Programa sa Proteksyon ng Suweldo Application Form ng Humihiram para sa Mga Nag-file ng Schedule C Gamit ang Gross Income Binago Marso 18, 2021
Summary
Tagalog-language version of the PPP borrower application form for Schedule C filers using gross income, OMB Control No. 3245-0407, form 086, expiring 9/30/2021. It states that an applicant may use this form only if it files IRS Form 1040, Schedule C and uses gross income to calculate the PPP loan amount. It then asks for the business type, such as sole proprietor or independent contractor, the loan calculation, ownership and eligibility answers.
Summary drafted by a model from the document's text below and checked by script against that text before publication. It is a navigation aid, not a reading of what the document proves. Where AI is used
Full text
Programa sa Proteksyon ng Suweldo OMB Control No.: 3245-0407
Application Form ng Humihiram para sa Mga Nag-file ng Schedule C Gamit ang Petsa ng Pagkawalang Bisa: 9/30/2021
086 - Tagalog - Tagalog
Gross Income
Binago Marso 18, 2021
MAAARI LANG GAMITIN NG ISANG APLIKANTE ANG FORM NA ITO KUNG NAG-FILE ANG APLIKANTE NG IRS FORM 1040,
SCHEDULE C, AT GINAGAMIT ANG GROSS INCOME PARA KALKULAHIN ANG HALAGA NG PPP LOAN
I-check Ang Isa: Sole proprietor DBA o Tatak-kalakal, kung Taon ng Pagkakatatag
Hiwalay na kontratista naaangkop (kung naaangkop)
Self-employed na indibidwal
Single member LLC (self-employed na indibidwal)
Kwalipikadong joint venture (self-employed na
indibidwal)
Aplikante (kabilang ang mga kasosyo,
Legal na Pangalan ng Negosyo NAICS Code kung naaangkop) Nasasapatan ang
Pamantayan sa Laki (i-check ang isa):
Hindi lalagpas sa 500 empleyado (o 300
na empleyado, kung naaangkop) maliban
kung ilalapat ang “kada lokasyon” na
pagbubukod
Mga pamantayan sa laki ng industriya
ng SBA
Pamantayan ng alternatibong laki ng
SBA
Address ng Negosyo (Kalye, Lungsod, Estado, Zip Code - TIN ng Negosyo (EIN, SSN,
Telepono ng Negosyo
Walang P.O. Box address ang pinapayagan) ITIN)
Pangunahing Kontak Email Address
Kabuuang Halaga ng Gross Income Taon ng Buwis na Ginamit Bilang ng Mga Empleyado
(mula sa IRS Form 1040, Schedule C, Line 7) para sa Gross Income (kabilang ang mga may-ari):
2019
$
2020
Kung wala kang anumang empleyado (bukod sa mga may-ari), punan ang talaan na ito:
x 2.5 + EIDL (Huwag
A. Ang halaga ng gross B. I-divide ang A sa
Magsama ng Anumang
income mo mula 2019 o 12 (kung mas malaki
$ $ EIDL Advance) ay $
2020 IRS Form 1040, sa $8,333.33, ipasok
katumbas ng Halaga ng
Schedule C, line 7: ang $8,333.33):
Kahilingan sa Pautang:
Kung mayroon kang mga empleyado (bukod sa mga may-ari), punan ang talaan na ito:
A. Ang halaga na nasa C. Average na
B. I-divide ang A sa
2019 o 2020 IRS Form Buwanang Payroll para
12 (kung mas malaki
1040, Schedule C, line 7, $ $ sa Mga Empleyado $
sa $8,333.33, ipasok
menos ang suma ng line 14, (hindi kabilang ang
ang $8,333.33):
line 19, at line 26: mga may-ari)
x 2.5 + EIDL (Huwag Magsama ng
Idagdag ang B at C: $ Anumang EIDL Advance) ay katumbas ng $
Halaga ng Kahilingan sa Pautang:
Mga Gastos sa Payroll (kabilang
ang mga gastos ng proprietor, Interes sa Mga Sinagot na Gastos sa
Mga utility
Layunin ng utang katumbas ng mga gastos sa negosyo Upa/Mortgage Operasyon
(piliin ang lahat ng dagdag ang bayad sa may-ari)
naaangkop): Sakop na Mga
Mga Sinagot na Gastos sa Mga Sinagot na Gastos sa Iba pa (ipaliwanag):
Gastos sa
Pagkasira ng Ari-arian Proteksyon ng Manggagawa ______________________
Tagatustos
Pagmamay-ari ng Aplikante
Ilista ang lahat ng mga may-ari ng 20% o higit pa sa equity ng Aplikante. Maglakip ng isang hiwalay na sheet kung kinakailangan.
Pangalan ng May-ari Titulo Pagmamay-ari TIN (EIN, SSN, Address
% ITIN)
SBA Form 2483-C (3/21) 1
Programa sa Proteksyon ng Suweldo
Application Form ng Humihiram para sa Mga Nag-file ng Schedule C Gamit ang Gross Income
Binago Marso 18, 2021
Impormasyon sa Demograpiko ng Aplikante ng PPP (Opsyonal)
Ang datos ng beterano/kasarian/lahi/etnisidad ay nakolekta para sa mga layunin lamang sa pag-uulat ng programa. Boluntaryo ang
pagsisiwalat at hindi titimbang sa desisyon sa aplikasyon sa pautang.
