SBA, FAQ about PPP Loan Forgiveness (tagalog translation)
Summary
A Tagalog translation of the SBA's frequently asked questions on PPP loan forgiveness, dated "Oktubre 13, 2020". It renders the program name as "PROGRAMA PARA SA PROTEKSYON NG SUWELDO". Sole proprietors, independent contractors and self-employed people with no employees may use form 3508EZ, and lenders may accept scanned copies and electronic signatures that meet P.L. 106-229. A borrower that applies for forgiveness within ten months after its covered period makes no payments until the SBA remits the forgiven amount, though interest accrues; any balance is due by the loan's maturity of two or five years. The FAQ says that a borrower whose EIDL advance exceeds its PPP loan gets no forgiveness, because the advance is deducted from the forgiveness amount. A footnote dates the answers to "Agosto 4, 2020" and the EIDL questions to "Agosto 11, 2020".
Summary drafted by a model from the document's text below and checked by script against that text before publication. It is a navigation aid, not a reading of what the document proves. Where AI is used
Cite this document
“SBA, FAQ about PPP Loan Forgiveness (tagalog translation).”
Original at legacy.sba.gov. Archived at Pandemic Darlings, https://pandemicdarlings.com/source-documents/sba-faq-about-ppp-loan-forgiveness-tagalog-translation-884de28995/
, SHA-256 16900a70c3ec4b4f9625a5c3aec228c7bb736ba7b12797d6c58274fbea76c9f7.Full text
Noong Oktubre 13, 2020 036 - Tagalog - Tagalog
PROGRAMA PARA SA PROTEKSYON NG SUWELDO
Mga Madalas Itanong (FAQ) Tungkol sa Napapatawad na PPP na Pautang
Ibinibigay ng Small Business Administration (SBA), sa pagkonsulta nito sa Kagawaran ng
Pananalapi, ang patnubay na ito upang matugunan ang mga tanong ng nangungutang at
nagpapautang tungkol sa pagpapatawad ng Programa sa Proteksyon ng Suweldo (PPP) na
pautang, gaya ng nakasaad sa seksyon 1106 ng Coronavirus Aid, Relief, at Economic Security
Act (CARES Act), na binago ng Paycheck Protection Program Flexibility Act (Flexibility Act).
Ang mga nangungutang at nagpapautang ay maaaring umasa sa patnubay na nakasaad sa
dokumentong ito alinsunod sa interpretasyon ng SBA, sa pagkonsulta nito sa Kagawaran ng
Pananalapi, ng CARES Act, ng Flexibility Act, at ng Mga Pansamantalang Panghuling Alituntunin
ng Programa sa Proteksyon (“Mga Pansamantalang Panghuling Alituntunin ng PPP”) (link).
Mga Pangkalahatang FAQ ng Pagpapatawad ng Pautang
1. Tanong: Aling aplikasyon sa pagpapatawad ng pautang ang dapat sagutan ng mga
tanging may-ari, independiyenteng kontratista, o mga indibidwal na self-employed na
walang mga empleyado?
Sagot: Ang mga tanging may-ari, independiyenteng kontratista, at mga indibidwal na
self-employed na hindi nagkaroon ng mga empleyado sa panahon ng aplikasyon para sa
PPP at hindi nagsama ng anumang suweldo ng empleyado sa pagkakalkula ng
karaniwang halaga ng buwanang payroll sa Application Form ng Nangungutang ay
awtomatikong kwalipikado na gamitin ang Application Form 3508EZ sa Pagpapatawad
ng Pautang o katumbas ng nagpapautang at dapat sagutan ang aplikasyong iyon.
2. Tanong: Pwede bang gumamit ang mga nagpapautang para sa PPP ng mga na-scan na
kopya ng mga dokumento, elektronikong pahintulot (E-consent) o elektronikong lagda (E-
signature) sa mga aplikasyon para sa pagpapatawad ng pautang at sa dokumentasyon ng
pagpapatawad ng pautang?
Sagot: Oo. Ang lahat ng nagpapautang para sa PPP ay maaaring tumanggap ng mga na-
scan na kopya ng nalagdaang mga aplikasyon para sa pagpapatawad ng pautang, at mga
dokumentong naglalaman ng impormasyon at pagpapatunay na hinihiling ng SBA Form
3508, 3508EZ, o katumbas ng nagpapautang. Maaaring tumanggap ang mga
nagpapautang ng anumang uri ng elektronikong pahintulot (E-consent) o elektronikong
lagda (E-signature) na nakakatugon sa mga kahingian ng Electronic Signatures in Global
and National Commerce Act (P.L. 106-229).
Kung ang mga elektronikong lagda ay hindi magagawa, kapag aktwal na nagpapalagda nang
walang personal na pagkikita, dapat isagawa ng mga nagpapautang ang mga naaangkop na
hakbang upang matiyak na naisakatuparan ng wastong partido ang dokumento.
Hindi nakakalamang ang patnubay na ito sa mga kahingian para sa lagda na iniaatas
ng ibang naaangkop na batas, kabilang ang pangunahing pederal na tagapagpatupad
ng nagpapautang.
1
Noong Oktubre 13, 2020
3. Tanong: Kung napapanahon ang pagsusumite ng nangungutang ng aplikasyon para sa
pagpapatawad ng utang, kailangan bang magbayad ang nagpapautang ng anumang
kabayaran sa utang nito bago ibawas ng SBA ang halagang ipapatawad, kung mayroon?
Sagot: Hangga’t maisusumite ng nangungutang ang aplikasyon nito sa pagpapatawad
ng pautang sa loob ng sampung buwan matapos ang pagwawakas ng Nasasaklaw na
Panahon (Covered Period gaya ng inilalarawan sa ibaba), hindi kailangang magbayad
ang nangungutang ng anumang mga kabayaran hanggang sa maibawas ng SBA ang
halagang ipapatawad sa nagpapautang. Kapag pinatawad nang buo ang pautang,
walang kailangang bayaran ang nangungutang. Kung bahagi lang ng pautang ang
napatawad, o kung tinanggihan ang aplikasyon sa pagpapatawad, ang anumang
natitirang balanse sa pautang ay dapat bayaran ng nangungutang sa petsa o bago ang
takdang panahon ng pagbabayad ng pautang. Nadadagdagan ang interes sa kalagitnaan
ng panahon ng pagbabayad ng pautang at pagbabawas ng SBA ng halagang
ipapatawad. Ang nangungutang ang mananagot sa naipong interes sa anumang halaga
ng pautang na hindi napatawad. Ang nagpapautang ang may-pananagutang magpaalam
sa nangungutang ng pagbabawas ng SBA ng napatawad na halaga ng pautang (o kung
natukoy ng SBA na walang bahagi ng pautang ang maaaring patawarin) at ang takdang
panahon ng unang pagbabayad ng nangungutang, kung naaangkop.
