Pandemic Darlings The pandemic economy, in original documents
Home Source documents Declaration of Identity Theft (Tagalog)

Declaration of Identity Theft (Tagalog)

Summary

Tagalog-language (Tagalog) version of the SBA Declaration of Identity Theft form, OMB control number 3245-0418, for people who need the SBA to review an outstanding loan or grant because of identity theft. It states that the declaration and its attachments require a handwritten signature and that providing the information is voluntary, though leaving it out may make the problem harder to resolve. Declarations about SBA disaster loans such as COVID EIDL go to one SBA email address and those about PPP loans to another. The form then asks on whose behalf the declaration is made and collects contact details for any representative, parent or guardian.

Summary drafted by a model from the document's text below and checked by script against that text before publication. It is a navigation aid, not a reading of what the document proves. Where AI is used

Full text

                                                                            OMB Control Number 3245-0418
                                                                       Petsa ng Pagkawalang Bisa: 08/31/2024
                                                                                     178 – Tagalog - Tagalog


                                    Deklarasyon ng Pagnanakaw ng
                                 Pagkakakilanlan ng United States Small
                                       Business Administration

        Punan ang form na ito kung kailangan mong iparepaso sa U.S. Small Business Administration ang
        isang di-bayad na loan o kaloob para sa pagnanakaw ng pagkakakilanlan. Bago magsimula,
        pakitandaan na kailangan ang isang nakasulat-kamay na lagda para sa deklarasyon na ito, pati na ng
        mga kalakip (attachment).

        Kusang-loob ang pagbigay ng impormasyon sa form na ito. Gayunpaman, kung hindi mo ibibigay
        ang impormasyon, maaaring mas mahihirapan na matulungan ka sa pagresolba sa problema mo sa
        pagnanakaw ng pagkakakilanlan. Para sa mga Deklarasyon ng Pagnanakaw ng Pagkakakilanlan na
        nauukol sa direktang pisikal at pang-ekonomiya na disaster loan ng SBA, gaya ng COVID
        Economic Injury Disaster Loans (EIDL), ipadala ang napunan na form sa pamamagitan ng email sa:
        IDTheftRecords@sba.gov. Para sa Mga Deklarasyon ng Pananakaw ng Pagkakakilanlan kaugnay ng
        mga loan sa Paycheck Protection Program (PPP), ipadala ang napunan na form sa pamamagitan ng
        email sa: PPPidtheftinquiries@sba.gov.

        Seksyon A – Lagyan ng tsek ang kahon sa ibaba na nalalapat sa sitwasyon na inuulat mo

                Isinusumite ko ang Deklarasyon na ito para sa sarili ko bilang isang sole
                proprietor/indibidwal o bilang awtorisadong kinatawan para sa negosyong may pangalan na
                _________________________________.1
                Isinusumite ko ang Deklarasyon na ito sa ngalan ng anak kong menor-de-edad (o ako ang
                tagabantay (guardian) ng menor-de-edad).2
                Pumanaw na ang biktima ng pagnanakaw ng pagkakakilanlan, at isinusumite ko ang
                Deklarasyon na ito bilang naiwan na asawa, Personal na Kinatawan na Itinalaga ng Korte,
                Tagapagpatupad (Executor), o Administrador.3
                May kapansanan ang biktima ng pagnanakaw ng pagkakakilanlan, at isinusumite ko ang
                Deklarasyon na ito bilang Power of Attorney, Tagabantay na Itinalaga ng Korte, o
                Conservator.4

        Seksyon B – Impormasyon sa pagkontak sa Kinatawan, Conservator, Magulang o
        Tagabantay5

        Apelyido ng Kinatawan:                                        Unang Pangalan:
        Kasalukuyang Pahatirang Sulat (Mailing Address):
        Lungsod:                         Estado:               ZIP Code:

        Numero ng Telepono:                            Alternatibong Numero ng Telepono:
        Email address:




SBA Form 3513 (08-21)
        Seksyon C – Pangalan at impormasyon sa pagkontak ng Biktima ng Pagnanakaw ng
        Pagkakakilanlan

        Apelyido ng Biktima:                                        Unang Pangalan:
        Numero ng Social Security (Pakibigay ang 9-digit na Numero ng Social Security):
        Kasalukuyang Pahatirang Sulat (Mailing Address):
        Lungsod:                           Estado:                    Zip Code:
        Numero ng Telepono:                           Alternatibong Numero ng Telepono:
        Email address:

        Punan kung naaangkop:
        Pangalan ng Negosyo ng Biktima:
        (Mga) Pangalan ng (Mga) May-ari ng Negosyo:
        Taxpayer Identification Number (EIN, TIN, o ITIN):
        Kasalukuyang Pahatirang Sulat (Mailing Address) ng Negosyo:
        Lungsod:                           Estado:                  ZIP Code:

        Seksyon D – Deklarasyon

        Pakirepaso nang mabuti ang impormasyon na ibinigay mo sa form na ito. Pagkatapos ay repasuhin ang
        pahayag na ibinigay sa ibaba, at kung naaangkop, lagdaan at petsahan sa mga ibinigay na field.
        Pakitandaan kailangan mong lagdaan nang sulat-kamay ang deklarasyon na ito. Hindi tatanggapin ang
        mga elektronikong lagda. Kung kailangan ng karagdagang espasyo para sa alinmang item, maglakip ng
        mga karagdagang pahina.

        Ako si,                                 , na nananahan sa
        ay idinedeklara rito nang may kaparusahan sa pagsisinungaling sa ilalim ng panunumpa ang mga
        sumusunod:

        Pakilagyan ng tsek at punan nang naaangkop:
                Noong o humigit-kumulang noong ________________, isinasaad ko na may taong
                gumamit ng impormasyon na nakatutukoy sa pagkatao (personal identifying information,
                PII) ko o impormasyong nakatutukoy sa negosyo ko nang walang pahintulot o kaalaman ko
                para makakuha ng (mga) loan na gamit ang pangalan ko mula sa U.S. Small Business
                Administration o mula sa isang Nagpapahiram ng PPP. Pakisama ang anumang nalalamang
                impormasyon tungkol sa loan (ang (mga) loan o application number, (mga) halaga o
                anumang iba pang detalye).




                Ihayag kung paano mo nabatid na ginamit ang pagkakakilanlan mo para makuha ang (mga)
                loan na ito:




SBA Form 3513 (08-21)
                 Kinukumpirma ko na hindi ko hiniling ang loan (o ng negosyo ko) maging binigyan ng
                 awtorisasyon ang sinuman na magsumite ng aplikasyon para sa akin (o negosyo ko).

                 Kinukumpirma ko na wala akong ginamit na pera ng loan (o ang negosyo ko) o
                 pinakinabangan o anumang iba pang layunin na maaaring makinabang ako (o negosyo ko).

                 May nalalaman ka bang iba pang paggamit sa pagkakakilanlan mo para makahiram ng
                 anumang iba pang pera, kabilang ang pagkuha ng mga credit card, o para mag-file ng pang-
                 estado o pederal na income tax return, kung oo, pakilarawan ito:




                 Kinakailangan mong ilakip at ipadala kasama ng form na ito ng opisyal na kopya
                 ng police report o isang opisyal na ulat na inihain sa isang ahensya sa pagpapatupad
                 ng batas pederal gaya ng FTC, FBI o United States Secret Service kaugnay ng bagay
                 na ito.
                 Kinakailangan mong ilakip at ipadala kasama ng form na ito ng kopya ng isang
                 balidong lisensya sa pagmamaneho, U.S. Passport, U.S. Military ID, o iba pang
                 balidong ID na inisyu ng isang ahensyang pang-estado o pederal.

        Idinedeklara ko nang may parusa sa pagsisinungaling sa ilalim ng batas, alinsunod sa 28 U.S.C. §
        1746 na ang impormasyon na ibinigay sa Deklarasyon na ito ay batay sa personal na impormasyon
        ko at ito ay totoo at wasto.6



                 ___________________                           __________________________
                            Petsa                                       Lagda ng Nagdeklara


                                           PRIVACY ACT (5 U.S.C. § 552a)

        Ang impormasyon na ibinigay sa form na ito ay protektado ng Privacy Act, 5 U.S.C 552a, na nagbabawal sa
        pamahalaang pederal na isiwalat ang personal na impormasyon tungkol sa isang indibidwal nang walang
        pahintulot ng naturang indibidwal. Binibigyang awtorisasyon ng Privacy Act ang SBA na magsagawa ng
        ilang karaniwang paggamit sa impormasyon na protektado ng Act (batas) ayon sa itinakda sa System of
        Records Notices, 69 F.R. 58598. Ang form na ito o ang impormasyon na ibinigay sa form na ito ay maaaring
        gawing magagamit ng mga ahensyang pederal, pang-estado, at/o lokal sa pagpapatupad ng batas na inatasan o
        kaya’y kaugnay sa imbestigasyon, paglilitis, pagpapatupad o pagpipigil sa mga naturang paglabag sa batas.