Pangunahing Pangalan Pangunahing Posisyon
Piliin Ang Tugon sa Ibaba:
Beterano Hindi Beterano; Beterano; Beterano na Nalumpo sa Serbisyo; Asawa ng Beterano; Hindi Isiniwalat
Kasarian Lalaki; Babae; Hindi Isiniwalat
Lahi (higit sa 1 ay American Indian o Katutubo ng Alaska; Asyano; Itim o Aprikano-Amerikano;
maaaring mapili) Katutubong Hawaiian o Pacific Islander; Puti; Hindi Isiniwalat
Etnisidad Hispanic o Latino; Hindi Hispanic o Latino; Hindi Isiniwalat
Kung ang mga katanungan (1), (2), (5), o (6) ay sinasagot na "Oo," ang utang ay hindi maa-aprubahan.
Tanong Oo Hindi
1. Ang Aplikante ba o ang sinumang may-ari ng Aplikante ay kasalukuyang nasuspinde, na-debar, iminungkahi para sa debarment,
idineklarang hindi karapat-dapat, kusang-loob na hindi kasama sa pakikilahok sa transaksyong ito ng anumang kagawaran o ahensya
ng Pederal, o kasalukuyang kasangkot sa anumang pagkalugi?
2. Ang Aplikante ba, sinumang may-ari ng Aplikante, o anumang negosyo na pagmamay-ari o kinokontrol ng sinuman sa kanila, ay
nakakuha na dati ng direkta o garantisadong pautang mula sa SBA o anumang iba pang ahensiyang Pederal (bukod pa sa isang
Pederal na student loan na ginawa o ginarantiya sa pamamagitan ng programang inilapat ng Department of Education) na (a)
kasalukuyang delingkwente, o (b) nag-default sa nakalipas na 7 taon at nagdulot ng pagkalugi sa gobyerno?
3. Ang Aplikante ba o sinumang may-ari ng Aplikante ay may-ari ng anumang iba pang negosyo, o may kaisang pamamahala (kasama
ang isang kasunduan sa pamamahala) sa anumang iba pang negosyo? Kung oo, ilista ang lahat ng nasabing mga negosyo (kasama ang
kanilang mga TIN kung magagamit) at ilarawan ang ugnayan sa isang hiwalay na sheet na tinukoy bilang addendum A.
4. Nakatanggap ba ang Aplikante ng SBA Economic Injury Disaster Loan sa pagitan ng Enero 31, 2020 at Abril 3, 2020? Kung oo,
magbigay ng mga detalye sa isang hiwalay na sheet na kinilala bilang addendum B.
5. Ang Aplikante ba (kung isang indibidwal) o sinumang may-ari ng Aplikante ay kasalukuyang nakapiit, para sa anumang krimen, ay
kasalukuyang sasailalim sa pagbasa ng sakdal, kriminal na impormasyon, pagsasakdal, o iba pang mga pamamaraan kung saan ang
pormal na paghahablang kriminal ay inihain sa anumang hurisdiksyon?
Mag-inisyal dito para kumpirmahin ang tugon mo sa tanong 5 → _____________________
6. Sa loob ng nakalipas na 5 taon, para sa anumang krimen na kinasasangkutan ng pandaraya, panunuhol, pandarambong, o maling
pahayag sa isang aplikasyon sa pautang o isang aplikasyon para sa pederal na tulong pinansyal, ang Aplikante ba (kung isang
indibidwal ) o sinumang may-ari ng Aplikante 1) ay nahatulan; 2) umamin na nagkasala; 3) nakiusap ng nolo contendere; o 4)
nagsimula ng anumang uri ng parole o probation (kasama ang probation bago ang hatol)?
Mag-inisyal dito para kumpirmahin ang tugon mo sa tanong 6 → _____________________
7. Ang Estados Unidos ba ang pangunahing lugar ng pananahan para sa (mga) may-ari ng Aplikante at lahat ng empleyado na kasama sa
pagkalkula ng payroll ng Aplikante sa itaas?
8. Ang aplikante ba ay isang franchise?
9. Nakalista ba ang prangkisa sa Franchise Directory ng SBA? Kung oo, ipasok ang SBA Franchise Identifier Code dito:
_______________
SBA Form 2483-C (3/21) 2
Programa sa Proteksyon ng Suweldo
Application Form ng Humihiram para sa Mga Nag-file ng Schedule C Gamit ang Gross Income
Binago Marso 18, 2021
Sa pamamagitan ng Paglagda sa Ibaba, Ginagawa Mo ang Mga Sumusunod na Mga Kinatawan, Pahintulot, at Mga Sertipikasyon
Pinatunayan ko na:
Nabasa ko ang mga pahayag na kasama sa form na ito, kasama ang Mga Pahayag na Kinakailangan ng Batas at Mga Executive Order, at nauunawaan
ko ang mga ito.