4. Tanong: Ang mga form ng aplikasyon para sa pagpapatawad ng PPP na pautang (3508,
3508EZ, at 3508S) ay nagpapakita ng petsa ng pagkawalang-bisa na 10/31/2020 sa
kanang-itaas na sulok. Oktubre 31, 2020 ba ang deadline para sa mga nangungutang na
mag-apply para sa kapatawaran?
Sagot: Hindi. Ang mga nangungutang ay maaaring magsumite ng aplikasyon sa
pagpapatawad ng utang anumang oras bago ang takdang panahon ng pagbabayad ng
pautang, na alinman sa dalawa o limang taon mula sa umpisa ng pautang.
Gayunpaman, kung ang isang nangungutang ay hindi mag-apply para sa kapatawaran
ng utang sa loob ng 10 buwan pagkatapos ng huling araw ng saklaw na panahon ng
pagpapatawad ng utang, ang kabayaran sa utang ay hindi na ipagpapaliban at ang
nangungutang ay dapat magsimulang gumawa ng mga pagbabayad sa utang.
Halimbawa, ang isang nangungutang matatapos na ang saklaw na panahon sa Oktubre
30, 2020 ay may hanggang Agosto 30, 2021 upang mag-apply para sa kapatawaran
bago magsimula ang pagbabayad ng utang.
Ang petsa ng pagkawalang-bisa na nasa kanang-itaas na sulok ng mga naka-post na form
ng aplikasyon para sa pagpapatawad ng PPP na utang ay inilagay para sa mga layunin ng
pagtalima ng Paper Reduction Acts ng SBA , at ipinapakita ang pansamantalang petsa ng
pagkawalang-bisa para sa naaprubahang paggamit ng mga form. Ang petsang ito ay
palalawigin, at kapag naaprubahan, ipapaskil ang parehong mga form na may bagong
petsa ng pagkawalang-bisa.1
1
Ang lahat ng tanong at sagot ay nailathala noong Agosto 4, 2020 maliban kung iba ang pagkakatukoy. Ang FAQ 4
para sa Pangkalahatang Pagpapatawad sa Pautang inilathala noong Oktubre 13, 2020.
2
Noong Oktubre 13, 2020
Mga FAQ sa mga Gastusin sa Payroll sa Pagpapatawad ng Pautang
1. Tanong: Ang mga gastusin ba sa payroll na naipon noong Nasasaklaw na Panahon2 o ang
Nasasaklaw na Panahon ng Alternatibong Payroll ngunit nabayaran pagkatapos ng
Nasasaklaw na Panahon3 o ng Nasasaklaw na Panahon ng Alternatibong Payroll ay
karapat-dapat para sa pagpapatawad ng pautang?
Sagot: Oo, kung mababayaran ang lahat ng gastusin sa payroll sa petsa o bago ang
susunod na petsa ng payroll matapos ang Nasasaklaw na Panahon o Alternatibong
Nasasaklaw ng Panahon para sa Payroll.
Halimbawa: Natanggap ng isang nangungutang ang pautang sa kaniya bago ang Hunyo
5, 2020 at nagpasya siyang gumamit ng 24 na linggong Nasasaklaw na Panahon.
Tatakbo ang Nasasaklaw na Panahon ng nangungutang mula Lunes, Abril 20 hanggang
Linggo, Oktubre 4. Ang nangungutang ay nagpapasuweldo kada dalawang linggo, na
may panahon ng pagbabayad na magtatapos ng Linggo, Oktubre 4. Ngunit, hindi
ibabayad ng nangungutang ang katumbas na kabayaran sa payroll hanggang sa susunod
na regular na petsa ng payroll na sa Biyernes, Oktubre 9. Sa ganitong mga sitwasyon,
ang nangungutang ay nagkaroon ng mga gastusin sa payroll noong Nasasaklaw na
Panahon at maaaring humiling ng pagpapatawad sa pautang para sa mga gastusin sa
payroll na naibayad noong Oktubre 9, dahil nagkaroon ng gastusin noong Nasasaklaw
na Panahon at naisagawa ang pagbabayad sa unang regular na petsa ng payroll matapos
ang Nasasaklaw na Panahon.
2. Tanong: Magiging kwalipikado ba para sa pagpapatawad ng pautang ang mga gastusin sa
payroll na naipon bago ang Nasasaklaw na Panahon ngunit nabayaran sa panahon ng
Nasasaklaw na Panahon?
Sagot: Oo.
2
Ang Nasasaklaw na Panahon ay alinman sa (1) 24 na linggo (168 araw) na panahon na nagsisimula sa petsa ng
pagbabayad ng PPP na pautang, (2) o kung natanggap ng nangungutang ang PPP na pautang nito bago ang Hunyo 5,
2020, maaaring piliin ng nangungutang ang walong linggong (56 na araw) Nasasaklaw na Panahon. Halimbawa, kung
ang nangungutang ay gumagamit ng 24 na linggong Nasasaklaw na Panahon at natanggap nito ang mga pondo para sa
PPP na pautang nang Lunes, Abril 20, ang unang araw ng Nasasaklaw na Panahon ay Abril 20 at ang huling araw ng
Nasasaklaw na Panahon ay Linggo, Oktubre 4. Hindi kailanman maaaring lumampas ng Disyembre 31, 2020 ang
Nasasaklaw na Panahon.
3
Maaaring piliin ng mga nangungutang na may iskedyul sa payroll kada 2-linggo (o mas madalas) na kalkulahin ang
mga kabilang na gastusin sa payroll gamit ang 24 na linggong (168 araw) palugit (o para sa mga pautang na natanggap
bago ang Hunyo 5, 2020 sa pasya ng nangungutang, ang walong linggong (56 na araw) palugit) na magsisimula sa
unang araw ng kanilang unang pagbabayad matapos ang kanilang pagbabayad sa PPP na pautang (hal., ang
“Alternatibong Nasasaklaw na Panahon”). Halimbawa, kung ang nangungutang ay gumagamit ng 24 linggong
Alternatibong Nasasaklaw ng Panahon para sa Payroll at natanggap nito ang mga pondo para sa PPP na pautang nang
Lunes, Abril 20, at ang unang araw ng unang panahon ng pagbabayad matapos ang pagbabayad nito ng PPP na pautang
ay Linggo, Abril 26, ang unang araw ng Alternatibong Nasasaklaw ng Panahon para sa Payroll ay Abril 26 at ang
huling araw ng Alternatibong Nasasaklaw ng Panahon para sa Payroll ay Sabado, Oktubre 10. Hindi kailanman
maaaring lumampas ng Disyembre 31, 2020 ang Alternatibong Nasasaklaw ng Panahon para sa Payroll.
3
Noong Oktubre 13, 2020
Halimbawa: Natanggap ng isang nangungutang ang pautang sa kaniya bago ang Hunyo
5, 2020 at nagpasya siyang gumamit ng 24 na linggong Nasasaklaw na Panahon.
