SBA, FAQ Regarding Targeted EIDL Advance (Tagalog translation)
Summary
Tagalog translation of the SBA's frequently asked questions on the Targeted EIDL Advance and the Supplemental Targeted Advance, updated "ABRIL 27, 2021". To be eligible for the Supplemental Targeted Advance, businesses and nonprofits must be in a low-income community as defined in 45D(e) of Title 26 U.S. Code, and must have suffered a loss of more than 50 percent over an 8-week period compared with the prior year. They must also have 10 or fewer employees and meet the other eligibility requirements that apply to EIDLs.
Summary drafted by a model from the document's text below and checked by script against that text before publication. It is a navigation aid, not a reading of what the document proves. Where AI is used
Cite this document
“SBA, FAQ Regarding Targeted EIDL Advance (Tagalog translation).”
Original at legacy.sba.gov. Archived at Pandemic Darlings, https://pandemicdarlings.com/source-documents/sba-faq-regarding-targeted-eidl-advance-tagalog-translation-fcf4f01b44/
, SHA-256 c30409804cef22119f5cabc5ca7e0874b1a7e0e3c897ebd1bada36bdeb741177.Full text
123 - Tagalog - Tagalog
Targeted at Supplemental Advance
Mga Madalas Itanong
NA-UPDATE ABRIL 27, 2021
FAQ ng Targeted EIDL Advance at Supplemental Targeted Advance
Proseso ng Aplikasyon
1. Maaari ba akong mag-apply ngayon?
Dapat hintayin ng mga aplikante na matanggap nila ang imbitasyon sa email mula sa SBA na mag-apply
para sa kapwa Targeted EIDL Advance at Supplemental Targeted Advance.
[Tandaan: Maaari pa rin mag-apply ang mga negosyo at nonprofit organization na may mga kawalan
na kaugnay ng COVID-19 para sa isang Economic Injury Disaster Loan (EIDL), kung hindi pa nila ito
nagagawa. Mahahanap ang mas maraming impormasyon tungkol sa programa ng pautang
sawww.sba.gov/relief .]
2. Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng Targeted EIDL Advance at Supplemental Targeted Advance?
Targeted EIDL Advance: Nagbibigay ang Economic Aid to Hard-Hit Small Businesses, Non-
Profits, and Venues Act (Economic Aid Act) sa mga negosyong nakatanggap ng naunang
Advance sa halagang mas mababa sa $10,000 ng unang priyoridad para sa Targeted EIDL
Advance, na magiging kaibahan sa pagitan ng halagang natanggap nila at $10,000 na
maximum. Ang mga negosyong iyon ang magiging unang grupo na makatatanggap ng mga
email na imbitasyon sa application portal. Ang ikalawang priyoridad na grupo ay mga
negosyong nag-apply para sa tulong sa EIDL noong Disyembre 27, 2020 pero hindi
nakatanggap ng Advance. Partikular dito, dapat na matatagpuan ang negosyo sa komunidad na
maliit ang kinikita ayon sa pagtatakda ng seksiyon 45D(e) ng Internal Revenue Code; dumanas
ng higit sa 30 porsiyento na kawalan sa ekonomiya sa loob ng 8-linggo na haba ng panahon
mula Marso 2, 2020, kung ihahambing sa nakalipas na taon; at mayroong 300 o mas kaunting
empleyado.
Supplemental Targeted Advance: Nagbibigay-daan ang American Rescue Plan Act para sa mga
pagbabayad ng Supplemental Targeted Advance na $5,000 sa pinaka-apektadong maliliit na
negosyo at nonprofit na organisasyon. Dapat masapatan ng mga aplikanteng maaaring
magkwalipika para sa Supplemental Targeted Advance ang mga karagdagang panukatan sa
pagiging karapat-dapat. Partikular dito, dapat na matatagpuan ang negosyo sa komunidad na
maliit ang kinikita ayon sa pagtatakda sa seksiyon 45D(e) ng Internal Revenue Code; dumanas
ng higit sa 50 porsiyento na kawalan sa ekonomiya sa loob ng 8-linggo na haba ng panahon
mula Marso 2, 2020, kung ihahambing sa nakalipas na taon; at mayroong 10 o mas kaunting
empleyado. Ang Supplemental Targeted Advance ay karagdagan sa $10,000 na Targeted EIDL
Advance, para sa kabuuhang halaga na aabot sa $15,000.
