Programa para sa Proteksyon ng Paycheck Form ng Aplikasyon ng Nangungutang Rebiso June 24, 2020
Summary
Tagalog-language version of the PPP borrower application form (Form ng Aplikasyon ng Nangungutang), OMB Control No. 3245-0407, form 001D, marked Rebiso June 24, 2020 and expiring 10/31/2020. The form asks applicants to select a business type, including sole proprietor, partnership, C-Corp, S-Corp, LLC, independent contractor, eligible self-employed individual, 501(c)(3) nonprofit, 501(c)(19) veterans organization and tribal business. It then asks for business details, the loan calculation, ownership and eligibility answers.
Summary drafted by a model from the document's text below and checked by script against that text before publication. It is a navigation aid, not a reading of what the document proves. Where AI is used
Full text
OMB Control No.: 3245-0407
Programa para sa Proteksyon ng Paycheck Petsa ng Pag-expire: 10/31/2020
Form ng Aplikasyon ng Nangungutang 001D – Tagalog - Tagalog
Rebiso June 24, 2020
Lagyan ng Check ang Isa: Nag-iisang may-ari Partnership C-Corp DBA o Tradename kung Naaangkop
S-Corp LLC Independent contractor
Kwalipikadong self-employed na indibidwal 501(c)(3) nonprofit
501(c)(19) organisasyon ng mga beterano
Tribal business (sec. 31(b)(2)(C) ng Small Business Act) Iba pa
Legal na Pangalan ng Negosyo
Address ng Negosyo TIN (EIN, SSN) ng Negosyo Numero ng Telepono ng Negosyo
( ) -
Pangunahing Contact Email Address
Average na Buwanang $ x 2.5 + EIDL, Net ng $ Bilang ng Mga
Payroll: Advance (kung Naaangkop) Empleyado:
ay Katumbas ng Hinihiling na
Loan:
Dahilan ng pag-loan
(pumili ng higit sa isa):
Payroll Renta / Interes sa Mortgage Mga Utility Iba pa (ipaliwanag): _________________
Pagmamay-ari ng Aplikante
Ilista ang lahat ng nagmamay-ari ng 20% o higit pa ng equity ng Aplikante. Maglakip ng hiwalay na sheet kung kailangan.
% ng Pagmamay-
Pangalan ng May-ari Titulo ari TIN (EIN, SSN) Address
Kung “Oo” ang sagot sa tanong (1) o (2) sa ibaba, hindi aaprubahan ang loan.
Tanong Oo Hindi
1. Kasalukuyan bang sinuspinde, na-debar, iminumungkahing ma-debar, idineklarang hindi kwalipikado, o boluntaryong hindi
isinama ng anumang departamento o ahensya ng Pederal ang Aplikante o sinumang may-ari, o kasalukuyan ba itong/siyang
nauugnay sa pagkabangkarote?
2. Ang Aplikante, sinumang may-ari nito, o anumang negosyong pagmamay-ari o pinapangasiwaan ng sinuman sa kanila ay
kumuha na ba ng direktang loan o garantisadong loan mula sa SBA o anupamang ahensya ng Pederal na kasalukuyang
delingkwente o hindi nakapagbayad sa takdang panahon sa nakalipas na 7 taon at nagdulot ng pagkalugi sa gobyerno?
3. Nagmamay-ari ba ng anumang iba pang negosyo ang Aplikante o sinumang may-ari o ito, o siya ba ay kasama sa pamamahala
ng anumang iba pang negosyo? Kung oo, ilista ang lahat ng naturang negosyo at ilarawan ang ugnayan sa isang hiwalay na
sheet na tutukuying addendum A.
4. Nakatanggap ba ang Aplikante ng SBA Economic Injury Disaster Loan sa pagitan ng Enero 31, 2020 at Abril 3, 2020? Kung
oo, magbigay ng mga detalye sa isang hiwalay na sheet na tutukuying addendum B.
SKung “Oo” ang sagot sa tanong (5) o (6), hindi aaprubahan ang loan.
