 2020 na invoice, bank statement, o book of
         record na nagpapatunay na ikaw ay nagnenegosyo noong Pebrero 15, 2020.
     16. Tanong: Self-employed ako at mayroon akong mga empleyado, paano ko kakalkulahin
         ang maximum na halaga ng First Draw PPP Loan ko (hanggang $10 milyon) kung
         gagamitin ko ang gross income? (Tandaan na bahagyang magdedepende ang mga
         halaga ng pagpapatawad sa PPP loan sa kabuuang halaga na ginastos ng humihiram sa
         loob ng walong linggong panahon na kasunod ng unang paglalabas ng PPP loan.)
         Sagot: Dapat gamitin ang sumusunod na pamamaraan para kalkulahin ang maximum na
         halagang mahihiram kapag ikaw ay self-employed na may mga empleyado, kabilang
         kung ikaw ay isang hiwalay na kontratista o nagpapatakbo ng isang sole proprietorship
         (pero hindi kung isa kang kasosyo sa isang partnership; tingnan ang Tanong 4) at
         ginagamit mo ang gross income:




10
 Kung ang ginagamit mo ay mga halagang pang-2020 at hindi pa natatapos ang return para sa 2020, punan ang
mga hinihinging bahagi at kalkulahin ang mga halaga.
Mula Marso 12, 2021

             Hakbang 1: Hanapin ang halaga ng gross income mo sa 2019 IRS Form 1040
              Schedule C line 7.11 Ibawas ang 2019 na gastos sa payroll ng empleyado na sinuma
              mula sa Form 1040 Schedule C mga linyang 14, 19, at 26.12 Kung ang halagang ito
              ay mas mababa sa zero, i-set ang halagang ito sa zero.
             Hakbang 2: I-divide ang halaga ng gross income mula sa Hakbang 1 sa 12. Kung
              ang halagang ito ay mas malaki sa $8,333.33, ibaba ito sa $8,333.33.
             Hakbang 3: Kalkulahin ang suma ng:
                  o Pang-2019 na mga gross na sahod at tip na ibinayad sa mga empleyado
                    mong ang pangunahing pananahan ay sa Estados Unidos, na aabot sa
                    $100,000 kada empleyado, na maaaring kalkulahin gamit ang:
                              •   Pang-2019 na IRS Form 941 Taxable Medicare na mga sahod at
                                  tip (line 5c-column 1) mula sa bawat quarter,
                              •   Dagdag ang anumang pre-tax na kontribusyon ng empleyado para
                                  sa health insurance o iba pang espesyal na benepisyo na hindi
                                  kasama sa Taxable Medicare na mga sahod at tip, at
                              •   Ibawas ang (i) anumang halaga na ibinayad sa sinumang
                                  indibidwal na empleyado na hihigit sa $100,000, at (ii) anumang
                                  mga halaga na ibinayad sa sinumang empleyado na ang
                                  pangunahing pananahan ay sa labas ng Estados Unidos;
                  o Pang-2019 na mga kontribusyon ng employer para sa health, life, disability,
                    vision, at dental insurance ng grupo ng mga empleyado (Maiuugnay ang
                    bahagi ng IRS Form 1040 Schedule C line 14 sa mga kontribusyon na iyon);
                  o Kontribusyon ng employer noong 2019 sa mga retirement plan ng
                    empleyado (IRS Form 1040 Schedule C line 19); at
                  o Mga lokal at pang-estadong buwis ng employer noong 2019 na tinasa sa kita
                    ng empleyado, pangunahin ay ang state unemployment insurance tax (mula
                    sa quarterly wage reporting forms ng estado).
             Hakbang 4: Kalkulahin ang average na buwanang gastos sa payroll para s amga
              empleyado (i-divide ang halaga mula sa Hakbang 3 sa 12).
             Hakbang 5: Isuma ang mga halaga mula sa Hakbang 2 at Hakbang 4 at i-multiply
              ito sa 2.5.
             Hakbang 6: Idagdag ang di-bayad na halaga ng anumang EIDL na isinagawa sa
              pagitan ng Enero 31, 2020 at Abril 3, 2020 na nais mong i-refinance. Huwag isama
              ang halaga ng anumang advance sa ilalim ng isang EIDL COVID-19 loan (dahil
              hindi ito kailangang bayaran).