Ang Aplikante ay karapat-dapat makatanggap ng pautang sa ilalim ng mga patakaran na may bisa sa oras na ang aplikasyon na ito ay naisumite na
ibinigay ng Small Business Administration (SBA) at ng Department of the Treasury (Treasury) na nagpapatupad sa Paycheck Protection Program
sa ilalim ng Division A. Title I ng Coronavirus Aid, Relief, and Economic Security Act (CARES Act), ng Economic Aid to Hard-Hit Small
Businesses, Nonprofits, and Venues Act), at Title V ng American Rescue Plan Act of 2021 (ang mga Panuntunan ng Paycheck Protection Program).
Ang Aplikante, kasama ng mga kasosyo nito (kung naaangkop),(1) ay isang hiwalay na kontratista, self-employed na indibidwal, o sole proprietor
na walang empleyado; (2) nagpapatrabaho sa hindi hihigit sa 500 empleyado o, kung naaangkop, ang pamantayan sa laki ng bilang ng mga
empleyado na itinatag ng SBA sa 13 C.F.R. 121.201 para sa industriya ng Aplikante; (3) kung NAICS 72, nagpapatrabaho sa hindi hihigit sa 500
na empleyado sa kada pisikal na lokasyon; (4) kung isang Internet-lang na tagalathala ng balita o peryodiko na binigyan ng NAICS code 519130
at kaugnay sa pagkolekta at pag-distribute ng lokal o pangrehiyon at pambansang balita at impormasyon, nagpapatrabaho sa hindi hihigit sa 500 na
empleyado (o ang pamantayang laki ng bilang ng mga empleyado na itinatag ng SBA sa 13 C.F.R. 121.201 para sa industriya ng Aplikante) kada
pisikal na lokasyon; o (5) isang maliit na negosyo sa ilalim ng umiiral na pamantayan sa laki na batay sa kinikita na itinatag ng SBA sa 13 C.F.R.
121.201 para sa industriya ng Aplikante o sa ilalim ng pamantayan ng alternatibong laki ng SBA.
Susunod ako, tuwing naaangkop, sa mga karapatang sibil at iba pang mga limitasyon sa form na ito.
Ang lahat ng natanggap sa pautang ay gagamitin lamang para sa mga layuning kaugnay ng negosyo (kabilang ang payroll at iba pang gastos ng
proprietor, na gastos ng negosyo dagdag ang bayad sa may-ari, ayon sa inilarawan sa interim na huling panuntunan na nai-post noong Marso 3,
2021) gaya ng tinukoy sa aplikasyon ng pautang at naaayon sa Mga Panuntunan ng Paycheck Protection Program kabilang ang pagbabawal sa
paggamit ng inutang para sa mga aktibidad at gastos sa pag-uudyok. Kung ang Aplikante ay isang pang-Internet lang na balita o naglalathala ng
peryodiko na naging karapat-dapat para sa pautang sa ilalim ng Seksiyon 5001 ng American Rescue Plan Act of 2021, gagamitin ang pondong
matatanggap para suportahan ang mga gastos sa bahagi ng negosyo o organisasyon na sumusuporta sa lokal o pangrehiyon na balita.
Naiintindihan ko na hinihimok ng SBA ang pagbili, sa hanggang makakaya, ng mga kagamitan at produktong gawa ng Amerikano.
Ang Aplikante ay hindi nakikibahagi sa anumang aktibidad na labag sa batas sa ilalim ng batas pederal, estado o lokal.
Ang anumang EIDL loan na natanggap ng Aplikante (Seksiyon 7(b)(2) ng Small Business Act) sa pagitan ng Enero 31, 2020 at Abril 3, 2020 ay
para sa isang layunin bukod sa pagbabayad ng mga gastos sa payroll at iba pang pinapayagan na paggamit para sa mga pautang sa ilalim ng Mga
Panuntunan ng Paycheck Protection Program.
Para sa mga Aplikante na mga indibidwal: Pinahintulutan ko ang SBA na humiling ng impormasyon ng rekord pang-kriminal tungkol sa akin mula sa mga
ahensya ng hustisya para sa kriminal para sa layunin na matukoy ang aking pagiging karapat-dapat para sa mga programang pinahintulutan ng Small
Business Act, na binago.
Dapat patotohanan ng awtorisadong kinatawan ng Aplikante nang may mabuting hangarin ang lahat ng nasa ibaba sa pamamagitan ng pag-inisyal sa tabi
ng bawat isa (kabilang sa mga katagang “payroll” at “gastos sa payroll” na ginamit sa mga sertipikasyon sa ibaba ang mga gastos ng proprietor (gastos sa
negosyo dagdag ang bayad sa may-ari)):
Ang Aplikanteng nag-o-operate noong Pebrero 15, 2020, ay hindi permanenteng nagsara, at isang kwalipikadong self-employed na indibidwal,
hiwalay na kontratista, o sole proprietorship na walang empleyado, o nagkaroon ng mga empleyado na binayaran nito ang mga suweldo at buwis
sa payroll o nagbayad sa mga hiwalay na kontratista, gaya ng iniulat sa (mga) Form 1099-MISC.
Ang kasalukuyang kawalan ng katiyakan sa ekonomiya ay nagbigay ng pangangailangan upang humiling ng pautang na ito upang suportahan ang
patuloy na pagpapatakbo ng Aplikante.