Tanong Oo Hindi
5. Ang Aplikante (kung isang indibidwal) o sinumang indibidwal na nagmamay-ari ng 20% o higit pa ng equity ng Aplikante ay
kasalukuyan bang nakakulong, para sa anumang krimen, kasalukuyang napapailalim sa pagsasakdal, kriminal na
impormasyon, paghahabla, o iba pang paraan ng pormal na pagsasampa ng kasong krimen sa anumang hurisdiksyon?
Ilagay ang inisyal dito upang kumpirmahin ang iyong tugon sa tanong 5 → ___________________
6. Sa nakaraang 5 taon, para sa anumang mabigat na kasalanan, kung saan nasasangkot ang pandaraya, panunuhol, pagpapalabas,
o isang maling pahayag sa isang aplikasyon ng pautang o isang aplikasyon para sa tulong pinansiyal, o sa loob ng nakaraang
taon, para sa anumang krimen ang Aplikante (kung isang indibidwal) o sinumang nagmamay-ari ng Aplikasyon ay maaaring
1) masentensyahan; 2) magkaron ng pananagutan sa batas; 3) nangatwirang nolo contendere; 4) napailalim sa anumang uri ng
parole o probasyon (kabilang ang probasyon bago ang paghahatol)?
Ilagay ang inisyal dito upang kumpirmahin ang iyong tugon sa tanong 6 → ___________________
7. Ang United States ba ang pangunahing lugar ng tirahan ng lahat ng empleyado ng Aplikante na kabilang sa kalkulasyon ng
payroll ng Aplikante sa itaas?
8. Ang Aplikante ba ay isang franchise na nakalista sa Direktoryo ng Franchise ng SBA?
1
SBA Form 2483 (06/20)
Programa para sa Proteksyon ng Paycheck
Form ng Aplikasyon ng Nangungutang
Rebiso June 24, 2020
Sa Pamamagitan ng Paglagda sa Ibaba, Ginagawa Mo ang Mga Sumusunod na Pagsasaad, Pagpapahintulot, at Pagpapatunay
MGA PAGSASAAD AT PAGPAPAHINTULOT
Isinasaad ko na:
• Nabasa ko ang mga pahayag na nasa form na ito, kabilang ang Mga Pahayag na Iniaatas ng Batas at Kautusang Tagapagpaganap, at nauunawaan ko ang
mga ito.
• Kung kwalipikado ang Aplikante na makatanggap ng loan sa ilalim ng mga panuntunang umiiral noong isinumite ang aplikasyong ito na inisyu ng Small
Business Administration (SBA) na nagpapatupad sa Programa para sa Proteksyon ng Paycheck sa ilalim ng Division A, Pamagat I ng Coronavirus Aid,
Relief, and Economic Security Act (CARES Act) (ang Panuntunan sa Programa para sa Proteksyon ng Paycheck).
• Ang Aplikante (1) ay isang independent contractor, kwalipikadong self-employed na indibidwal, o nag-iisang may-ari o (2) may mga tauhang hindi hihigit
sa 500 o mga empleyado o, kung naaangkop, ang pamantayang laki sa bilang ng mga empleyado na ipinatupad ng SBA sa 13 C.F.R. 121.201 para sa
industriya ng Aplikante.
• Kung naaangkop, susunod ako sa mga paghihigpit ng karapatang sibil at iba pang paghihigpit sa form na ito..
• Ang lahat ng kikitain sa loan sa SBA ay gagamitin lang para sa mga layuning nauugnay sa negosyo gaya ng nakasaad sa aplikasyon para sa loan at tugma
sa Panuntunan sa Programa para sa Proteksyon ng Paycheck.
• Hangga’t maaari, mga kagamitan at produkto lang na gawa sa America ang bibilhin ko.
• Ang Aplikante ay hindi gumagawa o nasasangkot sa anumang aktibidad na ilegal sa ilalim ng batas ng pederal, batas ng estado, o batas ng lokal na gobyerno.