Tatakbo ang Nasasaklaw na Panahon ng nangungutang mula Lunes, Abril 20 hanggang
Linggo, Oktubre 4. Ang nangungutang ay nagpapasuweldo kada dalawang linggo, na
may panahon ng pagbabayad na magtatapos sa Sabado, Abril 18. Hindi ibabayad ng
nangungutang ang katumbas na kabayaran sa payroll hanggang sa Biyernes, Abril 24.
Bagama’t hindi naipon ang mga gastusing ito sa payroll noong Nasasaklaw na
Panahon, nabayaran ang mga ito noong Nasasaklaw na Panahon at samakatuwid ay
kwalipikado para sa pagpapatawad ng pautang.
3. Tanong: Kinakailangan bang kalkulahin ng mga nangungutang ang mga gastusin sa
payroll para sa panahon ng baha-bahaging pagbabayad?
Sagot: Kung ang isang nangungutang ay gumagamit ng kada dalawang linggo o mas
madalas (hal., lingguhan) na iskedyul ng payroll, maaaring piliin ng nangungutang na
kalkulahin ang mga kwalipikadong gastusin sa payroll gamit ang walong linggo (para sa
mga nangungutang na nakatanggap ng pautang sa kanila bago ang Hunyo 5, 2020 at
pinili ang ganitong haba ng Nasasaklaw na Panahon) o 24 na linggong palugit na
magsisimula sa unang araw ng unang iskedyul ng payroll matapos ang Petsa ng
Pagbabayad ng PPP na Pautang (na tinatawag na Alternatibong Nasasaklaw na Panahon
para sa Payroll). Ngunit, kapag nagbayad ang isang nangungutang ng dalawang beses sa
isang buwan o mas madalang, kailangang makalkula ang mga gastusin sa payroll para sa
panahon ng baha-bahaging pagbabayad. Ang Nasasaklaw na Panahon o Alternatibong
Nasasaklaw ng Panahon para sa sinumang nangungutang ay magtatapos nang hindi
lalampas ng Disyembre 31, 2020.
Halimbawa: Isang nangungutang ang gumagamit ng kada dalawang linggong iskedyul
ng payroll. Ang 24 na linggong Nasasaklaw na Panahon ng nangungutang ay
magsisimula sa Lunes, Hunyo 1 at magtatapos ng Linggo, Nobyembre 15. Ang unang
araw ng iskedyul ng unang payroll ng nangungutang na magsisimula sa Nasasaklaw na
Panahon ay sa Hunyo 7. Maaaring pumili ang nangungutang ng Alternatibong
Nasasaklaw ng Panahon para sa Payroll na magsisimula sa Hunyo 7 at magtatapos sa
Nobyembre 21 (167 araw pagkatapos). Ang mga naipong gastusin sa payroll (hal., kinita
ang kabayaran sa araw na iyon) sa panahon ng Alternatibong Nasasaklaw ng Panahon
para sa Payroll na ito ay kwalipikado para sa pagpapatawad ng pautang kung ang huling
pagbabayad ay isasagawa sa petsa o bago ang unang regular na petsa ng payroll matapos
ang Nobyembre 21.
4. Tanong: Para sa mga layunin ng pagkakalkula ng kabayarang cash, dapat bang gamitin ng
mga nangungutang ang kabuuang halaga bago ang mga kabawasan para sa tax, mga
kabayaran para sa benepisyo ng empleyado, at mga katulad na kabayaran, o ang netong
halaga na ibinabayad sa mga empleyado?
Sagot: Ang kabuuang halaga ang dapat gamitin kapag kinakalkula ang kabayarang cash.
4
Noong Oktubre 13, 2020
5. Tanong: Mga suweldo o sahod lang ba na saklaw ng pagpapatawad ng pautang, o pwede
rin bang bayaran ng isang nangungutang ang mga nawalang tip, nawalang komisyon,
bonus, o iba pang uri ng insentibong kabayaran at maituring ang ganitong mga gastusin
bilang pagpapatawad ng pautang?
Sagot: Kasama sa mga gastusin sa payroll ang lahat ng uri ng kabayarang cash na
ibinayad sa mga empleyado, kabilang ang mga tip, komisyon, bonus at bayad para sa
panganib. Tandaan na ang mapapatawad na kabayarang cash para sa bawat empleyado ay
limitado sa $100,000 bawat taon.
6. Tanong: Anu-anong mga gastusin para sa panggrupong benepisyo sa health care ang
ituturing na mga gastusin sa payroll na kwalipikado para sa pagpapatawad ng pautang?
Sagot: Ang mga gastusin ng nagpapatrabaho para sa panggrupong benepisyo sa health
care na ibinayad o naipon ng nangungutang sa panahon ng Nasasaklaw na Panahon o sa
Alternatibong Nasasaklaw ng Panahon para sa Payroll ay mga gastusin sa payroll na
kwalipikado para sa pagpapatawad ng pautang. Ngunit, hindi kasama sa mga gastusin sa
payroll ang mga gastusin para sa mga panggrupong benepisyo sa health care na ibinayad
ng mga empleyado (o ng mga benepisyaryo ng plan) bago o pagkatapos bawasan ng tax,
gaya ng bahagi ng empleyado sa premium ng kanilang health care. Hindi ibinibigay ang
pagpapatawad sa mga gastusin para sa panggrupong benepisyo sa health care sa mga
panahong hindi kasama sa Nasasaklaw na Panahon o ng Alternatibong Nasasaklaw ng
Panahon para sa Payroll.
Kung ang nangungutang ay may naka-insure na panggrupong health plan o plano sa
kalusugan, ang mga ibinayad o naipong insurance premium sa Nasasaklaw na Panahon o
sa Alternatibong Nasasaklaw ng Panahon para sa Payroll ay kwalipikado bilang “mga
gastusin sa payroll,” basta’t nabayaran ang mga premium sa naaangkop na panahon o
hanggang sa susunod na takdang panahon ng pagbabayad ng premium sa katapusan ng
naaangkop na panahon. Gaya ng itinala, bahagi lang ng mga premium na nabayaran ng
nangungutang para sa coverage, sa panahon ng naaangkop na Nasasaklaw na Panahon o
Alternatibong Nasasaklaw ng Panahon para sa Payroll ang isasama, hindi anumang
bahagi na ibinayad ng mga empleyado o benepisyaryo o anumang bahaging binayaran
para sa coverage para sa mga panahong labas sa naaangkop na panahon. Ibinabalangkas
ng FAQ 8 ng Mga Gastusin sa Payroll sa Pagpapatawad ng Pautang ang mga alituntunin
na nalalapat sa health insurance ng may-ari.
7. Tanong: Anu-anong mga kontribusyon para sa mga benepisyo sa pagreretiro ang ituturing
na mga gastusin sa payroll na kwalipikado para sa pagpapatawad ng pautang?
Sagot: Sa pangkalahatan, ang mga kontribusyon ng nagpapatrabaho para sa mga
benepisyo sa pagreretiro ng empleyado na ibinayad o naipon ng nangungutang sa
panahon ng Nasasaklaw na Panahon o sa Alternatibong Nasasaklaw ng Panahon para sa
Payroll ay “mga gastusin sa payroll” na kwalipikado para sa pagpapatawad ng pautang.