Gagamitin ang mga pondo para mapanatili ang mga manggagawa at mapanatili ang payroll; o magbayad para sa mga interes ng mortgage, renta,
mga utility, mga sinagot na gastos sa operasyon, mga sinagot na gastos sa pinsala ari-arian, mga sinagot na gastos sa supplier, at mga sinagot na
gastos sa proteksyon ng manggagawa ayon sa tinukoy sa mga Panuntunan ng Paycheck Protection Program; Nauunawaan ko na kung batid na
ginamit ang mga pondo sa mga hindi awtorisadong layunin, maaari akong papanagutin ng pamahalaang pederal, gaya ng sa mga sakdal para sa
panloloko.
Nauunawaan ko na ibibigay ang pagpapatawad sa pautang para sa suma ng mga nakadokumentong gastos sa payroll, mga sinagot na pagbabayad
sa interes ng mortgage, mga sinagot na pagbabayad sa renta, mga sinagot na utility, mga sinagot na gastos sa operasyon, mga sinagot na gastos
sa pinsala sa ari-arian, mga sinagot na gastos sa supplier, at mga sinagot na gastos para sa proteksyon ng manggagawa, at hindi hihigit sa 40% ng
pinatawad na halaga ang maaaring para sa mga gastusin na hindi pang-payroll. Kung kinakailangan, magbibigay ang Aplikante sa Lender at/o
dokumentasyong SBA na nagpapatunay sa bilang ng mga full-time na katumbas na empleyado sa payroll ng Aplikante pati na rin ang mga halaga
ng dolyar ng mga karapat-dapat na gastos para sa sakop na panahon kasunod ng pautang na ito.
Hindi nakatanggap ng pautang ang Aplikante at hindi tatanggap ng panibagong pautang sa ilalim ng Paycheck Protection Program, seksyon
7(a)(36) ng Small Business Act (15 U.S.C. 636(a)(36)) (hindi kasama rito ang Paycheck Protection Program na pangalawang draw loan, seksyon
7(a) (37) ng Small Business Act (15 U.S.C. 636(a)(37)).
Hindi inaprubahan ang Aplikante para sa Shuttered Venue Operator (SVO) na kaloob mula sa SBA sa petsa na nakalagay sa aplikasyon na ito, at
tinatanggap ng Aplikante na kung maaprubahan ang Aplikante para sa isang SVO na kaloob bago maglabas ang SBA ng loan number para sa
pautang na ito, hindi magiging karapat-dapat ang Aplikante para sa loan at ipapalagay na hindi awtorisadong paggamit ang pagtanggap sa anumang
pondo ng loan.
Ang Pangulo, ang Bise Presidente, ang pinuno ng isang kagawaran ng Tagapagpaganap, o isang Miyembro ng Kongreso, o ang asawa ng naturang
tao na tinutukoy sa ilalim ng naaangkop na karaniwang batas, ay hindi direkta o hindi direktang nagtataglay ng isang nagkokontrol na interes sa
Aplikante, na may mga nasabing termino na mayroong ang mga kahulugan na ibinigay sa Seksyon 322 ng Economic Aid sa Hard-Hit Small
Smalles, Nonprofits, at Venues Act.
SBA Form 2483-C (3/21) 3
Programa sa Proteksyon ng Suweldo
Application Form ng Humihiram para sa Mga Nag-file ng Schedule C Gamit ang Gross Income
Binago Marso 18, 2021
Ang Aplikante ay hindi isang tagabigay, ng mga seguridad na kung saan nakalista sa isang palitan na nakarehistro bilang isang pambansang
palitan ng seguridad sa ilalim ng seksyon 6 ng Securities Exchange Act ng 1934 (15 J.S.C. 78f).
Pinatutunayan ko pa na ang impormasyong ibinigay sa aplikasyon na ito at ang impormasyong ibinigay sa lahat ng sumusuporta sa mga dokumento
at form ay totoo at tumpak sa lahat ng materyal na aspeto. Naiintindihan ko na ang sadyang paggawa ng isang maling pahayag upang makakuha
ng isang garantisadong pautang mula sa SBA ay napaparusahan sa ilalim ng batas, kabilang sa ilalim ng 18 U.S.C. 1001 at 3571 sa pamamagitan
ng pagkabilanggo nang hindi hihigit sa limang taon at/o isang multa hanggang sa $250,000; sa ilalim ng 15 U.S.C. 645 sa pamamagitan ng
pagkabilanggo na hindi hihigit sa dalawang taon at/o isang multa na hindi hihigit sa $5,000; at, kung isinumite sa isang institusyong nakaseguro
ng Pederal, sa ilalim ng 18 U.S.C. 1014 sa pamamagitan ng pagkabilanggo nang hindi hihigit sa tatlumpung taon at/o isang multa na hindi hihigit
sa $1,000,000.
Kinikilala ko na kukumpirmahan ng Nagpapahiram ang karapat-dapat na halaga ng pautang gamit ang mga kinakailangang dokumento na
isinumite. Nauunawaan ko, tinatanggap, at sinasang-ayunan na maaaring ibahagi ng Nagpapahiram ang anumang impormasyon sa buwis na
ibinigay ko sa mga awtorisadong kinatawan ng SBA, pati sa mga awtorisadong kinatawan ng SBA Office of Inspector General, para sa layunin
ng pagsunod sa Mga Hinihingi ng SBA Loan Program at lahat ng pagsusuri ng SBA.