• Ang anumang loan na natanggap ng Aplikante sa ilalim ng Seksyon 7(b)(2) ng Small Business Act sa pagitan ng Enero 31, 2020 at Abril 3, 2020 ay para
sa layuning bukod sa pagbabayad ng mga gastos sa payroll at iba pang loan para sa mga pinapayagang paggamit sa ilalim ng Panuntunan sa Programa
para sa Proteksyon ng Paycheck.
Para sa mga Aplikanteng mga indibidwal: Pinapahintulutan ko ang SBA na humiling ng impormasyon hinggil sa record ng krimen tungkol sa akin
mula sa mga ahensya ng katarungan sa krimen upang matukoy ang pagiging kwalipikado ko para sa mga programang pinapahintulutan ng Small
Business Act, gaya ng ginawang pagbabago.
MGA PAGPAPATUNAY
Dapat patunayan ng awtorisadong kinatawan ng Aplikante nang may magandang loob sa lahat ng nasa ibaba sa pamamagitan ng paglalagay ng
inisyal sa tabi ng bawat isa:
____ Nagnenegosyo ang Aplikante noong Pebrero 15, 2020 at mayroong mga empleyado na binigyan ng mga sahod at mga buwis ng payroll o
nagbayad ng mga independent contractor, batay sa iniulat sa (mga) Form na 1099-MISC.
____ Kinakailangan ang kahilingan sa loan na ito dahil sa kasalukuyang pang-ekonomikong sitwasyon upang masuportahan ang isinasagawang
operasyon ng Aplikante.
____ Gagamitin ang mga pondo upang magpanatili ng mga manggagawa at mapanatili ang payroll o upang makapagbayad ng interes ng mortgage,
lease, at utility; gaya ng tinukoy sa Panuntunan sa Programa para sa Proteksyon ng Paycheck; nauunawaan ko na kung gagamitin ang mga pondo
para sa mga hindi pinapahintulutang layunin, maaari akong akusahan ng pederal na gobyerno na may legal na pananagutan, tulad ng pandaraya.
____ Nagbigay ang Aplikante sa Nagpapautang ng dokumentasyon na nagpapatunay sa bilang ng mga full-time na empleyado sa payroll ng Aplikante,
pati ang halaga sa dolyar ng mga gastos sa payroll, sinasaklaw na mga pagbabayad sa interes ng mortgage, pagbabayad sa renta, at sinasaklaw na
mga utility para sa 24 na linggo yugto ng panahon kasunod ng loan na ito.
____ Nauunawaan ko na ibibigay ang pagpapawalang-bisa ng loan para sa halaga ng nakadokumentong mga gastos sa payroll, sinasaklaw na interes
ng mortgage, pagbabayad sa renta, at sinasaklaw na mga utility, at hindi hihigit sa 40% ng pinawalang-bisang halaga ang maaaring ilaan para sa
mga gastos na hindi payroll
____ Mula sa unang bahagi ng Pebrero 15, 2020 at katapusan ng Disyembre 31, 2020, hindi tumanggap at tatanggap ang Aplikante ng panibagong
loan sa ilalim ng Programa para sa Proteksyon ng Paycheck.
____ Higit kong pinapatunayang ang impormasyong nakalagay sa aplikasyong ito at ang impormasyong ibinigay ko sa lahat ng sumusuportang
dokumento at form ay tunay at tumpak sa lahat ng nauugnay na paraan. Alam kong ang pagbibigay ng hindi totoong pahayag upang makakuha
ng garantisadong loan mula sa SBA ay maaaring mapatawan ng parusa sa ilalim ng batas, kabilang ang 18 USC 1001 at 3571 kung saan
maaaring makulong nang hindi lalampas sa limang taon at/o maaaring pagmultahin nang hanggang $250,000; sa ilalim ng 15 USC 645 kung saan
maaaring makulong nang hindi lalampas sa dalawang taon at/o maaaring pagmultahin nang hindi hihigit sa $5,000; at kung dadalhin sa
institusyong sakop ng Pederal, sa ilalim ng 18 USC 1014, maaaring makulong nang hindi lalampas sa tatlumpung taon at/o maaaring
pagmultahin nang hindi hihigit sa $1,000,000.