Ang mga kontribusyon ng nagpapatrabaho para sa mga benepisyo sa pagreretiro ay
kasama sa halaga ng pagpapatawad ng pautang dahil hindi maaaring isama sa mga
gastusin sa payroll ang anumang mga kontribusyon sa pagreretiro na ibinawas mula sa
5
Noong Oktubre 13, 2020
suweldo ng mga empleyado o mula doon sa ibinayad ng mga empleyado. Hindi
inilalagak ang pagpapatawad sa mga kontribusyon ng nagpapatrabaho para sa mga
benepisyo sa pagreretiro sa mga panahong hindi kasama sa Nasasaklaw na Panahon o ng
Alternatibong Nasasaklaw ng Panahon para sa Payroll. Ibinabalangkas ng FAQ 8 ng Mga
Gastusin sa Payroll sa Pagpapatawad ng Pautang ang pangangasiwa sa mga benepisyo sa
pagreretiro para sa mga may-ari, na iba sa pangkalahatang pamamaraan na ito.
8. Tanong: Paano natutukoy ang halagang ibabayad sa may-ari na kwalipikado para sa
pagpapatawad ng pautang?
Sagot: Ang halagang ibabayad sa mga may-ari na nagtatrabaho sa kanilang sariling
negosyo na kwalipikado para sa pagpapatawad ay depende sa uri ng negosyo at kung ang
nangungutang ay gumagamit ng walong linggo o 24 na linggong Nasasaklaw na Panahon.
Bilang karagdagan sa mga espesipikong limit na inilalarawan sa ibaba, ang halagang
ipapatawad sa kabayaran para sa payroll na hinihiling para sa mga may-ari na empleyado
din, gayundin sa mga indibdwal na self-employed ay hanggang $20,833 sa kabuuan para
sa bawat indibidwal sa lahat ng negosyo kung saan siya ay may pag-aari. Para sa mga
nangungutang na nakatanggap ng PPP na pautang bago ang Hunyo 5, 2020 at nagpasyang
gamitin ang walong linggong Nasasaklaw na Panahon, ang limit ay $15,385. Kung ang
kabuuang kabayaran sa kanila sa lahat ng negosyo na makakatanggap ng PPP na loan ay
lalampas sa limit, maaaring pagpasyahan ng mga may-ari kung paano ilalaan nang may
limit ang halaga para sa iba-ibang negosyo. Ang mga halimbawa sa ibaba ay para sa isang
nangungutang na gumagamit ng 24 na linggong Nasasaklaw na Panahon.
C Corporations: Ang kabayarang cash sa empleyado ng C-corporation para sa may-aring
empleyado, na inilalarawan bilang may-ari na empleyado din (kabilang kung ang may-ari
ang tanging empleyado), ay kwalipikado para sa pagpapatawad ng pautang hanggang sa
halagang 2.5/12 ng kaniyang 2019 kabayarang cash sa empleyado, kung saan pareho ang
pagpapakahulugan ng kabayarang cash para sa lahat ng ibang empleyado. Ang mga
nangungutang ay kwalipikado rin para sa pagpapatawad ng pautang para sa mga
kabayaran para sa mga pang-estado at lokal na tax ng nagpapatrabaho na ibinayad ng mga
nangungutang at ibinawas sa kanilang suweldo, para sa halagang ibinayad ng
nangungutang para sa mga kontribusyon ng nagtratrabaho para sa health insurance ng
kanilang empleyado, at para sa mga kontribusyon ng nagpapatrabaho sa pagreretiro para
sa mga plan sa pagreretiro ng kanilang empleyado na may limit na 2.5/12 ng
kontribusyon sa pagreretiro ng nagpapatrabaho para sa 2019. Ang mga kabayarang
maliban pa sa kabayarang cash ay dapat isama sa linya 6-8 ng PPP Schedule A ng
aplikasyon para sa pagpapatawad ng pautang (SBA Form 3508 o katumbas para sa
nagpapautang), para sa mga nangungutang na gumagamit ng form na iyon, at hindi
kasama sa limit na $20,833 na para sa bawat indibidwal.
S Corporations: Ang kabayarang cash sa empleyado ng isang may-aring empleyado ng
S-corporation, na inilalarawan bilang may-ari na empleyado din, ay kwalipikado para sa
pagpapatawad ng pautang hanggang sa halagang 2.5/12 ng kaniyang 2019 kabayarang
cash sa empleyado, kung saan pareho ang pagpapakahulugan ng kabayarang cash para sa
lahat ng ibang empleyado. Ang mga nangungutang ay kwalipikado rin para sa
pagpapatawad ng pautang para sa mga kabayaran para sa mga pang-estado at lokal na
6
Noong Oktubre 13, 2020
tax ng nagpapatrabaho na ibinayad ng mga nangungutang at ibinawas sa kanilang
suweldo, at para sa mga kontribusyon ng nagpapatrabaho sa pagreretiro para sa mga plan
sa pagreretiro ng kanilang empleyado na may limit na 2.5/12 ng kontribusyon sa
pagreretiro ng nagpapatrabaho para sa 2019. Ang mga kontribusyon ng nagpapatrabaho
para sa health insurance ay hindi kwalipikado para sa karagdagang pagpapatawad para sa
mga empleyado ng S-corporation na may kahit 2% pag-aari sa negosyo, kabilang ang
para sa mga empleyado na kamag-anak, at kahit 2% may-ari alinsundo sa mga
alintuntunin ng pagkilala sa pamilya ng 26 U.S.C. 318, dahil ang mga kontribusyong
iyon ay kasama sa kabayarang cash. Ang kwalipikadong kabayarang hindi cash ay dapat
isama sa linya 7at 8 ng PPP Schedule A ng Aplikasyon para sa Pagpapatawad ng
Pautang (SBA Form 3508), para sa mga nangungutang na gumagamit ng form na iyon,
at hindi kasama sa limit na $20,833 na para sa bawat indibidwal.
Schedule C para sa mga nagfa-file na Self-Employed (o Schedule F): Ang suweldo ng
self-employed Schedule c (o Schedule F) ng mga indibidwal, kabilang ang mga tanging
may-ari, mga indibidwal na self-employed, at mga independiyenteng kontratista, na
kwalipikado para sa pagpapatawad ng pautang ay limitado sa 2.5/12 ng netong kita sa
2019 gaya ng iniulat sa IRS Form 1040 Schedule C linya 31 (o 2.5/12 net farm profit
noong 2019, gaya ng iniulat sa IRS FORM 1040 Schedule F linya 34) (o para sa mga
bagong negosyo, ang tinatantiyang 2020 Schedule C (o Schedule F) na binanggit sa
tanong 10 ng “Programa sa Proteksyon ng Suweldo: Paano Magkalkula ng Mga
Maksimum na Halaga ng Pautang – Ayon sa Uri ng Negosyo”4). Ang magkakahiwalay
na bayad para sa health insurance, pagreretiro, o mga pang-estado o lokal na tax ay hindi
kwalipikado para sa karagdagang pagpapatawad ng pautang; ang mga gastusin sa health
insurance at pagreretiro ay ibinayad mula sa kanilang netong kita sa self-employment.