        Alinsunod sa mga probisyon ng Privacy Act, hindi mo kailangang magbigay ng mga numero ng social
        security. Gayunpaman, kung hindi mo ibibigay ang impormasyon, maaaring mas mahihirapan na matulungan
        ka sa pagresolba sa problema mo sa pagnanakaw ng pagkakakilanlan. Paalala: Sinumang tao na may
        alalahanin sa pagkolekta, paggamit at pagsiwalat ng impormasyon, alinsunod sa Privacy Act ay maaaring
        makipag-ugnayan sa Chief, FOI/ PA Office, 409 3rd Street, SW, Suite 5900, Washington, DC 20416 o sa
        pamamagitan ng e-mail sa foia@sba.gov para sa impormasyon tungkol sa mga pamamaraan ng Ahensya na
        may-kinalaman sa Privacy Act at sa Freedom of Information Act.


SBA Form 3513 (08-21)
        PAKITANDAAN: Ayon sa Paperwork Reduction Act, hindi ka kinakailangang tumugon sa pagkolekta ng
        impormasyon na ito maliban kung ipinapakita nito ang isang kasalukuyang balidong OMB Control Number.
        Ang tinatayang gugugulin para tapusin ang form na ito, kabilang ang oras para aralin ang mga tagubilin,
        pagtipon ng kinakailangang data, at pagsagot at pagrepaso sa form ay 15 minuto. Dapat na ipadala ang mga
        komento o katanungang sa mga tinatayang gugugulin sa U.S. Small Business Administration, Director,
        Records Management Division, 409 3rd St., SW, Washington DC 20416, at/o sa SBA Desk Officer, Office of
        Management and Budget, New Executive Office Building, Rm. 10202, Washington DC 20503. HUWAG
        IPAPADALA ANG MGA FORM SA MGA ADDRESS NA ITO.




        1
         Kung isinusumite mo ang form na ito para sa negosyo mo, sa pamamagitan ng paglagay ng tsek sa kahon na ito at
        paglagda sa Deklarasyon, ipinababatid mo na ikaw ay isang awtorisadong kinatawan ng negosyo o legal na may-ari ng
        negosyo.
        2
         Sa paglagay ng tsek sa kahon na ito at paglagda sa Deklarasyon, ipinababatid mo na ikaw ay isang awtorisadong
        kinatawan (bilang isang magulang, tagabantay, o legal na tagabantay) para magsumite at lumagda para sa menor-de-
        edad.
        3
         Sa paglagay ng tsek sa kahon na ito at paglagda sa Deklarasyon, ipinapabatid mo na ikaw ang naiwang asawa, personal
        na kinatawan na itinalaga ng Korte, Executor, o Administrador at awtorisado kang isumite at lagdaan ang Deklarasyon.
        4
         Sa paglagay ng tsek sa kahon na ito at paglagda sa Deklarasyon, ipinapabatid mo na may taglay kang Power of
        Attorney o ang Tagabantay na Itinalaga ng Korte, o Conservator at awtorisado kang isumite at lagdaan ang Deklarasyon.
        5
            Punan kung may ibang tao na bukod sa Biktima ng Pagnanakaw ng Pagkakakilanlan ang nagsusumite ng Deklarasyon.
        6
         BABALA: Bilang karagdagan, ang anumang kasinungalingan o maling impormasyon sa SBA ay maaaring magresulta
        sa kriminal, sibil o administratibong kaparusahan kabilang ngunit hindi limitado sa: 1) mga multa at pagkakabilanggo, o
        pareho, alinsunod sa 15 U.S.C. 645, 18 U.S.C. 645, 18 U.S.C. 1001, 18 U.S.C. 1014, 18 U.S.C. 1040, 18 U.S.C. 3571, at
        anumang iba pang umiiral na batas; 2) treble damages (kung saan maaaring bayaran ng triple ang nagsasakdal) at mga
        multang sibil alinsunod sa False Claims Act, 31 U.S.C. 3729; 3) dobleng bayad-pinsala at mga multang sibil alinsunod
        sa Program Fraud Civil Remedies Act, 31 U.S.C. 3802; at 4) suspensyon at/o pagbabawal na lumahok sa lahat ng
        Pederal na mga transaksiyon ng pagbili o hindi pagbili. Maaaring taasan ang mga multa kung iatas ng Federal Civil
        Penalties Inflation Adjustment Act Improvements Act of 2015.




SBA Form 3513 (08-21)


File and source

File
2021-11_3513-08-21-Declaration-of-Identity-Theft-508_Tagalog.pdf
Size
261,252 bytes
SHA-256
8bd6df086c5f011812b24469e87b89f6e5671880ac6877ffa57d19ba8a1adb2f
Our copy
2021-11_3513-08-21-Declaration-of-Identity-Theft-508_Tagalog.pdf
Original
www.sba.gov
Back to top