____ Kinikilala ko na kukumpirmahin ng nagpapautang ang kwalipikadong halaga ng loan gamit ang mga isinumiteng kinakailangang dokumento.
Nauunawaan, kinikilala, sinasang-ayunan ko na maaaring magbahagi ang Nagpapautang ng anumang impormasyon sa buwis na ibinigay ko sa
mga awtorisadong kinatawan ng SBA, kabilang ang mga awtorisadong kinatawan ng SBA Office of Inspector General, para sa layuning
pagsunod sa Mga Kinakailangan sa Programa sa Loan ng SBA at lahat ng pagsusuri ng SBA
_________________________________________________________ ___________________________
Lagda ng Awtorisadong Kinatawan ng Aplikante Petsa
_________________________________________________________ ___________________________
Naka-print na Pangalan Titulo
2
SBA Form 2483 (06/20)
Programa para sa Proteksyon ng Paycheck
Form ng Aplikasyon ng Nangungutang
Rebiso June 24, 2020
Layunin ng form na ito:
Ang form na ito ay kukumpletuhin ng awtorisadong kinatawan ng Aplikante at isusumite ito ng iyong Nauugnay na Nagpapautang ng SBA.
Kailangang isumite ang hinihiling na impormasyong ito upang makapagpasya tungkol sa pagiging kwalipikado para sa pinansyal na tulong.
Maaapektuhan ang pagpapasyang iyon kapag hindi naisumite ang impormasyon.
Mga tagubilin para sa pagsagot sa form na ito:
Alinsunod sa “layunin ng loan,” bahagi ng mga gastos sa payroll ang kabayaran sa mga empleyado (na pangunahing naninirahan sa United States)
sa anyo ng suweldo, sahod, mga komisyon, o katulad na kabayaran; mga cash tip o pareho nito (batay sa mga record ng employer ng mga dating
tip o, kung walang ganoong record, tatantiyahan ng makatwiran at may magandang-loob na employer ang mga naturang tip); pagbabayad sa
bakasyon, parental, family, medical, o sick leave; allowance para sa pag-alis o pagkakatanggal; pagbabayad para sa probisyon ng mga benepisyo
ng empleyado kabilang ang mga panggrupong saklaw sa pangangalagang pangkalusugan, kasama ang mga premium sa insurance, at pagreretiro;
pagbabayad sa mga pang-estado at lokal na buwis na tinasa batay sa kabayaran sa mga empleyado; at para sa isang independent contractor o nag-
iisang nagmamay-ari, sahod, mga komisyon, kita, o net na kita mula sa self-employment o katulad na kabayaran.
Upang makalkula ang “Average na Buwanang Payroll,” ginagamit ng karamihan sa Mga Aplikante ang average na buwanang payroll para sa 2019,
hindi kasama ang mga gastusing lampas sa $100,000 kada taon para sa bawat empleyado. Para sa mga negosyong nakadepende sa panahon,
maaaring piliin ng Aplikante na gamitin na lang ang average na buwanang payroll para sa yugto ng panahon sa pagitan ng Pebrero 15, 2019 at
Hunyo 30, 2019, o di kaya kahit alin man sa 12 linggo sa loob ng May 1, 2019 hanggang Septyembre 15, 2019 hindi kasama ang mga gastusing
lampas sa $100,000 kada taon para sa bawat empleyado Para sa mga bagong negosyo, ang average na buwanang payroll ay maaaring kalkulahin
gamit ang yugto ng panahon mula Enero 1, 2020 hanggang Pebrero 29, 2020, hindi kasama ang mga gastusing lampas sa $100,000 kada taon para
sa bawat empleyado.