Kung hindi nagsumite ang nangungutang ng 2019 IRS Form 1040 Schedule C (o F) sa
Nagpapautang noong unang nag-apply ang nangungutang para sa pautang, dapat itong
isama sa aplikasyon sa pagpapatawad ng nangungutang.
Mga Pangkalahatang Katuwang (General Partners): Ang suweldo ng mga pangkalahatang
katuwang (general partners) na kwalipikado para sa pagpapatawad ng pautang ay limitado sa
2.5/12 ng kanilang netong kita para sa 2019 mula sa self-employment na kailangang bawasan
ng self-employment tax, na kinalkula mula sa 2019 FORM 1065 Schedule K-1 kahon 14a (na
binawasan ng kahon 12 seksyon 179 pagbawas sa gastusin, mga gastusin sa unreimbursed
partnership na ibinawas sa kanilang IRS Form 1040 Schedule SE, at pagkaubos na na-claim
para sa mga pag-aaring may langis at gas) at na-multiply sa 0.9235.5 Kwalipikado lang ang
suweldo para sa pagpapatawad ng pautang kung ang mga kabayaran sa partners ay isinagawa
noong Nasasaklaw na Panahon o Alternatibong Nasasaklaw ng Panahon para sa Payroll. Ang
magkakahiwalay na bayad para sa health insurance, pagreretiro, o mga pang-estado o lokal na
tax ay hindi kwalipikado para sa karagdagang pagpapatawad ng pautang. Kung ang
partnership ay hindi nagsumite ng 2019 IRS Form 1065 K-1s noong unang nag-apply para sa
pautang, ito ay dapat isama sa aplikasyon ng partner para sa pagpapatawad.
4
https://www.sba.gov/sites/default/files/2020-06/How-to-Calculate-Loan-Amounts-508_1.pdf.
5
Sinusunod ng ganitong pangangasiwa sa kalkulasyon ng self-employment tax mula sa IRS Form 1040 Schedule SE
Section A linya 4 at inaalis nito ang bahagi ng “employer” sa self-employment tax, na sang-ayon sa kung paanong
tinutukoy ang mga gastusin sa pasuweldo para sa mga empleyado ng partnership.
7
Noong Oktubre 13, 2020
Mga may-aring LLC: Dapat sundin ng mga may-aring LLC ang mga tagubilin na
naaangkop sa kung paano isinaayos ang kanilang negosyo para sa mga layunin ng pagfa-
file ng tax para sa tax year 2019, o kung bagong negosyo, ang inaasahang sitwasyon ng
pagfa-file ng tax para sa 2020.
Mga FAQ sa mga Gastusin sa Nonpayroll sa Pagpapatawad ng Pautang
1. Tanong: Magiging kwalipikado ba para sa pagpapatawad ng pautang ang mga nonpayroll
na gastusing naipon bago ang Nasasaklaw na Panahon ngunit nabayaran sa panahon ng
Nasasaklaw na Panahon?
Sagot: Oo, ang mga gastusin sa kwalipikadong gasutsin sa interest sa mortgage, mga
gastusin sa kwalipikadong sa pagrerenta o pag-upa ng negosyo, at mga kwalipikadong
gastusin sa utility (tubig at kuryente) na naipon bago ang Nasasaklaw na Panahon at
nabayaran sa panahon ng Nasasaklaw na Panahon ay kwalipikado para sa pagpapatawad
ng Pautang.
Halimbawa: Ang 24 na linggo na Nasasaklaw na Panahon ng isang nangungutang ay mula
Abril 20 hanggang Oktubre 4. Sa Mayo 4, matatanggap ng nangungutang ang bill nito sa
kuryente para sa Abril. Babayaran ng nangungutang ang bill nito sa kuryente ng Abril sa
Mayo 8. Bagama’t bahagi ng mga gastusin sa kuryente ay naipon bago ang Saklaw na
Panahon, ang mga gastusing ito sa kuryente ay kwalipikado para sa pagpapatawad ng
pautang dahil ang mga ito ay nabayaran noong Nasasaklaw na Panahon.
2. Tanong: Magiging kwalipikado ba para sa pagpapatawad ng pautang ang mga nonpayroll
na gastusing naipon noong Nasasaklaw na Panahon ngunit nabayaran pagkatapos ng
Nasasaklaw na Panahon?
Sagot: Ang mga nonpayroll na gastusin ay kwalipikado para sa pagpapatawad ng pautang
kung ang mga ito ay naipon noong Nasasaklaw na Panahon at nabayaran noong o bago
ang susunod na regular na petsa ng paniningil, kahit na ang petsa ng paniningil ay
pagkatapos ng Nasasaklaw na Panahon.
Halimbawa: Ang 24 na linggo na Nasasaklaw na Panahon ng isang nangungutang ay
mula Abril 20 hanggang Oktubre 4. Sa Oktubre 6, matatanggap ng nangungutang ang
bill nito sa kuryente para sa Setyembre. Babayaran ng nangungutang ang bill nito sa
kuryente noong Setyembre sa Oktubre 16. Ang mga gastusin ito sa kuryente ay
kwalipikado para sa pagpapatawad ng pautang kung ang mga ito ay naipon noong
Nasasaklaw na Panahon at nabayaran noong o bago ang susunod na regular na petsa ng
paniningil (Nobyembre 6).
3. Tanong: Kung magpasya ang isang nangungutang na gamitin ang Alternatibong
Nasasaklaw ng Panahon para sa Payroll, para sa mga gastusin sa payroll, iaangkop ba ang
Alternatibong Nasasaklaw ng Panahon para sa Payroll sa lahat ng nonpayroll na gastusin?
Sagot: Hindi. Ang Alternatibong Nasasaklaw ng Panahon para sa Payroll ay nalalapat
lang sa mga gastusin sa payroll, hindi sa mga nonpayroll na gastusin. Palaging
8
Noong Oktubre 13, 2020
magsisimula ang Nasasaklaw na Panahon sa petsa kung kailan magbabayad ang
nagpapautang ng PPP na pautang. Ang mga nonpayroll na gastusin ay dapat bayaran o
maipon sa panahon ng Nasasaklaw na Panahon upang mga kwalipikado para sa
pagpapatawad ng pautang. Para sa mga gastusin lang sa payroll, maaaring piliin ng
nangungutang na gamitin ang Alternatibong Nasasaklaw ng Panahon para sa Payroll
upang umayon sa kada dalawang linggo o mas madalas na iskedyul nito sa payroll.