11
   Kung ang ginagamit mo ay mga halagang pang-2020 at hindi pa natatapos ang return para sa 2020, punan ang
mga hinihinging bahagi at kalkulahin ang mga halaga.
12
   Dapat din na ibawas mula sa gross income ang anumang iba pang gastos sa payroll ng empleyado na hindi inulat
sa mga linyang iyon pero isinama sa kabuuang gastos sa line 28.
Mula Marso 12, 2021

          Ang pang-2019 na IRS Form 1040 Schedule C, IRS Form 941 at state quarterly wage
          unemployment insurance tax reporting form mula sa bawat quarter (o katumbas na mga
          record ng payroll processor o IRS Wage and Tax Statements), kasama ng anumang
          dokumento sa pagreretiro o mga kontribusyon sa group health, life, disability, vision, at
          dental, ay dapat ibigay para mapagtibay ang halaga ng PPP loan na ina-apply. Dapat
          magbigay ng payroll statement o katulad na dokumentasyon para sa panahon ng
          suweldo na sumaklaw sa Pebrero 15, 2020 upang mapatunayan na nagnenegosyo ka at
          mayroon kang mga empleyado noong petsang iyon.
     17. Tanong: Kung mag-ulat ako ng mga kinita sa farm o ranch bilang isang LLC,
         kwalipikadong joint venture, o partnership, maaari ko bang gamitin ang gross income
         par matukoya ng halaga ng loan?
          Sagot: Tanging mga self-employed na farmer at rancher na nag-file ng IRS Form 1040
          Schedule F kasama ng kanilang Form 1040 at nag-ulat ng Schedule F na kinita ng farm
          sa IRS Form 1040 Schedule 1 ang makakagamit ng gross income para matukoy ang
          halaga ng loan. Ang mga single member LLC at mga kwalipikadong joint venture, gaya
          ng inilarawan ng IRS,13 na nag-file ng Schedule F kasama ng kanilang Form 1040 ay
          maaaring gumamit ng gross income para matukoy ang halaga ng kanilang loan. Isa lang
          sa mag-asawa na nasa kwalipikadong joint venture ang maaaring magsumite ng
          aplikasyon para sa PPP loan para sa kwalipikadong joint venture.
          Dapat kalkulahin ng mga partnership at mga partner ang mga halaga ng loan gaya ng
          itinagubilin sa Tanong 4 sa itaas.
     18. Tanong: Kung isa akong self-employed na indibidwal na karapat-dapat na gamitin ang
         gross income mula sa kapwa Schedule C at Schedule F para kalkulahin ang halaga ng
         loan, paano ko kakalkulahin ang halaga ng loan?
          Sagot: Kalkulahin ang maximum na halaga ng loan mo sa pamamagitan ng pagsunod sa
          kaugnay na gabay para sa pagkalkula ng maximum na halaga ng loan para sa mga self-
          employed na indibidwal (maging mayroon o walang empleyado) gamit ang gross
          income mula sa Schedule C at hiwalay para sa paggamit ng gross income mula sa
          Schedule F. Isuma ang dalawang resulta para kalkulahin ang maximum na halaga ng
          loan mo. Sa nalalapat na Kahon A sa SBA Form 2483-C, isama ang mga halaga mula sa
          kapwa Schedule C at Schedule F.




13
  Ang kwalipikadong joint venture para sa mga layuning pang-pederal na income tax ay nangangahulugang (1) mga
tanging miyembro ng joint venture ay kasal na mag-asawa na nag-file ng joint return at ang bawat isa ay nag-file ng
Schedule C o F kasama ng kanilang Form 1040, (2) kapwa mag-asawa ay kalahok sa kalakal o negosyo, at (3) pinili
ng mag-asawa na hindi tratuhin bilang isang partnership.


File and source

File
SBA-HowtoCalculateFirstDrawLoanAmountsFAQs-3.12.21-FINAL_Tagalog.pdf
Size
617,907 bytes
SHA-256
b74050e96a7c1a1d530b606d3b2df790415a5255502e080bb0bdbb681f7942c6
Our copy
SBA-HowtoCalculateFirstDrawLoanAmountsFAQs-3.12.21-FINAL_Tagalog.pdf
Original
legacy.sba.gov
Back to top