Kung ang Aplikante ay nagre-refinance ng Economic Injury Disaster Loan (EIDL): Idagdag ang natitirang halaga para sa isang EIDL na ginawa sa
pagitan ng Enero 31, 2020 at Abril 3, 2020, ibawas ang halaga ng anumang “advance” sa ilalim ng EIDL COVID-19 loan, sa Kahilingan sa Loan
gaya ng nakasaad sa form.
Gaya ng nakasaad sa 13 CFR § 120.10, ang lahat ng party na nakalista sa ibaba ay itinuturing na mga may-ari ng Negosyo ng Aplikante at bukod
pa rito, itinuturing din silang “mga principal.”
• Para sa nag-iisang pagmamay-ari, ang nag-iisang nagmamay-ari;
• Para sa isang partnership, lahat ng pangkalahatang partner, at lahat ng limitadong partner na nagmamay-ari ng 20% o higit pa ng equity
ng kumpanya;
• Para sa isang korporasyon, lahat ng nagmamay-ari ng 20% o higit pa ng korporasyon;
• Para sa mga limited liability company, lahat ng miyembro na nagmamay-ari ng 20% o higit pa ng kumpanya; at
• Sinuman/Anumang Trustor (kung ang Aplikante ay pagmamay-ari ng isang trust).
Paperwork Reduction Act – Hindi mo kailangang tumugon sa pangongolektang ito ng impormasyon maliban na lang kung nagpapakita ito ng
kasalukuyang valid na OMB Control Number. 8 minuto ang tinatantyang oras para sa pagkumpleto sa aplikasyong ito, kabilang ang pangangalap
ng kailangang data. Ang mga komento tungkol sa oras na ito o sa impormasyong hinihiling ay dapat ipadala sa: Small Business Administration,
Director, Records Management Division, 409 3rd St., SW, Washington DC 20416., and/or SBA Desk Officer, Office of Management and Budget,
New Executive Office Building, Washington DC 20503. PAKIUSAP HUWAG MAGPADALA NG FORM SA MGA ADDRESS NA ITO.
Privacy Act (5 U.S.C. 552a) – Sa ilalim ng mga probisyon ng Privacy Act, hindi mo kailangang ibigay ang iyong social security number. Ang
hindi pagbibigay ng iyong social security number ay maaaring hindi makaapekto sa anumang karapatan, benepisyo, o pribilehiyong karapat-dapat
mong makuha. (Ngunit tingnan ang Abiso sa Pangongolekta ng Utang tungkol sa taxpayer identification number sa ibaba). Kailangang maghayag
ng pangalan at iba pang personal na pagkakakilanlan upang makapagbigay sa SBA ng sapat na impormasyon upang makagawa ng pagpapasya
tungkol sa karakter. Kapag nagsusuri ng karakter, isinasaalang-alang ng SBA ang integridad at katapatan ng tao pati na rin ang kakayahan niyang
gumawa ng krimen. Bukod pa rito, partikular na pinapahintulutan ang SBA na alamin kung nakagawa ka na ng krimen o hindi, alinsunod sa
seksyon 7(a)(1)(B), 15 USC Seksyon 636(a)(1)(B) ng Small Business Act (ang Act).
Paghahayag ng Impormasyon – Maaaring tanggihan ang mga kahilingan para sa impormasyon tungkol sa ibang party maliban na lang kung ang
SBA ay may nakasulat na pahintulot ng indibidwal upang ibigay ang impormsayon sa humiling o maliban na lang kung ang impormasyon ay
napapailalim sa paghahayag sa ilalim ng Freedom of Information Act. Pinapahintulutan ng Privacy Act ang SBA na gumawa ng mga partikular na
“nakasanayang paggamit” ng impormasyon na pinoprotektahan ng nabanggit na Act. Ang isang naturang nakasanayang pamamaraan ng paggamit
ay ang paghahayag ng impormasyong pinapanatili sa system ng mga record ng SBA kapag ang impormasyong ito ay nagpapakita ng paglabag o
posibleng paglabag sa batas, ito man ay sibil, kriminal, o pang-administratibong pagkakasala. Sa partikular, maaaring isangguni ng SBA ang
impormasyon sa naaangkop na ahensya, ito man ay sa Pederal, Estado, lokal, o ibang bansa, na may responsibilidad o may kaugnayan sa
pagsisiyasat, pag-uusig, pagpapatupad, o pagpigil ng mga naturang paglabag.