4. Tanong: Kwalipikado ba ang interes sa unsecured credit para sa pagpapatawad ng pautang?
Sagot: Hindi. Ang mga kabayaran ng interes sa mga utang sa pagkakasangla ng negosyo
sa real (gaya ng mga lupain o gusali) o personal property (gaya ng mga utang para sa
sasakyan) ay kwalipikado para sa pagpapatawad ng pautang. Ang interes sa unsecured
credit ay hindi kwalipikado para sa pagpapatawad ng pautang dahil hindi secured ang
pautang ng real o personal property. Bagama’t pinapayagang paggamit ng mga pondo ng
PPP na pautang ang interes sa unsecured credit na naitakda bago ang Pebrero 15, 2020,
ang gastusing ito ay hindi kwalipikado para sa pagpapatawad.
5. Tanong: Kwalipikado ba para sa pagpapatawad ng utang ang mga kabayarang ginawa sa
kamakailang na-renew na pag-upa o mga pagbabayad sa interes sa mga na-refinance na
pautang sa pagkakasangla kung ang orihinal na pautang o utang sa pagkakasangla ay
umiral bago ang Pebrero 15, 2020?
Sagot: Oo. Kung ang isang umiiral na pautang bago ang Pebrero 15, 2020 ay napaso
sa o pagkatapos ng Pebrero 15, 2020 at na-renew, ang mga isinagawang kabayaran
sa upa alinsunod sa na-renew na pag-upa noong Nasasaklaw na Panahon ay
kwalipikado para sa pagpapatawad ng Pautang. Gayundin, kung ang utang sa
pagkakasangla sa real o personal propety na umiiral na bago ang Febrero 15, 2020
ay na-refinance sa o pagkatapos ng Pebrero 15, 2020, ang mga pagbabayad sa
interes sa na-refinance na utang sa pagkakasangla noong panahon ng Nasasaklaw na
Panahon ay kwalipikado para sa pagpapatawad ng pautang.
Halimbawa: Isang nangungutang ang umupa ng limang taon para sa tindahan nito noong
Marso 2015. Na-renew ang upa noong Marso 2020. Para sa mga layunin ng pagtukoy ng
pagpapatawad sa PPP na pautang ng nangungutang, ang na-renew na upa noong Marso
2020 ay itinuturing na ekstensyon ng orighinal na upa, na nagkabisa bago ang Pebreo 15,
2020. Bilang resulta, ang mga kabayaran sa upa na isinagawa sa ilalim ng na-renew na
upa noong Nasasaklaw na Panahon ay kwalipikado para sa pagpapatawad ng pautang.
6. Tanong: Kabilang sa mga kasamang kabayaran para sa utility, na kwalipikado para sa
pagpapatawad ang “kabayaran para sa isang serbisyo para sa pamamahagi ng . . .
transportasyon” sa ilalim ng CARES Act. Anu-anong mga gastusin ang kasama sa
kategoryang ito?
9
Noong Oktubre 13, 2020
Sagot: Ang ibig sabihin ng isang serbisyo para sa pamamahagi ng transportasyon ay
mga singil sa utility ng transportasyon na tinasa ng mga pang-estado at lokal na
pamahalaan. Ang pagbabayad ng mga singil na ito ng nangungutang ay kwalipikado
para sa pagpapatawad ng pautang.6
7. Tanong: Kwalipikado ba para sa pagpapatawad ng pautang ang mga singil sa supply ng
kuryente kung ang mga ito ay hiwalay na siningil sa mga singil ng pagbabahagi ng
kuryente?
Sagot: Oo. Ang buong kabayaran para sa singil sa kuryente ay kwalipikado para sa
pagpapatawad ng pautang (kahit na hiwa-hiwalay na-invoice ang mga singil), kabilang
ang mga singil sa supply, mga singil sa pagbabahagi, at iba pang mga singil gaya ng
mga tax sa kabuuang kita (gross receipts).
Mga FAQ sa mga Pagbabawas sa Pagpapatawad ng Pautang
1. Tanong: Mababawasan ba ang halaga ng pagpapatawad ng isang nangungutang dahil sa
pagbabawas ng mga FTE na empleyado sa panahon ng Nasasaklaw na Panahon kung ang
nangungutang ay nag-alok na muling umupa ng isa o higit pa sa mga natanggal na
empleyado ngunit tumanggi ang mga empleyado?
Sagot: Sa pagkakalkula ng halaga ng pagpapatawad ng pautang nito, maaring hindi
isama ng isang nangungutang ang anumang pagbabawas ng mga FTE na empleyado
kung kayang idokumento ito ng nangungutang nang walang masamang hangarin ang
mga sumusunod: (1) kawalan ng kakayahang muling umupa ng mga indibidwal na
dating mga empleyado ng nangungutang noong Pebrero 15, 2020, at (2), kawalan ng
kakayahang umupa ng mga katulad na kwalipikadong indibidwal para sa mga
bakanteng posisyon sa o bago ang Disyembre 31, 2020. Inaatasan ang mga
nangungutang na ipaalam sa naaangkop na tanggapan ng insurance para sa walang
trabaho ng estado ng anumang natanggihang alok sa muling pag-upa ng isang
empleyado sa loob ng 30 araw mula nang pagtanggi ng empleyado sa alok. Kabilang sa
mga dokumento na dapat itago ng mga nangungutang para maipakita ang kanilang
pagsunod sa eksemsyong ito ay ang nakasulat na alok upang muling umupa ng
indibidwal, isang nakasulat na tala ng pagtanggi sa alok, at nakasulat na tala ng mga
pagsisikap na maka-upa ng katulad na kwalipikadong indibidwal.
2. Tanong: Kung magpasya ang isang nagpapatrabaho sa pana-panahon (seasonal employer)
na gamitin ang 12 linggong palugit sa pagitan ng Mayo 1, 2019 at Setyembre 15, 2019
upang makalkula ang pinakamalaking halaga nito para sa PPP na pautang, anong panahon
noong 2019 ang dapat gamitin bilang panahong sanggunian para sa pagkakalkula ng
anumang pagbabawas sa halaga ng pagpapatawad ng pautang?
6
Para sa karagdagang impormasyon sa paggamit ng bayarin sa transportasyon, basahin ang
https://www.fhwa.dot.gov/ipd/value_capture/defined/transportation_utility_fees.aspx.
10
Noong Oktubre 13, 2020
Sagot: Ang isang seasonal employer na magpapasyang gumamit ng 12 linggong palugit
sa pagitan ng Mayo 1, 2019 at Setyembre 15, 2019 upang makalkula ang pinakamalaking
halaga nito ay dapat gumamit ng parehong 12 linggong palugit bilang panahong
pagsasanggunian para kalkulahin ang anumang pagbabawas sa halaga ng pagpapatawad
ng pautang.
3. Tanong: Kapag kinakalkula ang mga Eksepsyon sa Pagbabawas ng FTE sa Table 1 ng
PPP Schedule A Worksheet ng Aplikasyon sa Pagpapatawad ng Pautang (SBA Form 3508
o katumbas ng nagpapautang), isasama ba ng mga nangungutang ang mga empleyadong
kumita nang mahigit $100,000 noong 2019 (iyong mga nakalista sa Schedule A
Worksheet Table 2 ng PPP Schedule A Worksheet)?