_________________________________________________________ ________________________
Lagda ng Awtorisadong Kinatawan ng Aplikante Petsa
_________________________________________________________ ________________________
I-print ang Pangalan Titulo
SBA Form 2483-C (3/21) 4
Programa sa Proteksyon ng Suweldo
Application Form ng Humihiram para sa Mga Nag-file ng Schedule C Gamit ang Gross Income
Binago Marso 18, 2021
Layunin ng form na ito:
Ang form na ito ay dapat punan ng awtorisadong kinatawan ng Aplikante at isumite sa iyong Kalahok na Nagpapahiram sa SBA. Ang pagsumite ng
hiniling na impormasyon ay kinakailangan upang makagawa ng pagpapasiya tungkol sa pagiging karapat-dapat para sa tulong pampinansiyal. Ang
kabiguang isumite ang impormasyon ay makakaapekto sa pagpapasiyang iyon.
Dapat gamitin ng Aplikante na nag-file ng IRS Form 1040, Schedule C, at piniling kalkulahin ang halaga ng PPP loan gamit ang gross income ang form na
ito. Dapat gamitin ng Aplikante na nag-file ng IRS Form 1040, Schedule C, at piniling kalkulahin ang halaga ng PPP loan gamit ang net profit ang SBA
Form 2483. Dapat din gamitin ng Aplikante na nag-file ng IRS Form 1040, Schedule F, at kinakalkula ang halaga ng PPP loan gamit ang gross income ang
SBA Form 2483.
Mga tagubilin sa pagsagot sa form na ito:
Para sa mga layuning pag-uulat ng Taon ng Pagkakatatag, maaaring ilagay ng mga aplikante ang “NA”.
Para sa mga layunin ng pag-uulat ng NAICS Code, ang mga aplikante ay dapat na tumugma sa code ng aktibidad ng negosyo na ibinigay sa kanilang mga
pagsumite ng buwis sa kita sa IRS, kung naaangkop.
Para sa mga layunin ng pag-ulat sa Bilang ng Mga Empleyado, dapat isama ng mga sole proprietor, self-employed na indibidwal, at hiwalay na kontratista
ang sarili nila bilang mga empleyado (hal., ang minimum na bilang sa kahon na Bilang ng Mga Empleyado ay isa). Maaaring gamitin ng mga Aplikante ang
kanilang average na pagpapatrabaho sa loob ng panahong ginamit para kalkulahin ang pinagsama-samang gastos nila sa payroll para matukoy ang bilang
ng mga empleyado nila. Bilang alternatibo, maaari rin piliin ng mga Aplikante na gamitin ang average na bilang ng mga empleyado sa kada pay period sa
12 nakalipas na buwan ng kalendaryo bago ang petsa ng aplikasyon para sa pautang.
Para sa mga layunin ng pagkalkula sa Average na Buwanang Payroll para sa Mga Empleyado (kahon C), dapat gamitin ng mga Aplikante ang average na
buwanang payroll para sa 2019 o 2020 para sa mga empleyado (hindi kasama ang may-ari), hindi kasama ang mga gastos na lalagpas sa $100,000 sa taunang
batayan, bilang prorated para sa panahon kung kailan isinagawa ang mga pagbabayad o naipon ang obligasyon na makapagbayad, para sa bawat empleyado.
Dapat na pareho ang gagamiting taon ng payroll gagamiting taon ng buwis para sa pagkalkula ng gross income (kahon A sa magkabilang talaan). Para sa
mga pana-panahong negosyo, maaaring piliin ng Aplikante sa halip na gamitin ang average na kabuuang buwanang payroll para sa anumang labindalawang
linggong panahon na napili ng Aplikante sa pagitan ng Pebrero 15, 2019 at Pebrero 15, 2020, hindi kasama ang mga gastos na higit sa $100,000 sa isang
taunang batayan, bilang prorated para sa panahon kung saan ang mga pagbabayad ay ginawa o ang obligasyong magbayad ay natamo, para sa bawat
empleyado. Para sa mga bagong negosyo, ang average na buwanang payroll ay maaaring makalkula gamit ang tagal ng panahon mula Enero 1, 2020
hanggang Pebrero 29, 2020, na hindi kasama ang mga gastos na higit sa $100,000 sa isang taunang batayan, bilang prorated para sa panahon kung saan ang
mga pagbabayad ay nagawa o ang obligasyong gawin ang mga pagbabayad ay natamo, para sa bawat empleyado.
Kung ang Aplikante ay muling nagpipinansiya ng isang Economic Injury Disaster Loan (EIDL): Idagdag ang di-bayad na halaga ng isang EIDL na ginawa
sa pagitan ng Enero 31, 2020 at Abril 3, 2020 sa Loan Request tulad ng ipinahiwatig sa form. Huwag idagdag ang halaga ng anumang EIDL Advance.