Ang isa pang nakasanayang pamamaraan ng paggamit ay ang paghahayag sa iba pang ahensya ng Pederal na nagsasagawa ng mga pagsusuri sa
background ngunit hanggang sa nauugnay lang ang impormasyon sa function ng mga humihiling na ahensya. Tingnan ang 74 F.R. 14890 (2009),
at kapag pana-panahong binabago para sa karagdagang background at iba pang nakasanayang pamamaraan ng paggamit. Bukod pa rito, iniaatas ng
CARES Act sa SBA na irehistro ang bawat pag-loan na gagawin sa ilalim ng Paycheck Protection Act gamit ang Taxpayer Identification Number
(TIN) na nakatalaga sa umuutang.
3
SBA Form 2483 (06/20)
Programa para sa Proteksyon ng Paycheck
Form ng Aplikasyon ng Nangungutang
Rebiso June 24, 2020
Debt Collection Act ng 1982, Deficit Reduction Act ng 1984 (31 U.S.C. 3701 at kasunod nito at iba pang pamagat) – Dapat kunin ng SBA
ang iyong taxpayer identification number kapag nag-apply ka para sa loan. Kung makakatanggap ka ng loan at hindi ka magbabayad sa takdang
panahon, ang SBA ay maaaring: (1) iulat sa mga credit bureau ang status ng iyong (mga) loan, (2) mag-arkila ng ahensya sa pangongolekta upang
kolektahin ang iyong loan, (3) i-offset ang iyong refund sa buwis sa kita o ang iba pang halagang makukuha mo mula sa Pederal na Gobyerno, (4)
suspindihin o i-debar ka o ang iyong kumpanya sa pakikipagtransaksyon sa Pederal na Gobyerno, (5) isangguni ang iyong loan sa Department of
Justice, o (6) magremata bilang collateral o gumawa ng ibang pagkilos na pinapahintulutan sa mga instrumento ng pag-loan.
Right to Financial Privacy Act of 1978 (12 U.S.C. 3401) – Ang Right to Financial Privacy Act ng 1978 ay nagbibigay sa SBA ng mga karapatan
sa pag-access sa mga pinansyal na record na hawak ng mga pinansyal na institusyon na nakikipagtransaksyon o matagal nang
nakikipagtransaksyon sa iyo o sa iyong negosyo kabilang ang anumang pinansyal na institusyon na nauugnay sa loan o garantiya sa loan.
Kailangan lang ng SBA na magbigay ng certificate ng pagsunod nito sa Act sa pinansyal na institusyon kaugnay sa una nitong kahilingang i-access
ang iyong mga pinansyal na record. Patuloy na magkakaroon ng mga karapatan sa pag-access ang SBA para sa panahong itatagal ng anumang
naaprubahang kasunduan sa garantiya sa loan. Awtorisado rin ang SBA na maglipat sa ibang awtoridad ng Gobyerno ng anumang pinansyal na
record na nauugnay sa naaprubahang loan o garantiya sa loan kung kailangan para magproseso, magsagawa ng serbisyo, o magremata sa isang
garantiya sa loan o para mangolekta sa isang hindi nabayarang garantiya sa loan.