3. Kailan magsisimulang magpadala ang SBA ng mga email na imbitasyon sa mga programang ito?
Simula sa Peb. 1, 2021, unang lumapit ang SBA sa mga aplikante ng EIDL na nakatanggap na ng partial
na EIDL Advance (sa pagitan ng $1,000 - $9,000). Direktang kinontak ng SBA ang mga aplikante sa
pamamagitan ng email taglay ang mga tagubilin para matukoy ang pagkakarapat-dapat at pagsumite
ng mga dokumento. Sunod, nagsimulang makipag-ugnayan ang SBA sa mga nag-apply para sa ayudang
EIDL sa o bago ang Disyembre 27, 2020, pero hindi nakatanggap ng EIDL Advance dahil sa kawalan ng
pondo ng programa. Makatatanggap ng email ang lahat ng aplikante mula sa SBA na may kasamang
mga tagubilin para matukoy ang pagiging kakarapat-dapat at ang pagsumite ng mga dokumento.
Huwag mangamba kung hindi ka agad makatanggap ng imbitasyon mo sa email. Ipapadala ang
imbitasyon na mag-apply sa pangunahing email address ng contact na kaugnay ng orihinal na EIDL
1|Pahina
Targeted at Supplemental Advance
Mga Madalas Itanong
NA-UPDATE NOONG ABRIL 27, 2021
application mo.
Para sa programang Supplemental Targeted Advance, simula sa Abril 21, 2021, nagsimulang
magpadala ang SBA ng ma email na imbitasyon sa mga negosyo na nag-apply para sa Targeted EIDL
Advance at posibleng karapat-dapat para sa Supplemental Targeted Advance. Kasama sa mga
imbitasyon ang link papunta sa Targeted EIDL Advance portal kung saan makapagsusumite ng
aplikasyon ang mga negosyo.
4. Kung makatanggap ako ng email, anu-anong hakbang ang kailangan kong gawin?
Pag-aralan ang panukatan sa pagkakarapat-dapat para sa programa kung saan ka nag-a-apply
(Targeted EIDL at/o Supplemental Targeted Advance) Mahahanap mo ang panukatan ng programa sa
seksiyon na “pagkakarapat-dapat” ng FAQ na ito. Gayundin, nag-set up ng web-based na mapping tool
ang SBA para matukoy kung ang negosyo ay nasa komunidad na maliit ang kinikita. Magagamit ang
mapping tool sa sbaeidl.policymap.com/app. Hinihimok namin ang lahat ng aplikante na gamitin ng
lahat na aplikante na gamitin ang tool na ito bago isumite ang aplikasyon mo. Kung nasasapatan ng
negosyo mo ang lahat ng tatlong panukatan, sundin ang mga tagubilin sa pag-apply.
Napaka-importante na i-double-check ang impormasyon ng bank account mo bago isumite ang
aplikasyon. Ang mali o kulang na impormasyon ay maaaring magresulta sa kawalang-kakayahan na
aprubahan ang hiling mo o para matagumpay na mailabas ang pondo sa iyo.
5. Kailangan ko bang mag-apply muli kung nag-apply ako noon at nakatanggap ng wala pang $10,000
na limit ng mga pondo ng EIDL Advance?
Hindi. Direktang makikipag-ugnayan ang SBA sa mga aplikante ng EIDL na nakatanggap ng Advance na
mas mababa sa $10,000 na maximum. Magbibigay ng mga tagubilin sa mga may-ari ng negosyo ang
email ng SBA tungkol sa kung paano ibibigay sa SBA ang kinakailang impormasyon para matukoy ang
pagigng karapat-dapat, at kung paano magsusumite ng dokumento para sa anumang karagdagang
kaloob na pondo.
6. Kung nakatanggap ako ng $10,000 para sa programang EIDL Advance o Targeted EIDL Advance,
makatatanggap pa rin ba ako ng karagdagang pondo para sa Supplemental Targeted Advance
Program?