Tungkol sa Layunin ng Pautang, ang gastos sa payroll ay binubuo ng pagbabayad sa mga empleyado (na ang pangunahing lugar ng pananahan ay sa United
States) sa anyo ng sahod, suweldo, komisyon, o halintulad na kabayaran; mga cash tip o katumbas nito (batay sa mga tala ng employer ng mga nakalipas na
tip o, sa kawalan ng naturang talaan, isang makatuwiran, at mabuting tantiya ng employer ng mga naturang tip); bayad para sa bakasyon, parental, family,
medical, o sick leave (maliban sa mga binayarang halaga ng mga leave kung saan pinapahintulutan ang credit sa ilalim ng FFCRA mga Seksiyon na 7001
at 7003); allowance para sa pagkakatanggal o pagkakasisante; bayad para sa probisyon ng mga benepisyo ng empleyaodo (kabilang ang mga insurance
premium) na binubuo ng proteksyon ng health care ng grupo, life, disability, vision, o dental insurance ng grupo, at mga benepisyo sa pagretiro; pagbayad
sa mga buwis ng estado at lokal na tinasa sa pagbabayad sa mga empleyado; at mga sweldo, mga komisyon, kinita, o net na kinita mula sa pagtatrabaho
para sa sarili o halintulad na kabayaran. Kabilang dito ang mga gastos ng proprietor, na nangangahulugan na mga gastos ng negosyo dagdag ang bayad sa
may-ari.
Kung ang Aplikante ay isang kwalipikadong joint venture para sa mga layuning pang-pederal na income tax ((1) ang tanging mga miyembro ng joint venture
ay mag-asawa na nag-file ng joint return at ang bawat isa ay nag-file ng Schedule C, (2) pareho silang kalahok sa kalakal o negosyo, at (3) pareho nilang
pinili na hindi ituring bilang isang partnership), isa lang sa mag-asawa ang maaaring magsumite ng form na ito para sa kwalipikadong joint venture. Para sa
mga layunin ng pag-ulat ng Bilang ng Mga Empleyado, dapat na ibilang ang bawat isa sa mag-asawa. Para sa mga layunin ng pagtukoy sa kung aling talaan
ang gagamitin para kalkulahin ang Halaga ng Hiling na Pautang, kung walang empleyado ang Aplikante bukod pa sa mag-asawa, punan ang talaan na may
titulong “Kung wala kang anumang empleyado bukod sa sarili mo, punan ang talaan na ito.” Para sa mga layunin ng pagkalkula sa gross income, ipasok
ang suma ng gross income (Schedule C, line 7) mula sa kapwa mag-asawa. Para sa mga layunin ng pagkalkula sa Halaga ng Hiling na Pautang, naka-cap
ang halagang ipinasok sa kahon B sa magkabilang talaan sa $8,333.33.
Para sa isang sole proprietorship, itinuturing ang sole proprietor bilang may-ari ng Aplikante. Para sa isang limited liability na kompanya may mayroon lang
isang miyembro at tinatrato bilang di-isinamang entidad para sa mga layung pang-pederal na income tax at nag-file ng Schedule C, ang miyembro ay
ituturing na sole proprietor at may-ari ng Aplikante. Kung tinatrato ang Aplikante bilang isang joint venture para sa mga layuning pang-pederal na income
tax (ang tanging mga miyembro ng joint venture ay ang kasal na mag-asawa na nag-file ng joint return at ang bawat isa ay nag-file ng Schedule C),
ipinapalagay ang parehong mag-asawa bilang mga sole proprietor at may-ari ng Aplikante.
SBA Form 2483-C (3/21) 5
Programa sa Proteksyon ng Suweldo
Application Form ng Humihiram para sa Mga Nag-file ng Schedule C Gamit ang Gross Income
Binago Marso 18, 2021
Para sa mga layunin ng pag-uulat (opsyonal) ng impormasyong demograpiko:
1. Layunin. Ang datos ng beterano/kasarian/lahi/etnisidad ay nakolekta para sa mga layunin lamang sa pag-uulat ng programa.
2. Paglalarawan. Ang form na ito ay humihiling ng impormasyon tungkol sa bawat isa sa mga Principal ng Aplikante. Magdagdag ng mga
karagdagang sheet kung kinakailangan.
3. Kahulugan ng Principal. Ang salitang "Principal" ay nangangahulugang:
Ang self-employed na indibidwal, hiwalay na kontratista, o sole proprietor.
Sinumang indibidwal na pinatatrabaho ng Aplikante para pamahalaan ang pang-araw-araw na operasyon ng Aplikante ("pangunahing
empleyado").
4. Pangalan ng Principal. Ilagay ang buong pangalan ng Principal.
5. Posisyon ng Principal. Tukuyin ang posisyon ng Principal: self-employed na indibidwal, hiwalay na kontratista, sole proprietor, o
pangunahing empleyado.
Batas sa Pagbabawas ng Papeles – Hindi ka kinakailangang tumugon sa pagkolekta ng impormasyon na ito maliban kung nagpapakita ito ng kasalukuyang
balidong OMB Control Number. Ang tinatayang oras para sa pagkumpleto ng applikasyon na ito, kabilang ang pangangalap ng data na kinakailangan, ay 8
minuto. Ang mga komento tungkol sa oras na ito o ang hiniling na impormasyon ay dapat na ipadala sa: Small Business Administration, Director, Records
Management Division, 409 3rd St., SW, Washington DC 20416, at/o SBA Desk Officer, Office of Management and Budget, New Executive Office Building,
Washington DC 20503. HUWAG IPAPADALA ANG MGA FORM SA MGA ADDRESS NA ITO.