Sagot: Oo. Nalalapat ang mga Eksepsyon sa Pagbabawas ng FTE sa lahat ng
empleyado, hindi lang para sa mga dapat ilista sa Table 1 ng Aplikasyon sa
Pagpapatawad ng Pautang (SBA Form 3508 o katumbas ng nagpapautang).
Samaktuwid, dapat isama ng mga nangungutang ang mga empleyado na kumita nang
mahigit sa $100,000 sa linyang Eksepsyon sa Pagbabawas ng FTE sa Table 1 ng PPP
Schedule A Worksheet.
4. Tanong: Paano kinakalkula ng mga nangungutang ang pagbabawas sa halaga ng kanilang
pagpapatawad ng pautang na mula sa mga pagbabawas sa suweldo ng empleyado o
orasang sahod?
Sagot: Ang ilang kabawasan sa sahod sa panahon ng Nasasaklaw na Panahon o
Alternatibong Saklaw ng Panahon para sa Payroll ay makakabawas sa halaga ng
pagpapatawad ng pautang na matatanggap ng nangungutang. Kung ang suweldo o
orasang sahod ng isang nasasaklawang empleyado7 ay mababawasan nang mahigit
25% sa panahon ng Nasasaklawang Panahon ng Alternatibong Saklaw ng Panahon
para sa Payroll, ang bahaging mahigit sa 25% ay magpapababa sa karapat-dapat na
halaga ng pagpapatawad maliban kung matugunan ng nangungutang ang Safe Harbor
ng Pagbabawas sa Suweldo/Orasang Sahod (gaya ng inilalarawan sa Aplikasyon sa
Pagpapatawad ng Pautang (SBA Form 3508 o katumbas ng nagpapautang)). Tinataya
ng mga halimbawa sa ibaba na ang bawat empleyado ay “saklawa na empleyado.”
Halimbawa 1: Natanggap ng isang nangungutang ang PPP na pautang sa kaniya bago
ang Hunyo 5, 2020 at nagpasya siyang gumamit ng 8 linggong nasasaklaw na panahon.
Nabawasan ang suweldo ng full-time na empleyado nito noong Nasasaklaw na
Panahon mula $52,000 kada taon sa $36,400 kada taon noong Abril 23,2020 at hindi
naibalik noong Disyembre 31, 2020. Nagpatuloy sa pagtatrabaho ang empleyado nang
full-time na may katumbas sa full-time na (FTE) 1.0. Dapat sumangguni ang
nangungutang sa seksyong Pagbabawas sa Suweldo/Orasang Sahod sa ilalim ng “Mga
7
Ang isang “saklawa na empleyado” ay isang indibidwal na: (1) tinanggap sa trabaho ng nangungutang kailanman sa
panahon ng Nasasaklaw na Panahon o Alternatibong Saklaw ng Panahon para sa Payroll, at na ang pangunahing lugar
ng paninirahan ay sa Estados Unidos; at (2) tumanggap ng suweldo mula sa nangungutang sa pantaunang rate na mas
mababa sa o katumbas ng $100,000 para sa lahat ng panahon noong 2019, o hindi pa natatanggap sa trabaho ng
nangungutang kailanman noong 2019.
11
Noong Oktubre 13, 2020
Tagubilin para sa PPP Schedule A Worksheet” sa mga Tagubilin sa Aplikasyon para sa
Pagpapatawad ng Pautang. Sa Hakbang 1, inilagay ng nangungutang ang mga numero
sa 1.a, 1.b, at 1.c, at dahil nabawasan ang taunang suweldo nang mahigit sa 25%,
magpapatuloy ang nangungutang sa Hakbang 2. Sa ilalim ng Hakbang 2, dahil ang
pagbabawas sa suweldo ay hindi naremedyuhan pagdating ng Disyembre 31, 2020,
hindi natugunan ang Safe Harbor ng Pagbabawas sa Suweldo/Orasang Sahod, at ang
nangungutang ay kailangang magpatuloy sa Hakbang 3. Sa ilalim ng Hakbang 3.a.,
$39,000 (75% ng $52,000) ang minimum na suweldo na dapat mapanatili upang
makaiwas sa penalty. Bumaba ang suweldo sa $36,400, at ang labis na kabawasang
nagkakahalaga ng $2,600 ay ilalagay sa Hakbang 3.b. Dahil suwelduhan ang
empleyadong ito, sa Hakbang 3.e., imu-multiply ng nangungutang ang labis na
kabawasang nagkakahalaga ng $2,600 sa 8 (ngunit kung ang napili ay ang 24 na
linggong Nasasaklaw na Panahon, imu-multiply ito sa 24) at hahatiin ng 52 para
makarating sa halaga ng pagpapatawad ng pautang na $400. Ilalagay ng nangungutang
ang $400 sa PPP Schedule A Worksheet, Table 1, bilang kabawasan sa
suweldo/orasang sahod sa column sa itaas ng kahon 3 ng empleyadong iyon.
Halimbawa 2: Natanggap ng isang nangungutang ang PPP na pautang nito bago ang
Hunyo 5, 2020 at nagpasya siyang gumamit ng 24 na linggong Nasasaklaw na Panahon.
Nabawasan ang orasang sahod ng isang orasang empleyado mula $20 sa $15 noong
Nasasaklaw na Panahon. Ang empleyado ay nagtrabaho ng 10 oras kada linggo sa pagitan
ng Enero 1, 2020 at Marso 31, 2020. Dapat sumangguni ang nangungutang sa seksyong
Pagbabawas sa Suweldo/Orasang Sahod sa ilalim ng “Mga Tagubilin para sa PPP Schedule
A Worksheet” sa mga Tagubilin sa Aplikasyon para sa Pagpapatawad ng Pautang. Dahil
nabawasan ang orasang sahod ng empleyado ng eksaktong 25% (mula $20 naging $15
kada oras), ang pagbabawas sa sahod ay hindi magpapababa sa kwalipikadong halaga ng
pagpapatawad. Ang halaga sa linya 1.c ay magiging 0.75 o mahigit, kaya ilalagay ng
nangungutang ang $0 sa column na Pagbabawas sa Suweldo/Orasang Sahod para sa
empleyado na iyon sa PPP Schedule A Worksheet, Table 1.