Oo. Makatatanggap ang mga karapat-dapat na aplikante ng Supplemental Targeted Advance ng $5,000
na karagdagang bayad sa buong $10,000 na natanggap mula sa naunang Advance o Targeted EIDL
Advance. Direktang makikipag-ugnayan ang SBA sa mga aplikante na maaaring karapat-dapat para sa
Supplemental Targeted Advance.
7. Dapat ba akong mag-apply muli para sa EIDL kung tinanggihan ang nauna kong aplikasyon dahil
naubos na ang orihinal na pondo ng Advance?
Hindi. SBA ang makikipag-ugnayan sa mga aplikante na nag-apply para sa pondo ng SBA COVID-19 EIDL
bago Dis. 27, 2020 at hindi nakatanggap ng anumang pondo ng Advance dahil naubos na ang lahat na
pondo ng Advance. Mag-e-email ang SBA ng mga tagubilin sa kung paano magbibigay ng impormasyon
sa SBA para matukoy ang pagiging karapat-dapat at kung paano isusumite ang kinakailangang
dokumento.
8. Habang hinihintay ko ang imbitasyon ng SBA para mag-apply para sa EIDL Advance at/o Supplemental
Targeted Advance, anu-ano ang ilang bagay na magagawa ko para makapaghanda sa pag-apply?
Kung hindi mo pa naifa-file ang 2019 Federal Tax Return mo, dapat mong tapusin ang prosesong iyon.
Hihingin din sa iyo na ibigay ang mga buwanang gross receipt para sa bawat buwan mula Enero 2019
2|Pahina
Targeted at Supplemental Advance
Mga Madalas Itanong
NA-UPDATE NOONG ABRIL 27, 2021
hanggang sa pinakahuling buwan-sa-petsa na haba ng panahon. Gagamitin ang impormasyon na ito
para matukoy na nasasapatan ng negosyo mo ang 30 porsiyento na pagbaba ng kinita na rekisito ng
Targeted EIDL Advance at 50 porsiyento na pagbaba para sa Supplemental Targeted Advance.
9. Anong dokumento ang kailangan kong ibigay?
Hihingin sa mga aplikante na nakasasapat sa panukatan sa pagiging nasa komunidad na maliit ang
kinikita, na magbigay ng gross monthly revenue para sa Enero 2019 hanggang sa pinakahuling buwan-
sa-petsa na haba ng panahon (lahat ng pinagsama-samang buwanang kinikita na natanggap, gaya ng
mga tinubo o sinahod) para makumpirma ang 30 porsiyento na pagbaba ng kinikita para sa Targeted
EIDL Advance at 50 porsiyentong pagbaba para sa Supplemental Targeted Advance. Hihingin din sa
kanila na elektronikong lagdaan ang isang IRS Form 4506-T para magbigay-daan sa SBA na makahiling
ng impormasyon sa tax return para sa aplikante. Maaaring maging iba-iba ang proseso sa pagberipika
ng buwis at mga hinihingi para sa mga negosyo sa mga U.S. territory.
10. Nasa isang U.S. territory ang negosyo ko. Anu-anong dokumento ang kailangan ng SBA mula sa amin?
Virgin Islands, American Samoa, Guam, at CNMI: Dapat magbigay ang mga negosyo ng naka-e-signed
na IRS Form 4506-T sa SBA sa pamamagitan ng application portal.
Puerto Rico: Ipapadala ng SBA sa aplikante ang mga kailangang form sa pamamagitan ng email.
Pakipunan ang mga form at ipadala ang mga ito pabalik sa SBA.
11. Maaari ko bang i-update ang impormasyon ko (mailing address, email address, numero ng telepono,
impormasyon ng bank account, at/o EIN) sa aplikasyon ko?
Oo. Magkakaroon ka ng pagkakataon na i-update ang impormasyon na ito kapag nagsumite ka ng
aplikasyon mo. Maaaring hingin sa iyo na ibigay ang sumusunod na dokumentasyon/ impormasyon.
Pakitandaan na kapag hiniling ang dokumentasyon o impormasyon ng isang opisyal ng SBA, hindi
namin mababago ang aplikasyon nang wala ang hiniling na dokumentasyon o impormasyon.