Batas sa Pagkapribado (5 U.S.C. 552a) – Sa ilalim ng mga probisyon ng Privacy Act, hindi mo kinakailangang ibigay ang numero ng social security mo.
Ang kabiguang ibigay ang iyong numero ng social security ay maaaring hindi makaapekto sa anumang karapatan, benepisyo o pribilehiyo na kung saan
may karapatan ka. (Ngunit tingnan ang Debt Collection Notice patungkol sa taxpayer identification number sa ibaba.) Ang mga paghahayag ng pangalan at
iba pang mga personal na pagkakakilanlan ay kinakailangan upang magbigay sa SBA ng sapat na impormasyon upang makagawa ng isang pagpapasiya ng
character. Kapag tinatasahan ang katauhan, isinasaalang-alang ng SBA ang integridad, pagkamakatotohanan, at disposisyon ng tao sa mga kriminal na
paghahabla. Bukod pa rito, partikular na pinahintulutan ang SBA na i-verify ang iyong kasaysayan ng kriminal, o kawalan nito, alinsunod sa seksyon
7(a)(1)(B), 15 U.S.C. Seksyon 636(a)(1)(B) ng Small Business Act.
Pagsiwalat ng Impormasyon – Ang mga kahilingan para sa impormasyon tungkol sa ibang partido ay maaaring tanggihan maliban kung ang SBA ay may
nasusulat na pahintulot ng indibidwal na ilabas ang impormasyon sa humihiling o maliban kung ang impormasyon ay napapailalim sa pagsisiwalat sa ilalim
ng Freedom of Information Act. Pinapayagan ng Privacy Act ang SBA na gumawa ng ilang mga “karaniwang paggamit” ng impormasyong protektado ng
Act (batas) na iyon. Ang isang tulad ng regular na paggamit ay ang pagsisiwalat ng impormasyong napanatili sa system ng mga tala ng SBA kapag ang
impormasyong ito ay nagpapahiwatig ng isang paglabag o potensyal na paglabag sa batas, sibil man, kriminal, o administratibo ang klase. Partikular,
maaaring i-refer ng SBA ang impormasyon sa naaangkop na ahensya, maging Pederal, Estado, lokal o dayuhan, na sinisingil ng responsibilidad para sa, o
kung hindi man kasangkot sa pagsisiyasat, pag-uusig, pagpapatupad o pag-iwas sa mga naturang paglabag. Ang isa pang nakagawian na paggamit ay ang
pagsisiwalat sa iba pang mga ahensiyang Pederal na nagsasagawa ng mga pagsusuri sa background ngunit nahahanggan sa impormasyon na nauugnay sa
paggana ng mga humihiling na ahensya. Basahin ang, 74 F.R. 14890 (2009), at tulad ng susugan paminsan-minsan para sa karagdagang background at iba
pang nakagawiang gamit. Bilang karagdagan, hinihingi ng CARES Act sa SBA na irehistro ang bawat utang na isinagawa sa ilalim ng Paycheck Protection
Program gamit ang Taxpayer Identification Number (TIN) na nakatalaga sa humihiram.
Debt Collection Act ng 1982, Deficit Reduction Act ng 1984 (31 U.S.C. 3701 et seq. at iba pang pamagat) – Dapat makuha ng SBA ang iyong taxpayer
identification number kapag nag-apply ka para sa isang loan. Kung nakatanggap ka ng pautang, at hindi nagbayad sa takdang oras, maaaring gawin ng SBA:
(1) i-ulat ang katayuan ng iyong (mga) utang sa mga credit bureaus, (2) umarkila ng isang ahensya ng pangongolekta upang kolektahin ang iyong utang, (3)
i-offset ang iyong income tax refund o iba pang mga halaga na nauukol sa iyo mula sa Pamahalaang Pederal, (4) suspindihin o i-debar ka o ang iyong
kumpanya mula sa paggawa ng negosyo sa Pamahalaang Pederal, (5) isangguni ang iyong utang sa Kagawaran ng Hustisya, o (6) gumawa ng iba pang
aksyon na pinapayagan sa mga instrumento sa utang.
Karapatan sa Batas sa Pagkapribado sa Pinansiyal ng 1978 (12 U.S.C. 3401) – Nagbibigay ang Right to Financial Privacy Act ng 1978, ng karapatan
sa SBA na ma-access ang mga record ng pananalapi na hawak ng mga institusyon sa pananalapi na nakikipagnegosyo sa iyo o sa iyong negosyo kasama
ang anumang mga institusyong pampinansiyal na nakikilahok sa isang pautang o garantiya sa utang. Kinakailangan lamang ang SBA na magbigay ng isang
sertipiko ng pagsunod nito sa Batas sa isang institusyong pampinansiyal kaugnay sa unang kahilingan nito para sa pag-access sa iyong mga rekord sa
pananalapi. Ang mga karapatan sa pag-access ng SBA ay nagpapatuloy para sa termino ng anumang naaprubahang kasunduan sa pag-garantiya ng utang.