Kung nabawasan ang suweldo ng parehong empleyado at naging $14 kada oras, ang
kabawasan ay magiging mas mahigit sa 25% kaya magpapatuloy ang nangungutang sa
Hakbang 2. Kung ang pagbabawas ay hindi mareremedyuhan pagdating ng Disyembre
31, 2020, magpapatuloy ang nangungutang sa Hakbang 3. Ang kabawasang ito sa
orasang sahod na lampas sa 25% ay $1 kada oras. Sa Hakbang 3, imu-multiply ng
nangungutang ang $1 kada oras sa 10 oras kada linggo para malaman ang lingguhang
kabawasan sa suweldo. Pagkatapos ay imu-multiply ng nangungutang ang lingguhang
kabawasan sa suweldo sa 24 (dahil ang nangungutang ay gumagamit ng 24 na linggong
Nasasaklaw na Panahon). Ilalagay ng nangungutang ang $240 sa column na Pagbabawas
sa Suweldo/Orasang Sahod para sa empleyado na iyon sa PPP Schedule A Worksheet,
Table 1. Kapag ang nangungutang ay nag-apply para sa pagpapatawad bago ang
katapusan ng 24 na linggong Nasasaklaw na Panahon, dapat isama dito ang pagbabawas
sa suweldo (ang labis na kabawasang mahigit sa 25%, o $240) para sa buong 24 na
linggong Nasasaklaw na Panahon.
12
Noong Oktubre 13, 2020
Halimbawa 3: Isang empleyado ang kumita ng nagkakahalaga ng $20 kada oras sa
pagitan ng Enero 1, 2020 at Marso 31, 2020 at nagtrabaho ng 40 oras kada linggo.
Noong Nasasaklaw na Panahon, ang sahod ng empleyado ay hindi nagbago, ngunit ang
kaniyang oras ay bumaba sa 25 oras kada linggo. Sa ganitong sitwasyon, walang
nabawas sa suweldo/orasang sahod ng empleyadong iyon dahil hindi nabago ang
orasang sahod. Bilang resulta, ilalagay ng nangungutang ang $0 sa column na
Pagbabawas sa Suweldo/Orasang Sahod para sa empleyado na iyon sa PPP Schedule A
Worksheet, Table 1. Ang pagbabawas sa oras ng empleyado ay isasaalang-alang sa
kalkulasyon ng nangungutang ng FTE nito sa Nasasaklaw na Panahon, na kinakalkula
nang magkahiwalay at maaaring magresulta sa kabawasan sa halaga ng pagpapatawad
ng pautang ng nangungutang.
5. Tanong: Para sa mga layunin ng pagkakalkula ng kabawasan sa pagpapatawad ng
pautang na kinakailangan para sa mga kabawasan sa suweldo/orasang sahod na labis sa
25% para sa ilang empleyado, kasama ba ang lahat ba ng uri ng kabayaran o mga
suweldo at sahod lang?
Sagot: Para sa mga layunin ng pagkakalkula ng mga kabawasan sa halaga ng
pagpapatawad ng pautang, ang dapat lang isaalang-alang ng nangungutang ay ang mga
pagbaba ng mga suweldo o sahod.
Mga FAQ ng Economic Injury Disaster Loan (Pantrahedyang Pautang para sa Pinsala sa
Ekonomiya)
1. Tanong: Ibabawas ng SBA ang halaga ng anumang Pantrahedyang Pautang para sa
Pinsala sa Ekonomiya (EIDL) advance na natanggap ng isang nangungutang ng PPP mula
sa ipapatawad na halaga na ni-remit sa nagpapautang. Paano malalaman ng nagpapautang
ang halaga ng EIDL advance na awtomatikong ibabawas ng SBA?
Sagot: Kapag nakatanggap ang nangungutang ng EIDL advance, kailangang bawasan ng
SBA ang halagang ipapatawad sa pautang ng nangungutang ng halaga ng EIDL advance.
Ibabawas ng SBA ang halaga ng EIDL advance mula sa halagang ipapatawad na na-
remit ng SBA sa nagpapautang. Makokompirma ang nagpapautang ang halaga ng EIDL
advance na awtomatikong ibabawas ng SBA mula sa ipapatawad na kabayaran sa
pamamagitan ng pagrerepaso sa impormasyon ng EIDL advance ng nangungutang sa
Platform ng Pagpapatawad ng PPP.
2. Tanong: Paano dapat pamahalaan ng isang nagpapautang ang anumang natitirang balanse
na dapat bayaran sa isang PPP na pautang pagkatapos i-remit ng SBA ang halagang
ipapatawad sa nagpapautang?
Sagot: Kung hindi mapapatawad ang buong halaga ng PPP na pautang (pati na kung
nagkaroong kabawasan sa halagang ipapatawad dahil sa EIDL advance), ang anumang
natitirang balanse na dapat ibayad sa PPP na pautang ay dapat bayarang ng
nangungutang. Ang nagpapautang ang may-pananagutan sa pagbibigay-abiso sa
nangungutang ng halagang ipapatawad sa pautang na ni-remit ng SBA at ang petsa kung
kailan dapat bayaran ng nangungutang ang unang pagbabayad sa pautang. Dapat patuloy
13
Noong Oktubre 13, 2020
na ipatupad ng nagpapautang ang pautang. Dapat bayaran ng nangungutang ang
natitirang balanse sa pautang pagdating ng petsa ng maturity ng PPP na pautang
(alinman sa dalawa o 5 taon). Kapag natukoy na ang isang nangungutang ay hindi
kwalipikado para sa PPP na pautang sa anumang kadahilanan, pwedeng ipabayad ng
SBA ang natitirang balanse sa PPP na pautang o maghabol sa pamamagitan ng ibang
mga remedyo.
3. Tanong: Ano ang dapat gawin ng isang nagpapautang kung nakatanggap ang
nangungutang ng EIDL advance na labis kaysa sa halaga ng PPP na pautang nito?
Sagot: Ang isang nangungutang na nakatanggap ng EIDL advance na labis sa halaga ng
PPP na pautang nito ay hindi makakatanggap ng anumang pagpapatawad sa PPP na
pautang, dahil ang halaga ng isang EIDL advance ay ibinabawas mula sa halagang
ipapatawad sa PPP na pautang. Ang nagpapautang ang may-pananagutan sa pagbibigay-
abiso sa petsa kung kailan dapat bayaran ng nangungutang ang unang pagbabayad sa
pautang. Dapat patuloy na ipatupad ng nagpapautang ang pautang. Dapat bayaran ng
nangungutang ang natitirang balanse sa pautang pagdating ng petsa ng maturity ng PPP
na pautang (alinman sa dalawa o 5 taon). Kapag natukoy na ang isang nangungutang ay
hindi karapat-dapat para sa PPP na pautang sa anumang kadahilanan, pwedeng ipabayad
ng SBA ang natitirang balanse sa PPP na pautang o maghabol sa pamamagitan ng ibang
mga remedyo.8
8
Ang lahat ng tanong at sagot ay nailathala noong Agosto 4, 2020 maliban kung iba ang pagkakatukoy. Mga FAQ ng
EIDL 1 - 3 inilathala noong Agosto 11, 2020.
14
File and source
- File
- SBA-PPP----Loan-Forgiveness-FAQs-October-13-2020--508_tagalog.pdf
- Size
- 189,680 bytes
- SHA-256
- 16900a70c3ec4b4f9625a5c3aec228c7bb736ba7b12797d6c58274fbea76c9f7
- Original
- legacy.sba.gov