12. Nagkamali ako sa aplikasyon ko; makahihiling ba ako ng muling pag-evaluate?
Oo. Ang mga aplikante na humihiling ng muling pag-evaluate sa tinanggihang aplikasyon para sa isang
Targeted EIDL Advance o isang Supplemental Targeted Advance ay dapat na magpadala ng email sa
TargetedAdvanceReevaluation@sba.gov. Inirerekomenda ng SBA na repasuhin nang husto ng mga
aplikante ang impormasyon para sa katumpakan bago isumite ang isang aplikasyon.
13. Makatatangap ba ako ng kumpirmasyon sa email pagkatapos kong isumite ang aplikasyon ko?
Hindi. Inirerekomenda ng SBA na itabi mo ang submission number na lilitaw sa confirmation page mo.
Dagdag pa, dapat na salaminin ng application portal mo ang status ng pagsumite mo.
14. Nag-apply ako para sa Targeted EIDL Advance pero hindi pa ako nakatanggap ng update sa status [o]
hindi ko nakikita ang status ng application sa portal.
Pinoproseso pa ang aplikasyon mo sa Targeted EIDL Advance. Makatatanggap ka ng notification sa
email ng status ng aplikasyon sa mga susunod na linggo. Humihingi kami ng paumanhin para sa mga
pagkakaantala, pero pinoproseso namin ang mga hiling para sa Targeted EIDL Advance nang
pinakamabilis na maaari.
15. Na-lock out ako mula sa account ko. Paano ako magpapatuloy?
Una, tangkain na i-reset ang password mo, dahil ito ang pinaka-karaniwang dahilang ng pagkaka-lock
ng account.
Kung hindi iyon umubra, makipag-ugnayan sa Customer Service Center ng SBA sa numerong
3|Pahina
Targeted at Supplemental Advance
Mga Madalas Itanong
NA-UPDATE NOONG ABRIL 27, 2021
1-800-659-2955 o sa pamamagitan ng email sa TargetedAdvance@sba.gov
16. Hindi ko mahanap ang imbitasyon sa portal/na-delete ko ang imbitasyon ko. Maaari ba akong
padalhan ng SBA ng bagong imbitasyon?
Oo. Maaaring makipag-ugnayan ang mga may-ari ng negosyo sa Customer Service Center ng SBA sa
numerong 1-800-659-2955 o sa pamamagitan ng email sa TargetedAdvance@sba.gov para humiling ng
bagong imbitasyon. Pakitandaan na maaaring abutin ng ilang araw ang prosesong ito.
Low-Income na Mapping Tool (Nalalapat sa Targeted EIDL Advance and Supplemental
Targeted Advance)
17. Paano ko malalaman kung nasa komunidad ako na maliit ang kinikita?
Mayroong madaling gamitin na web-based na mapping tool ang SBA para matukoy kung ang negosyo
ay nasa komunidad na maliit ang kinikita. Magagamit ang mapping tool sa sbaeidl.policymap.com/app.
Hinihimok namin ang lahat ng aplikante na gamitin ng lahat na aplikante na gamitin ang tool na ito bago
isumite ang aplikasyon mo.
18. Kung kailangan ko ng tulong sa paggamit ng web-based na low-income mapping tool ng SBA, may
makatutulong ba sa akin?
Oo. Maaaring makipag-ugnayan ang mga may-ari ng negosyo sa Customer Service Center ng SBA sa
1-800-659-2955 para sa tulong sa pag-navigate sa tool na ito.
19. Paano ko babasahin ang low-income mapping tool na application?
Madaling gamitin ang low-income mapping tool. Pumunta sa sbaeidl.policymap.com/app at ipasok
ang address mo sa search bar sa ibabaw ng mapa. Para sa pinakamahusay na resulta, magpasok ng
kumpletong address (address sa kalye, lungsod, estado at ZIP code). Kapag nahanap ang isang address,
isang pin ang ilalagay, na magpapakita sa posisyon sa mapa.
Kung hindi mo matunton ang isang pisikal na address (hal., mga rutang rural o mga P.O. box sa halip na
buong address sa kalye), maaari kang magpasok ng ZIP code sa search bar at pagkatapos ay mag-zoom
sa isang area.