Pinahintulutan din ang SBA na ilipat sa ibang awtoridad ng Pamahalaan ang anumang mga talaang pampinansiyal hinggil sa isang naaprubahang utang o
garantiya sa pautang, kung kinakailangan upang maproseso, maka-serbisyo o magremata sa isang garantiya sa pautang o makolekta sa isang na-default na
garantiya sa pautang.
Freedom of Information Act (5 U.S.C. 552) – Ipinagkakaloob ng batas na ito, nang may ilang pagbubukod, na dapat magbigay ang SBA ng impormasyon
na sumasalamin sa mga file ng ahensiya at mga record sa isang taong humihiling dito. Ang impormasyon tungkol sa naaprubahang mga pautang na sa
pangkalahatan ay inilabas ay kasama, bukod sa iba pang mga bagay, na mga istatistika sa aming mga programa sa pautang (ang mga indibidwal na nanghiram
ay hindi kinilala sa mga istatistika) at iba pang impormasyon tulad ng mga pangalan ng mga nanghiram, ang halaga ng utang, at ang uri ng ang utang. Ang
pansariling datos sa isang nanghihiram ay hindi regular na maipagagamit sa mga third party. Lahat ng kahilingan sa ilalim ng Act na ito ay dapat idulog sa
pinakamalapit na tanggapan ng SBA at makilala bilang isang kahilingan sa Freedom of Information.
Occupational Safety and Health Act (15 U.S.C. 651 et seq.) – Maaaring hingin ng Occupational Safety and Health Administration (OSHA) sa mga
negosyo na baguhin ang mga pasilidad at pamamaraan para maprotektahan ang mga empleyado. Ang mga negosyong hindi sumusunod ay maaaring
pagmultahin at hingin na bawasan ang mga panganib sa kanilang lugar ng trabaho. Maaari din silang utusan na itigil ang mga operasyon na nagbibigay ng
napipintong panganib ng pagkamatay o malubhang pinsala hanggang sa maprotektahan ang mga empleyado. Ang paglagda sa form na ito ay sertipikasyon
na ang aplikante, sa abot ng kanyang nalalaman, ay sumusunod sa mga umiiral na rekisito ng OSHA, at mananatiling sumusunod sa itatagal ng pautang.
SBA Form 2483-C (3/21) 6
Programa sa Proteksyon ng Suweldo
Application Form ng Humihiram para sa Mga Nag-file ng Schedule C Gamit ang Gross Income
Binago Marso 18, 2021
Civil Rights (13 C.F.R. 112, 113, 117) – Dapat sumang-ayon ang lahat ng negosyong tumatanggap ng tulong pinansyal ng SBA na hindi magtatangi-tangi
sa anumang kagawian sa negosyo, kabilang ang mga kagawian sa pagpapatrabaho at mga serbisyo sa publiko batay sa mga kategorya na nabanggit sa 13
C.F.R., Part 112, 113, at 117 ng Mga Regulasyon ng SBA. Dapat ipakita ng lahat ng mga nangutang ang "Equal Employment Opportunity Poster" na
inireseta ng SBA.
Equal Credit Opportunity Act (15 U.S.C. 1691) – Ipinagbabawal sa mga nagpapahiram na magtangi-tangi sa mga aplikante ng kredito batay sa lahi,
kulay, relihiyon, pambansang pinagmulan, kasarian, katayuan sa pag-aasawa o edad (sa kondisyon na ang aplikante ay may kakayahang pumasok sa isang
umiiral na kontrata); dahil ang lahat o bahagi ng kita ng aplikante ay nagmula sa anumang programa sa tulong publiko; o sapagkat ginamit ng aplikante
nang may mabuting hangarin ang anumang karapatan sa ilalim ng Consumer Credit Protection Act.
Debarment and Suspension Executive Order 12549 (2 C.F.R. Part 180 at Part 2700) – Sa pagsumite ng aplikasyon sa pautang na ito, pinapatunayan
mo na wala alinman sa Aplikante o sinumang may-ari ng Aplikante sa loob ng tatlong taon ang: (a) na-debar, suspendido, dineklarang hindi karapat-dapat
o kusang hindi ibinilang sa paglahok sa isang transaksiyon ng anumang Ahensiyang Pederal; (b) pormal na pinanukala para ma-debar, nam ay nakabinbin
na pinal na pagtutukoy; (c) nasakdal, nahatulan, o may hatol na sibil na ipinataw laban sa iyo para sa anumang pagkakasala na nakalisata sa mga regulasyon
o (d) delingkwente sa anumang halagang pagkakautang sa U.S. Pamahalaan o mga kagamitan nito hanggang sa petsa ng pagpapatupad ng sertipikasyong ito.
SBA Form 2483-C (3/21) 7
File and source
- File
- 2021-04_BorrowerApplication2483CARPrevisions-final-3-18-21-_tagalog.pdf
- Size
- 302,178 bytes
- SHA-256
- ca65c2ab7487051fc824c0fd5ea67ea717cbf4c33ed801ff6916cc073d8fc873
- Original
- www.sba.gov