Freedom of Information Act (5 U.S.C. 552) – Ang SBA ay dapat magbigay ng impormasyong ipinapakita sa mga file at record ng ahensya, nang
napapailalim sa ilang partikular na pagbubukod, sa taong humihiling nito. Bukod sa iba pang bagay, kasama sa impormasyon tungkol sa mga
naaprubahang loan na awtomatikong ilalabas ang mga istatistika sa aming mga programa sa loan (hindi ipinapakita sa mga istatistika ang
pagkakakilanlan ng mga indibidwal na nangungutang) at iba pang impormasyon tulad ng mga pangalan ng mga nangungutang (at ang kanilang
mga opisyal, direktor, stockholder, o partner), ipinangakong collateral upang matiyak ang loan, halaga ng loan, layunin nito nang hindi
idinedetalye, at maturity. Hindi gagawing available palagi sa mga third party ang pinagmamay-ariang data tungkol sa isang nangungutang. Ang
lahat ng kahilingan sa ilalim ng Act na ito ay tutugunan sa pinakamalapit na tanggapan ng SBA at ituturing ang mga ito bilang kahilingan sa
Freedom of Information.
Occupational Safety and Health Act (15 U.S.C. 651 et seq.) – Maaaring hilingin ng Occupational Safety and Health Administration (OSHA) sa
mga negosyo na baguhin ang mga pasilidad at pamamaraan upang protektahan ang mga empleyado. Ang mga negosyong hindi susunod ay
maaaring pagmultahin, puwersahing ihinto ang mga operasyon, o pigilang magsimula ng mga operasyon. Kapag nilagdaan ang form na ito,
nagpapatunay itong ang aplikante, sa abot ng kanyang kaalaman, ay sumusunod sa mga naaangkop na kinakailangan ng OSHA, at mananatili
siyang sumusunod sa panahong itatagal ng loan.
Civil Rights (13 C.F.R. 112, 113, 117) – Ang lahat ng negosyong nakakatanggap ng pinansyal na tulong mula sa SBA ay dapat sumang-ayon na
hindi magdiskrimina sa anumang kagawian sa negosyo, kabilang ang mga kagawian sa trabaho at serbisyo sa publiko batay sa mga kategoryang
nakasaad sa 13 C.F.R., Mga Bahagi 112, 113, at 117 ng Mga Regulasyon ng SBA. Dapat ipakita ng lahat ng nangungutang ang "Poster ng Equal
Employment Opportunity” na iniuutos ng SBA.
Equal Credit Opportunity Act (15 U.S.C. 1691) – Ipinagbabawal ang mga creditor na magdiskrimina ng mga aplikante para sa credit batay sa
lahi, kulay, relihiyon, pinagmulang bansa, kasarian, marital status, o edad (basta’t may kakayahan ang aplikante na pumasok sa isang may bisang
kontrata); dahil nagmumula sa anumang programa sa tulong sa publiko ang lahat o bahagi ng kita ng aplikante; o dahil gumamit ang aplikante ng
anumang karapatan sa ilalim ng Consumer Credit Protection Act nang may magandang loob.
Debarment and Suspension Executive Order 12549; (2 CFR Part 180 and Part 2700) – Sa pamamagitan ng pagsusumite sa aplikasyong ito
para sa loan, pinapatunayan mo na sa loob ng nakalipas na tatlong taon, ang Aplikante o sinumang nagmamay-ari ay hindi: (a) na-debar,
nasuspinde, nadeklarang hindi kwalipikado, o boluntaryong naalis sa pagkakalahok sa isang transaksyon ng anumang Ahensya ng Pederal na
Gobyerno; (b) pormal na iminungkahing ma-debar kung saan nakabinbin pa ang huling pagpapasya; (c) nasakdal, nasentensyahan, o nahatulan ng
parusa sa sibil na paglilitis para sa anumang pagkakasala na nakalista sa mga regulasyon o (d) naging delingkwente sa anumang halagang dapat
bayaran sa Gobyerno ng U.S. o sa mga ahensya nito simula sa petsa ng pagsasagawa ng pagpapatunay na ito.
4
SBA Form 2483 (06/20)
File and source
- File
- 2020-07_PPP-Application-for-translation_tl.pdf
- Size
- 751,355 bytes
- SHA-256
- c5e2c3392ae4e33dc15aeb5be414cd650892b737c535c417c1e8d73227b6a1a0
- Original
- www.sba.gov