Ang mga census tract na natukoy bilag mga "low-income communities" ay naka-shade na dark purple
sa mapa.
Kapag nag-hover sa ibaba ng isang lokasyon sa mapa, isang info bubble ang magpapakita ng "Yes" o
"No" batay sa kung ang nakapailalim na census tract ay natukoy na "low-income community" o hindi.
Para makita ang marami pang impormasyon para sa isang partikular na census tract, mag-click sa
mapa. Isang detalyadong info bubble ang magpapakita sa mga nakapailalim na indicator na ginagamit
para matukoy ang pagkakarapat-dapat (hal., antas ng karukhaan, median family income (MFI) ng
census tract bilang porsiyento ng metro area o statewide MFI, atbp.).
20. Ayon sa low-income mapping tool, matatagpuan sa lugar na mababa ang kinikita ang negosyo ko.
Kailang ko makukuha ang mga pondo ko?
Ang mga negosyong maaaring magkwalipika ay nahahati sa dalawang priyoridad na grupo. Dapat
hintayin ng mga aplikante na matanggap nila ang imbitasyon sa email mula sa SBA na mag-apply para
sa Targeted EIDL Advance. Ang mga negosyo na nakatanggap ng naunang Advance sa halagang mas
mababa sa $10,000 ay magkakaroon ng unang priyoridad na mag-apply para sa Targeted EIDL Advance
at magiging unang grupo na makatatanggap ng mga imbitasyon sa email papunta sa application portal.
Ang ikalawang priyoridad na grupo ay mga negosyong nag-apply para sa ayudang EIDL noong Dis. 27,
2020 pero hindi nakatanggap ng EIDL Advance. Ang mga indibidwal na nag-apply para sa for sa
4|Pahina
Targeted at Supplemental Advance
Mga Madalas Itanong
NA-UPDATE NOONG ABRIL 27, 2021
ayudang EIDL pagkalipas ng Dis. 27, 2020 ay dapat na regular na sumilip sa sba.gov/relief para sa
anumang pagbabago ng patakaran kaugnay ng Targeted EIDL Advance.
Sa parehong mga kaso, dapat na nasasapatan ng mga negosyo ang ilang panukatan bukod sa pagiging
nasa komunidad na maliit ang kinikita at, importante na, dapat na mag-apply para sa Targeted EIDL at
Supplemental Targeted Advance kung nasasapatan nila ang lahat na panukatan (Basahin ang Q.2
para sa karagdagang impormasyon sa panukatan). Hindi ilalabas ang mga pondo ng Advance nang
walang aplikasyon.
21. Ayon sa low-income mapping tool, hindi matatagpuan sa lugar na mababa ang kinikita ang negosyo
ko. Bakit hindi ako kwalipikado /saan nagmumula ang data na ito?
Ang mga panukatan sa kwalipikasyon bilang komunidad na maliit ang kinikta ay itinakda ng batas sa
Title 26 ng United States Code, Seksiyon 45D, subparagraph (e). Kung ang isang negosyo ay
natatagpuang saklaw ng isang Census tract na nakasasapat sa isa sa mga panukatan na nakabalangkas
sa seksiyon na iyon, ipinapalagay na ito ay nasasaklaw sa isang “low-income community.”
Para sa lahat na 50 estado sa U.S., Puerto Rico, at District of Columbia, nagmula ang data sa 2015-
2019 na American Community Survey (ACS) ng U.S. American Community Survey (ACS) ng Census
Bureau, na nagbibigay ng pinaka up-to-date na data ng Census tract sa labas ng mga nagaganap na
census bawat 10 taon.
22. May nahanap akong tool/website/resource na nagsasabing natatagpuan ang negosyo ko sa isang
komunidad na maliit ang kinikita, pero ayon sa inyong tool hindi naman. Bakit magkaiba ang mga ito?
Ginagamit ng SBA ang depinisyon ng mga komunidad na maliit ang kinikita na nakabalangkas sa United
States Code na binanggit sa itaas (sa Q.20) Tinutukoy ng SBA kung matatagpuan ang negosyo mo sa
komunidad na maliit ang kinikita gamit ang aming low-income mapping tool, na binuo gamit ang data
na nakuha mula sa U.S. Census Bureau at mga survey nito.
23. Anong data ang ginagamit para sa low-income community tool?
Para sa lahat na 50 estado sa U.S., Puerto Rico, at District of Columbia, nagmula ang data sa 2015-
2019 na American Community Survey (ACS) ng U.S. Census Bureau para magawa ang mga pagtukoy sa
itaas, maliban kung iba ang ipinabatid. Nagbibigay ang Census ACS ng pinaka-up-to-date na data ng
Census tract sa labas ng census bawat sampung taon. Inilabas ang 2015-2019 na data ng Census ACS
ng U.S. Census Bureau noong Disyembre 2020. Para sa mga Census tract na matatagpuan sa loob ng
American Samoa, Guam, sa Commonwealth of the Northern Mariana Islands, at sa U.S. Virgin Islands,
hindi makukuha ang ACS data sa level na tract. Kaya, ang 2010 na data ng census kada sampung taon
ang ginagamit para sa mga lokasyon na ito.
24. Marami akong negosyo; makatatanggap ba ako ng mga kaloob na pondo para sa bawat isa sa mga
negosyo ko?
Bilang karagdagan sa iba pang panukatan sa pagkakarapat-dapat, nakadepende ito sa kung ang mga
negosyo mo ay mga hiwalay na entidad na may bukod-tanging mga Federal Tax ID Numbers / mga EIN.
Partikular na, nirerepaso ng SBA ang mga aplikasyon na batay sa mismong entidad na negosyo. Ang
bawat entidad ng negosyo ay karapat-dapat na mag-apply para sa ayuda sa sakuna. Kung ang isang
indibidwal ay nagmamaneho para sa dalawang magkaibang ride sharing na kompanya, magkakwalipika
lang ang taong iyon para sa isang Advance dahil ang taong nag-a-apply bilang sole proprietor (isang
entidad ng negosyo), iyon ay kung masasapatan niya ang panukatan sa pagkakarapat-dapat.
5|Pahina
Targeted at Supplemental Advance
Mga Madalas Itanong
NA-UPDATE NOONG ABRIL 27, 2021
25. Wala ang negosyo ko sa lugar na maliit ang kinikita. Dapat pa rin ba akong mag-apply?
Hindi makaka-apply nang direkta ang mga negosyo para sa Targeted EIDL Advance; ang mga aplikasyon
ay magagamit lang ng mga negosyong nakasasapat sa partikular na panukatan (Basahin ang Tanong 1
“Maaari ba akong mag-apply ngayon?” para sa mas maraming detalye).
Gayunpaman, maaari pa rin mag-apply ang mga negosyo na may mga kawalan na kaugnay ng COVID-19
para sa isang Economic Injury Disaster Loan (EIDL), kung hindi pa nila ito nagagawa. Mahahanap ang
mas maraming impormasyon tungkol sa programa ng pautang sa www.sba.gov/relief.
Pagiging karapat-dapat
26. Lumipat ang negosyo ko mula nang una akong nag-apply para sa ayudang EIDL. Karapat-dapat pa rin
ba ako para sa Targeted EIDL Advance o Supplemental Targeted Advance?
Direktang makikipag-ugnayan sa iyo ang SBA para kumpirmahin ang address mo. Kung nagbago ang
address mo, hihiling ang SBA ng karagdagang dokumento para kumpirmahin ang lokasyon. Sa
sandaling makumpirma ang lokasyon, tutukuyin ng SBA kung nakapaloob ang lokasyon sa isang
komunidad na maliit ang kinikita.
27. Sinu-sino ang kwalipikado para sa bagong Targeted EIDL Advance?
Para maging karapat-dapat, dapat na masapatan ng mga negosyo at nonprofit ang mga sumusunod na
rekisito:
a. matatagpuan sa komunidad na maliit ang kinikita ayon sa pagtatakda ng Title 26 U.S. Code,
Seksyon 45D(e);
b. dumanas ng higit sa 30 porsiyento na kawalan sa loob ng 8-linggong haba ng panahon mula
Marso 2, 2020, kung ihahambing sa nakalipas na taon;
c. mayroong 300 o mas kaunting empleyado; at
d. nakasasapat sa iba pang rekisito sa pagiging karapat-dapat na nalalapat sa mga EIDL.
28. Sinu-sino ang karapat-dapat para sa Supplemental Targeted Advance?
Para maging karapat-dapat, dapat na masapatan ng mga negosyo at nonprofit ang mga sumusunod na
rekisito:
a. matatagpuan sa komunidad na maliit ang kinikita ayon sa pagtatakda ng Title 26 U.S. Code,
Seksyon 45D(e);
b. dumanas ng higit sa 50 porsiyento na kawalan sa loob ng 8-linggong haba ng panahon mula
Marso 2, 2020, kung ihahambing sa nakalipas na taon;
c. mayroong 10 o mas kaunting empleyado; at
d. nakasasapat sa iba pang rekisito sa pagiging karapat-dapat na nalalapat sa mga EIDL.
29. Nag-apply ako para sa sang EIDL noong nakalipas na taon pero hindi ko kinudlitan ang kahon para sa
Advance, at sa huli ay nagpasya na hindi kunin ang EIDL. Maisasaalang-alang pa rin ba ako para sa
Targeted EIDL Advance?
Oo. Ipinag-uutos ng batas sa SBA na bigyan ng unang priyoridad ang mga negosyo na nakatanggap ng
naunang EIDL Advance na mas maliit sa $10,000 na maximum. Ang ikalawang priyoridad ay mga
negosyong nag-apply para sa ayudang EIDL noong Disyembre 27, 2020 pero hindi nakatanggap ng
orihinal na EIDL Advance. Kabilang din sa ikalawang priyoridad na grupo ang mga hindi nagkudlit sa
kahon na para sa Advance.
6|Pahina
Targeted at Supplemental Advance
Mga Madalas Itanong
NA-UPDATE NOONG ABRIL 27, 2021
30. Hindi pa kami nakapag-file ng 2019 Federal Tax return. Kwalipikado pa rin ba kami?
Hindi, ang pagkakarapt-dapat sa Targeted EIDL at Supplemental Targeted Advance ay nangangailangan
ng 2019 na Federal Tax Return na nai-file sa IRS para kumpirmahin na nasasapatan ng negosyo mo ang
rekisitong pagbaba ng kinita. Dapat tandaan ng mga aplikante na ang 2019 Federal Tax returns ay hindi
kinakailangan na naproseso ng IRS para maisaalang-alang ng SBA; gayunpaman, kailangan ng mga
aplikante na mag-file ng 2019 Federal Tax returns para maisaalang-alang para sa kapwa Targeted EIDL
at Supplemental Advance.
31. Karapat-dapat ba ang mga agrikultural na kalakal (mga negosyong agrikultura) para sa bagong
programang Targeted EIDL Advance at Supplemental Targeted Advance?
Hindi. Sa ilalim ng Targeted EIDL Advance, karamihan ng mga kalakal sa agrikultura ay hindi karapat-
dapat. Kabilang sa mga negosyong agricultural enterprise ang mga negosyong may kinalaman sa legal
na paggawa ng pagkain at fiber, ranching, at pagpapalaki ng livestock, at lahat ng iba pang industriyang
may kinalaman sa farming at agrikultura (gaya ng inilarawan ng seksiyon 18(b) ng Small Business Act
(15 U.S.C. 647(b)). Ang mga agricultural enterprise nakarapat-dapat para sa mga non-COVID EIDL ay
karapat-dapat din para sa Targeted EIDL Advance at Supplemental Targeted Advance. Kabilang sa mga
ito ang mga negosyong aquaculture, mga agricultural cooperative, at mga retail nursery.
32. Anu-ano pang ibang uri ng negosyo ang HINDI karapat-dapat?
Kabilang sa ilang halimbawa ng mga di-kwalipikadong negosyo ay ang mga sangkot sa mga ilegal na
aktibidad, loan packaging, pagtataya (speculation), maramihang distribusyon, pagsusugal,
pamumuhunan o pagpapahiram ng pera.
Panukatan ng Programa
33. Kailangan ko bang bayaran ang anumang pondo ng Targeted EIDL Advance o Supplemental Targeted
Advance na matatanggap ko?
Hindi. Gaya ng mga pondo ng Advance sa ilalim ng CARES Act, hindi kailangang bayaran ang mga
Advance na ito.
34. Magkano ang maaaring matanggap ng negosyo ko mula sa mga programang Targeted EIDL Advance
at Supplemental Targeted Advance?
Makatatanggap ang mga negosyo ng maximum na $10,000 na pondo ng Advance at Targeted EIDL
Advance. Kabilang doon ang anumang pondo ng Advance na natanggap na, dagdag ang Targeted EIDL
Advance. Maaaring makatanggap ang ilang kwalipikadong negosyo ng karagdagang $5,000 mula sa
Supplemental Targeted Advance program.
35. Para saan ko magagamit ang mga pondo?
Magagamit ang mga pondo ng Targeted EIDL Advance at Supplemental Targeted Advance para sa
kapital at normal na gastos sa pag-operate na nasasapatan sana kung hindi nangyari ang sakuna.
Kabilang sa mga iyon ang (ngunit hindi limitado sa) pagpapatuloy ng mga benepisyo sa pangangalaga
ng kalusugan, renta, mga pagbabayad sa utility at nakatakdang utang.
7|Pahina
Targeted at Supplemental Advance
Mga Madalas Itanong
NA-UPDATE NOONG ABRIL 27, 2021
36. Gaano katagal aabutin para matanggap ang mga pondo ko sa sandaling maisumite ang impormasyon
sa SBA?
Sa sandaling matanggap ng SBA ang lahat na hininging dokumento, ipoproseso namin ang
impormasyon at maglalabas ng anumang karagdagang pondo sa lalong madaling panahon. Mithiin ng
SBA na maproseso ang lahat na kahilingan sa loob ng 21-araw ng pagtanggap sa napunang aplikasyon.
Lahat ng desisyon sa aplikasyon ay ipaparating sa pamamagitan ng email.
37. Paano ko malalaman kung naapruba ako o hindi?
Kung naaprubahan ang hiling mo, makatatanggap ka ng notification sa email at awtomatikong
pagdeposito sa binigay mong bank account sa aplikasyon mo. Kung tinanggihan ang hiling mo,
makatatanggap ka ng notification sa email na may dahilan ng pagtanggi. Pakitandaan na kung nag-
apply ka para sa kapwa Targeted EIDL at Supplemental Advance, makatatanggap ka ng hiwalay na mga
notification sa email kung tinanggihan ang aplikasyon mo.
38. Ibabawas ba ang mga pondo ng Targeted EIDL Advance o Supplemental Targeted Advance na
matatanggap ko mula sa halaga ng pagpapatawad ng Paycheck Protection Program (PPP) loan ko?
Hindi. Inalis ng mga sumunod na batas ang rekisitong iyon.
39. Paano inilalarawan ng SBA ang “gross receipts”?
Kasama sa gross receipt ang lahat ng kinita sa anumang anyo ng pagtanggap o pagkuha (alinsunod sa
pamamaraan ng accounting ng entidad) mula sa anumang mapagkukunan, kasama ang mula sa mga
benta ng mga produkto o serbisyo, interes, dibidendo, renta, royalty, bayarin o komisyon, na
binawasan ng mga pagbalik at mga allowance para sa negosyo ng aplikante.
40. Sino ang dapat tawagan ng mga may-ari ng negosyo para sa mga karagdagang tanong tungkol sa mga
programang ito?
Maaaring makipag-ugnayan ang mga may-ari ng negosyo sa Customer Service Center ng SBA sa
numerong 1-800-659-2955 o sa pamamagitan ng email sa TargetedAdvance@sba.gov kung mayroon
silang mga tanong tungkol sa mga programang Targeted EIDL Advance o Supplemental Targeted Advance.
Makukuha Ang Mga Karagdagang Update sa:
sba.gov/relief
8|Pahina
File and source
- File
- SBA-Targeted-and-Supplemental-Advance-FAQ_FINAL-508_Tagalog.pdf
- Size
- 858,150 bytes
- SHA-256
- c30409804cef22119f5cabc5ca7e0874b1a7e0e3c897ebd1bada36bdeb741177
- Original
- legacy.sba.gov